Mga Karapatan At Kahihinatnan Para Sa Mga Taong May . - DSS

3y ago
62 Views
2 Downloads
356.72 KB
25 Pages
Last View : 20d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Bria Koontz
Transcription

Mga Pambansang Pamantayanpara sa mga Serbisyo saKapansanan (National Standardsfor Disability Services)DSS 1504.02.15 - Tagalog — Bersiyon 0.1. Disyembre 2013

Mga Pambansang Pamantayan para sa mga Serbisyo sa Kapansanan (NationalStandards for Disability Services)Pahayag ng karapatang-ariAng lahat ng materyal ay inilalaan sa ilalim ng isang lisensiya na CreativeCommons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Australia (CC BY-NC-ND 3.0AU).Ang mga detalye ng mga may-kabuluhang kondisyon sa lisensya ay mababasasa website ng Creative Commons (Creative Commons website) (namapupuntahan gamit ang mga link na ibinigay), pati na rin ang buong lisensiya.Ang dokumento ay kailangang ipagpalagay bilang Mga Pambansang Pamantayanpara sa mga Serbisyo sa Kapansanan (National Standards for Disability Services)2

Mga NilalamanPanimula . 5Isang pangkalahatang tanaw ng Mga Pambansang Pamantayan (NationalStandards) . 6Anim na Mga Pambansang Pamantayan (National Standards) . 6Mga Pakahulugan . 6Ang balangkas para sa Mga Pambansang Pamantayan (National Standards) . 8Pagtataguyod ng mga pamamaraang nakasentro sa tao . 8Ang mga prinsipyo ng Karapatang pantao . 9Mga prinsipyo ng Pamamahala ng Kalidad . 9Unang Pamantayan: . 11Mga Karapatan . 11Mga karapatan para sa mga tao . 11Mga kahihinatnan para sa mga tao . 12Mga pamantayan para sa serbisyo . 12Mga Tagapagpahiwatig ng Gawi (Indicators of Practice) . 12Ikalawang Pamantayan: . 13Pakikilahok at Paglakip . 13Mga karapatan para sa mga tao . 13Mga kahihinatnan para sa mga tao . 13Mga pamantayan para sa serbisyo . 13Mga Tagapagpahiwatig ng Gawi (Indicators of Practice) . 14Ikatlong Pamantayan . 15Mga Indibidwal na Kahihinatnan . 15Mga karapatan para sa mga tao . 15Mga kahihinatnan para sa mga tao . 16Mga pamantayan para sa serbisyo . 16Mga Tagapagpahiwatig ng Gawi (Indicators of Practice) . 16Ikaapat na Pamantayan . 17Mga Feedback at Reklamo . 17Mga karapatan para sa mga tao . 17Kahihinatnan para sa mga tao . 17Pamantayan para sa serbisyo . 183

Mga Tagapagpahiwatig ng Gawi (Indicators of Practice) . 18Ikalimang Pamantayan. 19Akses sa Serbisyo . 19Mga karapatan para sa mga tao . 19Kahihinatnan para sa mga tao . 19Pamantayan para sa serbisyo . 19Mga tagapagpahiwatig ng gawi (Indicators of practice) . 20Ika-anim na Pamantayan . 21Pamamahala ng Serbisyo . 21Mga karapatan para sa mga tao . 21Kahihinatnan para sa mga tao . 22Pamantayan para sa serbisyo . 22Mga tagapagpahiwatig ng gawi (Indicators of practice) . 22Mga Pambansang Pamantayan para sa mga Serbisyo sa Kapansanan (NationalStandards for Disability Services) - Buod na Talahanayan . 234

