Ang Gabay-listahan Sa Pagwawakas Ng Paniniil

2y ago
43 Views
2 Downloads
265.95 KB
19 Pages
Last View : 1m ago
Last Download : 1m ago
Upload by : Francisco Tran
Transcription

Ang Gabay-listahan saPagwawakas ng PaniniilThe Checklist for Ending TyrannyPeter Ackerman and Hardy MerrimanFrom the book: ‘Is Authoritarianism Staging a Comeback?’Editors: Mathew Burrows and Maria J. StephanThe Atlantic Council, Washington, D.C. - 2015Translation: Xavier Roel Alvara, July 2020(Edited by Xavier Alpasa)

2014 Peter Ackerman and Hardy MerrimanThe Checklist for Ending TyrannyAng Gabay-listahan sa Pagwawakas ng PaniniilPeter Ackerman at Hardy MerrimanSa panahong ito, ang pinakamapanganib na labanan sa mundo ay hindi labanan sapagitan ng mga estado kundi ang labanan sa loob mismo ng estado, sa pagitan ngmga maniniil at ng mga taong kanilang inaapi. Malawak ang paniniwala na ang mgainaaping mamamayan ay mayroon lamang dalawang pagpipilian: ang hayaan angpaniniil at umasang ito ay mababawasan, o ang maglunsad ng marahas nainsureksiyon upang makamit ang kalayaan. Ang limitadong pananaw na ito aysinasalungat ng katotohanan na ang mga kampanya ng panlipunang pagtutol (natinatawag rin minsan na kilusang “people power” o di-marahas na salungatan) aymadalas nang nangyari kaysa nabatid. Simula noong 1900, nagkaroon na nghumigit-kumulang isang malaking kampanya kada taon ng panlipunang pagtutollaban sa nakaupong diktador.1 Ang mga kilusang ito na pinangungunahan ng mgamamamayan ay patuloy na nakapagtakda ng mga resulta ng mga mahalagang geopolitikal na tunggalian at demokratikong pagbabagong-kalagayan simula 1972.2 Sakabila nito, ang mga taga-gawa ng mga polisiya, mga iskolar, mga mamamahayag,at iba pang mga interesadong tagamasid ay patuloy na minamaliit ang kakayanangito ng mga karaniwang mamamayan na paguhuin ang paniniil at makamit angkanilang mga karapatan nang walang karahasan.Isang Blind Spot sa PagsusuriAng mga pag-aalsa sa Tunisya at Ehipto noong 2011, at ng mas kamakailan saUkraine noong 2014, ay mga halimbawa ng kung papaanong ang panlipunangpagtutol ng masa ay kayang gulatin ang mamamayan sa taglay nitongkapangyarihan at kakayanang lumikha ng pagbabago. Walang nakakita ng pagdatingng mga pag-aalsang ito, subalit ang mga ito ay hindi na kakaiba. Kakaunti kungmayroon man ang nakakita ng pagdating ng “color revolutions” sa Serbia (2000),Georgia (2003), at Ukraine (2004). Sa mga naunang dekada, walang nakapagsabi naang di-marahas na organisadong pagtutol ay siyang magkakaroon ng mahalagangpapel sa pagpapabagsak ng Pilipinong diktador na si Ferdinand Marcos (1986), angdiktador ng Chile na si Augusto Pinochet (1988), ang rehimeng sobyet sa Polandnoong 1989, o ang gobyernong apartheid sa South Africa noong 1992).This chapter appears in: Mathew Burrows and Maria J. Stephan (eds.), IsAuthoritarianism Staging a Comeback?, Washington, DC: The Atlantic Council, 2015.1

