Filipino Baitang 8 Ikaapat Na Markahan - Rex Interactive

2y ago
353 Views
22 Downloads
1.29 MB
23 Pages
Last View : 10d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Louie Bolen
Transcription

Filipino Baitang 8Ikaapat na Markahan1

2

Ikaapat na Markahan Baitang 8Supplemental Lesson PlanAralin 1:A.B.Sa Isang Madilim at Mapanglaw na GubatFlorante at Laura (Saknong 1–68)PanimulaTanungin ang mga mag-aaral kung ano angmasasabi nila sa kalagayang pampolitika ng bansa:Ano ang masasabi ninyo tungkol sa graft andcorruption na kinasasangkutan ng mga pinuno ngbansa?Sabihin: Bilang isang kabataan, tungkulinmo na magsikap upang maging isang mabutingmamamayan. Isa sa mga tungkulin ng mabutingmamamayan ay ang pagpili ng pinunong tunayna makapaglilingkod ng matapat sa bayan. Kahitngayong hindi ka pa maaaring bumoto, maaari kanang maglista ng mga katangiang sa palagay mo aydapat na taglay ng isang mabuting pinuno.Katawan1. Paglilista ng ImpormasyonHatiin ang mga mag-aaral sa limanggrupo at bawat grupo ay maglilista ng mgakatangiang sa palagay nila ay dapat na taglayng isang mabuting pinuno. Itakda kung ilangkatangian ang kailangang mailista ng bawatgrupo. Pagkatapos ng pag-uusap ng bawatgrupo, ibabahagi nila sa mga kaklase angkanilang listahan at ipaliwanag kung bakit angmga katangiang iyon ang kanilang pinili.Magkakaroon ng maikling talakayan atpalitan ng palagay sa klase tungkol sa mgaibinahagi ng bawat grupo.2. Kasanayang PampanitikanPagbasa nang Tahimik:Bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na basahin ang mga saknong ng Floranteat Laura. Ang babasahin na ito ay naibigay nabilang takdang-aralin kaya inaasahang anggagawing pagbasa ay paghahanda na para satalakayan sa araw na ito.Sanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014. Kalinangan 8.Manila: Rex Book Store, Inc.PamantayangPangnilalaman:Naipamamalasng mag-aaral angpagkaunawa sabinasang akda sapamamagitan ngtalakayanPamantayangPagganap:Naipaliliwanagng mga mag-aaralang sariling pananawat saloobin sapamamagitan ngpakikipagdebateMga KasanayangPampagkatuto:1. Nauunawaan atnaipaliliwanagang kahulugan ngbinasang akda2. Naiuugnay angmga kaisipangnakapaloob sa mgakasabihan sa mgapangyayari sa buhay3. Nabibigyan ngkahulugan ang mgamatalinghagangsalita sa binasangakda3

Pangkatang GawainPagkatapos ng pagbabahagi at pagpapalitan ng palagay, muling babalik sakanya-kanyang grupo ang magkakaklase upang gawin ang pagsusuri sa akda at samga tauhan nito sa pamamagitan ng grapikong pantulong:a.Ipalarawan ang gubat na kinaroroonan ni Florante.b.Sa pamamagitan ng grapikong pantulong, ipalista ang mga katangian ngmga pangunahing tauhan sa akdang binasa.FLORANTELAURAADOLFOc.Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:1.Bakit laganap ang kasamaan sa kaharian ng Albanya?2.Ayon sa binasang akda, ano ang ginagawa sa mga taong mabuti atmasama? Ilista sa tsart ang iyong mga sagot:Ginagawa sa Mabuti4Ginagawa sa Masama

