KAGAWARAN NG PAMPUBLIKONG KALUSUGAN NG LOS ANGELES COUNTY .

3y ago
106 Views
2 Downloads
720.26 KB
23 Pages
Last View : 2d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Shaun Edmunds
Transcription

KAGAWARAN NG PAMPUBLIKONG KALUSUGAN NG LOS ANGELES COUNTYUTOS NG OPISYAL NG KALUSUGANMga Protokol sa Muling Pagbubukas para sa mga Paaralan ng K-12: Appendix T1Kamakailang mga Pagbabago – (Mga pagbabago ay naka-highlight ng dilaw)3/22/21: Iniayos ang inaatas/kinakailangan na pinakamababang (minimum) distansya sa pagitan ngpag-upo ng mag-aaral sa 3 talampakan. Ang mga pinakamababang distansya sa pagitanng mga mesa ng kawani at mga mesa ng mag-aaral at iba pang mga mesa ng kawani aymananatiling nasa 6 na talampakan. Binago ang mga hangganan at pagiging karapat-dapat sa muling pagbubukas ng paaralan.3/15/21: Binago para linawin na ang mga dalubhasang nagtuturo sa mga paaralang elementaryaay maaaring magtrabaho sa hanggang 3 na hindi nagbabago-bagong grupo ng mga estyudante sakahabaan ng isang araw o isang linggo ng pagpasok.3/8/21: Pinapayagan ang muling pagbubukas ng mga grado 7-12 para sa lahat ng mga paaralanhangga’t ang mga paaralan ay sumusunod sa lahat ng estado at lokal na mgakinakailanganPinalawig ang talakayan at nagbigay ng paglilinaw sa paglikha ng mga hindi nagbabagobagong grupo ng mga mag-aaralAng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng Los Angeles County ay ipinagtitibay ang isangpamamaraan, suportado ng siyensya at kaekspertuhan sa pampublikong kalusugan, para paganahin angmga paaralan na nagsisilbi sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 12 na muling magbukasnang ligtas. Bilang karagdagan sa mga kondisyong ipinataw sa mga paaralan ng Opisyal ng Estado saPampublikong Kalusugan at ng Kagawaran ng Edukasyon ng California, ang mga paaralan ay dapat ringsumunod sa mga protokol na ito sa kaligtasan at pagkontrol sa impeksyon ng empleyado at mag-aaral.Mangyaring tandaan: Maaaring baguhin ang dokumentong ito habang may karagdagang impormasyon atmga bagong mapagkukunan. Pumunta sa http://www.ph.lacounty.gov/media/Coronavirus/ para sa mgapagbabago sa dokumentong ito.Ang dokumentong ito ay nagsisimula sa pagtalakay sa mga kasalukuyang probisyon para sa edukasyon sakampus sa Los Angeles County, at sinusundan ng impormasyon tungkol sa mga estratehiya sa kaligtasanpartikular sa kapaligiran ng paaralan.Ang listahan sa muling pagbubukas ng TK-12 ay nagsisimula sa pahina 4, at nagkakaloob ng mga hakbangsa kaligtasan sa limang aspeto:(1) Mga patakaran at kasanayan sa lugar ng trabaho para protektahan ang kalusugan ng empleyado atmag-aaral(2) Mga hakbang para matiyak ang pisikal na pagdistansya(3) Mga hakbang para matiyak ang pagkontrol ng impeksyon(4) Komunikasyon sa mga empleyado, mag-aaral at pamilya ng mga mag-aaral at sa publiko(5) Mga hakbang para matiyak ang pantay-pantay na akses sa mga kritikal na serbisyo.Ang limang pangunahing aspetong ito ay dapat na matugunan habang binubuo ng inyong pasilidad anganumang mga protokol sa muling pagbubukas. Ang mga paaralan ay dapat na ipatupad ang lahat ng mganaaangkop na hakbang na nakalista sa ibaba at maging handa na ipaliwanag kung bakit ang anumanghakbang na hindi ipinapatupad ay hindi naaangkop sa kapaligiran.Reopening Protocol for K-12 SchoolsRevised 3/22/21 (Tagalog)1

