1 ISANG PATNUBAY SA PAGBOTO SA CALIFORNIA

3y ago
73 Views
2 Downloads
3.70 MB
16 Pages
Last View : 10d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Tripp Mcmullen
Transcription

1ISANGPATNUBAY SAPAGBOTO SACALIFORNIAMagparehistro para Makaboto Online www.RegisterToVote.ca.gov

Bakit boboto?Ang mga halalan ay isang napakahalagang elemento ngating demokrasya. Ang pagpapatala ng isang balota aymaaaring makapagbago sa direksiyon ng ating bansa,ating estado, at mga komunidad na tinitirahan natin.Ang inyong boto ay tumutulong na maghalal ng mgapresidente, ating mga kinatawan sa Kongreso, atinglehislatura ng estado, mga miyembro ng konseho nglungsod, mga hukom, at marami pang iba na ang mgadesisyon ay may tuwirang epekto sa ating pang-arawaraw na buhay. Sa pamamagitan ng kahon ng balota,kayo ay may kapangyarihan ding tumulong na lumikhang mga bagong batas o pawalang-bisa ang mga hindininyo sinasang-ayunan.Ang karapatang bumoto ay matinding ipinaglaban.Ang mga babae, minoriya, at mga hindi nag-aari nglupa ay pinagbawalang lahat na bumoto noong una sakasaysayan ng ating bansa. Noong 1911, ang mga babaeay nagkaroon ng karapatang bumoto sa California, siyamna taon bago ang karapatang bumoto ng mga babae2ay iginarantiya sa ika-19 na Susog sa Saligang-batas ngU.S. 50 taon pa lamang ang nakalilipas, pinirmahan niPresidente Lyndon Johnson ang Batas sa mga Karapatansa Pagboto, isang napakahalagang pederal na batasna idinisenyo upang tanggalin ang mga hadlang sapaglahok sa proseso ng halalan para sa mga AprikanoAmerikano, at sa bandang huli, para sa ibang mgaminoriyang lahi. Tiniyak din ng mga beterano ng atingbansa na ang ating mga demokratikong prinsipyo,kabilang ang karapatang bumoto, ay napoprotektahan.Sa pagpaparehistro para makaboto at pagpapatalang isang balota sa Araw ng Halalan, ikaw ay maykapangyarihang palakasin ang ating demokrasya. AngKalihim ng Estado ng California ay nangangakongigalang ang pamana ng mga matapang na lumaban parasa ating demokrasya sa pamamagitan ng pagprotekta sainyong karapatang bumoto.Ang patnubay na ito ay naglalarawan sa marami samga karapatan at responsibilidad ng mga botante atnagkakaloob ng mahahalagang impormasyong kailanganninyo upang makaboto at iparinig ang inyong tinig.Magparehistro para Makaboto Online www.RegisterToVote.ca.gov(Binago 2/2021)

Maaari ba akongmagparehistro paramakaboto?Upang pagparehistro para makabotosa California, ikaw ay dapat na: Isang mamamayan ng EstadosUnidos; Isang residente ng California; 18 taong gulang o mas matanda saAraw ng Halalan; Hindi kasalukuyang nakakulong sapiitan ng estado o pederal dahilnahatulan sa isang krimen, at Kasalukuyang hindi natukoyng isang hukuman na walangkakayahan ang isipan para bumoto.Paano ako magpaparehistro para bumoto?Maaari mong bisitahin ang RegisterToVote.ca.gov o tawagan angNakahandang Linya sa Botante ng Kalihim ng Estado sa(800) 345-VOTE (8683).Ang mga aplikasyon para sa pagpaparehistro ng botante ayipinagkakaloob sa maraming lugar sa buong estado: Mga opisina sa mga halalan ng county o mga tanggapan nglungsod Mga sentro o satelayt na opisina (kung saan angkop) Mga pampublikong aklatan Mga tanggapan ng koreo Mga opisina ng Kagawaran ng mga Sasakyang De-motor Mga opisina ng mga serbisyong panlipunan ng estado at county Mga opisina ng mga serbisyong pangkalusugan ng isip Mga opisina ng Kagawaran ng Rehabilitasyon Mga Sentro ng Independiyenteng Pamumuhay Mga Panrehiyong Sentro ng Kagawaran ng mga SerbisyongPagpapaunlad Mga opisina ng distrito ng Lupon ng Prankisya ng Buwis Mga opisina ng pagkalap ng Sandatahang LakasKung ikaw ay may kard ng pagkakakilanlan ng California o lisensiyasa pagmamaneho dapat mong ibigay ang numero sa iyongaplikasyon para sa pagpaparehistro bilang botante. Kung walaka ng isa ng dalawang uring iyon ng pagkakakilanlan, ibigay anghuling apat na bilang ng iyong numero ng social security. Kungwala kang numero ng social security, itatalaga sa iyo ang isangwalang-katulad na numero ng pagkakakilanlan para sa mga layuninng pagboto lamang.Magparehistro para Makaboto Online RegisterToVote.ca.gov01

