DISASTERMainstreamingRISK REDUCTIONin the PhilippinesLESSON EXEMPLARSAraling Panlipunan 1
DISASTERMainstreamingRISK REDUCTIONin the PhilippinesLESSON EXEMPLARSAraling Panlipunan 1
PAUNANG SALITAUpang makabangon sa pagkakalugmok na dulot ng madalas na pananalasang mga sakuna sa buhay at mga ari-arian ng mga mamamayan, angbansang Pilipinas, sa tulong ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Tanggapanng Tanggulang Sibil, ay nagsasagawa ng mga paraan upang harapin angmga sakuna nang may kahandaan at tiwala sa sariling kakayahan, sa diwang pagkakaisa at pagtutulungan.Isa sa mga paraang ito ay ang pagsasagawa ng mga proyektongmagtataguyod ng mga gawaing makababawas ng mga bantang panganibat makapagdudulot ng kahandaan sa mga kabataan at mga guro nasiyang magiging daan upang ang lahat ng mamamayan sa pamayananay magkaroon din ng kaalaman tungkol sa mga bantang panganib at kungpaano iiwasan o bawasan ang mga dulot nitong sakuna. Ang proyektongito ay isinagawa bilang isang halimbawa ng patuloy at tulong-tulong nagawain upang mapagtagumpayan ang pandaigdigang layuning ito sapamamagitan ng edukasyon.Ang mga lagom ng aralin at mga pamamaraan sa pagtuturo ng pagbabawasng mga bantang panganib at mga dulot nitong sakuna ay ginawa parasa mga mag-aaral ng mataas na paaralan sa Unang Taon ng Agham atUnang Taon ng Araling Panlipunan. Ang mga nilalaman nito ay tungkol samga likas na panganib na ituturo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ngmga modyul sa Agham at Araling Panlipunan.Ang mga modyul at pamamaraan sa pagtuturo ng mga likas na panganibsa Unang Taon ng Agham at Araling Panlipunan ay pinagsikapang buuin ngmga kasapi sa Lupon ng Teknikal na Gawain na may taglay na hangaringmabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibangpanganib sa kalikasan at kung paano umiwas sa mga ito kung kailangan.Ang mga kaalamang ito ay magsisilbing panimulang pagkatuto ng mgamag-aaral na kanilang maisasalin sa mga mahal nila sa buhay at sa mgakasapi ng kanilang pamayanan.Isang malaking karangalan para sa Kagawaran ng Edukasyon angpagkakataong ito na magsagawa ng mga kahandaan at maghubog ngtamang kaisipan ng mga mag-aaral at mga guro sa tulong ng lahat ngahensiya ng pamahalaan na kasapi ng National Disaster CoordinatingCouncil (NDCC). Isang taos-pusong pasasalamat ang nais namingiparating, sa Asian Disaster Preparedness Center (ADPC), sa UnitedNations Development Programme (UNDP), at sa European CommissionHumanitarian Aid department (ECHO), sa pagtataguyod ng mahalagangproyektong ito, maging ang pagpapalimbag ng mga sipi upang maipamahagisa mga kabataan at mga guro.JESLI A. LAPUSKalihimJune 2009
PAGPAPATIBAY NG KURIKULUM HINGGIL SAMGA TAMANG PAG-IWAS AT PAGBAWAS SA MGABANTANG PANGANIBAng sektor ng edukasyon ay laging nasasalanta ng maraming bantangpanganib kapag isa sa mga ito ay tumama sa bansang Pilipinas. Ito aydahil sa iba’t ibang panganib, maging likas sa kapaligiran o gawa ng tao.Ang tatlong daang (300) bulkan na nasa teritoryo ng Pilipinas ay isa sa mgabantang panganib lalo na kung susuriin natin ang karanasan ng bayan sapagputok ng mga bulkan nang dalawampu’t dalawang (22) ulit sa loobng sampung dekada. Ang Pilipinas ay nakapaloob sa mga mapanganibna bahaging nagdudulot ng malalakas na lindol, daluyong, at tsunami. Saloob ng isang araw, mga dalawampung (20) lindol ang nararamdaman atnaitatala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)at karaniwang isa sa mga ito ay nagdudulot ng sakuna. Ang mga bagyo nanagdadala ng malalakas na hangin ay laging tumatama sa Pilipinas. Mgadalawampung (20) bagyo rin ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysicaland Astronomical Services Administration (PAGASA) ang naranasan