KAGAWARAN NG PAMPUBLIKONG KALUSUGAN NG LOS ANGELES COUNTYUTOS NG OPISYAL NG KALUSUGANPangkalahatang Gabay sa Muling Pagbubukas para sa Lahat ng mga PaaralanSa oras na ito na ang Los Angeles County ay nasa Pulang (Red) Tier o mas mataas pa, ang lahat ngmga paaralan ay pinahihintulutan na muling magbukas para sa lahat ng mga mag-aaral saanumang grado ng TK – 12. Tandaan na ang estado ay tinutukoy ang isang bukas o muling nagbukas napaaralan bilang isa na nag-aalok ng personal na pagtuturo nang hindi bababa sa isang araw kada linggosa lahat ng mga mag-aaral sa hindi bababa sa isa sa mga gradong pinagsisilbihan ng paaralan. Ang mgapaaralan na hindi natutugunan ang kriteryang yon ay maaaring nagkakaloob ng partikular na serbisyongpampersonal sa isang limitadong bilang ng mga mag-aaral, ngunit hindi natutugunan ang kriterya ngpagiging bukas o muling pagbubukas para sa mga layunin ng protokol na ito.Ang mga paaralang nagbubukas para sa personal na pagtuturo ay dapat na magpatuloy na mag-alok ng100% na malayuang pag-aaral bilang mga opsyon para sa mga pamilyang ginugusto ito.Ang mga paaralan na karapat-dapat para sa muling pagbubukas batay sa kriterya ng estado at county, ayhindi kinakailangang magbukas at maaaring hindi magbukas hanggang handa na ang paaralan nasumunod sa lahat ng mga kinakailangan sa protokol na ito para matiyak ang isang ligtas na kapaligiranpara sa lahat ng mga miyembro ng komunidad ng paaralan. Gayunpaman, ang mga paaralan ay dapat namagkaroon ng kamalayan na ang isang pinahabang pagkaantala sa muling pagbubukas ay maaaringmaapektuhan ang pagiging karapat-dapat kung tataas ang transmisyon sa komunidad at ang binagongmga rate ng kaso ay humihigit sa mga hangganan (thresholds) na nagpapahintulot sa muling pagbubukasng paaralan. Ang alinmang paaralan na muling nagbukas ayon sa kahulugang nasa itaas aymaaaring manatiling bukas kahit na ang nabagongmga rate ng kaso ay tumaas at/o ang County aymuling itinalaga pabalik sa isang mas mababa at mas mahigpit na tier. Kung ang isang paaralan ay hindipa muling nagbubukas ayon sa kahulugan sa itaas, at ang nabagong rate ng kaso sa County ay tumaassa higit sa 25 kaso kada 100,000 populasyon, walang mga paaralan na