Filipino Baitang 2 Ikatlong Markahan - Rex Interactive

3y ago
73 Views
3 Downloads
1.74 MB
13 Pages
Last View : 12d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Eli Jorgenson
Transcription

Filipino Baitang 2Ikatlong Markahan1

2

Aralin 1: Mga PanutoA.PanimulaMagbabalik-aral tungkol sa naunang aralin.Magtanong kung sino sa mga mag-aaral angmarunong gumawa ng bangkang papel.B.Katawan1.Mga Kasanayang PampanitikanAng mga panuto ay mga panuntunangating sinusunod upang maging gabay samatagumpay na pagsunod at pagsasagawa ngisang gawain.Pakikinig: Basahin ang mga panuto sapaggawa ng bangkang papel.a. Kumuha ng isang bond paper.b. Itupi ito nang pahalang sa gitna.c.Muling itupi sa gitna nang pahabanaman upang magkaroon lamang ngmagkaparehong sukat ang dalawangbahagi ng papel.d. Itupi ang kaliwa at kanang bahagi ng dulong papel papunta sa gitna. Magtatagpo sagitna ang dalawang dulo.e. Itupi ang ibabang bahagi ng papel samagkabilang panig. Itiklop na paloob angdulo upang makabuo ng tatsulok na hugisang papel.f.Ibuka ang papel upang magkahugisparisukat.g. Itupi nang pabukas sa magkabilang panigupang magkaroon uli ng hugis tatsulok.h. Ibukas muli ang papel upang magkahugisparisukat.i.Muling itupi ng pabukas sa magkabilangpanig upang magkaroon uli ng lasang kakayahansa mapanuringpakikinig atpag-unawa sanapakingganPamantayangPagganap:Nakasusunodsa panuto atnakapagbibigay ngpanutoMga KasanayangPampagkatuto:1. Nakasusunod sanapakinggangpanuto2. Nakasusunodsa panutongnakalimbagHilahin pabukas ang magkabilang dulong papel na nasa loob. Nakabuo ka ngbangkang papel.3

Mga Gabay na Tanong:a. Ano-ano ang hakbang sa paggawang bangkang papel? Alin ang unanghakbang? Ang sumunod?b. Ano ang panghuling hakbang? Nakabuoka ba ng bangkang papel?2.Kasanayang PanggramatikaIpaalam ang iba’t ibang salita o ekspresyonna ginagamit sa pagbibigay ng pagkakasunodsunod ng panuto.Sabihin na sa pagbibigay ng panuto,gumagamit ng mga salitang una, pangalawa,susunod, pagkatapos, sa huli, sa wakas, at iba pa.Pagkatapos, maaaring magpabuo nggrupo upang magtulungan ang mga mag-aaralna gumawa ng sarili nilang panuto tungkolsa isang laro, paggawa ng origami, pagluluto,o iba pang bagay na kaya nilang ipagawa samga kaklase. Maaaring ipasulat o kaya nama’ymagkaroon ng oral na presentasyon.3.PagpapayamanMuling magdikta ng isang panuto upangsundan ng mga mag-aaral upang masanay silasa pakikinig at pagsunod sa napakinggangpanuto.a. Isulat sa kanang bahagi ng inyong papelang petsa sa araw na ito at sa kaliwangbahagi naman ay ang inyong buongpangalan.b. Gumuhit ng parihaba. Sa loob ngparihaba, isulat ang buong pangalan nginyong guro.c.Sa paligid ng ginawa mong parihaba,gumuhit ng anim na bilog. Sa loob ngmga bilog, sumulat ng pangalan ng iyongmag-aaral.4

4.d.Kulayan ng kulay asul ang lahat ng bilogna iginuhit at pula naman ang ibang hugisna iyo ding iginuhit.e.Bilangin ang lahat ng letra na makikita mosa iyong papel. Matapos bilangin, isulat itosa kanang ibaba ng iyong papel.PagpapalawigIpabasa sa mga mag-aaral ang tektsoupang unawain ang kuwento. Pagkatapos,ipagawa ang panutong nakasulat.Mga Kulay ng BahaghariPula, dalandan, dilaw, berde, asul, tina,lila—iyan ang mga kulay ng bahaghari sawastong pagkakasunod-sunod. Nakikita natinang bahaghari pagsikat ng araw pagkatapos ngisang biglaang ulan o kung sumisikat ang arawat umaambon-ambon. Sa paglalagos ng sinagng araw ay mumunting patak ng ulan, angmga kulay ng liwanag ng araw ay naghihiwahiwalay kaya nakikita natin ang mga kulay ngbahaghari.a.Gumuhit ng kahon. Sa loob ng kahonisulat ang pamagat ng kuwento.b.Isulat ang mga kulay na bumubuo sabahaghari sa wastong pagkakasunodsunod.c.Isulat sa loob ng tatsulok ang bilang ngmga kulay sa bahaghari.d.Isulat ang salitang nagsasabi kung anoang nangyayari sa mga kulay ng sinag ngaraw kapag naglalagos ang mumuntingpatak ng ulan.e.Gumuhit ng bahaghari at kulayan nangnaaayon sa kuwentong binasa.5

