GRADE V PROYEKTO: EDUKASYON SA PANAHON NG MGA AMERIKANO

3y ago
105 Views
2 Downloads
370.91 KB
10 Pages
Last View : 1d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Gideon Hoey
Transcription

GRADE VPROYEKTO: EDUKASYON SA PANAHON NG MGAAMERIKANOALAMIN MOTingnan mo ang larawan. May alam ka ba tungkol sa kanila?Sila ang tinatawag na mga Thomasite. Naging bahagi sila ng edukasyon naipinakilala ng mga Amerikano sa ating bansa.Sa modyul na ito, susuriin natin ang sistema ng edukasyon sa panahon ng mgaAmerikano.1HKS 5 M- 22

PAGBALIK-ARALAN MONatatandaan mo ba ang aralin natin tungkol sa edukasyon sa nakaraang modyul?Subukin mong gawin ang pagsasanay na ito.Iayos mo ang mga titik upang makabuo ng salita. Isulat mo ito sa papel.1. K A P A O R Y L-(Unang paaralang naitatag sapanahon ng Espanyol)2. Y E R O M I S N O-(Unang guro sa panahon ngEspanyol)3. R O N E S K A D AY -(Ikalawang antas ng pagaaral)4. L A R M O N(Paaralan para sa nais magingguro)-5. K A T I M E A T A M -(Asignatura sa pagbilang atpagkuwenta)PAG-ARALAN MOBasahin mo ang talakayan sa klase ni Gng. Eleanor Forbes at ng kanyang mag-aaral.Gng. Forbes:Magandang umaga sa inyo. Alam kong handa na kayo sa atingtalakayan tungkol sa edukasyon sa panahon ng Amerikano.Simulan natin. Ano ang tatlong pangunahing layunin ng kanilangedukasyon?2HKS 5 M- 22

Rita:1. Ituro sa mga Pilipino ang pagiging mabuting mamamayansa isang demokratikong bansa.2. Ipalaganap ang wikang Ingles.3. Ipaabot ang impluwensiya ng kulturang Amerikano.Gng. Forbes:Magaling! Sinu-sino ang naging guro sa panahong ito?Mark:Unang guro po ang mga sundalong Amerikano at dating gurongPilipino Noong Agosto 23, 1901, dumating ang mga gurongAmerikano sakay ng ilang bapor at ang pinakapopular dito ay angS.S.Thomas. Sila ang pinakamalaking delegasyon ng mga gurongAmerikano na pumalit sa mga gurong sundalo. Tinawag silangThomasite.Gng. Forbes:Palakpakan natin si Mark. Anu-ano namang paaralan ang itinatagnila sa bansa?Ma. Xena:Itinatag po nila ang sumusunod: mga paaralang pambayan,edukasyong bokasyunal, edukasyon para sa may sapat na gulang,edukasyon para sa mga di-kristiyano at pribadong edukasyon.Gng. Forbes:Ano ang iba’t ibang antas ng kanilang edukasyon?Ruel:Ang mga paaralang pambayan ay binubuo ng elementarya,sekondarya, unibersidad at kolehiyo. Apat na taon ang panimulangbaitang, tatlo ang intermedya at apat ang sekondarya.Gng. Forbes:Nasisiyahan ako sa inyo dahil nakasasagot kayo nang mabuti samga tinanong ko. Narito pa ang karagdagang kaalaman.3HKS 5 M- 22