hindi pa muling nagbubukas angpahihintulutan na gawin ito para sa anumang pinagsisilbihang grado hanggang ang binagong rate ng kasoay muling babagsak nang mas mababa sa 25. Ang tanging eksepsyon lamang sa panuntunang ito ay angmga paaralan ay may pinakamababa (minimum) na tatlong linggong palugit (window) para sa mulingpagbubukas pagkatapos na ang County ay naabot ang hangganan sa muling pagbubukas na masmababa sa 25 kaso kada 100,000 populasyon. Kung ang binagong rate ng kaso ay mabilis na tataas mulina higit sa pinahihintulutang hangganan sa loob ng tatlong linggo ng pagkakaabot sa hangganan,magkakaroon pa rin ang mga paaralan ng buong tatlong linggo para muling magbukas bago ang pagigingkarapat-dapat ay iuurong.Ang mga paaralan na naghahanda pa para sa muling pagbubukas o piniling manatiling sarado sa oras naito, ay maaaring pasimulan pa rin o ipagpatuloy ang sumusunod na mga harapang aktibidad ng kampus.Ang mga aktibidad na ito ay maaaring maganap na hindi alintana kung ang paaralan ay nakapagbukas nao nananatiling sarado, at hindi alintana ang pagkakapuwesto ng County sa Tier o binagong rate ng kaso: Pangagalanga sa araw (day care) para sa mga batang nasa edad nang mag-aral at/o mga programasa pangangalang pambata na matatagpuan sa mga paaralan.o Ang LEAs at mga paaralan na nag-aalok ng mga serbsiyo sa pangangalaga sa araw para sa mgabata sa paaralan ay dapat na sumunod sa protokol ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusuganpara sa Mga Programa na Nagbibigay ng Pangangalaga sa Araw para sa Mga Batang nasa Edadnang Mag-aral o ang Patnubay para sa mga Tagapagbigay ng ECE. Ang mga programa nanagnanais na magbigay ng pangangalaga sa araw sa mga paaralan para sa mga batang nasaedad nang mag-aral ay dapat na makipag-usap sa kanilang Pang-rehiyon na Tanggapan ngPaglilisensiya sa Pangangalaga sa Komunidad (Community Care Licensing) para magtanongtungkol sa pagkakaroon ng mga pagpapaubaya (waivers) para sa mga lisensyadong pasilidad ngpangangalagang pambata at mga tagapagbigay na hindi saklaw ng lisensya dahil sa COVID-19.Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang PIN 20-22-CCP.Reopening Protocol for K-12 SchoolsRevised 3/22/21 (Tagalog)2

