Music - Welcome To Quinto.app - Quinto.app

2y ago
417 Views
5 Downloads
4.39 MB
172 Pages
Last View : 29d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Luis Wallis
Transcription

2MusicKagamitan ng Mag-aaralTagalogAng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayatnamin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon namag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ngEdukasyon sa action@deped.gov.ph.Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinasi

Mga Manunulat:Music, Art, Physical Education and Health- Ikalawang BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: 978-971-9601-35-7Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa angisang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ngnasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produktoo brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatangari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upangmagamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) atmay-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralConsultant:Music: Fe V. EngueroArt :Dr. Erico M. HabijanP.E.:Arlene R. Dela VegaMga Manunulat: Music: Amelia M. Ilagan, Isidro R. Obmasca Jr.,Maria Elena D. Digo, Darwin L. RodriguezArt:Ronaldo V. Ramilo, Fe P. Pabilonia,Kristel Iris E. Igot, Marco A. CatacutanP.E.:Rogelio F. Falcutila, John M.CnavezRhodora B. Peña, Corazon C. FloresHealth: Edna C. Oabel, Analyn M. Formento, Ph.D.Ronamae M. Paradero, Agnes T. SantiagoTagasuri:Music:Art:P.E.:Health:Fe V. EngueroDr. Erico M. HabijanRoselyn VicenteJeanette V. MartinezIllustrator:Music:Art :P.E.:Health:Randy G. MendozaRodel A. CastilloCrispin C. Flores, Edgar S. FabelloAmador M. Leaño Jr.Lay out Artist:Music: Roman Gerard V. EngueroArt:Ronald V. RamiloP.E.:Sherelyn T. LaquindanumHealth: Robert B. TrajanoMAPEH: Ma. Theresa M. CastroInilimbag sa Pilipinas ng Rex Book Store, Inc.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address:2nd Floor Dorm G, Philsports Complex,Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600Telefax:(02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address:imcsetd@yahoo.comii

MGA NILALAMANMUSIKAYUNIT I-RHYTHMModyul 1Larawan ng Musika .3Modyul 2Umawit, Kumilos, at Tumugtog .9Modyul 3Kilos Ko, Gayahin Mo .21Modyul 4Isayaw Mo ang Kumpas .25Modyul 5Halina’t Tumugtog .32YUNIT II-MELODYModyul 6Himig Ko, Tukuyin Mo .39Modyul 7Mataas at Mababang Tono .43Modyul 8Mag-akyat Baba Tayo .47Modyul 9Gayahin Mo Ako .52Modyul 10 Hugis ng Musika .57Modyul 11 Larawan ng Musika .63Modyul 12 Alingawngaw .67YUNIT III-FORMModyul 13 Alin, Alin, ang Naiiba .72Modyul 14 Simula at Katapusan .78Modyul 15 Repeat Mark .84iii

Yunit IV-TIMBREModyul 16 Lobo Ko,Paliparin Mo .91Modyul 17 Pakinggan, Tunog sa Kapaligiran .97Modyul 18Kung Kaya Mo, Kaya Ko .103Modyul 19 Pakinggan mo Ako, Sino Ako? . 108Modyul 20 Umaawit Ka Ba o Nagsasalita? .112Modyul 21 Mga Tunog: Di Magkakatulad .116Modyul 22 Tinig Mo, Bagay sa Awit Mo? .121Yunit V-DYNAMICSModyul 23 Damdamin ng Awit .125Modyul 24 Tumugtog Tayo .130Modyul 25 Umawit at Gumalaw .132YUNIT VI-TEMPOModyul 26 Umawit at Kumilos .137Modyul 27 Umawit at Maglaro .143Modyul 28 Bilis ng Pag-awit .146iv

YUNIT VII-TEXTUREModyul 29Makapal o Manipis .151Modyul 30Ilarawan ang Narinig .154Modyul 31Pagsasama-sama ng mga Himig .160Modyul 32Round Song at Iba Pa .164v

YUNIT IRhythm1

Isa sa mga pangunahing sangkap ng Musika ayang rhythm. Ito ay tumutukoy sa galaw ng katawanbilang pagtugon sa tunog na naririnig. Ang tibok ngating puso o pulso ay may kinalaman sa paraan ngpagsasagawa ng mga kilos na makapagpapakita ngdaloy ng rhythm. Ang isang rhythmic pattern aybinubuo ng mga tunog na naririnig at di naririnig ayonsa kumpas o time meter nito.Mayroon tayong pangunahing batayan ng kilosna nagtataglay ng koordinasyon ng ating mga paa,kamay, at katawan gaya ng paglakad, paglukso,pagpalakpak, pagmartsa, at pagtakbo.Ang yunit na ito ay naglalayong maipamalas angkahalagahan ng musika sa pang-araw-araw napamumuhay, kaugalian, at kultura sa pamamagitanng mga angkop na kilos kaugnay ng mga awit attugtugin.2