2014 Peter Ackerman and Hardy MerrimanHabang nagsisikap ang mga internasyonal at rehiyonal na mga eksperto namaipaliwanag ang mga kaganapang ito at ang iba pang mga di-marahas natunggalian, madalas nilang ipalagay na ang mga matagumpay na kaso ngpanlipunang pagtutol ay mga pambihirang pangyayari sa kasaysayan na batay sa dikaraniwang kalagayan ng isang bansa sa isang tanging panahon. Sapagkat angkanilang pangyayari ay nakikita bilang natatanging kaso, hindi sila itinuturing napatunay ng isang pangkalahatang stratehiya na maaring magamit ng mga naapilaban sa malawak na dami ng mga nag-aapi. Gayunpaman, ang mga diktador atmapang-api sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ay hindi apektado ng “blind spot” naito. Nauunawaan na nila na ang mga kilusang “people power” ang pinaka-matindingbanta sa kanilang paghahari.Dahil sa madalas na pagkakaroon ng di-marahas na pakikipagtunggali sa loob ngnakaraang dekada, mahalaga para sa mga sumusuporta sa demokratikongpagbabago na i-update ang kanilang pang-unawa kung bakit nagtatagumpay angmga kilusang people power. Ang mga di-marahas na pakikipagtunggali ay gumaganasa maraming iba't-ibang kaso o sitwasyon dahil nagagawa nitong samantalahin angdalawang batayang katotohanan: na ang mga rehimeng diktador ay umaasa samalawakang pagsunod ng mga taong kanilang inaapi upang mapanatili nila ang pagkontrol, at hindi lahat ng tao sa gayong rehimen ay tapat.Paano gumagana ang Panlipunang PagtutolBatay sa dalawang katotohanang ito, pinakikilos ng mga sumasalungat angmamamayan upang sistematikong iatras ang kanilang pagsunod at upang gumamitng di-marahas na pwersa – sa pamamagitan ng welga, boykot, malawakangdemonstrasyon, at iba pang malawakang pagkilos – upang putulin ang mapangaping Sistema at makamit ang mga karapatan, kalayaan, at katarungan. Kapag angpaglahok sa panlipunang pagtutol ay lumawak at lumago, ang pagpigil laban sa mgasumasalungat ay kadalasang di sapat upang ibalik ang “katahimikan” at sa halip aymas lalong may masamang bwelta sa nang-aabuso.Habang patuloy ang pagpigil sa pang-aapi, nagsisimula ang lamat sa loob nggobyerno at iba pang institusyon (pulisya, militar, media at ang mga grupongpampulitika, burukrasya at pang-ekonomiya) na lubhang mahalaga sa estado. Angmga lamat na ito ay nagtutuloy sa pagkalas, at habang lumalawak ang pagkalas, angmga sentrong kapasidad na inaasahan ng mga diktador upang manatili ang kanilangpaghahari – pagkontrol sa yamang material at mga yamang-tao, kakayanan atkaalaman ng mga tao, ang kalipunan ng mga impormasyon, at ang kakayanangThis chapter appears in: Mathew Burrows and Maria J. Stephan (eds.), IsAuthoritarianism Staging a Comeback?, Washington, DC: The Atlantic Council, 2015.2