PanimulaAng Mga Pambansang Pamantayan para sa mga Serbisyo sa Kapansanan(National Standards for Disability Services) ay tutulong upang itaguyod atpatakbuhin ang isang pamamaraang pare-pareho sa buong bansa para mapabutiang kalidad ng mga serbisyo. Pinagtutuunan nila ng pansin ang mga karapatan atmga kahihinatnan ng mga taong may kapansanan.Ang Mga Pambansang Pamantayan (National Standards) ay unang nilikha noong1993. Nirebisa ang mga ito upang sumalamin sa kasalukuyang wika, mgapilosopiya at mga modelo ng serbisyo, lalung-lalo na ang mga paglipat patungosa pang-indibidwal na suporta at paghatid ng serbisyong nakasentro sa tao.Sa 2010, ang mga taong may kapansanan, kanilang pamilya at mga tagapagalaga, mga tagabigay ng serbisyo at mga tagataguyod ay nagbigay ng feedbacksa Mga Pambansang Pamantayan (National Standards) ng 1993 gamit angkomprehensibong konsultasyon na pinamumunuan ng Disability Studies andResearch Centre ng University of New South Wales. Nakatuon ang konsultasyonsa kamalayan at paggamit ng mga pamantayan, wika, kahulugan, kabuluhan atgamit.Batay sa feedback na ito, ang Mga Pambansang Pamantayan (NationalStandards) ay nirebisa na may isang draft na bersiyon na sinubukan sa buongbansa noong 2012. Ang mga taong may kapansanan, pamilya, mga kaibigan attagapag-alaga, mga tagabigay ng serbisyo, mga organisasyong tagataguyod atmga ahensiyang tumitingin sa kalidad (quality body) ay ginamit sa pagbuo ngnirebisang Mga Pambansang Pamantayan (National Standards).Kasama ng bersiyong ito, mayroon ding isang bersiyon ng Mga PambansangPamantayan (National Standards) sa Simpleng Ingles. May ilang mga kasamangdulugan, kabilang ang isang Evidence Guide (Gabay ng Katibayan), isangConversation Tool and Stories (Instrumento para sa Pag-uusap at mga Kuwento)upang suportahan ang kamalayan at aplikasyon ng Mga PambansangPamantayan (National Standards). Sa pagdaan ng panahon, bubuuin ang mgakaragdagang dulugan.5

Isang pangkalahatang tanaw ng Mga PambansangPamantayan (National Standards)Anim na Mga Pambansang Pamantayan (National Standards)Mayroong anim na Mga Pambansang Pamantayan (National Standards) na akmapara sa mga tagabigay ng serbisyo sa kapansanan.1. Mga Karapatan: Ang serbisyo ay nagtataguyod sa mga pang-indibidwal nakarapatan sa kalayaan sa pagpapahayag, pagpapasiya sa sarili atpagsasagawa ng desisyon at aktibong humahadlang sa pag-aabuso,pinsala, kapabayaan at karahasan.2. Pakikilahok at Paglakip: Ang mga serbisyo ay nagtatrabaho kasama ngmga indibidwal at mga pamilya, mga kaibigan at tagapag-alaga upangitaguyod ang mga oportunidad para sa makabuluhang pakikilahok ataktibong paglakip sa lipunan.3. Mga Indibidwal na Kahihinatnan: Ang mga serbisyo at mga suporta aytinatasa, pinaplano, hinahatid at nirerepaso upang mag-ipon ng mgaindibidwal na kakayahan at lakas at itulak ang mga indibidwal upangmakamit ang kanilang mga layunin.4. Mga Feedback at Reklamo: Hinahangad ang regular na feedback atginagamit ito para sa mga pagrerepaso at pagpapabuti ng mga serbisyongpang-indibidwal at pambuong organisasyon.5. Akses sa Serbisyo: Pinamamahalaan ng serbisyo ang akses, pagsisimulaat pag-alis sa serbisyo sa isang malinaw at tapat, patas, pantay-pantay attumutugon na paraan.6. Pamamahala ng Serbisyo: Ang serbisyo ay mayroong epektibo atnananagot na pamamahala at pamumuno ng serbisyo upang ilabis nanghusto ang mga kahihinatnan para sa mga indibidwal.Mga PakahuluganAng seksiyong ito ay naglilista ng ilang mga karaniwang kataga at naglalarawankung paano sila ginagamit sa loob ng Mga Pambansang Pamantayan (NationalStandards).Patuloy na pagpapabuti – ang katagang ‘patuloy na pagpapabuti’ (continuousimprovement) ay naglalarawan sa nagpapatuloy na pagsisikap ng isangorganisasyon upang mapabuti ang mga serbisyo, sistema, proseso o produktopara ilabis nang husto ang mga benepisyo para sa kanyang mga kliyente. Angproseso ng patuloy na pagpapabuti ay umaasa sa impormasyong batay saebidensiya upang suportahan ang tagumpay ng organisasyon sa pagkamit ngkanyang mga layunin at kahihinatnan. Ito ay nangangahulugan ring pakikibagaysa mga nagbabagong pangangailangan ng komunidad o mga tao na gumagamitsa mga serbisyo.6