ngbayan sa loob ng isang taon. Ang mga ito ay nagdudulot ng mga pagbahaat pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar.Ang mga bantang panganib na ito ay may matinding epekto sa sektor ngedukasyon. Ang pagkasira ng mga gusaling pampaaralan at mga gamit sapagtuturo ay nakakaabala sa pagbibigay ng serbisyong pang edukasyonsa mga kabataan. Ang mga gusaling pampaaralan ay ginagamit napansamantalang tuluyan ng mga apektadong mamamayan na nagigingsanhi ng pagkasira at pagka-antala ng araw-araw na pagtuturo atpagkatuto. Ang mga karanasang ito ay nagpapatindi sa pagkaubos ngpondo ng edukasyon at maging ng pag-unlad ng bawat pamayanan.Ang paulit-ulit na pagkasalanta ng mga gamit pang-edukasyon ay maymalaking epekto sa mga mag-aaral at mga guro. Ito ang dahilan kung bakitang Kagawaran ng Edukasyon, sa tulong ng National Disaster CoordinatingCouncil (NDCC), ay nagsagawa ng proyektong “Mainstreaming DisasterRisk Reduction (DRR) in Education” bilang pangunahing programa sapag-iwas at pagbawas ng mga sakuna na dulot ng mga bantang panganib.Ang unang bahagi ng proyektong ito ay nagsimula noong Enero 2007hanggang Abril 2008 at sa kasalukuyan ay sinususugan ng pangalawangbahagi na nagsimula noong Setyembre 2008 at magtatapos sa Disyembre2009. Ito ay isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon sa tulong ng mgamanunulat ng Bureau of Secondary Education (BSE), ng mga kinatawanng mga kasaping ahensiya ng gobyerno na binuo bilang Lupon ng Teknikalna Gawain ng National Disaster Coordinating Council (NDCC). Malaki atmahalagang tulong din ang ibinigay ng Asian Disaster Preparedness Center(ADPC), ng United Nations Development Programme (UNDP), at lalo naang walang sawang suportang pananalapi ng European Commission onHumanitarian Aid department (ECHO), at ng mga ahensya ng pagpaplanotulad ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ngDepartment of Finance (DOF).
Ang mga kasapi ng Lupon ng Teknikal na Gawain ay nagsagawa ng mgaaralin at mga pamamaraan sa pagtuturo kung paano iiwasan, kung hindiman mabawasan, ang mga bantang panganib para sa Unang Taon ngAgham at Araling Panlipunan. Ang mga ito ay may kasamang pamamaraansa pagtuturo na magsisilbing patnubay ng mga guro sa pagtuturo ng mgaaralin. Ang mga sumusunod ay ang mga miyembro ng Lupon ng Teknikal naGawain na nagpayaman ng mga pamamaraan ng pagtuturo na nakapaloobsa dokumentong ito:Department of Health (DOH)Department of Public Works and Highways (DPWH)Department of Science and Technology (DOST)Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical ServicesAdministration (PAGASA)Department of Environment and Natural Resources (DENR)Mines and Geosciences Bureau (MGB)National Mapping and Resources Information Authority (NAMRIA)Office of the Presidential Adviser on Global Warming and ClimateChange (OPACC)Philippine Information Agency (PIA)Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)Ang sakop ng mga pamamaraan ng pagtuturo na nakapaloob dito sadokumentong ito ay ang mga sumusunod:Kapaligiran, Bakit Ka Nagkaganyan? (Pollution)Ulan! Bagyo! Tao! Baha ang Dala Mo (Flooding)Red TideGusali Ba Yan o Domino? (Structure Collapse)Ang layunin sa pagtitipon ng mga pamamaraan ng pagtuturo ng AralingPanlipunan 1, ay upang mapanday ang kakayahan ng mga guro atmga mag-aaral na malampasan ang hinaharap nilang mga sakuna. Angpagtatamo at paglilipat ng karunungan ng mga guro sa mga mag-aaralay mahalagang kasangkapan sa pagbubuo ng kultura ng pag-iwas atkaligtasan sa panganib. Ang kulturang ito ay naisasalin sa mga komunidadsa tulong ng mga mag-aaral. Dahil dito, ang mga mag-aaral ay nababagomula sa pagiging biktima tungo sa pagiging tagasulong ng pagbabawas ngpanganib na dala ng sakuna.