Basahin mo:Maraming paaralan ang binuksan sa bansa. Ang mgapaaralan para sa antas na pangkolehiyo ay ang Paaralang Normalng Pilipinas, Paaralan ng Pilipinas sa Sining at Kalakal, atPaaralang Nautical ng Pilipinas. Naitatag din ang Pamantasan ngPilipinas.Sinundan ito ng pagtatayo ng mga gusaling bokasyunal,pagsasanay sa mga gurong bokasyunal at pagtatatag ngedukasyong bokasyunal sa Kawanihan ng Edukasyon noong 1920.Noong 1929, si Dr. Frank Lauback, isang misyonerongProtestanteng Amerikano ang nagpakilala ng isang paraan ngpagtuturo sa mga may sapat na gulang. Isinagawa ito sa mgaMaranao sa Lanao at sa iba’t ibang pook ng bansa.Ginamit sa mga paaralan ang mga aklat na isinulat atnilimbag sa Amerika.Binigyang diin ang pagtuturo ngdemokratikong paraan ng pamumuhay. Marami ang nakapag-araldahil libre ang pagpasok sa mga paaralang pambayan. Kung angsimbahan ang sagisag ng Espanya, ang paaralan naman angsagisag ng sibilisasyong Amerikano.Mga mag-aaral:Maraming salamat po Gng. Forbes sa inyong pagtuturo sa amin.Gng. Forbes:Walang anuman at sana ipagpatuloy ninyo ang kasipagan sa pagaaral.May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang sistema sa edukasyon sa panahon ngAmerikano sa panahon ng Espanyol?Anu-ano ang nagbago sa sumusunod?1. mga layunin2. mga guro3. mga naitatag na paaralan4. wikang panturo4HKS 5 M- 22

5. mga aklatSuriin mo ang balangkas na ito.Mga Antas ng EdukasyonSa Panahon ng tasangSining atKulturaPamantasan ngPilipinasKolehiyoSekondaryaTaonI, II, III, IVIntermedyaBaitangV, VI, VIIPrimaryaBaitangI, II, III, IVAno ang napuna mo? Ganito rin ba ang antas ng edukasyon sa kasalukuyan?5HKS 5 M- 22

PAGSANAYAN MOMay pagkakaiba ba at pagkakatulad ang sistema ng edukasyon sa panahon ngEspanyol at panahon ng Amerikano?Subukin mong gawin ang tsart na ito sa iyong kwadernong sagutan.Edukasyon sa Panahon ngEspanyolAmerikanoLayuninPaaralanMga GuroMga ItinuroWikang PanturoSaan nagkakaiba ang sistema ng edukasyon sa panahon ng Espanyol at panahonng Amerikano?Saan naman sila nagkakatulad?Higit bang napaunlad ang edukasyon sa panahon ng Amerikano? Bakit?6HKS 5 M- 22

TANDAAN MO May mga pagbabagong naganap sa edukasyon sa panahon ng Amerikanotulad ng:- Pagkakaroon ng intermedya (baitang V at VI)- Pagbubukas ng mga paaralang pambayan- Paggamit ng Ingles bilang wikang panturo- Pagtuturo ng demokratikong paraan ng pamumuhayISAPUSO MOMula pa noong panahon ng Amerikano hanggang sa ngayon ay libre angpagpasok sa mga paaralang pambayan ng mga mag-aaral. Isa ka na rito. Itinataguyoddin ng mga magulang ang pag-aaral ng mga anak. Ikaw, bilang mag-aaral ay maybahaging dapat gampanan. Gumuhit ka sa iyong kwaderno ng puso at dito mo isulat angmga dapat mong gampanan bilang mag-aaral.7HKS 5 M- 22

GAWIN MOIsa sa palaging pinaawit sa mga mag-aaral ang “Pilipinas Kong Mahal”. Alammong awitin ito, di ba? Noong panahon ng Amerikano, inaawit ito sa wikang Ingles, naang pamagat ay Philippines, My Philippines.Narito ang liriko ng awiting ito. Subukin mong awitin sa wikang Ingles.Philippines, My PhilipinesI love my own, my native landPhilippines, my PhilippinesTo thee I give my heart and handPhilippines, my PhilippinesThe trees that crown thy mountains grand,The seas that beat upon thy strand.Awake my heart to thy commandPhilippines, my PhilippinesNaawit mo ba nang maayos at may damdamin ang awitin?PAGTATAYAA. Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot saiyong kwadernong sagutan.8HKS 5 M- 22

