Pamumuhay Ng Mga Sinaunang Pilipino Sa Panahong Pre-kolonyal.

7m ago
2.3K Views
67 Downloads
1.57 MB
16 Pages
Last View : Today
Last Download : 4d ago
Upload by : Tripp Mcmullen
Share:
Transcription

Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mgapirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ngmga sinaunang Pilipino. Nanirahan rin sa mga yungibo kwebang matatagpuan sa bundok o gubat. Sa paglipas ng panahon ay dumami ang nanirahansa isang lugar hanggang sa makabuo atmakapagtatag sila ng komunidad. Marami sa mga itoay malapit sa mga tabi ng dagat, ilog, lawa, at lookdahil isinasaalang-alang nila ang mapagkukuhananng pagkain at paggamit ng bangka para sapaglalakbay papunta sa ibang lugar.

May mga pamayanan rin na umusbong sa mgakabundukan kung saan nagtayo sila ng komunidadsa malapit sa mga pinagkukuhaan ng tubig paramagamit na patubig sa mga pananim, angpamayanan sa kabundukan ay tinawag na ilaya atang malapit sa anyong tubig ay tinawag na ilawud. Kahit na may umusbong na mga pamayanan aymay mga sinaunang Pilipino pa rin ang pinilingmamuhay bilang nomad o yung hindi nanatili ngpermanente sa isang lugar. Lumilipat sila ng lugarkapag naubos na ang pagkain at wala ng maitustossa kanilang pangangailangan. Madalas na sila aynanatili sa mga kweba at yungib na nagigingkumportable sa pagtira ng mahabang panahon.

Ibang- iba ang kasuotan ng mga sinaunang Pilipino, halossaplot lamang na yari sa mga balat ng punongkahoy o hayopang gamit nila na panakip sa kanilang katawan. Ang kalalakihan ay nagsususot ng Putong para sa ulo, angpang-itaas nila ay maikling manggas at kamisang walangkwelyo. Nakitaan na rin ng hilig ang ating mga ninuno sa paggamit ngpalamuti babae man o lalaki, ang ginto noon ay kanilangpalamuti para sa ngipin. Para sa kanila ay simbolo rin ng katapangan, karangalan, atkagandahan ang paglalagay ng tato sa halos buong katawan.Marami sa mga disenyo nito ay mga kaakit-akit.

Ang edukasyon ng ating mga ninuno noon ay di pormal.Edukasyon sa pangkabuhayan ang itinuturo sa mgakalalakihan at edukasyon sa pantahanan naman para samga kababaihan, ang layon nito ay para maihanda silakung sakaling dumating sila sa panahon ng pagkakaroonng sariling pamilya. Ayon naman kay Padre Pedro Chirino isangmananaliksik na Espanyol, napatunayan na halos lahat nglalaki at babae noon ay marunong magbasa at sumulat ngkatutubong alpabeto na kung tawagin ay baybayin,sinaunang alpabeto ito na binubuo ng labing - pitongsimbolo na kumakatawan sa titik. Sa mga ito, tatlo lamangang patinig at may labing - apat na katinig.

May sariling panitikan ang ating mga ninuno na maaaringpasalita o pasulat. Kabilang ang mga sinaunang awit, tula, dula,alamat, kwentong bayan, salawikain o kasabihan, bugtong, atepiko. Nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon athanggang ngayon ay kinagigiliwan pa rin na basahin, bigkasinat ibahagi. Sa awit naman ay kabilang ang mga sumusunod: diyuna (diona)na awit ng kasiyahan, oyayi o hele o awit sa pagpapatulog ngsanggol; talindaw na awit sa pammangka; ihiman na awit parasa ikinakasal, tigpasin na awit sa paggaod; tagulalay o umbayna malungkot na awit kung may namatay; kumintang na awitpara sa pag - ibig, at indulanin o suliranin na awit sa lansangan.

