25 Tanong At Sagot - WHO

2y ago
37 Views
2 Downloads
1.32 MB
41 Pages
Last View : 1m ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Giovanna Wyche
Transcription

25TanongatSagothinggil saKalusuganatKarapatangPantaoHealth & Human RightsPublication SeriesIssue No. 1, July 2002World Health Organization

25TA N O N GATSAGOT HINGGILSAKALUSUGANATKARAPATANG PANTAOAcknowledgements:25 Questions and Answers on Health and Human Rights was madepossible by support from the Government of Norway and waswritten by Helena Nygren-Krug, Health and Human Rights FocalPoint, WHO, through a process of wide-ranging consultations. Inparticular, substantive guidance was provided by Andrew Cassels,Andrew Clapham, Sofia Gruskin and Daniel Tarantola. Jenny Cookshould also be acknowledged for background research, input andsupport. Additionally, input was provided by Robert Beaglehole, GianLuca Burci, Nick Drager, Nathalie Drew, Alison Lakin, Debra Lipson,Craig Mokhiber, Bill Pigott, Geneviève Pinet, Nicole Valentine, JavierVelasquez, Simon Walker, and Dan Wikler. Finally, Catherine Browne,Annette Peters, Dorine Da re-van der Wal and Daryl Somma are thankedfor their support.Nagpapasalamat ang Medical Action Group sa mga sumusunod: saWorld Health Organization (WHO) sa pagbibigay ng pahintulot sapagsasalin at paglilimbag at sa tulong pinansyal, pinapasalamatan dinsina Dr. Benito E. Molino at G. Pepito Santiago bilang mga tagasalin saFilipino at Bisaya. Sa aming pangunahing editor si Dr. Aurora A. Parongat mga tumulong sa teknikalidad na sina Kris, Earl Pareno,Luis B. Gorgonio, Mercidita de Joya, Amarylis Ng-Abcede DMD, Rolly delos Santos R.N.Mga paalala sa paggamit ng libro:May mga salita o lengwahe na maaring di naayon sa direktang pagsasalin tulad ng “resources”ay ginawang “risorsis”. Ito ay sa kadahilanang para sa higit na pag-unawa ang layunin kaysasa mas mahusay na pagsasalin.Mayroon ding mga salita na nakasulat sa italics para pa rin sa higit na pag-unawa ng mgamambabasa.WHO Library Cataloguing-in-Publication DataQuestions and answers on health and human rights.(Health and human rights publication series)1.Human rights - 2. Public health - 3.Health policy - 4.International law - 5.Guidelines - I. World Health Organization - II. SeriesISBN 92 4 154569 0ISSN 1684-1700(NLM classification: WA 30) World Health Organization, 2002All rights reserved. Publications of the World Health Organization can be obtained from Marketing and Dissemination,World Health Organization, 20 Avenue Appia, 1211 Geneva 27, Switzerland (tel: 41 22 791 2476; fax: 41 22 791 4857;email: bookorders@who.int). Requests for permission to reproduce or translate WHO publications - whether for sale or fornon-commercial distribution - should be addressed to Publications, at the above address (fax: 41 22 791 4806; email:permissions@who.int).The designations employed and the presentation of the material in this publication do not imply the expression of anyopinion whatsoever on the part of the World Health Organization concerning the legal status of any country, territory, cityor area or of its authorities, or concerning the delimitation of its frontiers or boundaries. Dotted lines on maps representapproximate border lines for which there may not yet be full agreement.The mention of specific companies or of certain manufacturers’ products does not imply that they are endorsed or recommended by the World Health Organization in preference to others of a similar nature that are not mentioned. Errors andomissions excepted, the names of proprietary products are distinguished by initial capital letters.The World Health Organization does not warrant that the information contained in this publication is complete and correctand shall not be liable for any damages incurred as a result of its use.Typeset and printed in France. Cover photo: WHO/PAHO - Designer: François Jarriau/Kaolis.