Pagkatapos ng pangkatang gawain, ibabahagi ng mga grupo samga kamag-aral ang kanilang pinag-usapan. Magkakaroon din ng maiklingtalakayan tungkol sa kanilang mga sagot.3.PagpapalalimPagkatapos ng talakayan at palitan ng mga palagay, magsusulat sila ng sanaysayna may isa hanggang dalawang talata upang ipaliwanag ang kanilang sarilingsaloobin tungkol sa tanong na nakasulat sa ibaba:1.Sa iyong palagay, bakit may mga taong gumagawa ng hindi mabuti sakapwa at sa bayan?2.Ano kaya ang maaaring nagtutulak sa kanila na gawin ang ganoong mgabagay?3.Kung may kilala kang tao o kamag-anak na katulad ng binanggit sa itaas,ano kaya ang gagawin mo?Pagkatapos ng takdang-oras, pumili ng mga mag-aaral namagbabahagi ng kanilang mga sinulat. Pagkatapos ay maaaring magbigayrin ng opinyon ang mga kaeskuwela tungkol sa kanilang pinakinggan o sakanilang sariling palagay.C.KongklusyonDebate sa Klase1.Hatiin sa apat na grupo ang klase at magpapalabunutan sila para sa mga paksangpadedebatihan nila sa klase (maaaring palitan ang mga nakalistang mungkahingpaksa ayon sa kung ano ang mainit na paksang panlipunan sa panahongtinatalakay ang araling ito).2.Ang magkatapat sa pagdedebate ay ang una at ikalawang grupo, at ang ikatlo atikaapat na grupo. Magkakaroon ng dalawang pares ng grupo na magdedebate.3.Magpagawa ng pananaliksik tungkol sa paksa sa aklatan o sa mga pahayagan.4.Sabihan ang mga mag-aaral na maghanda para sa debate sa susunod na pagkikitang klase.Unang Grupo:Ikalawang Grupo:Ikatlong Grupo:Ikaapat na Grupo:Mga PaksaDapat lang na patawarin na si Janet Napoles dahilsiniwalat naman niya ang tungkol sa pork barrel scam.Dapat pa ring parusahan si Janet Napoles kahitisiniwalat niya ang tungkol sa pork barrel scam.Dapat ang sisihin ng mga tao ang gobyerno sa habang pila sa MRT.Maaari namang sumakay sa ibang sasakyan upanghindi na pumila sa MRT.5

Rubric sa PakikipagdebatePamantayanNapakahusayKaalaman sa paksaLiwanag ng pagsasalitaHusay ng pagpapaliwanagPagtutulungan ng grupoKabuuang presentasyon4 – Napakahusay3 – Mahusay2 – Di-gaanong Mahusay1 – Kailangan pang butihin

Ikaapat na Markahan Baitang 8Supplemental Lesson PlanAralin 2:A.Makapangyarihan ang Pag-ibigFlorante at Laura (Saknong 69–82)PanimulaMagpakita ng mga larawan na may kinalamansa pag-ibig.Mga halimbawa: mga rosas na pula, isangmasayang pamilya, mga batang nasa flag ceremony,kinakasal, o isang batang tumutulong sa isangmatandaTanungin ang mga mag-aaral tungkol sa mgalarawang kanilang nakikita.Mga Gabay na Tanong:B.1.Ano ang inyong nakikita?2.Sa palagay ninyo, paano ipinakikita oipinararamdam ang pag-ibig sa mga larawan?3.Paano ninyo ipapakita o ipaparamdam ang pagibig sa inyong kapwa?Katawan1.Kaalamang PampanitikanPagbasa nang Tahimik: Ipabasa sa mgamag-aaral ang saknong 69–82 ng Florante atLaura.Bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na basahin ang mga saknong ng Floranteat Laura. Ang babasahing ito ay naibigay na ngguro bilang takdang-aralin kaya inaasahangang gagawing pagbasa ay paghahanda na parasa talakayan sa araw na ito.PamantayangPangnilalaman:Nailalahad angmahahalagangpangyayari sa binasangaralinPamantayangPagganap:Nakapagsusulat atnakapagtatanggal ngdula-dulaan base sabinasang aralinMga KasanayangPampagkatuto:1. Nailalahad angpangunahingkaisipan ng akdangbinasa2. Nailalarawan angmga tauhan ngakdang binasa sapamamagitan ngimahinasyon3. Nakabubuo ng mgapalagay tungkolsa tauhan base sabinasang akda4. Nauunawaan angmga salitang ginamitng may-akda5. Naiuugnay angmga kaisipangnakapaloob sa mgakasabihan sa mgapangyayari sa buhaySanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014. Kalinangan 8.Manila: Rex Book Store, Inc.7

2.Pagpapalawak ng TalasalitaanBilugan ang salitang naiiba ang kahulugan sa grupo ng mga salita. (Maaaringdagdagan o palitan ang mga salitang pariwaramalumbaymakapagtatagoSanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014). Kalinangan 8. Manila: Rex Book Store, Inc.3.Pag-unawa sa BinasaSa panahon ng talakayan at palitan ng mga opinyon, mahalagang tiyakinna naiuugnay ng mga mag-aaral ang kanilang binasa sa iba’t ibang anyo ng pagibig at nakapagbibigay sila ng sariling pananaw tungkol sa mga ito.Gamiting gabay ang sumusunod na mga tanong para dito.Talakayan:1.Sino ang dumating sa gubat?2.Bakit siya malungkot? Ano ang problema niya?3.Base sa mga sinasabi ni Aladin, ano kayang klaseng anak siya? Bakit monasabi?4.Sa iyong palagay, tama ba ang sinasabi ni Aladin sa mga saknong 78–79?5.Gagawin kaya niya ang kanyang iniisip? Bakit mo nasabi?6.Sa iyong palagay, nangyayari pa rin ba sa kasalukuyan ang karanasan niAladin? Magbigay ng mga halimbawa.7.Ano-ano ang alam mong uri ng pag-ibig?8.Paano mo ito maipag-iiba o maihahalintulad sa iba pang mga uri o anyo ngpag-ibig?9.Sa iyong palagay, paano naipakikita ng tao ang pag-ibig?10. Paano mo ipakikita ang pag-ibig sa8a.kapwa?b.sa iyong pamilya?c.sa iyong kaibigan?