Modyul 1: Larawan ng MusikaPaano mo madarama ang tibok ng iyong puso?Subukan mong damahin ang iyong pulso sa leeg.Itapik mo sa iyong hita ang daloy ng iyong pulso.Pareho ba ito o nag-iiba?Ano kaya ang mangyayari kung paiba-iba angdaloy ng iyong pulso?Ang beat sa musika ay ang pulso na nadarama natinsa musika. Ito ay maaaring bumagal o bumilis subalitang haba ng bawat pulso ay laging pareho. Ito angtinatawag nating steady beat.Gawain 1: Nadama Mo ba?Pakinggan ang mga titik ng My Handkerchief nababasahin ng guro. Pagkatapos ay basahing muli angbawat linya pagkatapos ng guro habang itinatapikang steady beat.Awitin ang awit habang itinatapik ang steadybeat.3

Gawain 2: Narinig Mo Ba?Saglit mong ipikit ang iyong mga mata.May nakikita ka ba?Manatili kang nakapikit, damhin ang tunog namaririnig at mag-isip ng galaw na maaaring ilapathabang ako’y umaawit.Ano ang galaw ng iyong naisip?Bakit mo naisip iyon?Bagamat tayo ay nakapikit, maaari pa rin tayongmakaisip ayon sa ating naririnig.4

Maaari din nating pagsamahin ang mga tunogupang makabuo ng rhythmic pattern. Ito ay angkombinasyon ng mga tunog na naririnig at di naririnigna may pareho o magkaibang haba.Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern. Ipakita/ipadama ang rhythm ayon sa larawangipakikita ng guro.a. Bigkasin ang syllables. ta tatatatatatata b. Ipalakpak ang pattern c. Ipadyak ang patternd. 5

e. Damahin ang pattern Gawin ang kumbinasyonHalimbawa ta ta ta clap clap clapIpalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.Pansinin ang quarter rest ( ). 1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 46

a. Ipakita ang pattern na nasa itaas sa pamamagitanng pagbigkas ng silabang ―ta‖, pagpadyak,pagpalakpak, at pagtapik.Ang quarter rest ay bibigyan ng isang kumpassubalit ito ay walang tunog.Tandaan: Ang sagisag na ( ) ay kumakatawan sapulso ng tunog na naririnig samantalang,ang sagisag na ( ) o quarter rest aypulsong hindi naririnig subalit nadarama attumatanggap ng kaukulang bilang ngkumpas. Tumitigil tayo sa pag-awit opagtugtog kapag nakita natin ang sagisagna ito hanggang matapos ang kaniyangbilang.7

PagtatayaIpakita ang lubos na pagkatuto sa mgaisinagawang aralin sa pamamagitan ng paglalagayng tsek ( ). Isulat sa sagutang papel.KAALAMAN/ KASANAYAN1. Nakasunod at naipahayagsa iba’t ibangpamamaraan angrhythmic pattern tulad ngpagbigkas ng syllables,pagpalakpak, pagpadyakat pagdama ng pulso.2. Nakagalaw ayon sa daloyng steady beats.3. Nakita ang pagkakaiba ngtunog na naririnig at hindinaririnig sa pamamagitanng larawan.4. Naunawaan na ang mgatunog na hindi naririnig aymay kaukulan ding bilang.5. Nakinig at lubusang nakiisasa mga gawain.8NagawaHindiNagawa

Modyul 2: Umawit, Kumilos, atTumugtogAng ating pag-awit, pagkilos, at pagtugtog aymagkakaugnay na gawain. Ibinabagay natin angating kilos o galaw sa tugtog. Nagmamartsa tayokapag ang tugtog ay nasa dalawahang kumpas.Sinasayaw naman natin ang balse kapag ito aynahahati sa tatlo. May mga pagkakataon naman nanahahati sa apat na bilang ang kumpas.Sa araling ito ay makikita at madarama natin angpagkakaiba ng mga kumpas o beats.Gawain 1: Isa, Dalawa Lakad NaNatatandaan pa ba ninyo ang mga awitinsa Unang Baitang? Subukan nating balikanang mga awiting iyon.1. Mga bata, magmartsa tayo habang inaawit angTwinkle, Twinkle Little Star.2. Mga bata makinig kayo habang inaawit ko ang―Magmartsa Tayo‖.Magmartsa TayoF. V. EngueroIsa, dalawa humakbang kaKaming mga bata ay nagmamartsaIsa, dalawa, lumakad naParang sundalo, sumasaludo. (2x)9

3. Ang mga guhit sa loob ng measure o hulwaran aymga kumpas o beats. Umawit, pumalakpak, atlumakad kayo na sinusundan ang hulwaran aIIIIfI -sa dalaIffhu-mak- bangkawaIIIfKa- ming mga ba-ta’yII- saIInagmamar tsaIdala-walu-ma-kadIIPa-rang sun-da-losu-ma-sa-10InaIlu-do.