25 Tanongat Sagothinggil saKalusugan atKarapatangPantaoWorld Health Organization

25TA N O N GATSAGOT HINGGILSAKALUSUGANATKARAPATANG PANTAO“It is my aspiration that health will finallybe seen not as a blessing to be wished for,but as a human right to be fought for.”United Nations Secretary General, Kofi Annan“Ito ang aking aspirasyon, na ang kalusugan sa wakas ay hinditinitignan na biyaya na pinapangarap, kundi isang karapatangpantao na ipinaglalaban.”Nagkakaisang Bansa, Pangkalahatang Kalihim, Kofi Annan2

25TA N O N GATSAGOT HINGGILSAKALUSUGANATKARAPATANG PANTAOPambungadng pagtatamasa ng pinakamataas na matatamong pamantayansa kalusugan bilang pangunahing karapatan ng bawa’t tao aynakapaloob sa Saligang Batas ng Pandaigdigang Organisasyonsa Kalusugan (World Health Organization o WHO) mahigit 50 taonna ang nakakaraan. Sa ating pang-araw-araw na gawain, sinisikap ngPandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan na ang karapatang ito aymatamasa ng bawa’t isa, na may partikular na pagbibigay pansin sapinakamahihirap at sa mga nasa bulnerableng kalagayan.AAng diskurso sa karapatang pantao ay nagbibigay sa atin ng balangkas na nakakapagbigay ng inspirasyon at makabuluhang giyapara sa pag-aanalisa at pagkilos. Ang mekanismo sa karapatangpantao ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) ay nagbibigayng mga mahahalagang daan tungo sa papalaking pananagutan sakalusugan.Ang pagbibigay pansin sa karapatang pantao ay lumalawak sa buong daigdig. Ang Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan ayaktibong nagsisikap upang mapataas ang kanyang pang-unawa sakarapatang pantao kaugnay ng kalusugan. Kami ay natututo mulasa ibang ahensya ng mga Nagkakaisang Bansa, sa pandaigdigangkomunidad at iba pang may kinalaman dito.Ito ang konteksto na nilunsad ng WHO ang Serye ng PublikasyonHinggil sa Kalusugan at Karapatang Pantao. Pinili namin ang 25Tanong at Sagot (T at S) bilang una sa serye, nagmumungkahi ngmga kasagutan sa mga susing katanungan na nagbabantay sa ugnayan ng iba’t-ibang aspeto ng kalusugan at karapatang pantao.Umaasa ako na itong T at S ay magbibigay giya sa malawak namamamayan na interesado sa ugnayan ng kalusugan at karapatangpantao.Gro Harlem BrundtlandGenevaHulyo 2002 3WHO

25TA N O N GATSAGOT HINGGILSAKALUSUGANATKARAPATANG PANTAOForewordng karapatan sa kalusugan ay isang pundamental at mahalagang sangkap sa pagtamasa ng karapatan sa buhay at karapatan sa pag-unlad. Ito’y mahigpit na nakaugnay at di-mahihiwalay sa iba pang karapatan ng tao. Ang pagtaguyod sa karapatan sakalusugan ay nangangahulugan ng pagrespeto’t proteksyon sa ibangpulitikal, sibil, pang-ekonomiko’t sosyal na karapatan ng mamamayan. Kasama na rito ang kalayaan sa tortyur, kalayaan sa pagkilos,karapatan sa sapat na pagkain at malinis na tubig, ligtas at malusogna kapaligiran, disenteng pabahay, trabaho at makatarungang pasahod, at edukasyon.AAng isang lipunang may mataas na pagpapahalaga sa karapatan sakalusugan ay isang lipunang may pagkilala’t pagtaguyod sa buhayat dignidad ng tao. At yayamang ang pagsulong ng dignidad ng taoang layunin ng pag-unlad, marapat lamang na may sentral na lugarat priyoridad ang karapatan sa kalusugan sa anumang programa sapag-unlad ng isang bansa.Bilang pagkilala ng Medical Action Group, Inc. (MAG) sa papel atrelasyon ng kalusugan at karapatang pantao sa pag-unlad ng lipunan, at bilang bahagi ng program ng organisasyong makaambag sapagpapataas ng antas ng kaalaman ng mamamayan sa karapatan sakalusugan, minarapat nitong isalin sa dalawang pangunahing wika,Filipino at Cebuano, ang 25 Questions & Answers on Health & HumanRights ng World Health Organization (WHO).Ang publikasyong ito ay kontribusyon ng MAG sa popularisasyonng mga konsepto’t prinsipyo ng kalusugan at karapatang pantao.Naniniwala kaming ang publikasyong ito’y isang makabuluhang babasahing makakatulong sa mamamayang mapalawak at mapalalimang kanilang pag-unawa sa relasyon ng karapatang pantao’t kalusugan. Inaasahan naming magamit ang publikasyong ito bilang gabayng mamamayan sa pagsulong sa kanilang mga karapatang pantao,partikular ng karapatan sa kalusugan.(Sgd.) Dr. Nymia Pimentel SimbulanChairperson of the BoardApril 20044