d.sa kapaligiran?e. sa bayan?11. Sa iyong palagay, dapat bang ipaglaban ang pag-ibig? Ipaliwanag ang iyongsagot.C.KongklusyonMagpabuo ng isang maikling dula-dulaan. Hatiin ang klase sa apat na grupo.Bawat isang grupo ay may ilalaang gawain batay sa binasang akda.Pangkat 1: Gagawa ng maikling dula-dulaan base sa binasang akda.Pangkat 2: Gagawa ng background at props para sa dula at ihahanda ang mga damitng tauhan.Pangkat 3: Isasadula ang iskrip na ginawa ng unang pangkat.Pangkat 4: Tatalakayin ang problemang kinakaharap ng tauhan sa dula at magbibigayng payo.Rubric sa Dula-DulaanPamantayanNaipakita nang wasto ang damdamin ng tauhan sapamamagitan ng pagsasalitaNaipakita nang wasto ang damdamin ng tauhan sapamamagitan ng pag-arteAngkop ang background at damit na ginamit sa dulaMahusay ang talakayan at payo na binigay sa tauhang mayproblema543215 – Napakahusay4 – Mahusay3 – Di gaanong mahusay2 – Katamtaman1 – Kailangan pang pagbutihinPagtatayaAng pagtataya na ito ay tatawagin ding self-evaluation. Bubuuin ng mga magaaral ang mga pangungusap na nakalista sa ibaba ayon sa kung paano niya itonakikitang tama. Tandaan na walang maling sagot sa pagtataya na ito dahil ang sagotay depende sa mga karanasan, paniniwala, at pagpapahalaga ng mag-aaral.1.Ginagawa ko ang aking mga nakatakdang gawain sa bahay dahil.9

2.Naniniwala akong ang pagmamahal sa bayan ay naipakikita sa pamamagitan ng.3.Gustong-gusto kong gawin angdahil.4.Pangarap kong sapagkat.5.Para sa akin, ang pag-aaral ay sapagkat.10

Ikaapat na Markahan Baitang 8Supplemental Lesson PlanAralin 3: Ang Mapagkandiling AmaFlorante at Laura (Saknong 83–107)Mga Layunin1. Nauunawaan ang akda sa pamamagitan ng paguugnay nito sa personal na karanasan2. Nakabubuo ng mga palagay tungkol sa tauhan basesa binasang akda3. Naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sakasalukuyang panahonA. PanimulaIsulat ang sumusunod na mga salita sa pisara attanungin ang mga mag-aaral kung ano ang naiisipnila kapag naririnig o nababasa ang mga salitang ito: Ama Daddy Papa Tatang Father Itay Dad PappyB.Tanungin din kung may alam pa silang ibangsalitang ginagamit na tumutukoy sa ama.Katawan1.Kaalamang PampanitikanPagbasa nang Tahimik:Babasahin ng mga mag-aaral ang saknong83–107 ng Florante at Laura.Bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na basahin ang mga saknong ng Floranteat Laura. Ang babasahing ito ay naibigay nabilang takdang-aralin kaya inaasahang anggagawing pagbasa ay paghahanda na para satalakayan sa araw na ito.PamantayangPangnilalaman:Nailalahad angmahahalagang pangyarisa binasang aralinPamantayangPagganap:Nakapagsusulatat nakapagtatanggalng dula-dulaan basebinasang aralinMga KasanayangPampagkatuto:1. Nailalahad angpangunahingkaisipan ng akdangbinasa2. Nailalarawan angmga tauhan ngakdang binasa sapamamagitan ngimahinasyon3. Nakabubuo ng mgapalagay tungkolsa tauhan base sabinasang akda4. Nauunawaan angmga salitang ginamitng may-akda5. Naiuugnay angmga kaisipangnakapaloob sa mgakasabihan sa mgapangyayari sa buhaySanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014. Kalinangan 8.Manila: Rex Book Store, Inc.11