2014 Peter Ackerman and Hardy Merrimanmagpahintulot – ay nawawasak. Dahil wala nang maaasahang “chain of command”upang ipatupad ang kanilang mga utos, ang mga diktador ay nauubusan ngpagpipiliang hakbang at kalaunan ay mapapaalis sa kanilang pwesto sapamamagitan ng patuloy na pwersang di-marahas. Ang kadalasang resulta nito aymalawakang pagbabago.Kakayahan kontra KondisyonSa patuloy na pagtaas ng insidente at lakas ng panlipunang pagtutol, mahalagangmasuri kung ano ang mga salik na nakapagtatakda ng kaniyang kahihinatnan. Angmga kondisyon ba noong bago nagsimula ang banggaan ay makapagtatakda kungang kilusan o ang diktador ang siyang mananalo? O ang tagumpay ng kahit alingpanig ay nalalaman ba sa pamamagitan ng mga istratehikong desisyon at kagalinganna kanilang gamit sa pagsusulong ng banggaan?Ang isang kritikal na bahagi ng misyon ng International Center on NonviolentConflict (kung saan kabahagi kami) ay ang pagsusulong ng ideya na ang mgakakayanan ay mas mahalaga kaysa sa mga kondisyon sa pagtatakda ngkahahantungan ng mga kilusan. Ang puntong ito ang karaniwang nag-aanyaya ngmalakas na tulak pabalik na nakatutok sa kahandaan ng kaaway na gumamit ngdahas. “Ang di-marahas na paglaban ay mabisa lamang laban sa maamong kaaway”ay madalas na marinig, subalit madaling nalilimutan ang ang pagkatalo ng rehimengapartheid sa South Africa, Pinochet sa Chile, Marcos sa Pilipinas, o ang komunistangrehimen sa Poland. Ang mga kamakailan lang na halimbawa ay sina Hosni Mubaraksa Ehipto at si Ben Ali sa Tunisia. Wala sa mga rehimeng ito ang maituturing namaamo o hindi handang gumamit ng matinding pang-aapi.Ang mga qualitative na halimbawang ito ay suportado ng quantitative na pagsusuri.Noong 2008, ang organisasyong Freedom House ay nagpalabas ng isangpananaliksik na nagsuri ng iba’t-ibang istraktural na salik at ang kanilangimpluwensiya sa panlipunang pagtutol sa 64 na pagbabagong-kalagayan mula samga awtoritaryan na gobyerno mula 1975-2006. Narito ang halaw mula samahalaga nitong konklusyon: hindi ang politikal o kahit ang pangkalikasang mga salik na sinuri sa pagaaral na ito ang nagkaroon ng mabigat na statistical impact sa tagumpay okabiguan ng mga kilusan para sa panlipunang pagtutol – ang mgapanlipunang kilusan ay maaring magtagumpay sa mahihirap na bansa atgayundin sa mga mauunlad at mayayamang lipunan. Ang pag-aaral ay hindiThis chapter appears in: Mathew Burrows and Maria J. Stephan (eds.), IsAuthoritarianism Staging a Comeback?, Washington, DC: The Atlantic Council, 2015.3

2014 Peter Ackerman and Hardy Merrimanrin nakakita ng makabuluhang ebidensiya na ang etniko o relihiyosongpagkakahati ay nagkaroon ng mabigat na epekto sa mga posibilidad ng pagusbong ng isang nagkakaisang panlipunang oposisyon. Hindi rin nagingdahilan ang tipo ng rehimen para magkaroon ng mahalagang impluwensiyasa kakayanan ng mga panlipunang kilusan na makalikom ng malawakangsuporta.3Ang tanging salik na nasuri sa pag-aaral at nagkaroon ng mahalagangimpluwensiyang statistical sa pag-usbong at kinahinatnan ng mga kilusan para sapanlipunang pagtutol ay ang pagiging sentralisado ng pamahalaan. Ang mga mayakda ay nagsulat na:Ang pag-aaral ay nagsasabi na ang matataas na antas ng sentralisasyon aymay positibong korelasyon sa pag-usbong ng isang masiglang panlipunangkilusan na may potensyal upang hamunin ang kapangyarihan ng rehimen.Ang kabaligtaran ay siya ring totoo: Kapag mataas ang antas ngdesentralisasyon sa gobyerno, mas maliit ang posibilidad na ang isangmatagumpay na kilusan ng panlipunang mobilisasyon ay uusbong.4Kung gayon, habang ang pag-aaral ay nakapagtukoy ng isang kondisyon na nakapagiimpluwensiya ng direksyong tatahakin ng mga kilusan ng panlipunang pagtutol, angkanilang pangkalahatang tuklas ay taliwas sa mga pahayag na ang mga kondisyonang nakapagtatakda ng kahihinatnan ng mga salungatan sa lipunan.Lumipas ang tatlong taon, sa kanilang premyadong aklat noong 2011, “Why CivilResistance Works: The Strategic Logic of Nonviolent Conflict,” ang mga iskolar nasina Erika Chenoweth at Maria Stephan ay masusing nagsuri ng 323 marahas at dimarahas na mga kampanya na humamon sa mga nakaluklok na pamahalaan mula1900 hanggang 2006.5 Ang kanilang mahalagang natuklasan ay nagpakita na angmga di-marahas na kampanya ay nagtagumpay ng 53% kumpara sa 26% natagumpay ng mga marahas na kampanya.6 Kanila ring natuklasan na habang angpaniniil ng estado at ang iba pang istraktural na salik ay kayang maimpluwensiyahanposibilidad ng tagumpay ng isang kampanya para sa panlipunang pagtutol (bagamatkadalasan ay mas kaunti gaya ng karaniwang palagay – sa kaso ng marahas napaniniil ng estado ay ibinaba nito ang porsiyento ng tagumpay sa 35%), wala silangnakita na kondisyong istraktural na nakapagtakda ng kinahinatnan ng mga kilusan.7Pagkatapos ang masusing pagsusuri ng mga datos, ang kanilang konklusyon ay “ angmga ebidensiya ay nagsasabi na ang mga panlipunang pagtutol ay kadalasangmatagumpay kahit na mayroong mga kondisyon na ikinukunekta ng marami sakabiguan ng mga marahas na kampanya.”8This chapter appears in: Mathew Burrows and Maria J. Stephan (eds.), IsAuthoritarianism Staging a Comeback?, Washington, DC: The Atlantic Council, 2015.4