KAGAWARAN NG PAMPUBLIKONG KALUSUGAN NG LOS ANGELES COUNTYUTOS NG OPISYAL NG KALUSUGANo Ang mga paaralan na nagkakaloob ng mga programa sa pangangalagang pambata para sa mgabatang nasa edad nang mag-aral sa kanilang kampus ay dapat na ihain ang abiso para sa MgaSerbisyo sa Pangangalagang Pambata para sa mga Batang nasa Edad nang Mag-aral sa K-12na mga lugar ng Paaralan sa Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng Los Angeles County. Mga dalubhasang serbisyo para sa mga tukoy na subgroup ng mga bata na nangangailanganng personal na mga serbisyo at suportao Ang LEAs at mga paaralan ay hindi inaatas na magbigay ng mga dalubhasa, harapangooooserbisyo, ngunit kung magagawa ito ay maaaring magsilbi sa mga mag-aaral na may IEPs, mganag-aaral ng Ingles na Wika, at mga mag-aaral na may mga pangangailangan na hindimatutugunan sa pamamagitan ng isang plataporma sa birtuwal na pagtuturo. Ang mga magaaral na ito ay maaaring pagsilbihan kapag kinakailangan, hangga’t ang kabuuang bilang ngmga mag-aaral na naroroon sa lugar ay hindi hihigit sa 25% ng kabuuang bilang ng mag-aaralsa anumang isang panahon. Ang mga paaralan na muling nagbukas para sa isa o higit pangmga grado na pinagsilbihan, ngunit hindi para sa lahat ng mga grado na pinagsisilbihan ngpaaralan, ay maaari ring ihatid ang mga espesyal na serbisyong ito sa isang limtadong bilangng mga mag-aaral sa mga grado na hindi pa nagbubukas para sa ganap na personal napagtuturo. Sa sitwasyong iyon, ang paaralan may maaaring itaas sa 25% ang pagtatala ngmag-aaral (student enrollment) sa mga grado na hindi pa kasalukuyang bukas sa kampus saanumang isang panahon para sa dalubhasang suporta at mga serbisyo para sa mga mag-aaralna may mataas na pangangailangan sa mga gradong iyon, hangga’t ang paaralan aynakakasunod sa mga kinakailangan sa pagdistansya, pagkontrol ng impeksyon, atpagpapangkat.Ang mga dalubhasang serbisyo ay maaaring kabilangan ngunit hindi limitado sa mga serbisyong terapewtika na trabaho, mga serbisyo sa pananalita at wika, iba pang mga serbisyongmedikal, mga serbisyong pangkaugalian, mga suportang serbisyo na pang-edukasyon bilangbahagi ng isang nakatuong estratehiya sa pamamagitan, o mga pagtatasa, tulad ng mganauugnay sa katayuan ng Mag-aaral ng Ingles, Plano sa Edukasyon ng mga Indibidwal(Individualized Education Plans) at iba pang mga inaatas na pagtatasa.Walang bata ang maaaring maging bahagi ng higit sa isang pangkat. Ang mga mag-aaral nabahagi ng isang pangkat ay maaaring lisanin ang pangkat para tumanggap ng mgakaragdagang serbisyo. Gayunpaman, ang anumang mga karagdagang serbisyo ay dapat naibigay ng isahan ng naaangkop na espesyalista sa isang ligtas na lugar na hiwalay sa lahat ngiba pang mga tao.Ang mga paaralan ay dapat na sumang-ayon na makipagtulungan sa Kagawaran ngPampublikong Kalusugan pagdating sa pagsusuri, pagsusubaybay, at dokumentasyon na iaataspara pahintulutan ang maingat na masusing pagsisiyasat ng mga kalusugan na kaugnay sapasimulang panahon ng ekspansyon.Hanggang sa umaayon sa mga dalubhasang pangangailangan ng mga mag-aaral sa isangibinigay na pangkat, ang paggamit ng lugar sa labas nang hindi bababa sa 50% na bilang ngmag-aaral na pumapasok sa araw ay mariing hinihikayato Ang LEAs at ang mga paaralan na piniling ipatupad ang mga serbisyong ito sa lugar para sa mgamag-aaral na may dalubhasang pangangailangan, ay dapat na ipagbigay-alam sa Kagawaran ngPampublikong Kalusugan ng Los Angeles County ang kanilang mga plano bago ang pagsisimulang mga serbisyo. Kung ang isang paaralan ay nakapagbukas na ng isa o higit pa sa mga gradongpinagsisilbihan at magkakaloob ng mga dalubhasang serbisyo sa iba pang mga grado, angpaaralan ay inaatasan pa ring abisuhan ang pampublikong kalusugan bago simulan ang mgadalubhasang serbisyo, dahil may isang hiwalay na form ng abiso (notification form) na dapatpunan. Ang isang form sa pag-uulat ay maaaring matagpuan sa Small Group InstructionNotification Form.Reopening Protocol for K-12 SchoolsRevised 3/22/21 (Tagalog)3