2.Pagpapalawak ng TalasalitaanAtasan ang mga mag-aaral na ipaliwanag sa sariling pagkakaunawa angsumusunod na mga matalinghagang parirala:Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa kuwaderno atmakikipagpalitan sa katabi para sa pagwawasto.a.Walang ikalawa ka sa lupaSa anak na kandong sa pag-aarugab.Sa habag ay halos magputok ang dibdibc.Sa sintang inagaw ang itinatangisDahilan ng aking luhang nagbabatisd.At kung mangyaring hanggang sa malibingAng mga buto ko kita’y sisintahine.Ang layaw sa ama’y dusa’t pawing luhaHindi nakalasap kahit munting tuwa3.Pag-unawa sa BinasaPipili ng kaparehas ang bawat mag-aaral at bubuuin nila ang bookmarkorganizer sang-ayon sa akdang kanilang binasa.Pumili ng mga magkapares na siyang magbabahagi ng kanilang isinulat.Ipaalala na mahalagang ipaliwanag ng mga nagre-report ang kanilang isinulatupang maunawaan itong mabuti ng mga kaeskuwela.Maaari ding magtanong ang mga kaeskuwela o magbigay ng sarili nilangopinyon batay sa kanilang isinulat o sa napakinggang report.Mga Gabay na Tanong para sa Bookmark Organizer:a.Isulat ang pamagat at sumulat ng akdang binasa.b.Pangalan ng pangunahing tauhan.c.Ilarawan ang tagpuan ng akda.d.Ano ang iyong nagustuhan sa akda?e.Ano ang hindi mo nagustuhan sa akda?f.Alin ang pinakamadamdaming tagpo sa akda?g.Ano ang kaisipang nakuha mo sa binasang akda?Bookmark Organizera.b.c.d.12

e.f.g.4.PagpapalalimHatiin sa limang grupo ang buong klase at atasan silang magsagawa ng sarbey sa10 mga kakilala o kaibigan tungkol sa kanilang ama.Mga Tanong:a.Ano ang tawag mo sa iyong ama?b.Ilarawan mo ang itsura ng iyong ama.c.Ano ang pinakagusto mong katangian ng iyong ama?d.Ano ang pangarap ng iyong ama para sa iyo?Ire-report ng bawat grupo sa klase ang mga impormasyong nakuha nila sa sarbey.C.KongklusyonMalikhaing Pagbasa ng Tula1.Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral at ipabasa ang tula sa pamamagitan ngsabayang pagbigkas.2.Maglaan ng sapat na oras upang makapagsanay ang mga mag-aaral para sasabayang pagbigkas.Rubric para sa Sabayang PagbigkasPamantayanPaggamit ng iba’t ibang tinig na angkop sa damdamin ng tauhanLakas ng bosesPagbaba at pagtaas ng boses (tono)Pagkakasabay-sabay ng pagbasa543215 – Napakahusay4 – Mahusay3 – Di gaanong mahusay2 – Katamtaman1 – Kailangan pang pagbutihin13

Ikaapat na Markahan Baitang 8Supplemental Lesson PlanAralin 4: Si Aladin, Ang TagapagligtasTeksto: Florante at Laura (saknong 143–21)A.PanimulaMagpakita ng mga larawan ng mga doktor, pulis,o mga karaniwang tao na tumutulong o gumagawang kanilang mga gawain upang makatulong sakapwa.Tanungin ang mga mag-aaral kung ano sapalagay nila ang mangyayari sa ating lipunan kungwalang mga taong nakahandang tumulong atmagsakripisyo para sa kanilang kapwa.B.Katawan1.Kaalamang PampanitikanPagbasa nang Tahimik:Muling babasahin ng mga mag-aaral angsaknong 143–215 ng Florante at Laura.Ang babasahin na ito ay naibigay na bilangtakdang-aralin kaya inaasahang ang gagawingpagbasa ay paghahanda na para sa talakayan saaraw na ito.Sanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014. Kalinangan 8.Manila: Rex Book Store, Inc.2.Pagpapalawak ng Talasalitaana.14Pangkatin sa dalawa ang buong klase atpapilahin sa magkabilang gilid ng silidaralan.b.Magpakita ng inihandang mga flashcard na may mga nakasulat na salitangnanggaling sa akdang binasa.c.Isa-isang sasagot ang mga mag-aaral nakabilang sa bawat pangkat hanggangmaubos na ang mga nakatayong kasapi sapangkat.d.Panalo ang unang makatatapos.PamantayangPangnilalaman:Nailalahad angmahahalagangpangyayari sa binasangaralinPamantayangPagganap:Nakapagsusulatat nakapagtatanggalng dula-dulaan basebinasang aralinMga KasanayangPampagkatuto:1. Nailalahad angpangunahing kaisipanng akdang binasa2. Nailalarawan angmga tauhan ngakdang binasa sapamamagitan ngimahinasyon3. Nakabubuo ng mgapalagay tungkolsa tauhan base sabinasang akda4. Nauunawaan angmga salitang ginamitng may-akda5. Naiuugnay ang mgakaisipang nakapaloobsa mga kasabihan samga pangyayari sabuhay