NilalamanKAPALIGIRAN, BAKIT KA NAGKAGANYAN?Lagom ng 2Gawain 2Pagsusuri 2Lunsaran2Aplikasyon 5AbstraksyonPangwakas na Gawain5ULAN! BAGYO! TAO! BAHA ANG DALA MOLagom Ng 6Gawain 7Pagsusuri 7Lunsaran7Paglalapat 7Ebalwasyon 8Abstraksyon8Pagbabalik Tanaw sa Aralin 8Mga Kaalamang Natutunan
RED TIDE9Lagom ng AralinLayunin10910Gawain 10Analisis 10Pamamaraan10Aplikasyon 11AbstraksyonGUSALI BA YAN O DOMINO?Lagom ng AralinTalasalitaan121212Nilalaman 12Pamamaraan 13Lunsaran 13Gawain 13Pagsusuri 13Abstraksyon 13Aplikasyon 13Ebalwasyon 1312LayuninPagbabalik-Tanaw sa Aralin14
POLLUTIONKAPALIGIRAN, BAKIT KA NAGKAGANYAN?Kontaminasyon sa hangin, tubig, lupa at kapaligiranLagom ng AralinAng polusyon ay isang pandaigdigang suliranin. Ito ay inilalarawan bilang kontaminasyon sahangin, tubig, lupa at sa iba pang bahagi ng kapaligiran bunga ng gawain ng tao, teknolohiyaat mga kalamidad. Ang polusyon ay nakapagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran atnakapagpapababa ng kalidad ng buhay.Talasalitaan1. Polusyon–inilalarawan bilang kontaminasyon sa kapaligiran tulad ng hangin, tubig atlupa bunga ng gawain ng tao, teknolohiya at mga kalamidad2. Makapaminsalang Ingay– mga tunog na hindi nakakabuti sa kalusugan ng tao;nakasisira sa pandinig3. Ozone layer– sapin ng atmospera na humahadlang sa direktang pagpasok ng ultravioletrays o mapaminsalang sinag mula sa araw4. Pollutants–bagay na nakakaapekto sa hangin5. Solar Radiation–nagmumula sa sinag ng araw at maaari ding pagmulan ng lakasnukleyar o mga armas6. Endangered species–mga hayop at halaman na nasa panganib nang maubos ang lahi;anumang uri na may buhay na nanganganib sa pagkaubos1
2ARALING PANLIPUNAN 1DRR LESSON EXEMPLARLayuninPagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng polusyon. Maipaliwanag ang masamang epekto ng polusyon. Makapagmungkahi ng solusyon o paraan upang mabawasan ang polusyon.NilalamanSanggunian:Kagamitan:Student Reading MaterialOPACC Komiks, 2009Mga larawan kaugnay ng mga paksaCD o tape ng awiting “Masdan mo ang Kapaligiran”PamamaraanLunsaranBasahin / awitin o pakinggan sa CD o tape ang awiting “Masdan mo ang Kapaligiran” nggrupong Asin:1. Ano ang mensahe ng awit?2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa o inaawit mo ito?3. Ganito nga ba ang kapaligiran natin sa ngayon o ilusyon lang ito ng sumulat ng awitin?Kung ganon, bakit ito nangyayari? Sino ang dapat sisihin?Gawain(Maaari itong ibigay bilang gawaing-bahay bago ang araling ito.)Magsasagawa ng isang panayam sa punong barangay o ilang opisyales nito upang matukoyang mga suliranin sa barangay na may kaugnayan sa polusyon. Batay dito, kumalap ngimpormasyon na may kaugnayan sa natukoy na suliranin. Alamin ang mga kadahilanan,epekto, at programa ukol sa pagkontrol ng polusyon. Mag-ulat sa klase.PagsusuriAng mga sumusunod na tanong ay maaaring sagutin bilang pangkat.1. Ano ang iyong iniisip at nararamdaman habang isinasagawa ang mga gawain?2. Ano ang naging motibasyon mo upang tapusin ang gawain?3. Gaano kakritikal ang natukoy na suliranin ng iyong pamayanan?4. Paano nagplano ang mga opisyales ng barangay tungkol sa programa at solusyonnito?5. Ano ang naging partisipasyon ng mga mamamayan, partikular ang mga kabataan atmga mag-aaral?AbstraksyonMaraming literatura ang tumutukoy sa iba’t ibang uri ng panganib sa kapaligiran. Ilan dito ayang polusyon sa tubig, hangin at lupa; ingay at mapanganib na kemikal; basura at gayundinang radiation.