25TA N O N GATSAGOT HINGGILSAKALUSUGANATKARAPATANG PANTAONilalamanMga Daglat at Akronim6Seksyon 1: Kalakaran (norms) at Pamantayan (standard)hinggil sa Kalusugan at Karapatang Pantao7T.1Ano ang karapatang pantao?7T.2Paano napaloob sa mga internasyonal na batas ang karapatang pantao?8T.3Ano ang ugnayan ng kalusugan at karapatang pantao?8T.4Ano ang kahulugan ng “karapatan sa kalusugan”?10T.5Paano naiuugnay ang prinsipyong kawalan ng diskriminasyon sa kalusugan?12T.6Anu-ano ang mga internasyonal na instrumento ng karapatang pantaoang nagsasaad ng mga komitment ng mga pamahalaan?13T.7Anu-ano ang mga internasyonal na mekanismong pangsubaybay (monitoring)para sa karapatang pantao?14T. 8 Paano mapapanagot ang mga mahihirap na bansa na may limitasyon sa risorsessa magkaparehong pamantayan ng karapatang pantao na ginagamit ng mga mayayamang bansa?T.9Sa ilalim ng batas sa karapatang pantao, mayroon bang obligasyonginternasyonal na kooperasyon?1516T.10 Anu-ano ang mga obligasyon ng pamahalaan sa karapatang pantao na may kaugnayansa iba pang mga kumikilos (actors) sa lipunan?17Seksyon 2: Integrasyon ng Karapatang Pantao sa Kalusugan18T.11 Ano ang ibig sabihin ng pamamaraang nakabatay sa karapatan hinggil sa kalusugan?18T.12 Ano ang dagdag na halaga ng karapatang pantao sa pampublikong kalusugan?20T.13 Ano ang mangyayari kung ang pagbibigay ng proteksyon sa pampublikong kalusuganay mangangahulugan ng paglimita sa ilang karapatang pantao?21T.14 Ano ang maaaring implikasyon ng karapatang pantao sa impormasyong pangkalusuganna nakabatay sa ebidensya?22T.15 Paano makakasuporta ang karapatang pantao sa gawaing pagpapalakassa mga sistema ng kalusugan?23T.16 Ano ang relasyon ng paggawa ng batas sa kalusugan at batas sa karapatang pantao?23T.17 Paano magagamit ang karapatang pantao sa pagsusuri ng kalagayan ng kalusugan sa mga bansa?24Seksyon 3: Kalusugan at Karapatang Pantao sa mas Malawak na Konteksto25T.18 Paano ang relasyon ng etika sa karapatang pantao?25T.19 Ano ang relasyon ng mga prinsipyo ng karapatang pantao sa ekwiti (equity)?25T.20 Paano magagamit ang mga prinsipyo ng kalusugan at karapatang pantaosa pagbabawas ng kahirapan?26T.21 Paano naaapektuhan ng globalisasyon ang pagtataguyod at pagtatanggol sa karapatang pantao?27T.22 Paano naiimpluwensyahan ng batas sa karapatang pantao ang batas ng internasyonal na kalakal?28T.23 Ano ang ibig sabihin ng pamamaraang nakabatay sa karapatan hinggil sa kaunlaran?29T.24 Paano nakakaapekto ang batas sa karapatang pantao, batas sa mga refugee,at humanitarian law sa pagbibigay ng tulong pangkalusugan?30T.25 Paano ang ugnayan ng karapatang pantao sa gawaing pagpapaunlad ng kalusugan sa mga bansa?32Annex I:Mga Ligal na Instrumento33Annex II:Istrukturang Pang-organisasyon sa Karapatang Pantao ng Nagkakaisang Bansa365