e.Maaaring magbigay ng premyo sa mananalong grupo.Mga Mungkahing Salita(Maaaring dagdagan ang mga nasa listahan.)1. lungayngay11. kutya2. himutok12. saklaw3. taghoy13. lumbay4. giliw14. hapis5. gunita15. buntong-hininga6. lipos16. payapa7. nagitla17. sinapupunan8. igtad18. bantog9. gerero19. yapos10. tangkilik20. dawag3.Pag-unawa Sa BinasaPangkatin sa apat ang klase. Base sa binasang akda, gagawin ng bawatgrupo ang sumusunod na mga aktibidad.Maglaan ng sapat na panahon para sa pagsusulat ng iskrip at pagsasanay.Mga GrupoUnang GrupoIkalawang GrupoIkatlong GrupoIkaapat na GrupoMga GawainTalakayan tungkol sa desisyon ni Duke Briseo na ipadala siFlorante sa AtenasBalita tungkol sa pagkikita at pagliligtas ni Aladin kayFloranteMasining na pagbasa ng mga piling saknong sa tula(maaaring ang guro o ang mga mag-aaral ang pipili ngsaknong ngunit guro ang magtatakda kung ilang saknongang babasahin nila)Dula-dulaan tungkol sa paghihikayat ni Aladin napaniwalaan siya ni Florante tungkol sa katapatan nghangarin niyang tumulongPagkatapos ng bawat pagtatanghal, magkaroon ng talakayan sa klasetungkol sa kanilang napanood. Mahalagang bigyang pokus ang pagpapalabassa pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.Iugnay sa talakayan ang sinasabi ni Balagtas tungkol sa maling pagpapalakisa anak.15

Ilang mahahalagang tanong para sa talakayan:4.1.Bakit mahalaga ang pagmamalasakit sa kapwa?2.Patunayan na magandang ugali ng mga Pilipino ang pagtulong atpagmamalasakit sa kapwa.PagpapalalimMagkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa mga kaisipan atpagpapahalagang ipinahihiwatig sa mga saknong 197–203.Tiyakin na ginagamit ng mga mag-aaral ang kasanayan sa pagbubuong mga wastong pangungusap at angkop na gramatika sa pagpapahayag ngkaisipan, opinyon, at damdamin.C.Kongklusyon1.Pangkatin sa tatlong miyembrong grupo ang buong klase.2.Gagawa ng tatlong balita ang magkakagrupo base sa sumusunod na mga paksa:a.Isang estudyanteng nahuling nagdodrogab.Isang estudyanteng nagtatrabaho upang makapag-aralc.Isang gurong nagtuturo sa napakalayong eskuwelahand.Isang estudyanteng nakatira sa isang idini-demolish na bahayane.Isang kabataang mahilig maglaro ng online games3.Mahalagang may papel sa gawaing ito ang bawat kasapi. Ang mga papel na ito ayreporter, ang iniinterbyu, at camera man. Maaari ding magbigay ng panibagongpapel.4.Magtatanghal sa klase ang bawat pangkat at magkakaroon ng talakayan angklase tungkol sa kanilang pinanood pagkatapos ng lahat ng mga pagtatanghal.Pagtataya1.Gagawa ng comic strip ang mga mag-aaral.2.Ang comic strip ay isang repleksiyon base sa akdang binasa.3.Ang pagtataya na ito ay maaari ring gawing takdang-aralin na ipapasa sa susunodna pagkikita.16