KAGAWARAN NG PAMPUBLIKONG KALUSUGAN NG LOS ANGELES COUNTYUTOS NG OPISYAL NG KALUSUGANo Ang karagdagang impormasyon mula sa Estado tungkol sa mga dalubhasang serbisyo aymaaaring matagpuan sa Dalubhasang Mga Suporta at Serbisyo. Napangasiwaang pagbibigay ng mga pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo, kabilang ang mgapagsusulit ng PSAT, ACT, at SAT.o Ang mga pagsusulit para makapasok sa kolehiyo, kabilang ang mga pagsusulit ng PSAT,ACT, at SAT, ay maaaring isagawa sa mga paaralan hangga’t ang mga mag-aaral ay angkopna naipangkat para sa buong tagal ng pagtatasa (hindi hihigit sa 14 na bilang ng mag-aaral sabawat silid-aralan na may distansya na hindi bababa sa 6 na talampakan sa pagitan ng mgamag-aaral at sa pagitan ng mga mag-aaral at guro.o Ang lahat ng mga mag-aaral at kawani ay may suot na mga maskara sa mukha (face masks)sa buong oras sa kampus, ang mga direktiba sa pagkontrol ng impeksyon ay naisaayos.o Walang pagtitipon sa mga oras ng pagdating at pag-uwi o habang panandaliangnamamahinga mula sa pagsusulit.Ang lahat ng mga hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado at mag-aaral sa protokol na ito parasa Muling Pagbubukas ng mga TK-12 na Paaralan at sa nauugnay na protokol para sa Pangangasiwa saPagkalantad sa K-12 ay dapat na ipatupad at nalalapat para sa lahat ng mga tauhan sa mismong lugar,kabilang ang mga taong nagkakaloob ng mga dalubhasang serbisyo. Ang mga sumusunod na talata aymalinaw na ipinapakita ang mga estratehiya sa kaligtasan na partikular sa kapaligiran ng paaralan. Mgakaragdagang mapagkukunan para sa mga K-12 na Paaralan ay maaaring matagpuan sa COVID-19 Toolkit ngK-12 na Paaralan.PAGPAPANGKATPara sa lahat ng tatlong uri ng programa sa lugar na pinahihintulutan sa lahat ng mga paaralan na inilarawansa itaas (pangangalagang pang-araw para sa mga batang nasa edad nang mag-aral, mga dalubhasangserbisyo para sa mga tukoy na subgroup ng mga bata, at pagbibigay ng mga pagsusulit sa pagpasok sakolehiyo), ang mga mag-aaral ay dapat na organisado at magpatuloy sa araw sa loob ng mga maliliit napangkat, tinukoy bilang isang grupo na hindi pabago-bago na hindi hihigit sa 14 na bilang ng bata o kabataanat hindi hihigit sa dalawang nangangasiwang nakatatanda sa isang napangasiwaang kapaligiran kung saanang mga nangangasiwang nakatatanda at mga bata ay nananatiling magkakasama para sa lahat ng aktibidad(hal. mga kainan, paglilibang, atbp.), at iwasan ang pakikisalamuha sa mga taong labas sa kanilang grupo salugar. Tandaan na kung ang isang pangkat ay may mas kaunti sa 14 na bilang ng bata o kung ang isangbata ay tumigil sa pagdalo ng dati nang buong pangkat, ang ibang bata na hindi pa itinatalaga saisang pangkat, ay maaaring idagdag sa grupo para maabot ang pinakamarami na 14, hangga’t anglahat ng mga bata, sa oras na tinalagahan ay mananatili sa parehong pangkat sa lahat ng oras.Kung ang ilang bata ay itinalaga sa isang pangkat na hindi pabago-bago ngunit dumadalo lamangng part-time, dapat silang maituring bilang ganap na mga miyembro at kabilang sa bilang ngpinakamarami na 14. Ang mga part-time na miyembro ay hindi maaaring “ibahagi” ang kanilang slotsa iba pang mga part-time na mag-aaral. Hindi maaaring idagdag sa lahat ng oras ang iba pangmga bata para maabot ang pinakamarami na 14 na kalahok.Ang mga katulong (aides) na itinalaga sa mga indibidwal na bata ay hindi kailangang ituring bilangmga nangangasiwang nakakatanda. Gayunpaman, dapat silang mabilang laban sa pinakamaramina 16 na bilang ng indibidwal na maaaring isama sa isang pangkat.Ang mga nangangasiwang nakatatanda ay maaaring italaga sa trabaho sa dalawang magkaibangpangkat kung ang dalawang pangkat ay naroroon sa paaralan sa magkakaibang araw ng linggo omagkakaibang sesyon sa araw, halimbawa sa umaga (AM) at gabi (PM) na sesyon. Angpagtatalaga sa higit sa dalawang pangkat ay hindi pinahihintulutan.Ang pagpapadala ng mga kahaliling tagapagbigay (substitute providers) na papalit para sa mgapanandaliang pagliban ay pinapayagan, ngunit dapat silang magtrabaho sa hindi hihigit sa 2pangkat ng mga bata kada araw. Ang mahalaga, ang humahalili ay kukupkupin ang mga takdang-Reopening Protocol for K-12 SchoolsRevised 3/22/21 (Tagalog)4