25TA N O N GATSAGOT HINGGILSAKALUSUGANATKARAPATANG PANTAOMga Daglat at UNGASSUNICEFWANAHRWHOWTOAdministrative Committee on Coordination(Komiteng Tagapangasiwa sa Koordinasyon)Convention against Torture and Other Cruel, Inhumanor Degrading Treatment or Punishment (1984)(Kumbensyon Laban sa Tortyur at iba pang Malupit,Di Makatao o Nakalalait na Pagtrato o Parusa)Common Country Assessment (Pangkalahatang Pagtatasa ng Bansa)Consultative Committee on Programme and Operational Questions(Komiteng Konsultatibo Hinggil sa Programa at Mga Katanungan Hinggil sa Operasyon)Comprehensive Development Framework(Komprehensibong Balangkas Hinggil sa Kaunlaran)Convention on the Elimination of All Formsof Discrimination Against Women (1979)(Kumbensyon sa Eliminasyon ng Lahat ng Pormang Diskriminasyon Laban sa Kababaihan)International Convention on the Eliminationof All Forms of Racial Discrimination (1963)(Internasyonal na Kumbensyon sa Eliminasyonng Lahat ng Porma ng Diskriminasyon dahil sa Lahi)Convention on the Rights of the Child (1989)(Kumbensyon sa Karapatan ng Mga Bata)Economic and Social Council (Konseho Pang-ekonomiko at Panlipunan)Inter-American Commission on Human Rights(Komisyong Inter-Amerikano para sa Karapatang Pantao)International Convention on Civil and Political Rights (1966)and its two Protocols (1966 and 1989)(Internasyonal na Kumbensyon sa Karapatang Sibil at Pulitikalat ang Dalawang Protokol nito)International Convention on Economic Social and Cultural Rights (1966)(Internasyonal na Kumbensyon sa Pangkabuhayan, Panlipunanat Pangkulturang Karapatan)International Labor Organization (Internasyonal na Organisasyon sa Paggawa)International Monetary Fund (Internasyonal na Pondo sa Pananalapi)Non-Governmental Organization (Di-Pampamahalaang Organisasyon)Office of the High Commissioner on Human Rights(Opisina ng Mataas na Komisyoner Para sa Karapatang Pantao)Pan American Health Organization(Organisasyong Pan-Amerikano para sa Kalusugan)Poverty Reduction Strategy Paper(Dokumento hinggil sa Stratehiya sa Pagbabawas ng Kahirapan)United Nations (Nagkakaisang Bansa)Trade Related Aspects of Intellectual Property Rights(Mga Aspeto ng Intellectual Property Rights na may relasyon sa Kalakal)Universal Declaration on Human Rights(Unibersal na Deklarasyon ukol sa Karapatang Pantao)United Nations Development Programme(Programang Pangkaunlaran ng Nagkakaisang Bansa)United Nations Development Assistance Framework(Balangkas ng Tulong Pangkaunlaran ng Nagkakaisang Bansa)United Nations General Assembly Special Session(Ispesyal na Sesyon ng Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang Bansa)United Nations Children Fund (Pondo Para sa Kabataan ng Nagkakaisang Bansa)World Alliance for Nutrition and Human Rights(Pandaigdigang Alyansa Para sa Nutrisyon at Karapatang Pantao)World Health Organization (Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan)World Trade Organization (Pandaigdigang Organisasyon sa Kalakal)6

25TA N O N GATSAGOT HINGGILSAKALUSUGANSeksyon 1:Mga Kalakaran(Norms) atPamantayan(Standards)sa Kalusuganat KarapatangPantaoT.1(1) AdministrativeCommittee onCoordination (ACC); TheUnited Nations System andHuman Rights: Guidelinesand Information for theResident CoordinatorSystem; approved onbehalf of the ACC by theConsultative Committeeon Programme andOperational Questions(CCPOQ) at its 16thSession, Geneva, March2000.(2) Thismeans thatthey apply to everyoneeverywhere.(3) HumanRights: A BasicHandbook for UN Staffissued by the Office of theHigh Commissioner forHuman Rights (OHCHR)and the United NationsStaff College Project,1999, p.3.(4) Inturn, the obligationto fulfil containsobligations to facilitate,provide and promote(Section II.33, footnote 23of General Comment 14on the right to the highestattainable standard ofhealth adopted by theCommittee on Economic,Social and Cultural Rightsin May 2000), (E/C.12/2000/4, CESCR dated 4July 2000).(5) ViennaDeclarationand Programme of Actionadopted at the WorldConference on HumanRights, Vienna, 14-25 June1993, paragraph 5, (UnitedNations General Assemblydocument A/CONF.137/23).ATKARAPATANG PANTAOWHO/PAHO ANO ANGKARAPATANG PANTAO?KARAPATANG PANTAO(1) Ginagarantiyahan ng pamantayangpang-internasyonal; Pinapangalagaan ng mga batas; Nakatutok sa dignidad ng tao; Pinapangalagaan ang indibidwalat mga grupo; Pinapanagot ang estado at mgamanggagawa nito; Hindi maaaring iurong o tanggalin; Nakabatay sa isa’t-isa at magkakaugnay;at Para sa lahat(2)Ang karapatang pantao ay ligal na ginagarantiyahan ng mga batas sa karapatang pantao, nangangalaga sa mga indibidwal at mgagrupo laban sa mga aksyon na sumasagkasa mga batayang kalayaan at dignidad ngtao.(3) Sinasakop nito ang mga karapatangsibil, kultural, ekonomiko, pulitikal atpanlipunan. Ang relasyon sa pagitan ngindibidwal at ng estado ang pangunahingpinag-uukulan ng karapatang pantao. Angobligasyon ng pamahalaan sa karapatangpantao ay napapaloob sa prinsipyo ng: paggalang; pagproteksiyon at pagpapatupad.(4)7“Ang lahat ng karapatang pantao aypara sa lahat, hindi nahahati, nakabatay sa isa’t isa at magkakaugnay. Dapattratuhin ng internasyonal na komunidad ang karapatang pantao sa buongdaigdig sa patas at parehas na paraan,sa parehong antas at diin. Samantalangisinasa-isip ang kahalagahan ng pambansa at pangrehiyong pagkaka-iba atiba’t ibang pinagmulang kasaysayan,kultura at relihiyon, tungkulin ngbawa’t estado, anupaman ang kanilangsistemang pampulitika, pang-ekonomiya at pangkultura, na itaguyod at proteksiyonan ang lahat ng karapatangpantao at mga batayang kalayaan.”Deklarasyon at Programa ng Pagkilos ng Vienna(Vienna Declaration and Programme of Action)pinagtibay sa (adopted at the)Pandaigdigang Kumperensya ukol saKarapatang Pantao(World Conference on Human Rights)(5)