4. Umawit, pumalakpak, at lumakadsa iba’t ibang direksiyon– pasulong, paurong, pakanan, at pakaliwa.―Napansin ba ninyo ang bawat maikling linya aykumakatawan sa isang kumpas?”Ang mahabang linya naman ay kumakatawansa bar lines. Sa pagitan ng dalawangbar lines ay ang tinatawag nating measure.Ilang linya mayroon sa bawat measure?Awitin natin ang awit na ―Magmartsa Tayo‖.Sabayan natin ng pagmartsa ang pag-awit.Paano hinati ang kumpas ng awit? Dalawahan bao tatluhan?Ano ang time meter ng awit?Magbigay ng iba pang alam ninyong mga awitingnasa dalawahang time meter.Tandaan: Kapag may dalawang kumpas sa isangmeasure, ang awit ay nasa 2-time meter.Takdang GawainPagdating ninyo sa bahay, subukang tuklasin angmga tunog na maaaring magawa sa pamamagitanng inyong katawan. Halimbawa: pagpalakpak atpagpadyak.11

Gawain 2: Isa, Dalawa, Tatlo Isayaw MoPanuto:1. Kunwari ikaw ay puno. Itaas ang iyongmga kamay. Iwagayway ito pakaliwa at pakananhabang ako’y umaawit.Masayang Pag-awitF.V. EngueroKami ay masayang umaawitKatulad ng ibong pipitLa, la, la, la, la, la, la, la,La, la, la, la, la, la, la, la.2. Ngayon, kayo ay tumayo at iwagaywayang mga kamay pakaliwa at pakanankasabay ng inyong katawan habang nakikinig samusika.3. Tingnan ang rhythmic pattern sa tsart.Bilangin ang maiikling guhit sa loob ng measure nakumakatawan sa beats.123IIIIlang maikling guhit sa loob ng measure anginyong nakikita?12

Tayo ay bumilang ng 1, 2, 3 sa bawat measure. Ito angsimbolo ng beats.Gamit ang tsart sa ibaba, pumalakpak sa mga linyangmay masayang mukha.Sa anong bilang kayo papalakpak?123IIIIIIIIIIIIIIIIII13

IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII14

―IIIIIIUpang mabigyan ng diin ang malakas na kumpas,patutunugin ko ang drum sa unang kumpas at kayo’ypapalakpak sa ikalawa at ikatlong kumpas.Nadama ba ninyo ang malakas na kumpas?Ilang linya mayroon sa bawat measure?Ano ang time meter ng awit?Ngayon, awitin nating muli ang ―MasayangPag-awit‖ habang pumapalakpak sa ikalawa atikatlong kumpas.Tandaan: Kung may tatlong kumpas sa bawatmeasure ang awitin ay nasa 3- time meter.Takdang GawainMagdala sa klase ng improvised rhythmicinstruments tulad ng pares ng patpat, kahoy,sandblocks, pako, bao ng niyog, plastik na egg tray,15

kahon o latang walang laman, at mga plastik napinaglagyan ng ice cream.Gawain 3: Tayo’y Maglakbay sa ―4-Time Meter‖Ang awiting Yaman ng Pamayanan ay isanghalimbawa ng awiting nasa 4-time Meter.Yaman ng PamayananF. V. EngueroAng batang mabait ay dangal ng magulangYamang maituturing ng ating pamayananBatang masunurin ay pagpapalainNg Diyos na lumikha sa atin.Panuto:a.Makinig habang isinasagawa ko ang chant opagbigkas ng lyrics ng awit.b.Ulitin pagkatapos ko.c.Gawin ang chant o pagbigkas ng lyrics ngawit.d.Pumalakpak habang isinasagawa ang chant.(1, 2, 3, 4)e.Tapikin ang mesa (1, 2, 3, 4) habangbinibigkas ang chant.16

f.Aawitin ko para sa iyo.g.Ulitin ang bahaging inawit ko.h.Awitin ninyong muli at makikinig ako.i.Kunin ang inyong mga improvised rhythmicinstruments tulad ng pares ng patpat, kahoy,sandblocks, pako, bao ng niyog, plastik naegg tray, kahon o latang walang laman, atmga plastik na pinaglagyan ng ice cream.j.Tugtugin ang hawak mong instrumentohabang bumibilang ng 1, 2, 3, 4.k.Ngayon, kayo ay hahatiin sa dalawangpangkat. Ang pangkat A ay tutugtog nginstrumento at ang pangkat B ay aawit. Sapangalawang pagkakataon, ang pangkat Bang tutugtog at ang pangkat A naman angaawit.l.Ngayon, kayo ay hahatiin sa apat napangkat. Bumilang ng isa (1) hanggang apat(4). Lahat ng bilang isa (1) ay pumunta saPangkat I, lahat ng bilang dalawa (2)pumunta sa Pangkat 2 , lahat ng bilang tatlo(3) pumunta sa Pangkat 3 at lahat ng bilangapat (4) pumunta sa Pangkat 4.m.Isagawa mo ang awit sa ibaba ayon sakinabibilangan mong pangkat.17