Kailan ako dapat magparehistro para makaboto?Habang maaari kang magparehistro para makaboto o mulingmagparehistro kahit kailan, sa karamihan ng mga kaso dapat kangmagparehistro para makaboto nang hindi bababa sa 15 araw bagoang isang araw ng halalan upang maging karapat-dapat bumotosa halalang iyon. Pagkalampas ng huling araw, kakailanganinmong pumunta sa opisina sa mga halalan ng iyong county o isanglokasyon ng botohan upang kumpletuhin ang “kaparehong-araw”na proseso ng pagpaparehistro ng botante upang magparehistroat bumoto. Ang prosesong ito ay tinatawag na isang maykondisyong pagpaparehistro ng botante (CVR). Sa sandalingmapatibayan ng opisyal sa mga halalan ng iyong county ang iyongpagpaparehistro bilang botante, ang iyong balota ay ipoproseso atisasama sa pagbilang.Dapat kang muling magparehistro para makaboto kung ikaway lumipat, nagpalit ng pangalan o gustong palitan ang iyongkinakatigang partidong pampulitika. Ang pinakamadaling paraanupang isapanahon ang iyong pagpaparehistro ay online saRegisterToVote.ca.gov.Kontakin ang opisyal sa mga halalan ng iyong county o bisitahinang sos.ca.gov para sa karagdagang impormasyon.Paano ko papalitan ang aking kinakatigangpartidong pampulitika?02Maaari mong piliin ang isa sa mga kuwalipikadong partidongpampulitika ng California kapag magpaparehistro ka paramakaboto. Ang pagpili sa isang kinakatigang partidongpampulitika ay tumitiyak na makakaboto ka para sa mgakandidatong iyon sa isang pampanguluhag primaryang halalan.Maaari mo ring ipabatid sa iyong aplikasyon para sapagpaparehistro ng botante na hindi mo gustong pumili ngisang partidong pampulitika, na nangangahulugang ikaw ayirerehistro bilang isang botanteng Walang Kinakatigang Partido(NPP). Sa mga pampanguluhang primaryang halalan, ang ilangpartidong pampulitika ay nagpapahintulot sa mga botantengNPP na tumulong na piliin ang kanilang mga kandidato. Sa lahatng halalan, ang mga botanteng NPP ay maaaring bumoto parasa mga panukala sa balota at mga kadidatong tumatakbo parasa mga katungkulang pangkongreso ng U.S., ayon sa saligangbatas ng estado, pambatasan ng estado, lokal, at di-partidistangmga katungkulan.Paano gumagana ang mga pambuong-estadongprimarya at pangkalahatang halalan?Ang isang primaryang halalan ay nagpapasiya kung alingmga kandidato ang iminungkahing sumulong sa isangpangkalahatang halalan, ginaganap ilang buwan pagkaraan. Angmga katungkulang pangkongreso ng U.S., ayon sa saligangbatas ng estado, at mga katungkulang pambatasan ng estado aykilala bilang iminumungkahi-ng-botante na mga katungkulan.Sa isang primaryang halalan, lahat ng kandidato para sa mgaiminumungkahi-ng-botante na mga katungkulan ay nakalista saisang balota. Sinumang botante ay maaaring bumoto para sa isangkandidato sa bawat labanan, anuman ang partidong pampulitikang botante o kandidato. Ang nangungunang-dalawangMagparehistro para Makaboto Online www.RegisterToVote.ca.gov