Ikaapat na Markahan Baitang 8Supplemental Lesson PlanAralin 5: Si Aladin, Ang TagapagligtasTeksto: Florante at Laura (Saknong 216–257)A.PanimulaIpakita sa mga mag-aaral ang 1987 Konstitusyonng Pilipinas at tanungin niya ang mga mag-aaralkung ano kaya sa palagay nila ang kinalaman ngKonstitusyon sa kanilang pag-aaral.Pagkatapos ng mga sagot at palagay mula samga mag-aaral, basahin ang isang bahagi ng Seksyon1 ng Konstitusyon:“Dapat pangalagaan at itaguyod ng estadoang karapatan ng lahat ng mga mamamayansa mahusay na edukasyon sa lahat ng antasat dapat magsagawa ng mga hakbang upangmatamo ng lahat ang gayong edukasyon.”Mahalagang tanong para sa mga mag-aaral:Bilang isang mag-aaral, sa iyong palagay,naisasakatuparan ba ng pamahalaan ang nakasaadsa Konstitusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.B.Katawan1.Kaalamang PampanitikanPagbasa nang TahimikMuling babasahin ng mga mag-aaral angsaknong 143–215 ng Florante at Laura.Ang babasahin na ito ay naibigay na bilangtakdang-aralin kaya inaasahang ang gagawingpagbasa ay paghahanda na para sa talakayan saaraw na ito.PamantayangPangnilalaman:Nailalahad angmahahalagangpangyayari sa binasangaralinPamantayangPagganap:Naipaliliwanag saklase ang kahalagahanng pag-aaral upangmakamit angkarununganMga KasanayangPampagkatuto:1. Nailalahad angpangunahingkaisipan ng akdangbinasa2. Nailalarawan angmga tauhan ngakdang binasa3. Nakabubuo ng mgapalagay tungkolsa tauhan base sabinasang akda4. Nauunawaan angmga salitang ginamitng may-akda5. Naiuugnay angmga kaisipangnakapaloob sa mgakasabihan sa mgapangyayari sa buhaySanggunian: Belvez, Paz M., et al 2014. Kalinangan 8.Manila: Rex Book Store, Inc.17

2.Pagpapalawak ng Talasalitaana.Pangkatin sa dalawa ang buong klase at papipilahin sa magkabilang gilidng silid-aralan.b.Magpakita ng inihandang mga flash card na may mga nakasulat na salitangnanggaling sa akdang binasa.c.Isa-isang sasagutin ng mga mag-aaral na kabilang sa bawat pangkathanggang maubos na ang mga nakatayong kasapi sa pangkat.d.Panalo ang unang makatatapos.e.Maaaring magbigay ng premyo sa mananalong grupo.Mga Mungkahing Salita(Maaaring dagdagan ang mga nasa listahan.)1. natarok11. kamandag2. pilosopiya12. kalatas3. astrolohiya13. pagsasaliwan4. maestro14. dalampasigan5. hantungan15. katoto6. talastas16. bangis7. pakitang-tao17. pagkukunwari8. natanto18. nasangga9. kapighatian19. natukso10. gunam-gunam20. daing3.Pag-unawa sa BinasaMga Gabay na Tanong para sa Talakayan sa Klase:a.Sino-sino ang tauhang binanggit sa akdang binasa? Ilarawan ang bawat isaayon sa iyong pagkakaunawa sa akda.b.Base sa binasang tula, patunayang matalino si Florante.c.Bakit hindi nararamdaman ni Florante ang katapatan ng pakikipagkaibiganni Adolfo?d.Bakit galit na galit si Adolfo kay Florante? Ano ang mga dahilan ng galit naito? Isulat sa kahon:Sanhi18Mga PangyayariBunga

4.e.Naparusahan ba si Adolfo sa tangkang pagpatay niya kay Florante?Ipaliwanag ang iyong sagot.f.Anong balita ang natanggap ni Florante tungkol sa kanyang ama na labisniyang ikinalungkot?g.Ano ang nilalaman ng sulat ni Duke Briseo para kay Florante?h.Ano ang damdamin ng mag-ama nang magkita sila?i.Tama ba si Antenor sa pagpapaalala kay Florante tungkol kay Adolfo? Bakitmo nasabi?Pagpapalalima.b.5.Gamit ang buong pangungusap at ang kasanayan sa wastong retorika,ipasagot ang sumusunod na mga tanong: Bakit mahalaga ang pagtatamo ng karunungan? Ano ang mga gagawin mo upang makamit mo ang karunungan? Saan mo binabalak na gamitin ang karunungang nakamit mo? Bakit? Ano ang masasabi mo tungkol sa mga taong ginagamit sa kasamaanang kanilang karunungan?Magpasulat ng maikling sanaysay tungkol sa sariling pananaw ng mgamag-aaral tungkol sa karunungan. Itanong kung ano ang mga gagawin nilaupang malampasan ang mga pagsubok na madadaanan sa pagkamit ngkarunungan.PagpapalawakPangkatin sa lima ang mga mag-aaral at papiliin sila ng isa sa sumusunodna mga kasabihan. Ipaliliwanag nila ang kasabihang napili sa malikhaing paraan.Maaari silang magsagawa ng maikling dula, balita, o magsulat ng tula. Angkanilang mga gagawin ay ibabahagi sa klase at pagkatapos ay magkakaroonng mga talakayan at palitan ng opinyon ang klase tungkol sa palabas ng mgakaklase at sa sarili nilang ginawa.Mga Kasabihan:a.Aanuhin mo ang kagandahan kung ang utak mo ay walang laman.b.Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang kinabukasan.c.Ang taong matalino’y nag-uumpisa ng karunungan.d.Malalaman ng taong matalino ang kanyang ginagawa ngunit angmangmang ay inaakay ng mali niyang unawa.e.Ang salita ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan.19