KAGAWARAN NG PAMPUBLIKONG KALUSUGAN NG LOS ANGELES COUNTYUTOS NG OPISYAL NG KALUSUGAN aralin ng lumibang empleyado na kanilang pinapalitan at eksklusibong magtatrabaho sa parehong(mga) pangkat kung kanino nakatalaga ang permanenteng empleyado.Ang “mga nakaantabay” (floaters) na pumapalit sa mga nangangasiwang nakatatanda sa araw parasa mga panandaliang pamamahinga ng empleyado (employee breaks), ay maaaring buuin angisang pangatlong nangangasiwang nakatatanda sa pangkat, ngunit hindi maaaring pumalit (providecoverage) para sa higit sa dalawang magkakaibang pangkat sa araw at dapat na gumugol nglimitadong oras sa alinmang isang pangkat kung kinakailangan para magbigay ng pagpapalit samga permanenteng itinalagang nangangasiwang nakatatanda.Ang mga mahahalagang karagdagang detalye para sa pagpapatupad ng mga pangkat ay makikita mula saKagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng California sa Gabay Kaugnay sa mga Pangkat.LIMITADONG DAMI NG TAO SA KAMPUSHabang ang Local Education Agencies (LEAs) o mga paaralan ay maaaring malaan ang dami ng mga pangkathanggang angkop para matugunan ang mga pangangailangan para sa mga dalubhasang serbisyo, angkabuuang populasyon sa mismong kampus ay hindi maaaring lumampas sa 25% ng kabuuang lupon ng magaaral sa anumang isang pagkakataon. Ang 25% limitasyon ay hindi nalalapat sa mga batang nasa edad ngmag-aral sa kampus na tumatanggap ng arawang pangangalaga habang nakikisali sa mga aktibidad ngmalayong pag-aaral (distance learning), hindi rin ito nalalapat sa mga mag-aaral sa mga grado na mulingnagbukas para sa ganap na pampersonal na pagtuturo. Ang mga paaralan na muling nagbukas ng ilan sakanilang mga grado at hindi ang iba pa ay maaaring magdala ng mga karagdagang mag-aaral sa kampus parasa mga dalubhasang serbisyo sa mga grado na nananatiling sarado ngunit hindi hanggang sa 25% ngkabuuang pagtatala sa bilang ng mag-aaral. Sa sitwasyong iyon, ang paaralan ay maaaring magdala ngkaragdagang mag-aaral sa kampus para sa dalubhasang serbisyo at pagtatasa hanggang sa pinakamaramina 25% ng pagtatala ng mag-aaral sa mga gradong nananatiling sarado, hangga’t ang paaralan aynakakasunod sa mga kinakailangan sa pagdistansya, pagkontrol ng impeksyon, at pagpapangkat.MGA NANGANGASIWANG NAKATATANDA (SUPERVISING ADULT)Ang isang nangangasiwang nakatatanda ay isang adulto na itinalaga sa isang pangkat ng mga bata okabataan, na hindi pisikal na nakikihalubilo sa iba pang mga pangkat. Ang mga nangangasiwang nakatatandaay maaaring kawani sa pangangalagang pambata, sertipikado o itinuturing kawani ng paaralan, mgaboluntaryo, mga nakikilahok na magulang o tagapag-alaga, o iba pang itinalagang (mga) nangangasiwangnakatatanda. Ang isang katulong (aide) na nariyan para magkaloob ng suporta sa isang indibidwal na bata aydapat na ituring bilang isang miyembro ng pangkat ngunit hindi isang nangangasiwang nakatatanda. Maaaringitalaga ang isang nangangasiwang nakatatanda sa 2 magkaibang pangkat na hindi pabago-bago kung sila aynag-aalok ng mga dalubahasang serbisyo/suporta na hindi maipagkaloob ng anumang iba pangnangangasiwang nakatatanda.MGA NAPANGASIWAANG KAPALIGIRAN (SUPERVISED ENVIRONMENTS)Ang isang kapaligiran na napangasiwaan sa pangangalaga ay isang kapaligiran kung saan ang maraming mgabata o kabataan, mula sa maraming pamilya o sambahayan, ay sabay-sabay na pinangangasiwaan ng isangnakatatanda o adulto. Kabilang rito, ngunit hindi limitado sa, lisensyadong mga pasilidad sa pangangalagangpambata, lisensyadong exempt na mga programa sa pangangalagang pambata, mga napangasiwaangprograma sa lugar ng paaralan habang wala sa sesyon ang paaralan o nagkakaloob ng kurikulum sa isangayos ng malayuang pag-aaral, o kung saan ang ilang mga serbisyong pang-edukasyon ay iniaalok sa isangsubgroup ng mag-aaral na tinukoy ng isang lokal na ahensyang pang-edukasyon sa isang paaralan.Hindi Nagbabago-bagong mga Grupo sa Pag-aaral sa mga Paaralan at Grado na Nakapagbukas naReopening Protocol for K-12 SchoolsRevised 3/22/21 (Tagalog)5