kandidato, anuman ang kinakatigang partido, na nakatanggap ngpinakamaraming boto sa bawat primaryang labanan ay sumusulongsa pangkalahatang halalan. Pagkatapos ng isang nangungunangdalawang primarya, ang isang pangkalahatang halalan ay dapatganapin kahit na ang isang kandidato ay tumanggap ng mayoriyang mga boto (hindi bababa sa 50 porsiyento 1) at kahit iisa lamangang kandidato sa primaryang halalan.Itong nangungunang-dalawang sistema ng primarya ng Californiaay hindi ginagamit sa mga kandidatong tumatakbo para Presidenteng U.S., sa komite sentral ng county, o mga lokal na opisina.Paano gumagana ang mga PampanguluhangPrimaryang Halalan?Para sa mga pampanguluhang primaryang halalan, ang iyongpartidong pampulitika ay nakakaapekto sa kung aling mgakandidato ang maiboboto para sa katungkulan ng Presidente ngU.S. Kung ikaw ay nakarehistro sa isang partidong pampulitika,makakaboto ka lamang para sa mga pampanguluhang kandidato ngpartido sa isang primaryang halalan.Gayunman, ang ilang partido ay nagpapahintulot sa mgabotanteng nakarehistrong Walang Kinakatigang Partido nabumoto para sa kanilang mga pampanguluhang kandidatosa isang primaryang halalan. Ang mga botanteng WalangKinakatigang Partido ay dapat humiling ng isa sa mga balotangito ng “pagtawid” mula sa opisyal sa mga halalan ng kanilangcounty o sa mga botohan kung nais nilang bumoto para sa isangpampanguluhang kandidado ng partido.Bisitahin ang howtovoteforpresident.sos.ca.gov para sakaragdagang impormasyon tungkol sa kung paano dapat lumahoksa pampanguluhang primarya ng California.Ako ba ay nakarehistro para makaboto?Upang alamin ang katayuan ang iyongpagpaparehistro bilang botante, bisitahin angvoterstatus.sos.ca.gov o tawagan ang opisina samga halalan ng iyong county.Makakaboto ba ako sa pamamagitanng koreo?Oo, sinumang nakarehistrong botante aymakakaboto sa pamamagitan ng koreo nangpermanente o para sa isang halalan. Ikaw aymaaaring permanenteng magparehistropara makatanggap ng isang balota ngpagboto sa pamamagitan ng koreo parasa bawat halalan kapag kinukumpletoang iyong aplikasyon para sapagpaparehistro ng botante.Kung ikaw ay hindinakarehistro parapermantenteng bumotosa pamamagitan ng koreo,dapat kang humiling ngisang balota ng pagboto sapamamagitan ng koreo mula sa03

opisina sa mga halalan ng iyong county nang hindi bababa sa pitongaraw bago ang isang araw ng halalan. Kumpletuhin ang aplikasyonpara sa balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa patnubayna impormasyon para sa botante ng iyong county, hanapin ito sapamamagitan ng pagbisita sa sos.ca.gov, o kontakin ang opisinasa mga halalan ng iyong county. Maaari mo ring isulat ang iyongkahilingan kabilang ang iyong pangalan, ang direksiyon kung saanka nakatira, ang direksiyon kung saan gusto mong matanggap angiyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo, iyong pirma, atang pangalan at petsa ng halalan kung saan gusto mong bumoto sapamamagitan ng koreo.Upang malaman kung ikaw ay nakarehistro na para makaboto sapamamagitan ng koreo, bisitahin ang voterstatus.sos.ca.gov okontakin ang opisina sa mga halalan ng iyong county.Ang mga balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo aymaaaring ibalik: Sa pamamagitan ng koreo: Ang iyong binotohang balota aydapat na may tatak ng koreo sa o bago ang Araw ng Halalan atnatanggap ng opisina sa mga halalan ng iyong county nang hindimas huli kaysa tatlong araw pagkaraan ng Araw ng Halalan.04 Nang personal: Maaari mong ihatid ang iyong binotohang balotasa opisina sa mga halalan ng iyong county, sa isang kahonghulugan ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo, saisang lokasyon ng hatiran ng balota ng pagboto sa pamamagitankoreo, sa sentro ng pagboto, o sa alinmang lugar ng botohan saloob ng estado bago ang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan.Masusubaybayan ko ba ang katayuan ng akingbalota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo?Ang Kalihim ng Estado ay nagtatag ng isang sistema na maaaringgamitin ng mga opisyal sa mga halalan ng county upangpahintulutan ang mga botante ng pagboto sa pamamagitanng koreo na magpatala upang tumanggap ng mga paunawa sapamamagitan ng koreo, teksto, o boses na mensahe tungkol sakatayuan ng kanilang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo.Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kalahok nacounty at paano dapat magpatala, bisitahin histro para Makaboto Online www.RegisterToVote.ca.gov