POLLUTIONPolusyon sa TubigSa kabuuan, ang kalidad ng tubig sa ating mga kanal, ilog, dagat at iba pang anyong tubig aymay karumihan. Hindi ito naaangkop na paliguan ng tao at tirahan ng mga isda at iba pangyamang-tubig. Marami na ang naiulat ukol sa pagdami ng mga “endangered species”. SaPilipinas, kabilang dito ang butanding, pawikan at dolphin. Sinasabing ang sanhi ng patuloy napag-unti ng kanilang populasyon ay dahilan sa pagkasira at pagkaubos na mga coral reefs.Patuloy na modernisasyon sa industriya at teknolohiyaang ilang salarin na pinagmumulan ng polusyon.Ang mga basura tulad ng bote, lata, plastic, at mga kemikal na galing sa mga pabrika atminahan ang siyang nakasisira sa mga coral reef. Ang mga kemikal ay pansamantalangnananatili sa ibabaw ng tubig ngunit sa kalaunan ay unti-unting bumababa sa pusod ng tubigat lumalason sa mga yamang-dagat. Ito ay nagbubunga ng pagkasira ng marine ecosystem.Ang pagtagas ng langis (oil spill) sa karagatan, katulad sa nangyari sa Guimaras, ay isa ringsanhi ng polusyong dagat. Dahilan ito upang mamatay ang mga isda at maapektuhan angkinabubuhay ng mga tao.Polusyon sa HanginAng polusyon sa hangin ay ang mga bagay na nakalalason o nakaka-kontamina saatmospera. Ang ilang mga halimbawa nito ay carbon monoxide (CO), carbon dioxide (CO2),chlorofluorocarbon (CFC), lead, ozone, nitrogen oxide(NO), suspended particulate matter(SPM) at sulfur dioxide (SO2). Ang paglagi ng mga ito sa hanging nilalanghap ay nakapipinsalahindi lamang sa tao kung hindi pati na rin sa mga hayop at halaman. Bunga nito ay pagkamatayng mga pananim at pagbaba ng produksiyong pang-agrikultura.Ang patuloy na modernisasyon sa industriya at teknolohiya ay kabilang din sa mga itinuturingna salarin sa polusyon sa hangin. Ilan dito ay ang pagdami ng mga pabrika at pagawaan ngsemento at langis, planta ng enerhiya at industriya ng bakal.3
4ARALING PANLIPUNAN 1DRR LESSON EXEMPLARMga pinagmumulan ng polusyon sa hanginAng polusyon sa hangin ay nagpapanipis sa tinatawag na “ozone layer” sa atmospera. Angozone layer ang nagbibigay ng proteksiyon sa tao mula sa init ng araw.Polusyon sa LupaKatulad ng polusyon sa tubig, ang lupa ay nakokontamina din ng iba’t ibang “pollutants” tuladng kemikal na pamatay-peste sa mga pananim. Ito ay kadalasang ipinagwawalang-bahalangunit ang pinsala nito ay pang-malawakan.Ang isa pang sanhi ng polusyon sa lupa ay ang nagkalat na basura sa paligid. Ang likidongkatas ng mga basurang ito ay humahalo sa lupa at nagiging sanhi ng nasabing polusyon.Polusyon ng IngayAng ingay ay mga tunog na hindi maganda sa pandinig o hindi kailangan. May kasabihanna anumang maganda sa pandinig ng iba ay maaaring di kaaya-aya sa iba, at ito’y batay saiba’t ibang salik. Maraming pinanggagalingan ng ingay tulad ng ihip ng hangin, patak ng ulan,alon ng karagatan, at mga hayop na pawang mga pamilyar sa pandinig at tanggap ayon saangkop na antas. Samantalang ang mga makina, tren, dyip, at mga paputok ay ilan naman samaituturing na polusyon ng ingay.Iba’t-ibang “pollutants” tulad ng mga kemikal na pamatay peste sa mgapananim ang kumokuntamina sa dating mayamang lupa.Ayon sa mga eksperto, ang patuloy na pagkababad sa ingay na hihigit sa 90 decibel aymaaaring magbunga ng pagkawala ng pandinig at pagbabago sa “nervous system”. Ayon saWorld Health Organization (WHO), 45 decibel ang ligtas na antas ng ingay sa isang siyudad osaan mang lugar na may katulad na suliranin.