Kagalingang pangkultura – ang katagang ‘kagalingang pangkultura’ (culturalcompetency) ay naglalarawan sa mga indibidwal at mga organisasyon namayroong isang pangkat ng mga kaugalian, saloobin, kaalaman, kakayahan, gawiat mga proseso na nagpapagana sa epektibong trabaho sa iba't ibang kultura.Higit pa ito sa kamalayang pangkultura. Nangangahulugan ito na ang mgaindibidwal at organisasyon ay proactive, sa halip na tumutugon, hinggil sapagkakaiba-iba ng kultura upang masiguro ang epektibo at makabuluhangpaghahatid ng serbisyo or mga suporta.Dignidad ng panganib – ang katagang ‘dignidad ng panganib’ (dignity of risk) aynagtataguyod sa awtonomiya at pagpapasiya sa sarili ng bawat tao upangmakagawa ng sarili nilang mga pagpipili, kabilang ang pagpili na humarap sailang panganib sa buhay.Pamilya, mga kaibigan at tagapag-alaga – ang katagang ‘pamilya, mgakaibigan at tagapag-alaga’ ay kumikilala sa kahalagahan ng koneksiyon sapamilya at mga kaibigan, pati na rin ang mga mapangalagang papel naginaganap ng pamilya, mga kaibigan at tagapag-alaga. Kabilang sa salitang'pamilya' ang mga kapareha o minamahal, pati na mga magulang, kapatid, anakat iba pang miyembro ng pamilya.Indibidwal – ang katagang ‘indibidwal’ ay ginagamit upang ilarawan ang tao nagumagamit sa serbisyo o suporta. Ito ay pangunahing mga tao na maykapansanan na gumagamit sa serbisyo o suporta. Ang salitang ‘indibidwal’ aymaaari ring mangahulugan na isang miyembro ng pamilya o tagapag-alaga,halimbawa, sa kaso ng mga taong gumagamit ng mga serbisyong nagbibigay ngpahinga sa regular na tagapag-alaga (respite service). Ang ‘indibidwal’ ayginagamit sa halip ng mga salitang katulad ng ‘konsumidor’, ‘kliyente’ o‘tagagamit ng serbisyo’.Mga Kahihinatnan – ang katagang ‘mga kahihinatnan’ ay naglalarawan saepekto o resulta ng isang serbisyo o suporta, katulad ng pagpapabuti ngmabuting pakiramdam o kapakanan ng indibidwal. Ang ‘mga kahihinatnan’ aymaaaring kilalaning iba sa ‘mga output’. Ang mga output ay naglalarawan sapaghahatid ng mga serbisyo o suporta, katulad ng pagbibigay ng pagsasanay.Ang mga kahihinatnan ay maaaring maikling panahon (katulad ng indibidwal nanasasangkot sa pagpaplano ng serbisyo) hanggang matagal na panahon (katuladng indibidwal na nakakuha ng trabaho pagkatapos na makumpleto ang isangkurso).Pinakakaunting limitasyon – ang katagang ‘pinakakaunting limitasyon' (minimalrestriction) o 'pinakakaunting interbensiyon’ (minimal intervention) ay kumikilalana ang anumang limitasyon sa pagpili at pagkontrol ay dapat pinakakaunti atbatay sa ebidensiya. Ang malinaw na impormasyon ay dapat ibigay sa mga taongmay kapansanan, sa kanilang mga pamilya at tagapag-alaga upang magingmalinaw, hindi kaduda-duda at madaling maintindihan ang mga limitasyon.Mga taong may kapansanan – kinikilala na hindi lahat ng taong maykapansanan ay gumagamit ng mga serbisyo at suporta kung kaya't ang katagang‘mga taong may kapansanan’ ay ginagamit upang tukuyin ang mga taong maykapansanan sa komunidad sa pangkalahatan.7