Maaari ba akong magpatala upang permanentengbumoto sa pamamagitan ng koreo?Oo, sinumang nakarehistro botante ay maaaring humiling napermanenteng bumoto sa pamamagitan ng koreo at awtomatikongtumanggap ng isang ipinakoreong balota para sa bawat halalan.Maaari mong kanselahin ang iyong katayuan bilang permanentengbotante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo kahit kailan.Kakanselahin lamang ng opisyal sa mga halalan ng iyong county angiyong katayuan para sa permanenteng pagboto sa pamamagitanng koreo kapag hiniling mo o kung hindi ka bumoto sa apat namagkakasunod na pambuong-estadong pangkalahatang halalan.Paano ko magagawang magparehistro at bumotokung ako ay isang botanteng militar o nasa ibangbansa?Pagpaparehistro para Makaboto:Ang mga botanteng militar o nasa ibang bansa ay maaaringmagparehistro para makaboto gamit ang alinmang paraan: (1)ang online na porma ng Kalihim ng Estado sa RegisterToVote.ca.gov; (2) ang Online Assistant ng Pederal na Programang Tulongsa Pagboto (FVAP) sa fvap.gov/california; o (3) ang Aplikasyonpara sa Pederal na Federal Post Card (FPCA), na makukuha sa fvap.gov/uploads/FVAP/Forms/fpca2013.pdf. Tatanggapin ng mgaopisyal sa mga halalan ng county ang mga FPCA sa pamamagitanng koreo o fax.Paghiling ng isang Balota:Kahit na ikaw ay nakarehistro o dating nakarehistro para makabotosa iyong county, upang matanggap ang iyong mga materyal sahalalan at bumoto kapag ikaw ay wala sa iyong county habangnaglilingkod at/o naninirahan sa ibang bansa, kailangan mong magaplay para sa isang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sapamamagitan ng pagpaparehistro online sa RegisterToVote.ca.govo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng FPCA sa fvap.gov, gaya ngnakadetalye sa itaas.Pagbabalik ng isang Binotohang Balota:Ang impormasyon tungkol sa pagbabalik ng balota, kabilang angparaan para sa pagsumite ng mga balota, para sa bawat countysa California ay nakalista sa website ng Kalihim ng Estado l/#military.Ang mga binotohang balota ay hindi maaaring ibalik sapamamagitan ng email.Magparehistro para Makaboto Online RegisterToVote.ca.gov05

Paano ako makakaboto kapag ako ay nasakolehiyo?Bilang isang mamamayan ng California na malayo sa bahayhabang nag-aaral sa kolehiyo, makakapili kang magparehistro paramakaboto gamit ang iyong direksiyon ng tirahan o iyong direksiyonng kolehiyo. Kapag nagpaparehistro para makaboto, magagawamong tukuyin ang direksiyon kung saan nais mong magparehistroat makakahiling ka na ipadala sa iyo ang isang balota ng pagbotosa pamamagitan ng koreo habang nasa kolehiyo.Paano ko malalaman kung ano ang makikita saaking balota?Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng Estado:Ang Opisyal na Patnubay na Impormasyon para sa Botante ngKalihim ng Estado ay ipinakokoreo sa sambahayan ng bawatbotante ilang linggo bago ang Araw ng Halalan. Itong dipartidistang patnubay ay may mga detalye tungkol sa mgapambuong-estadong panukala sa balota, ilang kandidato, at mgakarapatan ng botante. Ang mga patnubay ay ipinagkakaloob sa10 wika: Ingles, Tsino, Hindi, Hapon, Khmer, Koreano, Espanyol,Tagalog, Thai, at Biyetnamis. Ang patnubay ay makikita rin onlinesa voterguide.sos.ca.gov.06Ang Ingles, di-Ingles, audio, at malalaking letra na mga patnubayay maaring maorder nang libre sa pamamagitan ng pagtawagsa Nakahandang Linya ng Kalihim ng Estado sa (800) 345-VOTE(8683), o sa pamamagitan ng pagbisita sa sos.ca.gov.Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng County:Ang mga opisyal sa mga halalan ng county ay nagpapakoreo ngisang patnubay na impormasyon para sa botante ng county sabawat nakarehistrong botante. Ipinakikita ng patnubay na ito angmagiging anyo ng iyong balota at kabilang ang impormasyontungkol sa mga lokal na kandidato, mga lokal na panukala sabalota, direksiyon ng iyong lugar ng botohan, isang aplikasyon parasa balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo, at iba pa. Angpatnubay ay maaari ring maglarawan kung paano makakaboto angmga botanteng may kapansanan nang pribado at independiyente.Paano ako makakaboto nang maaga?Ang mga mamamayan ng California ay makakaboto ng maaga saopisina sa mga halalan ng kanilang county simula sa 29 araw bagoang isang halalan. Ang iyong county ay maaaring may mga sentrong pagboto at satelayt na lokasyon na nag-aalay ng maagangpagboto. Para sa isang listahan ng mga lokasyon ng maagangpagboto, mga sentro ng pagboto, at mga kahong hulugan ngbalota, bisitahin ang caearlyvoting.sos.ca.gov.Magparehistro para Makaboto Online www.RegisterToVote.ca.gov