POLLUTIONRadiationAng radiation ay nagmumula sa mga lakas nukleyar o mga armas sa pakikipagdigma. Sa isangbanda, ang suliranin ay nakatuon sa mga “radio waves” dahil sa paglaganap ng makabagongteknolohiya, partikular na ang mga cellular phones. Ang pagkababad ng tao sa radiation ngwalang proteksiyon ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan at buhay.AplikasyonPumili ng isa:1. Magsagawa ng isang talakayan. Ang bawat isa ay magrerepresenta ng isang sektor (hal.simbahan) o indibidwal (hal. doktor) na maghahain ng pananaw sa isyu ng polusyon.Maaaring magtalaga rin ng moderator mula sa mga mag-aaral. Bago magsimula,siguraduhin na may nakahandang mga tanong na magsisilbing gabay sa talakayan.Sumulat ng report ukol sa talakayan.2. Gumawa ng isang programa na tutugon sa suliranin ng polusyon. Isama sa plano angpamamahagi ng impormasyon, paglalatag ng mga gawain, kagamitan o materyales nagagamitin, badyet kung kinakailangan, inaasahang resulta, at mekanismo ng pagmonitorat pagtataya. Ito ay maaaring tungkol sa paaralan o sa komunidad na kinabibilangan.3. Gumawa ng isang repleksiyon ukol sa mga gawain ng tao na nakaaapekto sa suliraninng polusyon. Sabihin kung paanong ang mga natutunan sa araling ito ay makatutulongsa pagkontrol o pagsugpo sa problema.4. Gumawa ng isang pangako sa porma ng isang tula o liham. Ilagay ang iyong personalna kontribusyon sa ikalulutas ng suliranin.Pangwakas na GawainA. Magpagawa ng “prediction tree” sa mga mag-aaral tungkol sa maaring kahinatnan ngating bansa kung hindi masusugpo o mababawasan ang polusyon.B. Gumawa ng sariling slogan na nagmamalasakit sa kalikasan. Ipaliwanag sa limangpangunguasap ang kahulugan nito sa isang papel.5
6ARALING PANLIPUNAN 1DRR LESSON EXEMPLARULAN! BAGYO! TAO! BAHA ANG DALA MO!Lagom ng AralinAng pagbaha ay bunga ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog at iba pang anyongtubig. Umaapaw sa pampang ang tubig at umaagos sa mababaw na lugar na malapit dito.Ang pag-init ng temperatura, malakas na bagyo at pagtunaw ng yelo sa north pole at southpole ay ilan sa mga dahilan ng pagtaas ng lebel ng tubig. Ang mga ito ay nagaganap kapagtumataas ang temperatura ng dagat, lumalakas ang hangin at may mataas na humidity saibabaw ng dagat.Sa kabilang banda, ang maling gawain ng tao gaya ng pagtatapon ng mga basura sa mgabahaging tubig gaya ng ilog at estero; pagtatapon ng balat ng candy, upos ng sigarilyo at ibapang uri ng dumi sa kalye at maling pamamahala sa basura ay nagbubunsod din ng pagbahasaan mang bahagi ng bansa at mundo higit sa mga pangunahing syudad.LayuninPagkatapos ng aralin inaasahan ang mga mag-aaral na: Maisa-isa ang mga sanhi ng pagbaha. Maipaliwanag ang epekto ng pagbaha sa kapaligiran at sa tao. Masuri ang bahaging ginampanan ng tao sa pagkakaroon ng malaking baha.Talasalitaan1. Baha - abnormal at tuloy-tuloy na pagtaas ng lebel ng tubig ng isang ilog at iba panganyong-tubig2. Taog – pagtaas at pagbaba ng tubig sa baybayin sanhi ng “gravitational pull” ng mundoat ng buwan at pag-ikot ng mundo sa axis3. Water Reservoir - imbakan ng tubigNilalamanSanggunian:Student reading materialKagamitan:mga larawan ng sanhi ng pagbaha, kartolinaPamamaraanLunsaranPag-awit ng mag-aaral ng kantang “Karaniwang Tao” ni Joey Ayala“Karaniwang tao saan ka tatakbo, kapag nawasak iisang mundo ”