C.Kongklusyon1.PagpapahalagaPag-usapan sa klase kung ano angmagandang naidudulot ng pagsunod sa panutoat ang maaaring hindi magandang maidudulotng hindi pagsunod sa panuto.2.Takdang AralinGumawa ng iyong sariling panuto sapaggawa ng isang gawaing-bahay.6

Aralin 2: Pagsulat ng Talata na may WastongBaybay, Bantas, at Gamit ng Maliit at MalakingLetraA.PanimulaBilang pagganyak, magpaskil ng isanghalimbawa ng isang talatang isinulat ng isang magaaral. Maaaring mali ang ilagay na bantas. Maaariding walang bantas na ilagay sa dulo ng isangpangungusap. Gawing mali din ang pagsulat ngmalaki at maliit na titik sa umpisa ng pangungusapat pangngalang pantangi.Pagkatapos, itanong sa mga mag-aaral, anoang nakikita ninyong mali sa inyong binabasa?Susubukang itama ng klase ang talata.B.Naipamamalasang kakayahansa mapanuringpagbasa atpakikinigPamantayangPagganap:Pagsulat ng talatangmay tamang bantasat baybay ng salitaMga alaman:Kasanayang PampanitikanMatapos itama ang isang talata, magpakitang isang sanaysay na binubuo ng tatlongtalata. Ito ang gagawing modelo sa pagsulat ngsariling talata ng mag-aaral.Banana cueNakakain ka na ba ng banana cue? Ito aygustong-gustong meryenda ng mga kabataan noonhanggang ngayon. Sa lahat halos ng mataong daanay may makikita kang nagtitinda ng banana cue.Pilipinong-pilipino ang ang malambot, malinamnam,at matamis na saging na niluto sa mantikang mayasukal.1. Nakasusulat ngsariling talatangmay wastongbaybay, bantas, atgamit ng maliit atmalaking letra2. Nababasaang batayangtalasalitaanMaaari ka ring gumawa ng banana cue sa iyongtahanan. Maghanda ka ng isang boteng mantika,isang piling ng hinog na saging na saba, isang kilongasukal o panutsa, at ilang patpat o banana cue stickna panuhog.Talupan mo ang mga saging na saba upangihanda sa pagpiprito. Pakuluin mo ang mantikasa kawali. Ihulog na sa kumukulong mantika ang7

saging. Kung naprito na ito, ihulog na rin ang asukal opanutsa. Haluin nang haluin hanggang ang natunawna asukal o panutsa ay kumapit sa saging. Hanguinna ito kung kumapit na ang asukal. Upang madalingkainin ang mainit na banana cue, tuhugin ito ngpatpat o banana cue stick. Maaari ka nang kumainkahit naglalakad.2.Pagpapalawak ng TalasalitaanIpabasa ang mga parirala sa ibaba. Itanongsa mga mag-aaral ang kanilang pagkaunawa samga salitang initiman.3.a.piling ng sagingb.kumukulong mantikac.tuhugin ng banana cue stickd.talupan ang saginge.hanguin sa kawaliKasanayang Panggramatika/WikaMagbigay sa mga mag-aaral ng lektyurtungkol sa pagsulat ng talata.Sa pagsulat ng talata, kinakailangangnakapasok sa kanan ang unang pangungusap.Ang unang salita ay nagsisimula sa malakingtitik, gayundin ang mga tiyak na ngalan ngtao, bagay, pook, o pangyayari. Kailangan dinna gumamit ng tamang bantas ayon sa uri ngpangungusap na ginamit. Mahalaga rin angtamang baybay ng bawat salita na gagamitin sapagsulat ng isang talata.Mula sa talatang ating binasa, ano-anoang salitang hindi pa pamilyar o bago lamangsa inyong pandinig? Kapag nakababasa kayong mga ganitong salita, saan ninyo tinitingnanang mas mababaw na kahulugan nito?Paano sinimulan ng mag-aaral ang talata?Tama ba ang pagkakabaybay ng bawatsalita?8