Paano ako dapat bumoto sa isang lugar ngbotohan?Hanapin ang Iyong Lugar ng Botohan:Kapag natanggap mo sa koreo ang iyong patnubay naimpormasyon para sa botante ng county bago ang bawat halalan,ang iyong lugar ng botohan ay makikitang nakalista sa panlikod napabalat. Kung hindi mo natanggap ang iyong patnubay, kontakinang opisina sa mga halalan ng iyong county. Mahahanap moang iyong lugar ng botohan sa pamamagitan ng pagbisita savoterstatus.sos.ca.gov, pagtawag sa Nakahandang Linya para saBotante ng Kalihim ng Estado sa (800) 345-VOTE (8683), o pagtext sa salitang “Vote” sa GoVote (468-683).Sa Iyong Lugar ng Botohan:Ang mga botohan ay bukas sa California mula ika-7 ng umagahanggang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan. Sa iyong lugar ngbotohan, magpapatala ka sa isang manggagawa sa botohan atipaliliwanag niya ang proseso ng pagpapatala ng iyong balota.Ang manggagawa sa botohan ay magbibigay sa iyo ng isang papelna balota, walang-katulad ng passcode, o kard ng memorya ngcomputer, depende sa sistema ng pagboto na ginagamit ng iyongcounty. Kung ikaw ay hindi pamilyar sa pagmarka sa isang balotao nakagawa ng pagkakamali sa iyong balota, humingi ng mgatagubilin sa isang manggagawa sa botohan.Sa isang Sentro ng Pagboto:Ang ilang county ay gumagamit ng mga sentro ng pagboto. Angmga sentro ng pagboto ay mananatiling bukas hanggang 10 arawbago ang Araw ng Halalan at katulad ng mga lugar ng botohan.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang voterschoice.sos.ca.gov o kontakin ang opisina sa mga halalan ng iyong county.07