Pangkat 1 Pangkat IIAawitTutugtogPangkat IIIPangkat IVIpapalakpakang kumpasLalakad saloob ng silidIIIIIIII12341234Ang batang maba- it aydangal ng magu-langIIIIIIII12341234Ya-mang maitutu-ringng a-ting pamaya-nanIIIIIIII12341234Ba- tang ma-su –nu-rinay pag-18pa pala – in ng

IIIIIIII12341234Diyos na lumik- ha saa-tin.Ilang linya mayroon tayo sa bawat measure?Ilang measure mayroon tayo?Ano ang time meter ng awit?Tandaan: Natutuhan natin sa modyul na ito na tayoay makapapalakpak, makalalakad,makaaawit, makakapag-chant, atmakatutugtog sa iba’t ibang time meterdalawahan (2s), tatluhan (3s), at apatan(4s). Binibilang natin ang mga guhit sa measurena kumakatawan sa kumpas upangmatukoy ang time meter ng isang awit.19

PagtatayaIpakita kung gaano kahusay ang iyong pagkatutosa ating mga pinag-aralan sa pamamagitan ngpaglalagay ng tsek ( )sa isa sa mga kahon sa ibaba.Gawin sa sagutang papel.MGA KASANAYANNagagawa1. Nakaririnig atnakasusunod saibinigay na kumpas sapamamagitan nggalaw ng katawan.2. Nakagagalaw nangtama sa kumpas samga awit at tugma nanasa 2-, 3-, at 4-timemeter.3. Natutukoy ang timemeter ng awit.4. Nakaaawit nang tamasa kumpas.5. Nakatutugtog nangmay tamang kumpasgamit ang mgaimprovised rhythmicinstrument.20Hindi paNagagawa

Modyul 3: Kilos Ko Gayahin MoNakapaloob sa modyul na ito ang isa sa mgakinagigiliwang gawain ng mga bata ang paggaya samga nakikita at naririnig nila sa paligid. Maaaringgawin nila ito sa pamamagitan ng pagkilos, pag-awitat pagtugtog.Nakarinig ka na ba ng echo? Kailan tayonakaririnig nito? Kaya mo bang gumawa ng echo?Ikilos mo at ulitin ang sasabihin ko. Handa ka na ba?Gawain 1: Gayahin Mo AkoAno Po ang GagawinIgalaw ang daliri (Igalaw ang daliri)At ikampay (At ikampay)Itaas ang kamay (Itaas ang kamay)At ibaba (At ibaba)Kamay pagsanibin (Kamay pagsanibin)At umupo (At umupo)Gawing parang unan (gawing parang unan)At humilig (at humilig)Ano po ang gagawin, sabihin lamangAno po ang gagawin, sabihin lang.21

Papalakpak ako at uulitin mo. Handa ka na ba?(Pagsasagawa ng echo clapping)Papalakpak ako at isusulat ninyo sa hangin ang akingpalakpak. Handa na ba kayo?Pak, pak, pak, pak Isulat ang stick notation sa papel Isulat ang stick notation sa pisaraTingnan sa loob ng silid aralan kung may mga bagayna makalilikha ng tunog.Anong mga bagay ang nakita mo? Nakita mo ba angkutsara at tinidor ng guro?Anong uri ng tunog ang malilikha nito? Mataas ba?Mababa ba? Humanap pa ng ibang gamit namaaaring makapagbigay ng tunog.Humingi ng pahintulot sa guro upang magamit ito.Gamitin ito sa pagsabay sa rhythmic pattern na nasatsart.Makisabay sa mga kamag-aral sa pagtugtog gamitang napiling bagay.Bumilang ng isa, dalawa, tatlo para sa pagpapangkat.22

Lahat ng magkakapareho ang bilang aymagsama-sama. Tingnan sa pisara ang gawain ngbawat pangkat.*Unang Pangkat- Pagmamartsa*Ikalawang Pangkat- Pagpalakpak*Ikatlong Pangkat-PagtapikUnang Pangkat-Pagmartsa Ikalawang Pangkat –Pagpalakpak Ikatlong Pangkat -Pagtapik Tingnan sa loob ng silid-aralan kung may mgabagay na lilikha ng tunog.Madali ka bang nakasunod sa sinabi ng guro? Bakit?23

Nagaya mo ba ang kilos ng guro? Nakasunod kaba sa awit?Anong dapat mong tandaan upang makasunodnang lubusan sa isang gawain?Tandaan:Upang makagaya at maisagawang muli angmga kilos na nakita at napakinggan,kinakailangang lubos ang ating pakikinig atpagmamasid.Ang paglikha ng echo ay isang paraanupang magaya o maisagawang muli angtunog.PagtatayaKumuha ng kapareha. Magsasagawa kayo nglimang (5) kilos kasabay ang tunog at ito ay gagayahinng iyong kapareha. Lagyan ng puntos ang bawat kilosna iyong nagawa nang maayos. Ngayon ay angkapareha mo naman ang gagawa ng iyong ginawa .Takdang GawainPumili ng kapareha at lumikha ng limang tunog namaaaring ulitin o gayahin. Ipakita ito sa klase samalikhaing paraan.24