2014 Peter Ackerman and Hardy MerrimanAng mga resultang ito ang nagpapakita ng maling saligan kung saan ibinatay angnakasanayang pag-iisip tungkol sa panlipunang pagtutol. Ang mga kakayahan atistratehikong desisyon ay kadalasang mas matimbang kaysa sa mga kondisyon sapagtukoy ng kahihinatnan ng mga tunggalian. Ito ay hindi nakapagtataka kapagitinuring natin na ang unang istratehikong desisyon ng katunggali ng paniniil aykung paano lumaban. Makatwirang asahan na kapag ang mga panlabas nakondisyon ay siyang susi sa pagtukoy ng resulta o kahihinatnan, ang istratehikongpagpipilian kung paano lalaban ang mga tao sa paniniil ay hindi na mahalaga, at angposibilidad ng pagtatagumpay ng marahas kumpara sa di-marahas napakikipagtunggali sa paglipas ng panahon ay magiging parehas lamang.Subalit hindi yaon ang sinasabi sa mga datos. Mula 1900 hanggang 2006, ang mgakilusang people power ay naging dobleng mas matagumpay, at ang mga pag-aaralkamakailan lamang ay nagpapakita na ang tsansa ng tagumpay ay hindi gaanongnagbago.9 Maaari itong kontrahin ng iba at sabihin na ang mga kalahok sapanlipunang pagtutol ay pumipili ng mga labanan na madaling ipanalo, subalitnauna nang nakita nina Chenoweth at Stephan ang argumentong iyon at ipinakitana “ ang karamihan ng mga kampanyang di-marahas ay umusbong sa mgarehimeng diktador kung saan Kahit ang mapayapang oposisyon sa pamahalaan aymaaring magkaroon ng kalunus-lunos na resulta.”10Ang premyadong ekonomista ng Nobel Prize na si Thomas Schelling ay tama saisinulat niyang sanaysay mahigit 50 taon na ang nakalipas sa aklat na “CivilianResistance as a National Defence: Nonviolent Action against Agression.” Ito angkanyang konklusyon:Ang diktador at ang kanyang nasasakupan ay tila nasa magkatapatangposisyon. Maaari nilang ipagkait sa kanya ang halos lahat ng kanyang nais –kaya nila, kung sila ay may disiplinadong organisasyon na tatanggi sakolaborasyon. At kaya rin niyang ipagkait sa kanila ang lahat ng nais nila –magagawa niya iyon gamit ang pwersa sa kanyang pag-uutos ito ay isangsitwasyon ng pakikipagtawaran kung saan ang bawat panig, kungdisiplinado at organisado, ay kayang ipagkait ang karamihan sa kagustuhanng kabila, at hindi pa tiyak kung aling panig ang mananalo.11Ayon kay Schelling ang mga taktikang pinipili ng mga nasa panlipunang pagtutol aymayroong gastos at benepisyo, gayundin ang mga taktika ng kanilang katunggalingdikatador. Ang mananalo rito ay yaong marunong na gumamit sa mga gastos atbenepisyong ito nang mas episyente para sa kanyang panig. Ang mahusay naThis chapter appears in: Mathew Burrows and Maria J. Stephan (eds.), IsAuthoritarianism Staging a Comeback?, Washington, DC: The Atlantic Council, 2015.5