FLOODINGGawainHatiin sa 4-5 pangkat ang klase. Gumawa ng isang collage gamit ang ibat ibang larawan. Pagisipin ang mga mag-aaral ng mga dahilan o sanhi ng pagkakaroon ng pagbaha.PagsusuriSagutin ang mga sumusunod na tanong:1. Bakit nagkakaroon ng malawakang pagbaha?2. Ano ang masamang epekto nito sa mga tao? Ano ang pag-iingat na iyong gagawin?3. Maaari kayang mabawasan o matigil ang ganitong pangyayari? Pangatwiranan.AbstraksyonBakit mahalaga na malinis ang iyong kapaligiran?PaglalapatPaano kung napunta ka sa isang lugar na walang basurahan at kailangan mong itapon angbalat ng kendi?7
8ARALING PANLIPUNAN 1DRR LESSON EXEMPLARBilang isang mag-aaral, may maimumungkahi ka ba kung paano mapananatiling malinis angiyong silid-aralan?EbalwasyonGaano ba kahalaga ang iyong komitment upang mapanatili ang kalinisan at maingatan siInang Kalikasan? Narito ang isang pagsubok upang ito ay malaman. Bilugan lamang angbilang ng inyong sagot.5 - matinding pagsang-ayon4 - sumasang-ayon3 - maaari1.2.3.4.5.2 - hindi sumasang-ayon1 - matinding di pagsang-ayonPaglilinis ng silid-aralan nang may kusaPagtatapon ng basura sa tamang tapunanPagsali sa mga samahan na nag iingat sa kalikasanPakikiisa sa inyong barangay sa paglilinis sa inyong komunidadPagtatanim ng halaman sa paso o bakanteng nterpretasyon ng iskor:Kunin ang kabuan ng sagot na binilugan upang makuha ang interpretasyon ayon sa mgasumusunod:21 - 25 - matinding pagsang-ayon16 - 20 - sumasang-ayon11 - 15 - maaari6 - 10 - hindi sumasang-ayon1-5 - matinding di pagsang-ayonMga Kaalamang Natutunan1. Panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagbaha.2. Mahalaga ang pagkukusa upang mapanatili ang kalinisan.3. Maging ang mag-aaral ay maaari ding makatulong upang mapanatili ang kalinisan atmaingatan si Inang Kalikasan.Pagbabalik Tanaw sa AralinKonsepto1. Anu-ano ang sanhi ng pagbaha?2. Paano nakaaapekto ang pagbaha sa kapaligiran at sa tao?3. Ano ang bahaging ginagampanan ng tao sa pagkakaroon ng malaking baha?Masusing pag-iisip1. Mag-ikot sa loob ng paaralan. Alamin kung ang mga mag-aaral ay may tamang disiplinasa pagtatapon ng kanilang basura. Magbigay ng patunay.2. Ipaliwanag ang mga
2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng
6 Grade 6 Lesson exemplars 64-66 7 Grade 7 Teaching and learning activities 67-86 8 Grade 7 Lesson exemplars 87-88 9 Grade 8 Teaching and learning activities 89-103 10 Grade 8 Lesson exemplars 104-113 11 Grade 9 Teaching and learning activities 114-127 12 Grade 9 Lesson exemplars 128-135
Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .
Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .
Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba
DAILY LOG OF LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 2 Unang Markahan Learner’s Materials Used: June 2, 2014 June 3, 2014 June 4, 2014 June 5, 2014 June 6, 2014 Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng komunidad. References: . Teacher’s Guide: pp. 4-5
4 Step Phonics Quiz Scores Step 1 Step 2 Step 3 Step 4 Lesson 1 Lesson 2 Lesson 3 Lesson 4 Lesson 5 Lesson 6 Lesson 7 Lesson 8 Lesson 9 Lesson 10 Lesson 11 Lesson 12 Lesson 13 Lesson 14 Lesson 15 . Zoo zoo Zoo zoo Yoyo yoyo Yoyo yoyo You you You you
Araling Panlipunan Grade 10 . Alternative Delivery Mode . Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung .
Master’s Thesis in Automotive Engineering JILING LI ZHEN ZHU Department of Applied Mechanics . The battery thermal management system (BTMS) plays a vital role in the control of the battery thermal behaviour. The BTMS technologies are: air cooling system, liquid cooling system, direct refrigerant cooling system, phase change material (PCM) cooling system, and thermo-electric cooling system .