Modyul 4: Isayaw Mo Ang KumpasNatatandaan mo pa ba ang mga natutuhanmong time meter sa Modyul 2? Makikita natin samodyul na ito ang kaugnayan ng ating kilos sa mgaiba’t ibang uri ng time meter.Gawain 1: Sabay-Sabay TayoPakinggan ang aawitin ko at damahin ang daloynito.Anong galaw kaya ng katawan ang nababagayrito?Sa anong uri ng tugtog mo maihahalintulad angdaloy ng himig nito?Anong pagdiriwang na pambayan ang kalimitannating mariringgan ng ganitong daloy ng tugtog?Sabay-sabay nating gawin ang pagmartsakasabay ng awit.25

26

Ngayon ay ipalakpak ang beat na maydalawahang kumpas. 12121212Gawin ang sumusunod na galaw kasabay ng awit. 1212Ipalakpak ang mga stick notation sapalakumpasang 111123232323Gawin ang sumusunod na galaw. 123123Ngayon naman ay awitin ang ―Tiririt ng Maya‖.27

Gawin ang galaw kasabay ng awiting ―Tiririt ng Maya‖28

Ngayon naman ay ipalakpak mo ang pattern ngsteady beats sa ibaba. 1 23 41 23 4123 4Awitin ang ―Tayo na! Tayo na!‖291 23 4

Ipalakpak ang ritmo ng awiting, ―Tayo na! Tayona!‖Tumayo at gawin ang sumusunod na kilos namakikita sa larawan habang umaawit. 11234234Anong mga kilos ang paulit-ulit na ginawa bilangpansaliw sa awit?Ang mga kilos na paulit-ulit na ginawa kasabay ngawit ay maaaring gawing ostinato.Paano naipakita ang ostinato pattern sa iba’tibang time meter?Tandaan: Ang galaw ng katawan ay maaaringipansaliw sa awit. Ang tawag sa rhythmicpattern na inuulit at ginagamit na pansaliwsa awit ay ostinato.30

PagtatayaIpakita ang lubos na pagkatuto sa mga isinagawangaralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( )sa tamang kahon.KAALAMAN/ KASANAYANNagawaHindiNagawa1. Nakakilos ayon sa rhythm.2. Nakaawit sa tamang tono.3. Naipakita angpagkaunawa sa beat sapamamagitan ng pag-awitat paggalaw.4. Naisagawa ang ostinatopattern na maydalawahan, tatluhan, atapatang kumpas sapamamagitan ng iba’tibang galaw ng katawan.5. Nakinig at lubusang nakiisasa mga gawain.Takdang GawainMagdala ng improvised music instruments. Ito aymaaaring pares ng patpat, kahoy, sandblocks,pako, bao ng niyog, drums na yari sa plastik nalagayan ng itlog o walang lamang kahon/ lata, atmga plastik na pinaglagyan ng ice cream.31

Modyul 5: Halina’t TumugtogGamit ang mga bagay at kagamitang nasapaligid ng ating silid-aralan, makalilikha tayo ng mgatunog at makabubuo ng pansaliw sa isang awit.Gawain 1: Sabayan Mo AkoMga bata sabay-sabay tayong tumayo atumupo. Tumayo at umupo.Aawit ako at ikilos ninyo ang sinasabi ng awit.Makikita ninyo ito sa tsart na may salungguhit na salita.What We SayStand up, sit down, We’re all ready nowStand up, sit down, We’ll have lots of funHow are you? I’m fine!Stand up, sit down, We’re all ready now.Hello there- O, Hi!Stand up, sit down, We’ll have lots of fun.Sabayan mo ng tugtog ang ating pag-awit gamitang dala mong bagay o instrumento. Malaya kayonggawin ang pagtugtog sa paraang inyong gusto.Awitin natin ang ―Magmartsa Tayo‖Ilabas mo ang iyong dalang bagay na lilikha ngtunog.Magmartsa nga tayo. Sabayan natin ngpagbilang. Isa, Dalawa, Isa, Dalawa Habang nagmamartsa, sumunod sa aking32

pag-awit. Subukan mong patunugin ang iyonginstrumento kasabay ng pag-awit.Ngayon, sabayan mo ng pagmartsa ang iyongpag-awit at pagtugtog.Magmartsa TayoF. V. EngueroIsa, dalawa humakbang kaKaming mga bata ay nagmamartsaIsa, dalawa, lumakad naParang sundalo, sumasaludo. (2x)33

Magtungo ka sa iyong pangkat ayon sa tunog ngiyong instrumento. Makikita sa tsart ang pangkat nakinabibilangan mo.Unang Pangkat – bao(coconut shells), kawayan, sticksIkalawang Pangkat - triangles, pako, kutsara, tinidor,lataNgayong ikaw ay nasa pangkat na kinabibilanganmo, tugtugin ang hulwarang nakalaan sa inyo.Sikaping makasabay sa tugtog ng iyong mgakasamahan. Sabayan ng pag-awit ang pagtugtog.Habang tumutugtog ang inyong pangkat, ang isangpangkat ang aawit. Maghahalinhinan ang bawatpangkat sa pagtugtog.Napansin mo ba ang pag-uulit ng tugtog?Sa palagay mo, bakit tayo nag-uulit?34