KAGAWARAN NG PAMPUBLIKONG KALUSUGAN NG LOS ANGELES COUNTYUTOS NG OPISYAL NG KALUSUGANPara sa mga grado na nagbalik na para sa ganap na harapang pagtuturo, ang pagsunod sa partikular nagabay sa pagpapangkat na nasa itaas, kabilang ang pinakamaraming (maximum) bilang na 16 naindibidwal sa kabuuan ay hindi kinakailangan. Gayunpaman, ang paglalapat sa parehong

na maghain ng isang abiso para magkaloob ng serbisyo sa mga magaaral na may espesyal na - pangangailangan kung ang paaralan ay naglalayong ibalik sa kampus ang mga mag-aaral dagdag sa mga mag-aaral na nasa gradong TK – 2. Ang isang form sa pag-uulat ay maaaring matagpuan sa Small Group Instruction Notification Form.

Related Documents:

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng _ Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III

mag-aaral ng pantay na pangangalaga ng batas. Ang Titulo VI ng mga Batas ng Karapatang Sibil ng 1964, na ipinatupad ng Kagaw aran ng Edukasyon, at ng Kagawaran ng Katarungan sa rekomendasyon ng ahensiya Pederal na nagbibigay pondo o sa interbensyon ng isang umiiral na demanda, ipinagbabawal ang

tinatawag na mga 'espesyal' na serbisyo sa pangkaisipang kalusugan. Ang mga espesyal na serbisyo ay ibinibigay sa pamamagitan ng Los Angeles County "Mental Health Plan (Plano sa Pangkaisipang Kalusugan)" o (MHP), na hiwalay sa iyong regular na doktor. Ang Los Angeles County MHP ay pinamamahalaan sa ilalim ng mga patakaran na itinakda ng Estado ng

kaisipang kalusugan. Ang mga espesyal na serbisyo ay ibinibigay sa pamamagitan ng Los Angeles County "Mental Health Plan (Pla-no sa Pangkaisipang Kalusugan)" o (MHP), na hiwalay sa iyong regular na doktor. Ang Los Angeles County MHP ay pinamamaha-laan sa ilalim ng mga patakaran na itinakda ng Estado ng California at ng pederal na pamahalaan.

ang layunin ng pag-unlad, marapat lamang na may sentral na lugar at priyoridad ang karapatan sa kalusugan sa anumang programa sa pag-unlad ng isang bansa. Bilang pagkilala ng Medical Action Group, Inc. (MAG) sa papel at relasyon ng kalusugan at karapatang pantao sa pag-unlad ng lipu-nan, at bilang bahagi ng

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa .

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa .

that are trading above the highest high that was made over the last 40 trading days or stocks that are trading below the lowest price over the last 40 trading days. For position trading I like to use a longer time frame, but for swing trading I find that 40 day highs and lows provide a good trade time frame for