C.Kongklusyon1.Maghahanap ng kapareha ang bawat mag-aaral at magtutulungan sila sapaggawa ng isang collage tungkol sa kahalagahan ng karunungan.2.Ang gawaing ito ay maaaring gawing gawaing-bahay na ipapasa sa klase sasusunod na pagkikita.3.Ibabahagi ng magkapareha sa mga kaklase ang kanilang ginawang collage.Ipaliliwanag nila kung ano ang ibig sabihin ng kanilang ginawa.20

Ikaapat na Markahan Baitang 8Supplemental Lesson PlanAralin 6: Si Florante, Ang MandirigmaTeksto: Florante at Laura (Saknong 258–273)A.PanimulaPangkatin ang mga mag-aaral sa sampu, odepende sa laki/liit ng klase. Bigyan sila ng pangalanng isang bayani at pag-uusapan nila sa grupo angmga katangian ng bayaning ito at kung ano angnagawa nito sa bansa. Ibabahagi nila sa klase angkanilang pinag-usapan.Mungkahing listahan ng mga bayani:B. Jose Rizal Apolinario Mabini Melchora Aquino Juan Luna Antonio Luna Marcelo del Pilar Andres Bonifacio Gabriela Silang Teresa Magbanua Teodora AlonzoKatawan1.Kaalamang PampanitikanPagbasa nang Tahimik:Muling babasahin ng mga mag-aaral angsaknong 258–273 ng Florante at Laura.Ang babasahin na ito ay naibigay na bilangtakdang-aralin kaya inaasahang ang gagawingpagbasa ay paghahanda na para sa talakayan saaraw na ito.PamantayangPangnilalaman:Nailalahad angmahahalagangpangyayari sa binasangaralinPamantayangPagganap:Naitatanghal sa klaseang binasang akdasa pamamagitan ngsabayang pagbigkasMga KasanayangPampagkatuto:1. Nailalahad angpangunahingkaisipan ng akdangbinasa2. Nailalarawan angmga tauhan ngakdang binasa sapamamagitan ngimahinasyon3. Nakabubuo ng mgapalagay tungkolsa tauhan base sabinasang akda4. Nauunawaan angmga salitang ginamitng may-akda5. Naipahahayag angsariling pananaw atdamdamin tungkolsa mga pangyayari sabinasang akdaSanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014. Kalinangan 8.Manila: Rex Book Store, Inc.21

2.Pagpapalawak ng TalasalitaanPagtapatin ang magkakasingkahulugan.Mga agkabalisaa.b.c.d.e.f.g.h.i.j.Mga Pagpipiliang pag-usappag-aalalasinakoptakotlayonPag-unawa sa BinasaMga Gabay na Tanong para sa Talakayan sa Klase:4.a.Sino-sino ang tauhang binanggit sa akdang binasa? Ilarawan ang bawat isaayon sa iyong pagkakaunawa sa akda.b.Ano ang paksa ng tula?c.Ano ang nilalaman ng liham na ipinadala ng biyenan ni Duke Briseo?d.Bakit kinatatakutan sina Heneral Osmalic at Aladin?e.Bakit pinili ni Haring Linceo si Florante bilang pinuno ng hukbongmakikipagdigmaan?f.Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?Pagpapalalima.Gamit ang buong pangungusap at ang kasanayan sa wastong retorika,ipasagot ang sumusunod na mga tanong: b.22Bilang isang mag-aaral na kabataan, paano ka makatutulong sapangangalaga ng kapayapaan? Ano ang mga maaari mong gawin athindi gawin?Hayaan ang mga mag-aaral na humanap ng kapareha at pag-usapankung ano-ano ang gusto nilang katangian ng isang mahusay na pinuno.Ipaliliwanag din nila kung bakit ito ang mga katangiang pinili.c.Magpabuo ng listahan ng mga mungkahi upang maiwasan ang digmaangmaaaring maganap kapag nagpatuloy ang hindi pagkakaunawaan sapagitan ng Tsina at Pilipinas.d.Ipabahagi sa klase ang nabuong listahan ng mga mag-aaral.