Ito ang tinatawag na repeat mark,Pag-aralan at tugtugin natin ang mga ostinato saibang kumpas sabayan natin ng pag-awit.Tatluhan (―Tiririt ng Maya‖)Apatan (―Roses‖)Tandaan:Ang ostinato ay pinagsamang mahahaba atmaiikling tunog na paulit-ulit na isinasagawa bilangpansaliw sa isang awit. Ginagamitan ito ngpanandang repeat mark.35

PagtatayaBatay sa hawak ninyong instrumento, piliin sa ibabaang gawain ng iyong pangkat at gawin ito kasabay ngpag-awit ng ―Bahay Kubo.‖PangkatI. Gawin ang ostinatogamit ang mgainstrumentongbao(coconutshells), kawayan,sticksII. Tugtugin ang pulsong awit gamit anginstrumentongtriangles, pako,kutsara, tinidor,lataIII. Awitin ang―Bahay Kubo‖GawainBahay kubo, kahit munti,Ang halaman doon ay sarisari.singkamas at talong,sigarilyas at mani, sitaw, bataw,patani,Kundol, patola, upo’t kalabasa atsaka meron pa.Labanos, mustasa, sibuyas, kamatis,bawang at luya sa paligid ligid aypuno ng linga.36

Ipakita ang iyong natutuhan sa pamamagitan ngpaglalagay ng tsek ( ) sa tamang kahon.KAALAMANNagawaHindinagawa1. Naisagawa ko ang ostinatoayon sa kumpas ng awit.2. Nakatugtog ako ngsimpleng ostinato gamitang mga instrumentongmay tunog.3. Naipakita ko ang halagang mahaba at maiklingtunog.4. Naawit ko ang himig nangwasto kasabay angpagtugtog ng ostinato.5. Nasiyahan akong tumugtogng simpleng ostinato gamitang payak na instrumento.Takdang AralinMagsanay sa pagtugtog ng instrumentong mulasa kapaligiran gamit ang ostinato ng awiting―Magmartsa Tayo‖ at ―Bahay Kubo‖37

YUNIT IIMelodyAng isang awit o tugtugin ay binubuo ng mgatunog na maaaring mataas o mababa. Ito’ytinatawag na pitch. Ang paisa-isang daloy ngmagkakasunod na tunog ay lumilikha ng himig omelody. Maaari natin itong iparinig sa pamamagitanng pag-awit at pagtugtog ng instrumento.Kalimitang kinagigiliwan ng mga batang tulad moang pagsabay at paggaya sa awit ng mga paboritomong artista at mang-aawit na nakikita sa telebisyonat naririnig sa radyo.Sa yunit na ito ay aawit kayo na may wastongtono sa paraang pagagad o rote singing at echosinging ng mga simple children’s melodies na angkopsa batang tulad mo.38

Modyul 6: Himig Ko, Tukuyin MoSa modyul na ito ay makikilala mo ang mga tonona bumubuo ng himig. Malalaman mo ang mgapangalan nila at ang taglay nilang taas o baba natinatawag nating pitch.Gawain 1: Tumaas, Bumaba TayoUpang lalong maging masigla kayo sa ating pagaaralan, tayo munang umawit ng inyong natutuhangawitin sa nakaraang aralin.Magbigay ka ng pangalan ng iyong paboritongmang-aawit? Ano ang masasabi mo sa kaniyang tinig?Umaawit ka rin ba tulad niya? Ano naman anginstrumentong pangmusika ang madalas mong makitana isinasaliw sa awit?Nakakita ka na ba ng piano? Nais mo bangumawit kasabay ito?Gagawa tayo ng human piano. Kailangan ko saunahan ang walong (8) bata na may iba’t ibang taas.Pumunta sa unahan at humanay ayon sa inyong taas,mababa na pataas. Sila ang ating human piano.39

Ang pinakamababa ang tatawagin nating do,sumunod si re, mi, fa, so, la, ti at ang pinakamataas,ang mataas na do.Handa ka na ba? Awitin natin ang mga tono ngiskala ayon sa taas ng batang ituturo ko.Sabay nating tugtugin ang iba’t ibang tono sa atingpiano.Awiting muli upang iyong higit na makilala ang mgatunog.Masdan mo ang apat na batang ito at tukuyin moang tono nila.domiso40do

Sino ang mas mababa, si mi o si so? Sino namanang mas mataas, si so o si higher do?Nakita mo ba sa larawan ang pagkakaiba ngkanilang tono?Upang higit mong makilala ang mga tono,naghanda ako ng bagong awit.Kung handa ka na pakinggan mo ito.Gawain 2:Ano ang iyong napansin sa tono ng awit?May katulad ba ito sa tono na iyong narinig sapiano?Ngayon magpapangkat kayo sa apat at bawatpangkat ay lilikha ng kilos ng katawan ayon sa tono ngawit na ―Tayo Na,Tayo Na‖. Ipakikita ninyo ang kilos naangkop sa mga tono ng do, mi, so, do.Maaari din gumamit ng musical instruments upangmaiparinig ang iba’t ibang tono sa awit.Paano nagkakaroon ng himig ang isang awit?Ano ang mga tono na bumubuo sa awit?41