Nakasentro sa tao – ang katagang ‘nakasentro sa tao’ ay naglalarawan saserbisyo at mga suporta na nakasentro sa isang indibidwal at kanyang mgakakayahan, pangangailangan, mga interes at mga layunin. Ang paghahatid ngmga serbisyong nakasentro sa tao ay nagsisiguro na ang mga taong maykapansanan ay namumuno at pumapatnubay sa mga serbisyo at suportangginagamit nila.Pamamahala ng kalidad – ang katagang ‘pamamahala ng kalidad’ (qualitymanagement) ay naglalarawan sa mga sistema at prosesong inilalagay ng isangorganisasyon upang magmonitor, magrepaso, magplano, kontrolin at siguraduhinang kalidad ng mga serbisyo, suporta at produkto.Repleksiyon – ang katagang ‘repleksiyon’ ay tumutukoy sa mga aktibidad naisinasagawa ng mga indibidwal, pangkat at organisasyon upang matuto mula samga pagsasanay at aksiyon. Maaari itong isagawa nang pormal at di pormalbilang bahagi ng propesyonal na pagsulong at pamamahala ng kalidad.Serbisyo at mga suporta – ang katagang ‘serbisyo at mga suporta’ aynaglalarawan sa kaibahan sa pagitan ng ‘mga serbisyo’ (katulad ng paghahatidng serbisyo ng espesyalista at serbisyong regular) at ‘mga suporta’ (na iba pangmga hakbang na maaaring gamitin ng isang tao upang mabuhay nang ganap nabuhay katulad ng pagbobroker at pagmementor). Upang maging simple, tinutukoyng Mga Pambansang Pamantayan (National Standards) ang mga organisasyonpara sa kapansanan, mga organisasyon at mga ahensiya bilang 'tagabigay ngserbisyo'. Maaaring gumamit ng isang indibidwal ng higit sa isang tagabigay ngserbisyo.Ang balangkas para sa Mga Pambansang Pamantayan(National Standards)Ang seksiyong ito ay naglalarawan sa balangkas para sa Mga PambansangPamantayan (National Standards) na nagtataguyod ng mga pamamaraangnakasentro sa tao at batay sa mga prinsipyong kaugnay sa Karapatang Pantao atPamamahala ng Kalidad.Pagtataguyod ng mga pamamaraang nakasentro sa taoAng Mga Pambansang Pamantayan (National Standards) ay sumasalamin sapaggalaw patungo sa mga pamamaraang nakasentro sa tao kung saan ang mgataong may kapansanan ay nasa sentro ng pagpaplano at paghahatid. Ayon sabanghay ng Komisyon sa Produktibidad (Productivity Commission) sa kanyangulat sa Pangangalaga at Suporta sa May Kapansanan (Disability Care andSupport), “Ang layunin ng mga pamamaraang nakasentro sa tao ay upang ilabisnang husto, hangga't makatwirang maaari, ang kapasidad ng mga taong maykapansanan na kontrolin ang kanilang buhay.”Sinisiguro ng mga pamamaraang nakasentro sa tao na ang indibidwal ay nasasentro ng pagdidisenyo, pagpaplano, paghahatid at pagrerepaso ng serbisyo.Hinuhugis at pinapatnubayan ng mga indibidwal ang mga pag-aareglo ngserbisyo at suporta upang maiangkop sa kanilang mga kakayahan,8