C.KongklusyonSabayang PagbigkasPangkatin sa lima ang klase at bigyan sila ng pagkakataong magsanay parasa sabayang pagbigkas. Maaaring gawin ang pagtatanghal sa susunod na araw ngpagkikita upang magkaroon ng sapat na paghahanda ang klase para sa kanilanggagampanang papel.Mga Pangkat12345Papel na GagampananAladinFloranteDuke BriseoHaring LinceoTagapagsalaysay(Bibigyan ng mga magtatanghal ng kopya ng rubric ang bawat grupongmanonood upang sila rin ay makapagbigay ng iskor.)Rubric para sa Sabayang PagbigkasPamantayanNaipakita ng wasto ang damdamin ng tauhan sa pamamagitantamang tonoNaipakita ng wasto ang damdamin ng tauhan sa pamamagitanng itsura ng mukhaSapat ang lakas ng tinig upang marinig ng lahatSabay-sabay na pagbabasa543215 – Napakahusay4 – Mahusay3 – Di gaanong mahusay2 – Katamtaman1 – Kailangan pang pagbutihin23

Filipino Baitang 8 Ikaapat na Markahan. 2. 3 Ikaapat na Markahan Baitang 8 Supplemental Lesson Plan Aralin 1: Sa Isang Madilim at Mapanglaw na Gubat Florante at Laura (Saknong 1–68) A. Panimula Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila sa kalagayang pampolitika ng bansa:File Size: 1MBPage Count: 23

Related Documents:

Ang Araling Asyano sa baitang 7, Araling Pandaigdig sa baitang 8, Ekonomiks sa baitang 9, Mga Kontemporaryong Isyu sa baitang 10, at_ sa baitang 11 at_ sa baitang 12. Makatutulong ang kaalaman tungkol sa ibang bansa sa pag-unawa ng lugar at papel ng Pilipinas sa rehiyon at mundo, at kung paano maaaring kumilos ang Pilipino at ang bansa .

Ikaapat na Markahan Baitang 2 Karagdagang Aralin 2 Aralin: Ang mga Batas sa Aking Komunidad Layunin: Naipaliliwanag na ang mga karapatang tinatamasa ay may katumbas na tungkulin bilang kasapi ng komunidad Natutukoy ang mga tuntuning sinusunod ng bawat kasapi sa komuni

Filipino Baitang 7 Ikatlong Markahan. 2. 3 Ikatlong Markahan Baitang 7 Supplemental Lesson Plan 1 Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan Aralin 1: Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/Bugtong A. Panimula Ipasagot sa mga mag-aaral ang palaisipan.File Size: 1MB

22 marquez, mary joan g. filipino 10,000 0 0014 23 guevara, anna georgina arroyo filipino 10,000 0 0014 24 ng siok go filipino 10,000 0 0014 25 osi, avelino m. filipino 10,000 0 0014 26 reambillo, ma. leonora filipino 10,000 0 0014 27 tan cheng leng filipino

E:\CDD Files\BEC-PELC Refined (Complete) 2008\Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan 2.docx Printed: 11/22/2010 9:52 AM [fsbergado] 6 Ikaapat na Baitang Ikalimang Baitang Ikaanim na Baitang IV. PAGLAHOK SA KATANGI-TANGING GAWAIN A. “Post Test” sa Pagsubok sa Kaangkupang Pisikal naisasagawa ang “Post Test” sa Pagsubok sa

BASIC EDUCATION FILIPINO DEPARTMENT Holy Angel University UNANG MARKAHANG SILABUS SA FILIPINO 10 PAMANTAYAN NG BAITANG Pagkatapos ng Ikasampung Baitang, naipamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalag

BASIC EDUCATION FILIPINO DEPARTMENT Pamantasang Holy Angel UNANG MARKAHANG SILABUS SA FILIPINO 7 PAMANTAYAN NG BAITANG Pagkatapos ng Ikapitong Baitang, naipamamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapah

An industry code of practice is approved by the Minister for Commerce. It takes effect on the day specified in the code or, if no day is specified, on the day it is published in the NSW Government Gazette. An approved industry code of practice may be amended from time to time (or it may be revoked) by publication in the gazette. An approved industry code of practice is designed to be used in .