Hanay AHanay B1. mga gurong AmerikanoA. ingles2. wikang panturoB. paaralan3. Sagisag ng sibilisasyongAmerikanoC. relihiyonD. pambayan4. binigyang–diin sa pagtuturoE. Thomasites5. paaralang itinatagF. demokrasyaB. Panuto:Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong kwadernong sagutan.1. Alin ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng Amerikano?A. ituro ang wikang EspanyolB. pagiging mabuting KristiyanoC. ipalaganap ang KristiyanismoD. pagiging mabuting mamamayan2. Bakit tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano?A. sila ang mga sundaloB. nagturo sila sa Unibersidad ng Sto. TomasC. marami sa kanila na ang pangalan ay ThomasD. sakay sila ng barkong S.S Thomas nang sila’y dumating saPilipinas3.Alin sa sumusunod ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano?A. krusB. espadaC. paaralanD. simbahan4. Alin sa sumusunod ang ikinaiba ng edukasyon sa panahon ng Amerikano saedukasyon sa panahon ng Espanyol?A. ipinaturo ang Doctrina CristianaB. mga paring misyonero ang unang guroC. may naitatag na mga paaralang parokyalD. ipinaturo ang demokratikong paraan ng pamumuhay9HKS 5 M- 22

5. Ang sumusunod ay ipinatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa.A. ipinaturo ang relihiyon at wikang LatinB. Libre ang pagpasok sa mga paaralang pambayanC. ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa AmerikaD. ipinagamit ang wikang ingles bilang wikang panturoPAGPAPAYAMANG GAWAINAng demokratikong paraan ng pamumuhay ang minana natin mula sa mgaAmerikano. Sa ilalim ng demokrasya natatamo natin ang iba’t ibang karapatan.Isulat mo sa “balloon web” ang mga karapatang tinatamasa ng isang batang tulad mo.Mga Karapatang Tinatamasa KoMaaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul.10HKS 5 M- 22

5. Ang sumusunod ay ipinatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa. A. ipinaturo ang relihiyon at wikang Latin B. Libre ang pagpasok sa mga paaralang pambayan C. ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika D. ipinagamit ang wikang ingles bilang wikang panturo PAGPAPAYAMANG Ang demokratikong paraan ng pamumuhay ang minana natin mula sa mga

Related Documents:

ARALING PANLIPUNAN 6 Ikatlong Markahan Malikhain _ Gawain Blg.13 Uri ng Gawain : Proyekto Paksa : Paggawa ng Proyekto Pamahalaan Layunin : Nakabubuo ng isang makabuluhang proyekto. Nabibigyang pansin sa paggawa ng pro

Teacher of Grade 7 Maths What do you know about a student in your class? . Grade 7 Maths. University Grade 12 Grade 11 Grade 10 Grade 9 Grade 8 Grade 7 Grade 6 Grade 5 Grade 4 Grade 3 Grade 2 Grade 1 Primary. University Grade 12 Grade 11 Grade 10 Grade 9 Grade 8 Grade 7 Grade 6 Grade 5 . Learning Skill

Edukasyon sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali Edukasyon sa Pagpapahalaga Edukasyon sa Pagpapakatao. Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Tunguhin (Goal) Mga Proseso Apat na Tema . Microsoft PowerPoint - K to 12 EsP 09

Grade 4 NJSLA-ELA were used to create the Grade 5 ELA Start Strong Assessment. Table 1 illustrates these alignments. Table 1: Grade and Content Alignment . Content Area Grade/Course in School Year 2021 – 2022 Content of the Assessment ELA Grade 4 Grade 5 Grade 6 Grade 7 Grade 8 Grade 9 Grade 10 Grade 3 Grade 4 Grade 5 Grade 6 Grade 7 Grade 8

Grade 1 Filipino Grade 2 English Grade 3 Mathematics Grade 4 Science Grade 5 Computer Grade 6 EPP/ TLE Grade 7 Araling Panlipunan (AP) Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 9 HISTORY/ HEKASI Grade 10 MAPEH Grade 11 Computer Hardware Servicing Grade 12 Con

Math Course Progression 7th Grade Math 6th Grade Math 5th Grade Math 8th Grade Math Algebra I ELEMENTARY 6th Grade Year 7th Grade Year 8th Grade Year Algebra I 9 th Grade Year Honors 7th Grade Adv. Math 6th Grade Adv. Math 5th Grade Math 6th Grade Year 7th Grade Year 8th Grade Year th Grade Year ELEMENTARY Geome

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.

sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon X – Dibisyon ng Lungsod ng Oroquieta sa depedoroquieta@gmail.com. Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.