Tandaan:Ang awit ay binubuo ng iba’t ibang nota otunog na maaaring mataas, mas mataas,mababa, at mas mababa at ito ay tinatawagna pitch.PagtatayaSa ginawang pangkatang pagtatanghal ay susukatinang inyong kakayahan sa pag-awit ng mababa, masmababa, mataas, at mas mataas na tono gamit angrubrics. Lagyan ng panandang tsek ( ) ang tapat ngbilang kung saan kayo nabibilang.RubricsPangkat 1Pangkat 25-Buong Husay4-Mas Mahusay3-Mahusay2-Hindi GaanongMahusay1-HindiNakapagsagawa42Pangkat 3Pangkat 4

Takdang AralinKilalanin ang iba’t ibang maririnig na tono sa paligid nalumilikha ng mababa, mas mababa, mataas, at masmataas na tunog. Isulat ito sa inyong papel.Modyul 7: Mataas at Mababang TonoTulad ng tao, ang mga tono ay may pagkakaibarin. May tonong mataas at mayroon ding mababangtono. Sa modyul na ito ay makikita natin angpaghahambing ng tono sa mga kilos ng tao at mgabagay sa paligid.Gawain1: Tumaas, Bumaba TayoMga bata, nakakita na ba kayo ng naglalaro ngseesaw. Paano ito gumagalaw? Ano ang direksiyonnito?Maglaro tayo tulad ng isang seesaw. Kapagtumaas tayo, banggitin natin ang ―Ding‖ at kapag43

nasa baba tayo ―Dong‖ naman ang sasabihin natin.Mga bata, ano ang napansin ninyo sa tono?Ibahagi ito sa iyong kamag-aral.Gawain 2: Tayo nang UmawitHalina’t awitin ang High and Low.May napansin ka ba sa tono ng awit?44

Ano ang iba’t ibang direksiyon ng tono sa awit?Aling pantig ang may mababang tono? Anong pantigang nagpapahayag ng katamtamang taas ng tono?Muli nating awitin ang High and Low at sabayannatin ng angkop na galaw ng katawan. Kapagmataas ang tono ay tatayo at kung mababa namanay uupo.Unti-unti naman tayong tatayo kung tumataasang tono ng awit at unti-unting uupo kung bumababaang tono ng awit.Ano ang iba’t ibang tono na maaari natingmarinig sa paligid?Tandaan:Ang pagtaas at pagbaba ng tono ay angdalawang direksiyon ng tunog sa awit namaaaring saliwan din ng iba’t ibang galaw ngkatawan.45

PagtatayaMakinig nang mabuti mga bata. Tukuyin ang mgatunog na iparirinig. Iguhit ang bulaklak kung mataasang tono, bilog kung mas mataas, dahon naman kungmababa at parisukat kung mas mababa ang tono ngtunog. Makinig ng mabuti sa mga tunog na iparirinigng guro. Isulat ang sagot sa sagutang papel.1.2.3.4.5.Takdang AralinMagdala ng mga bagay o instrument nanagbibigay ng tunog na gagamitin sa paglalapat ngiba’t ibang tunog na sasaliwan ng galaw ng katawan.46

Modyul 8: Mag-akyat Baba tayoSa modyul na ito ipakikita ang pagtaas atpagbaba ng tono sa pamamagitan ng pag-awit atpagtugtog ng instrumento. Makikita din angkaugnayan ng tunog sa laki ng instrumentong ginamit.Gawain 1: Up and DownMakinig kayo, kapag narinig ninyo ang dalawangpalakpak, tatayo kayo. Kapag sinabi ko naman angsalitang YES ay uupo naman kayo.Ngayon muli nating awitin ang ―Tayo Na, TayoNa‖.Tumingin ka sa paligid at humanap ka ng bagayna kumakatawan sa mataas at mababang tunog.Aawitin ang mataas na do kung maliit ang napilimo, at mababang do kapag malaking bagay namanang nasa iyo.Ngayon nakarinig ka na ba ng instrumentongpangmusika na may mababa at mataas na tunog?47

May ipapakita ako sa iyong larawan. Nakakita ka naba nito?Ano sa palagay mo ang instrumentong tinutugtog ngdalawang bata?Gusto mo rin bang tumugtog ng tambol?Sa iyong palagay, alin sa dalawang tambol ang maymababang tunog? Alin naman ang may mataas natunog? Tingnan natin kung tama ang hula nyo.Pumunta dito sa unahan ang isa sa inyo at paluin angmalaking tambol. Tama ba ang hula ninyo? Ngayonnaman ay itong maliit na tambol ang paluin. Tama parin ba ang hula ninyo?Kapag itinuro ko ang batang may hawak ng malakingtambol, aawitin ninyo ang mababang do. At kung anglarawan naman ng batang may hawak ng maliit natambol ang aking ituro ay aawitin ninyo ang mataasna do.48