25TA N O N GT.2ATSAGOT HINGGILSAKALUSUGANNAPALOOBSA MGA INTERNASYONALNA BATAS ANGKARAPATANG PANTAO?(6) MannJ, Gostin L,Gruskin S, BrennanT, Lazzarini Z, andFineberg HV, “Healthand Human Rights,”Health and HumanRights: An InternationalJournal, Vol. 1, No. 1,1994. Ang mga internasyonal na tratado hinggil sa karapatang pantao ay sumasaklawsa mga gobyernong nagratipika nito; Ang mga deklarasyon ay hindi mapagbigkis, nguni’t maraming mga kalakaran atpamantayang nakapaloob dito ay sumasalamin sa mga prinsipyong mapagbigkisna nasa customary international law; at Ang mga kumperensya ng NagkakaisangBansa ay nagluluwal ng mga di-mapagbigkis nguni’t napagkasunduang dokumentong pampolisiya, tulad ng mga deklarasyon at mga programa ng pagkilos.(7) Article7, ICCPR. Theprohibition of tortureis also articulated inother human rightsinstruments, includingthe CAT and article 37of the CRC.8KARAPATANG PANTAO“Kailanman ay hindi mamamayan angmagrereklamo na ang karapatang pantao ay para sa lahat o nagturing na angkarapatang pantao ay ipinilit ng mgakanluranin o mga maunlad na bansa.Kadalasan, ang kanilang mga lider angnagrereklamo.”PAANOPagkatapos ng pangalawang digmaangpandaigdig, pinagtibay ng internasyonal nakomunidad ang Unibersal na Deklarasyonukol sa mga Karapatang Pantao (UDHR1948). Subalit nang handa na ang mga estado na gawing mapagbigkis na batas angDeklarasyon, nangibabaw ang Cold Warat nahati ang karapatang pantao sa dalawang (2) kategorya. Ang mga Kanluraningbansa ay naggiit na ang karapatang sibilat pulitikal ang pangunahin samantalangang pangkabuhayan, panlipunan at pangkulturang karapatan ay mga hangarinlamang. Ito ay kabaligtaran sa pananawng blokeng Silangan na nagsasabing angkarapatan sa pagkain, kalusugan at edukasyon ang higit na mahalaga, samantalang ang mga karapatang sibil at pulitikalay pumapangalawa lamang. Kung kayadalawang tratado ang nabuo noong 1966:ang Kumbensyong Internasyonal sa mgaKarapatang Sibil at Pulitikal (InternationalCovenant on Civil and Political Rights oICPPR) at Kumbensyong Internasyonal saPangkabuhayan, Panlipunan at Pangkulturang Karapatan (International Conventionon Economic, Social and Cultural Rights oICESCR). Mula noon, iba’t-iba pang mgatratado, deklarasyon at iba pang mga ligal na instrumento ang pinagtibay, at angmga instrumentong ito ang nagbibigkis ngkarapatang pantao.ATKofi AnnanPangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang BansaT.3ANOANG UGNAYANNG KALUSUGAN ATKARAPATANG PANTAO?May mga kumplikadong ugnayan ang kalusugan at karapatang pantao. Ang paglabag o kakulangan ng atensyonsa karapatang pantao ay maaaring humantong sa seryosong problemang pangkalusugan;(6) Ang mga polisiya at programang pangkalusugan ay maaaring magtaguyod olumabag sa karapatang pantao batay sapagkakadisenyo o pagpapatupad nito; Ang pagiging bulnerable at dagok ngpagkakasakit ay maaaring mabawasan sapamamagitan ng mga hakbang na gagalang, magbibigay-proteksiyon at magpapatupad sa karapatang pantao.Ang normative na nilalaman ng bawa’t karapatan ay lubos na nasasaad sa mga instrumento ng karapatang pantao. Sa usapinng karapatan sa kalusugan at kalayaan sadiskriminasyon, ang nararapat na nilalaman ng mga ito ay naipaliwanang sa pang-4at pang-5 na tanong ayon sa pagkakasunod.Halimbawa ng lenggwahe na ginamit sainstrumento ng karapatang pantao paramaipaliwanag ang nararapat na nilalamanng ilang susing karapatang pantao na mayhalaga sa kalusugan ay ang sumusunod: Tortyur: “Walang sinuman ang gagawaran ng tortyur o malu