Ang pagkakasulat ba ng mga titik ay pareparehong maliit o malaki? Kung hindi ang iyongsagot, kailan lamang niya ginamit ang malaki atmaliit na titik?4.PagpapayamanIpagawa: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kungtama ang sinasabi ng pangungusap at ekis ( )naman kung mali.Mahalaga ang bantas sa pagsulatng talata.Sa talasalitaan, maaaringmalaman ang kahulugan ngmga salitang bago lamang sapandinig.Hindi mahalaga ang paggamit ngmaliit o malaking titik sa pagsulatng tula.Nakapasok ang unangpangungusap sa talata.Tuldok ang bantas na karaniwangginagamit sa pangungusap.C.KongklusyonIpagawa: Sumulat ng sariling talata tungkol sa iyongpaboritong pagkain.9

Aralin 3: Pagsasalaysay ng NapakingggangTeksto ayon sa Pananaw ng Isang TauhanPamantayangPangnilalaman:A.Naipamamalasang kakayahansa mapanuringpakikinig atpag-unawa sanapakingganPanimulaMagbalik-aral mula sa nakaraang aralin.Magpaskil ng larawan hango sa yagng sariling pananawat damdamintungkol sa isangtauhanB.Katawan1.Kasanayang PampanitikanSabihin: Ang mga maikling kuwento ay mgakuwentong naghahatid ng mga mabubutingaral o kagandahang-asal sa mga bata at magingsa mga matatanda.Pakikinig: Basahin sa klase ang akdahabang ang mga mag-aaral ay sinusundan ngtingin ang pagbabasa sa kanilang mga kopya.May Pagpapala sa Mabuting BataSi Luningning ay isang batang maganda, mabait, atmasunurin. Siya ay ulila na sa ina. Ang kanyang ama aynag-asawa uli sa isang biyuda. May dalawang anak itongbabae na halos kasinlaki ni Luningning. Ang ama ay nasamalayong lugar at naghahanapbuhay. Puro pagkukunwarilamang ang ipinapakita ng mag-iina kay Luningning.Nang mapunta sa malayong lugar ang ama ni Luningningay nagsimula na ang masamang pakikitungo nila kayLuningning.10Mga KasanayangPampagkatuto:1. Nauunawaan angnapakinggangteksto ayon sapananaw ngisang tauhan2. Naipapahiwatigang naisipahayag ngbawatpangungusapo kataga sanapakinggangteksto

Sa tuwing naririnig niya ang tawag ng kaniyangmadrasta na “Luningning, halika nga rito, madali!”siguradong may iuutos ito.Kaawa-awa naman ang batang si Luningning. Pagodna pagod sa maghapong paggawa sa mga gawaing-bahay.Isang araw ay lumabas ang mag-iina upang mamasyal.May nakita silang batang babae na marumi at punitpunit ang damit. Nanghihingi ito ng limos ngunit hindiito binigyan ng mag-iina. “Maawa na po kayo, maaari pobang makahingi ng pagkain? Gutom na gutom na po ako,”pagmamakaawa ng bata. “Lumayo ka sa amin, wala kamingmaibibigay sa iyo,” ang masungit na sabi ng madrastang siImelda. “Sa iba ka na lang humingi ng pagkain,” ang sabi niGrisela, ang panganay na anak ng madrasta ni Luningning.“Oo nga. Hmmp, ang baho at dumi mo pala,” sabi namanni Criselda na bunsong anak ng kaniyang madrasta. “saiba ka na lang humingi ng pagkain,” dagdag pa nito. SiLuningning lamang ang nagbigay ng limos. Laking gulatni Luningning ng biglang maging diwata ang batangpulubi. Bilang kaparusahan ay ginawang uwak ng diwataang mga mag-iina at namuhay ng masaya at masagana siLuningning kapiling ang kanyang ama.Sipi mula sa Tuklas nina Remedios Infantado-Camoat Maribel De Castro-Dulay2.3.Pagpapalawak ng Talasalitaana.ulila – walang magulangb.pulubi – nanghihingi ng limosc.uwak – ibon na kulay itimd.biyuda – namatayan ng asawang lalakie.diwata – diyosaPagpapayamana.Upang matiyak ang pag-unawa ng mgamag-aaral sa binasa/narinig na kuwento,ipasagot ang sumusunod: Ano-ano ang ginagawa ng mag-iinakapag wala ang ama ni Luningning? Ilarawan ang batang pulubi.11