Ang ating mga ninuno ay mahilig rin na bumigkas ng tula, lalo nayung may sukat at tugma, sa bakuran ng bahay ng datu aymadalas na itinatanghal ang iba’t ibang dula, pagpapalitan atpaglalahad ng alamat na nagsasalaysay sa pinagmulan ngisang lugar o bagay na may elementong pantasya. Paksanaman kwentong - bayan (folklore)ang mga tauhangkumakatawan sa uri ng mga mamamayan gaya ng hari,prinsipe, o isang marunong na lalaki. Ang mga salawikain atkasabihan naman ay patungkol sa kagandahang asal at pag uunawa ng ating mga ninuno. Nagbibigay naman ng kasiyahanat palaisipan tungkol sa mga bagay bagay ang bugtong. Angepiko naman ay isang mahabang akda na nauukol sakabayanihan, gaya ng Hudhud at Alim ng mga Ifugao, Biag niLam - ang ng mga Ilokano, Ibalon ng mga Bikolano, Bantuganng mga Maranaw, at Indarapatra at Sulayman ng Maguindanao.

Sakatimugang bahagi ng Pilipinas ay may sarilingsining ng pag-ukit ng mga sinaunang mga Pilipino nakilalal sa tawag na okir at ang pangunahing disenyonito na Sarimanok na nagpapakilala sa mga Muslim,karaniwan man o Maharlika. Kasama na rin samatandang kaugalian ang paglalagay ng tato sakatawan at paggamit ng mga palamuti. May kaalaman na rin sila pagdating sa patubig parasa pananim at kakikitaan na rin ng kaalaman sa pagiinhinyero dahil sa likha nilang Hagdan - hagdangpalayan sa Banaue. Gumagamit rin sila ng mgahalamang gubat para sa panggagamot sa maramingmga karamdaman. Sa pamamagitan ng prosesongmummification ay napapanatili nila ang anyo ngtaong namatay na.

Likas na sa ating mga ninuno ang pagkakaroon nghilig sa sayawat musika. May kakayahan silang lumikha ng himig buhat sa mganaririnig nila sa kalikasan. Mayroon silang mga instrumentongpangmusika na ginagamit gaya ng kudyapi, gangsa, alpangkawayan, biyuling kawayan na may kwerdas ng abaka,kulintang, bansik at kalaleng na yari sa kawayan. May kahusayan rin sa pagsayaw ang mga ninuno natin ito aykanilang ipinapamalas tuwing may mahalagang seremonya atpagdiriwang, kabilang sa mga ito ang balitaw, kumintang,dandansoy, subli, itik-itik, maglalatik, tinikling, at singkil.Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na itinatanghal atpinahahalagahan ng mga Pilipino.

Ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit o pangkat ngmga tao sa ating lipunan. Ang pamilya ay karaniwang binubuong ama na tinatawag na “haligi ng tahanan”, at ina natinatawag na “ilaw ng tahanan” at anak o mga anak. Noon paman ay kinilala na ang matibay na pagsasamahan ng mgakasapi ng pamilya.Ang ama ang may responsibilidad sa pagtatrabaho upangmaibigay ang pangangailangan ng pamilya, siya rin anginaasahang magtatanggol sa kapakanan ng asawa at maganak. Ang ina naman ang tagapag-alaga, inaaruga atginagabayan niya ang mga anak hanggang sa kanilangpaglaki. Ang mga anak naman ay sumusunod sa tagubilin ngmga magulang at tumutulong rin sa mga gawaing bahay atang matandang kapatid ay gumagabay rin sa nakakabatangkapatid.

Ang mga magulang ay parehongnagtutulungan sa pagganap ng kanilangtungkulin lalo na sa pagpapalaki ng mgaanak. Sa pamilya pa rin unang natutuhan ngmga anak ang mabuting asal gaya ngpagbibigayan at pagmamahal sa isa’t isa.Mataas ang pagtingin at pagkilala sa mgapamilya ng ating mga ninuno.

Ang mga magulang ay parehong nagtutulungan sa pagganap ng kanilang tungkulin lalo na sa pagpapalaki ng mga anak. Sa pamilya pa rin unang natutuhan ng mga anak ang mabuting asal gaya ng pagbibigayan at pagmamahal sa isa’t isa. Mataas ang pagtingin at pagkilala sa mga pamilya ng ating mga ninuno.