ang layunin ng pag-unlad, marapat lamang na may sentral na lugar at priyoridad ang karapatan sa kalusugan sa anumang programa sa pag-unlad ng isang bansa. Bilang pagkilala ng Medical Action Group, Inc. (MAG) sa papel at relasyon ng kalusugan at karapatang pantao sa pag-unlad ng lipu-nan, at bilang bahagi ng

Related Documents:

5. Mali II. IDENTIPIKASYON 6 -9. Alinman sa heograpiya, edukasyon, okupasyon, uring panlipunan, edad, kasarian, kaligirang etniko 10. isogloss 11 – 12. Dayalek at sosyolek 13. Iba-iba ang sagot 14. Iba’t iba ang sagot 15. Iba-iba ang sagot 16. dinurog sa sabaw 17. pagluluto ng tira-t

sa COVID-19 ay nasa mga may sapat na gulang. Ang bakuna ng Pfizer ay pinahintulutan para sa edad na 16 pataas. Ang bakuna ng Moderna ay kasalukuyang pinahihintulutan para sa edad na 18 pataas. Nagpapatuloy ang mga pag-aaral upang matiyak na ang mga bakuna ay ligtas at epektibo sa mga batang edad 12 pataas bago sila ay pahintulutan na gamitin sa .

1 FILIPINO BAITANG 7 MODYUL BLG. 1: MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO (PABULA, EPIKO, DULA, KUWENTONG BAYAN AT MAIKLING KUWENTO) Panimula at mga Pokus na Tanong Mindanao. Marahil maraming bagay ang papasok sa iyong isipan kung maririnig ang

na impormasyon ng magulang at mag-aaral, mga obserbasyon ng guro, medikal o sikolohikal na mga pagtatasa, mga data sa espesyal na edukasyon at medikal na impormasyon ay ilan lang sa mga halimbawa. Ang 504 na pangkat ay dapat magkolekta ng data na sumasagot sa dalawang tanong na ito: 1.

ARALING PANLIPUNAN VIII Ikatlong Markahan Ang Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (16-20 siglo) MODYUL BLG. 3 ANG TIMOG AT KANLURANG ASYA SA TRANSISYONAL AT MAKABAGONG PANAHON (16-20 SIGLO) PAMBUNGAD AT MGA POKUS NA TANONG: Minsan ba na

Tinirador ng bato si Amang Pipit. C. Kongklusyon 1. Paglalapat Ipaawit sa mga mag-aaral ang isang awitin. Ipasagot ang mga tanong. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang bilang 1–5 sa . Ano raw ang nangyari sa isang pipit? Iiyak ang pipit. Nasaktan ito at bumagsak. Ang pipit ay pi

a. Konsepto at Dahilan ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon b. Epekto ng Migrasyon c. Mga Hakbang sa Pagtugon ng mga Suliraning dulot ng Migrasyon 1. Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon. 2. Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspetong panlipunan

To my Mom and Dad who taught me to love books. It's not possible to thank you adequately for everything you have done for me. To my grandparents for their