12Ano ang ginawa ng mag-iina sabatang pulubi na humihingi ngpagkain?Bakit ginantimpalaan ng diwata siLuningning?Makatarungan ba naginantimpalaan si Luningning?Kung ikaw ang diwata sa kuwento,anong gantimpala ang iyongibibigay kay Luningning?Kung ikaw naman si Luningning,papayag ka ba sa pagpapahirap ngiyong mga kamag-anak?Kung ikaw naman ang bagongasawa ng ama ni Luningning,pahihirapan mo din ba siLuningning?b.Mga Gawain sa KuwadernoIpagawa: Isulat sa patlang kung sino satauhan sa kuwentong binasa ang nagsalitang bawat kataga.“Luningning, halika rito, madali.”“Oo nga, ang baho at ang dumimo pa.”“Maawa na po kayo, maaari pobang makahingi ng kauntingpagkain? Gutom na gutom na poako.”“Lumayo ka sa amin, wala kamingmaibibigay sa iyo.”“Sa iba ka na lang humingi ngpagkain.”c.Pumili ng isa sa mga karakter ng kuwento,ipahayag mo ang iyong damdamin bilangsiya. Ipaliwanag mo kung bakit ganoonang iyong ugali at nararamdaman.Maaaring gawin itong isang monolog okaya nama’y isang pagsasalaysay.

d.Piliin ang mga salita sa kahon namaiuugnay na pahiwatig ng sumusunodna mga pangungusap.1.“Luningning, halika rito,madali!”2.“Tingnan mo ang batangpulubi, ang dumi-dumi niya.”3.“Nakikilala mo ako?”4.“Para sa amin lang ang baonnaming pagkain.”5.“Naku, kawawa ka naman,eto kainin mo na ang atakamaawainnagpapaubayaKongklusyonTakdang AralinIpagawa: Isulat ang mabuting bagay na nagawa moat ang pagpapalang nakamit mo.13

1. Nakasusulat ng sariling talatang may wastong baybay, bantas, at gamit ng maliit at malaking letra 2. Nababasa ang batayang talasalitaan Aralin 2: Pagsulat ng Talata na may Wastong Baybay, Bantas, at Gamit ng Maliit at Malaking Letra A. Panimula Bilang pagganyak, magpaskil ng isang halimbawa ng isang talatang isinulat ng isang mag-aaral.

Related Documents:

Filipino Baitang 7 Ikatlong Markahan. 2. 3 Ikatlong Markahan Baitang 7 Supplemental Lesson Plan 1 Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan Aralin 1: Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/Bugtong A. Panimula Ipasagot sa mga mag-aaral ang palaisipan.File Size: 1MB

Filipino Baitang 8 Ikaapat na Markahan. 2. 3 Ikaapat na Markahan Baitang 8 Supplemental Lesson Plan Aralin 1: Sa Isang Madilim at Mapanglaw na Gubat Florante at Laura (Saknong 1–68) A. Panimula Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila sa kalagayang pampolitika ng bansa:File Size: 1MBPage Count: 23

Ikatlong Markahan Baitang 9 Supplemental Lesson Plan Parabula “Kagandahan” mula sa Ang Propeta ni Khalil Gibran (Lebanon) na bersiyon ni Louie Jon A. Sanchez A. Panimula Ipaliwanag ang kasabihan: 1. Kadalasan, ang karikta’y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli noong ibig ipahamak. 2. Mabuti’t masamang ginto sa urian natatanto.File Size: 1MBPage Count: 12

Ang Araling Asyano sa baitang 7, Araling Pandaigdig sa baitang 8, Ekonomiks sa baitang 9, Mga Kontemporaryong Isyu sa baitang 10, at_ sa baitang 11 at_ sa baitang 12. Makatutulong ang kaalaman tungkol sa ibang bansa sa pag-unawa ng lugar at papel ng Pilipinas sa rehiyon at mundo, at kung paano maaaring kumilos ang Pilipino at ang bansa .

Ikatlong Markahan - Modyul 8: Pagsunod at Paggalang: Pagpapamalas ng angkop na kilos Pangalan ng Mag-aaral: _ Baitang at Seksyon: _ Paaralan: _ 8 . 2 ALAMIN Ang tao ay may iba’t - ibang estado ng buhay,hindi ibig sa

Ikatlong Markahan - Modyul 5: Antas ng Pagpapahalaga Pangalan ng Mag-aaral: Baitang at Seksyon: Paaralan: _ 7 . 2 ALAMIN Ang yugto ng pagdadalaga at pagbibinata ay hindi isang simpleng yugto lamang ng buhay na pagdaraa

Unang Markahan – Baitang 1 Supplemental Lesson Plan 1. nais ipabatid ng nabasang pananda, patalastas, babala o paalala 5. Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga letra 6. Napagsusunod-sunod ang mga alpabeto 7. Nagagamit ang . Ikatlong Pangkat: Kamusta

Mula sa pagbabahagi ng mga bata noong ikaapat na araw, tanungin ang bawat isa kung ano ang kanilang paborito sa gawa ng mga kaklase. Pumili ng mga batang nais ibahagi ang sagot. Tanungin din ang dahilan kung bakit ito napili at kung ano ang kilos na ipinakikita ng likhang sining na napili. IKATLONG