Paako kung ako ay may kapansanan onangangailangan ng tulong para makaboto?Kung kailangan mo ng tulong sa pagmarka ng iyong balota, maaarikang pumili ng isa o dalawang tao na tutulong sa iyo sa kondisyonna ang sinuman sa mga ito ay hindi iyong tagapag-empleyo, ahenteng iyong ahente, lider ng iyong unyo ng paggawa, o ahente ngiyong unyon ng paggawa.Mga Botanteng May Kapansanan:Ang mga pang-estado at pederal na batas ay nag-aatas na angmga lugar ng botohan at mga sentro ng pagboto ay pisikal namapupuntahan ng mga botanteng may kapansanan. Ang mgaopisyal sa mga halalan ng county ay nagsusuri sa bawat lugar atmadalas na gumagawa ng mga pansamantalang pagbabago samga lugar para sa Araw ng Halalan. Bawat taong nagtatrabahosa isang lugar ng botohan o sentro ng pagboto ay sinanay samga batas sa halalan at sa mga karapatan ng mga botantengmay kapansanan.08Bilang karagdagan, ang pang-estado at pederal na mga batas aynag-aatas na ang lahat ng botante ay magkaroon ng kakayahan naipatala ang kanilang mga balota nang pribado at independiyente.Ang bawat lugar ng botohan o sentro ng pagboto ay dapatmagtaglay ng isang makina sa pagboto na nagpapahintulot sa mgabotante, kabilang ang mga bulag o may kapansanan sa paningin,na magpatala ng isang balota nang walang tulong. Ang makina sapagboto ay nagpapahintulot sa iyo na maberipika ang iyong mgapiniling iboto at, kung may pagkakamali, pahintulutan ka na itamaang mga piniling ito bago isumite ang iyong pinal na balota.Kung ang pagboto sa gilid ng bangketa ay magagawa, maaarikang makalapit hanggang posible sa lugar ng pagboto at angisang opisyal sa mga halalan ay magdadala sa iyo ng mgamateryal sa pagboto. Kontakin ang opisina sa mga halalan ngiyong county upang malaman kung ang pagboto sa gilid ngbangketa ay magagawa.Ang ilang county ay nag-aalay ng mapupuntahang opsiyonna tinatawag na RAVBM (magagawa sa malayo na pagboto sapamamagitan ng koreo). Ang RAVBM ay nagpapahintulot sa mgabotanteng may kapansanan na matanggap ang kanilang mgabalota sa bahay at markahan ang mga ito nang independiyente atpribado bago ipadala ang mga ito pabalik sa mga opisyal sa mgahalalan. Kontakin ang opisyal sa mga halalan ng iyong countyupang malaman kung ang opsiyong ito ay iniaalay sa iyong county.Tulong sa Wika:Ang Kalihim ng Estado at mga opisina sa mga halalan ng county aynag-aalay ng maraming magkakaibang materyal na may kaugnayansa halalan at tulong sa mga wikang saklaw sa ilalim ng pederal naBatas sa mga Karapatan sa Pagboto. Ang mga saklaw na wika aymaaaring mag-iba batay sa county pero maaaring kabilang ang:Tsino, Hindi, Hapon, Khmer, Koreano, Espanyol, Tagalog, Thai, atBiyetnamis. Kontakin ang opisyal sa mga halalan ng iyong countypar

bansa na ang ating mga demokratikong prinsipyo, kabilang ang karapatang bumoto, ay napoprotektahan. Sa pagpaparehistro para makaboto at pagpapatala ng isang balota sa Araw ng Halalan, ikaw ay may kapangyarihang palakasin ang ating demokrasya. Ang Kalihim ng Estado ng California ay nangangakong igalang ang pamana ng mga matapang na lumaban para

Related Documents:

pareho ang mga serbisyo sa bawat Sentro ng Pagboto. Ang mga botante ay patuloy na makakaboto nang personal o makukuha ang kanilang balota sa anumang lokasyon sa Sentro ng Pagboto. Dagdag dito, ang isang botante, o isang tao na itinalaga ng isang botante, ay maaaring kumumpleto ng isang Ballot Pick-up

7. Nagsisimula sa pagrespeto ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao. 8. Ang pagpintas sa kulay ng balat ng isang tao ay hindi isang diskriminasyon. 9. Ang lipunan ay isang moral na institusyong binuo ng D

kailangan ang ganitong manwal upang mabigyan ng patnubay ang mga guro, estudyante, at sinumang nagnanais sumulat sa wikang Filipino. Nilalaman ng ganitong patnubay ang mga batas at tuntunin sa paggamit ng wika na mula sa matagal nang paggamit ng wika ng sambayanan at ng mahuhusay na manunulat. Ngunit unang -unang dapat linawin

1. Nakasusulat ng sariling talatang may wastong baybay, bantas, at gamit ng maliit at malaking letra 2. Nababasa ang batayang talasalitaan Aralin 2: Pagsulat ng Talata na may Wastong Baybay, Bantas, at Gamit ng Maliit at Malaking Letra A. Panimula Bilang pagganyak, magpaskil ng isang halimbawa ng isang talatang isinulat ng isang mag-aaral.

Ang aklat na ito ay pinakahuli sa isang serye ng apat. Ang unang aklat sa seryeng ito, The Eighth Scroll, ay isang obra ng kathang-isip sa kasaysayan—isang nobela ng aksyon/pakikipagsapalarang naglalayong panabikin ang madla, at kasabay na ipanatag sila sa paksa ng hambingan sa relihiyon.

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

Jose Rizal Ang Katamaran ng mga Pilipino . Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap . galit, kung

.3 ISA / ANSI, ANSI-A300, Standards for Tree Care Operations. 2.2 Planting Layout, Massing and Plant Selection.1 Consider the limits and frequencies of institutional maintenance practices at UBC, and design accordingly for efficiency, servicing accessibility, low maintenance, weed control, pest, disease and drought tolerance. .1 Regardless of whether irrigation will be installed on site, the .