2014 Peter Ackerman and Hardy Merrimanpinuno ng panlipunang pagtutol ay nagnanais na lumikha ng mga paglansag sagalaw ng kalaban upang makahimok ng mga pagbaligtad, at gumamit ng mgataktika kung saan ang mga maliliit na paglansag ay makabubuo ng malakingpagbaligtad mula sa taga-suporta ng katunggali. Ang magaling na diktador aynangangailangang maipatupad ang pagsunod, kadalasan sa pamamagitan ng dahas,at nagsisikap na gumamit ng hindi lubos na marahas upang makamit ang ubod napagsunod. Ang kumulatibong pagsasama ng pagbaligtad laban sa pagsunod angmagtatakda kung sino ang magwawagi.Ang Gabay-listahanKung ang mga galing at istratehikong pagpili ang pinaka-maimpluwensiya sakahihinatnan ng mga kilusan para sa panlipunang pagtutol, nararapat na kayanating matukoy ang mga sama-samang angking kakayahan, kahusayan at mgapagpili, sa lahat ng mga kilusang bumubuo ng magkakahalintulad na bukal ngtagumpay. Maraming aspeto ng isang kilusan ang maaaring suriin, subalit kapagsinala na natin ang napakaraming pagpipilian ay mahahanap natin ang tatlongsusing kakayahan ng matagumpay na kilusan ng panlipunang pagtutol bilang angmga:1. Abilidad na pagkaisahin ang mamamayan2. Pagpaplano ng operasyon3. Disiplina ng pagiging di-marahasKapag ang mga kakayahan na ito ay naririyan sa isang kilusan ng panlipunangpagtutol, itinataguyod nito ang plataporma para sa tatlong mabisang direksiyon namayroon ring malakas na epekto para sa tagumpay ng pagkilos. Ang tatlongdireksiyon na ito ay:1. Pagpapalawak ng partisipasyon ng mga sibilyan sa panlipunang pagtutol2. Pagpapahina sa epekto ng pang-aapi, at pagpapalakas ng balik-pwersa3. Pagpaparami ng pagbaligtad mula sa kalaban ng kilusanKapag pinagsama-sama, tinatawag natin ang tatlong katangian at tatlong direksiyonbilang “Ang Gabay-listahan o Ang Checklist.” Tayo ay naniniwala na kapag nakamitang mga katangian at direksiyon na ito ay mapapataas nang husto ang posibilidadng tagumpay. Sa ganang ito, ang gabay-listahan ay hindi isang pormula nagumagarantiya ng resulta, subalit isang balangkas na tumutulong upang maorganisang mga tao ang kanilang kaisipan at mapabuti ang kanilang pagiging epektibo.This chapter appears in: Mathew Burrows and Maria J. Stephan (eds.), IsAuthoritarianism Staging a Comeback?, Washington, DC: The Atlantic Council, 2015.6