May mga inihanda akong iba pang mgainstrumentong pangmusika. Maaari ninyo ring tugtuginang mga ito.Gawain 2:Ngayon, may iparirinig akong awitin sa inyo. Handana ba kayo?Awitin natin ang ―Stand Up‖ ayon sa wastong tono.49

Ano ang napansin mo sa tono ng una at ikalawangnota ng awit?Mayroon bang mataas at mababang tono?Ano-ano ito?Awitin ang dalawang tono na narinig mo habangikinikilos ang ating katawan. Naawit mo ba nang wastoang mataas at mababang tono?Paano mo maisasagawa ang dalawang uri ng tono?Tandaan:Ang mataas at mababang tono ay maaaringmakikilala at maisagawa sa pamamagitan ngpag-awit , pagtugtog at paggamit ng galaw ngkatawan.50

PagtatayaPanuto: Lagyan ng bituin ( )ang tapat ng kahonkung nagawa mo at buwan( ) kung hindi.Isulat ang sagot sa sagutang papel.KaalamanNagawaHindinagawa1. Natutuhan ko ang dalawanguri ng tono?2. Naawit ko nang maywastong tunog ang mataasat mababang tono?3. Naipakita ko sapamamagitan ng tono angmga bagay na mataas atmababa?4. Natukoy ko ang dalawanginstrumentong nagbibigay ngdalawang uri ng tono?5. Naawit ko nang wasto angStand Up?Takdang GawainGumuhit ng dalawang instrumentong pangmusikana mayroong mataas at mababang tono at sapagpapakita nito sa klase ay awitin ninyo ang angkopna tono nito.51

Modyul 9: Gayahin Mo AkoAng paggaya ay isa s

ii Music, Art, Physical Education and Health- Ikalawang Baitang . Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon, 2013 . ISBN

Related Documents:

QUINTO GRADO DE EDUCACIÓN PRIMARIA La finalidad de esta prueba es conocer lo que han aprendido los alumnos de quinto grado de tu escuela y de todas las escuelas de Educación Primaria en México. El material de evaluación consta de: un Cuadernillo de Preguntas. una Hoja para el Registro de Respuestas. 1.

de las palabras* El quinto acuerdo consiste, en definitiva, en ver toda tu realidad con los ojos de la verdad, sin palabras* El resultado de poner en práctica el quinto acuerdo es la aceptación completa de ti mismo exactamente como eres y la aceptación completa de todos los demás exactament

3 Presta mucha atención a quién debes enviarle la tarea (señalada con el ícono ) esta semana: -QUINTO "A" solo envía lo resuelto en Matemática (indicado con ícono) a: 5matematica.m.envm@gmail.com -QUINTO "B" envía lo resuelto en Ciencias (indicado con ícono) a: 5ciencias.m.envm@gmail.com -QUINTO "C" solo envía lo resuelto en Lengua (indicado con ícono) a: 5lengua.m.envm .

segundo tercero quinto séptimo noveno cuarto sexto ordinal. Perteneciente al orden. Glosario 1. 6. 7. 9. Freepik 8. Mineduc Segundo se ponen las paredes y tercero se coloca la puerta. Primero se coloca el piso. El cuarto paso es colocar el techo y el quinto pintar. 1.º primero quinto 3.º tercero 2.º segundo cuarto Mineduc

Combining SDN and NFV SDN (fabric) and NFV (overlay) are managed separately Increased operational complexity / opex Difficult to optimize across different stacks Lack of visibility for troubleshoot and end-to-end optimization Separate resource pools OpenStack / K8S Ctrl App Ctrl App Ctrl App Ctrl App Ctrl App Ctrl App Ctrl App Ctrl App Ctrl App .

USA YOUTH SABHA SAHAJANAND SWAMI MAHARAJ SEMESTER PART I Swami Shriji Table of Contents Aashirvād App. B Week 1 Week 2 Week 3 Week 4 App. F Week 5 Week 6 App. I 1 2 App. A 3 App. C 10 17 25 32 39 App. H

To build your first app with Reading App Builder: 1. Launch Reading App Builder from its icon on the desktop. 2. Click New App on the toolbar. The New App wizard will appear. 3. On the first page of the wizard, specify the App Name, such as Dogon Stories, Supyiré Proverbs, etc. This is the main title of your app and will be seen by the user.

RUMINANT ANIMAL NUTRITION ANN 503 BY Prof. C. F. I. Onwuka Dr. O.A.Isah *Dr. A.O. Oni Dr(Mrs) R.Y. Aderinboye *Course coordinator. COURSE OUTLINE Course introduction , preview and expectation The Nature of ruminant Stomach Physiology, microbiology and biochemistry of rumen Utilization of roughages in ruminant feeding The use of agro industrial by-products in ruminant feeding Importance and .