2014 Peter Ackerman and Hardy MerrimanSa layong ito, ang isang papel na ginagampanan ng Gabay-listahan ay ang tumagossa diwa ng kalituhan na maaring pumasok sa gitna ng tunggalian. Ang kumplikadongkalagayan ay isa sa mga pinakamalaking pagsubok na kinahaharap ng mga kilusansa panlipunang pagtutol, at sa gitna ng tunggalian ay mahirap limiin kung aling salikang pinakamahalaga sa pagbuo ng desisyon. Pinananatili natin na kapag ang isangaktibo sa pagkilos o ang isang tagamasid mula sa labas ay magnanais na suriin anghinaharap ng isang kilusan, ang pagtatanong kung may presensiya ng tatlongkakayahan at tatlong direksiyon sa gabay-listahan ay magbibigay ng malakas nabasehan sa pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan ng isang kilusan, ang lakas atkahinaan nito at maging ang posibilidad ng pagtatagumpay.Palawigin natin ang gabay-listahan sa ibaba:1. Kakayahang pagkaisahin ang mga taoAng mga autoritarian ay mga dalubhasa sa paghati at paglupig at ang mgahahamon sa kanila ay dapat na mas sanay sa paglikha ng pagkakaisa. Ang pagtatayoat pagpapanatili ng pagkakaisa ay may maraming aspeto, ngunit angpinakapangunahing aspeto ng paggawa nito ay ang pagbuo ng isang ibinabahagi atinklusibong pangarap para sa isang kilusang panlipunang pagtutol. Sa pagkamit nitokinakailangan na ang mga nangunguna sa kilusan na ito ay may malalim nakaalaman sa mga hinaing, adhikain, kultura, at pinapahalagahan ng iba't ibang mgatao na nais nilang mapakilos. Ang kaalamang ito ay bumubuo ng batayan para sapagpalaganap at paghatid ng isang bisyon na aakit ng malawak na suporta atnagpapakilos sa mga tao. Ang mga mabisang bisyon ay sumasalamin sa personal nakaranasan at damdamin ng mga ordinaryong tao at hinihikayat ang kanilangpakikilahok sa kolektibong kilusan ng panlipunang pagtutol.Ang isa pang kritikal na aspeto ng pagbuo ng pagkakaisa ay ang pagkakaroon ngisang pamumuno at istruktura ng organisasyon na lehitimo. Ang pakikilahok sa mgakilusan ay boluntaryo, bagkus ang mga pinuno ay walang pormal na awtoridad atkontrol sa isang kumikilos na populasyon. Nangangahulugan ito na ang mgapagpapasya sa isang kilusan ay dapat gawin at isinasagawa sa mga paraan nanadarama ang pagiging lehitimo nito ng mga taong nais na mapakilos. Ang bawatkilusan ay bumubuo ng kanilang sariling pamamaraan ng paggawa nito—ang ilan ayhigit na sumusunod sa herarkiya, ang ilan ay mas desentralisado, at ang ilangnaman ay kombinasyon ng pareho sa paglipas ng panahon. Anuman ang eksaktongparaan ng pamumuno at istruktura ng organisasyon ng isang kilusan, may iba'tibang anyo ng pamumuno ng mga kilusan, at ang pagkakaisa ay kailangan sapagkakasundo nila. Para sa bawat titularyo o karismatik na pambansang pinuno,This chapter appears in: Mathew Burrows and Maria J. Stephan (eds.), IsAuthoritarianism Staging a Comeback?, Washington, DC: The Atlantic Council, 2015.7

2014 Peter Ackerman and Hardy Merrimanmaraming mga lokal na pinuno na kailangang maging lubos na sanay sa pagbuo ngmga koalisyon, pakikipag-ayos, at pagsasama-sama ng mga interes ng iba't ibangmga grupo. Ang kakayahan ng iba't ibang mga pinuno, sa iba't ibang mga antas(lokal o nasyonal), mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, na kumakatawan sa iba'tibang mga grupo, na magtutulungan ang siyang nagpapanatili ng pagkakaisa sapangmatagalang panahon.Makakakita tayo ng ebidensya ng parehong mga aspeto ng pagkakaisa sa kilusangpanlipunang pagtutol na ginamit ng kilusang anti-Apartheid sa South Africa noong1980s. Daan-daang mga lokal na sibikong grupo ang umusbong sa loob ng dekadana iyon upang magtaguyod ng mga pangangailangan ng mga munisipalidad tulad ngmalinis na tubig at pakikinabang sa mga serbisyo, habang sabay na nagkakaisa sailalim ng isang magkaparehong pangarap at layunin upang wakasan ang apartheidat makamit ang pambansang pagkakasundo at paghihilom. Ang mga pangkat nasibiko na ito, na nagkaisa bilang United Democratic Front, ay mayroong mga lokalna pinuno na epektibong namuno gamit ang mga desentralisadong taktika (hal. mgaconsumer boycott) para sa mga lokal na isyu, habang sabay na nakikipag-ugnay atnakikipagtulungan sa mas malaking pag-aayos ng mga istrukturang pangorganisasyon at pamumuno ng kilusang pambansa.2. Pagpaplano ng pagpapatakboAng pagsusulong ng mabisang kilusang panlipunang pagtutol ay mas kumplikadokaysa sa karaniwang ipinapalagay. Ang imaheng madalas na lumalabas kapag

politikal na tunggalian at demokratikong pagbabagong-kalagayan simula 1972.2 Sa kabila nito, ang mga taga-gawa ng mga polisiya, mga iskolar, mga mamamahayag, . upang putulin ang mapang-aping Sistema at makamit ang mga karapatan, kalayaan, at katarungan. Kapag ang paglahok sa panlipunang pagtutol ay lumawak at lumago, ang pagpigil laban sa mga .

Related Documents:

Ang Harvestime International Institute curriculum ay nakatuon kung ano ang itinuro Ni Jesus upang ihanda ang mga lalaki at babae para maabot ang mundo ng Ebanghelyo. Ang isa sa dakilang katotohanan na Kanyang ipinahayag ay ang Dios ay nangungusap sa tao: Ako ang mabuting pastor: at nakikilala ko ang sariling akin, at ang

Ang mga Paglalakbay ni Juan Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda) Ang Unang Unggoy Ang Alamat ng Palay Ang Pinagmulan ng Lamok Kung Paano Yumaman si Jackyo Ang Anting-anting ni Manuelito Ang Gamugamo at Ang Liwanag Kung Bakit Gusto ng Bagobo ang Pusa Mga Kuw e

Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at Pagpapaalis Pahina 1 Hulyo 2020 Panimula Ang gabay na ito ay binuo ng Statewide Leadership for the Legal Framework Project Team at ng Texas Education Agency (TEA) bilang tugon sa pangangailangan sa Texas Education Code (TEC) § 26.0081.Ang

katangian ng isang wika. Sa Filipinas, madalas ang ortograpiya ay nasa anyo ng isang aklat. Ginagamit ang mga ortograpiya bílang gabay sa ispeling para sa mga textbook, diksiyonaryo, mga pahayagan, at iba pang publikasyon. Isa rin ang ortograpiya sa hinahanap ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bago magsimula ang Mother

pangahas na ito; kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng dakilang katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban, ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban. “Kayong lahat ay magkak

2 Ang mundo Ang globo Gawin ang sumusunod. 1. Pag-aralan ang larawan ng mundo at ang globo. Ano-ano ang nakikita mo sa larawan ng mundo?

at gagamit ng pagdistansya sa katabi para mabawasan ang panganib sa masalin ang sakit. BUONG PANAHONG PAG -AARAL Mahalaga ang edukasyon para sa pag-unlad ng mga bata at para sa kinabukasan ng probinsya. Kahit nasa anong baitang ng Public Health ang probinsya, magpapatuloy na buong panahon ang pag-aaral.

1 This practice is under the jurisdiction of ASTM Committee C-16 on Thermal Insulation and is the direct responsibility of Subcommittee C16.30 on Thermal Measurements. Current edition approved Jan. 27, 1989. Published May 1989. Originally published as C 680 – 71. Last previous edition C 680 – 82e1. 2 Annual Book of ASTM Standards, Vol 04.06. 3 Annual Book of ASTM Standards, Vol 14.02. 4 .