pangangailangan at mga layunin kasama ang suporta ng mga pamilya, kaibigan,tagapag-alaga at mga tagataguyod.Ang mga prinsipyo ng Karapatang pantaoSumang-ayon ang Australia na maninindigan sa mga karapatang pantao na itinakdasa ilang mga internasyonal na kasunduan ng mga bansa (treaty) at deklarasyon,kabilang ang Kapulungan sa Mga Karapatan ng Mga Taong may Kapansanan(Convention on the Rights of Persons with Disabilities). Hinuhugot ng MgaPambansang Pamantayan (National Standards) ang mga ito at partikular na angmga prinsipyo sa loob ng Kapulungan ng Mga Karapatan ng Mga Taong MayKapansanan (Convention on Rights of Persons with Disabilities), na binuo ng UnitedNations.Isang karagdagang prinsipyo ang idinagdag upang mapalakas ang pagtuon ngpansin sa mga samahan (partnership), alinsunod sa Pambansang Istratehiya saKapansanan (National Disability Strategy). Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ngpaglahok ng mga taong may kapansanan sa mga desisyong nakaka-apekto sakanilang buhay na sinasamahan ng pamilya, mga kaibigan, tagapag-alaga attagataguyod. Itinataguyod ng Pambansang Istratehiya sa Kapansanan (NationalDisability Strategy) ang aktibong paglahok sa pagsasagawa ng desisyon upangpangalagaan at isulong ang mga karapatang pantao, kapakanan, at mga interes ngmga taong may kapansanan.Ang mga prinsipyo ng Karapatang Pantao ay: paggalang sa likas na dignidad, kasarinlan ng mga tao at indibidwal naawtonomiya, kabilang na ang kalayaan upang gumawa ng sariling pagpili; walang diskriminasyon; ganap at epektibong pakikilahok at paglakip sa lipunan; respeto sa kaibahan at pagtanggap ng mga taong may kapansanan bilangbahagi ng dibersidad ng tao at sangkatauhan; pagkakapantay-pantay ng oportunidad; madali ang daan patungo sa pagkamit ng karapatan (accessibility); pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga lalaki at babae; respeto sa unti-unting pagsulong ng mga kapasidad ng mga batang maykapansanan at respeto sa karapatan ng mga batang may kapansananupang mapangalagaan ang kanilang pagkakakilanlan o pagkatao; at aktibong pakikipagsosyo sa pagitan ng mga serbisyo at mga taong maykapansanan, at kung saan naaangkop, sa kanilang mga pamilya, kaibigan,tagapag-alaga at/o tagataguyod.Mga prinsipyo ng Pamamahala ng KalidadAng mga prinsipyong ito ay naglalarawan sa mga pangunahing tampok ng isangserbisyong nakatuon ang pansin sa kalidad para sa mga taong may kapansanan.Binibigyang-diin ng mga prinsipyo ang pakikilahok ng mga taong maykapansanan, pati na rin ng kanilang pamilya, mga kaibigan, tagapag-alaga attagataguyod sa pagmomonitor at pagrerepaso ng mga serbisyo at suporta.9

Binibigyang-diin rin ang pagkakaroon ng matagal na panahong pananaw sa kungpapaano tumutulong sa buhay ng tao ang serbisyo o suporta.Ang mga prinsipyo ng Pamamahala ng Kalidad ay: pagtuon ng pansin sa mga kahihinatnan para sa mga taong gumagamit ngmga serbisyo at suporta;pagbibigay ng pamumuno;pagsangkot sa mga indibidwal at mga kawani;paggamit ng pamamaraang gumagamit ng proseso (process approach);pagsagawa ng pamamaraang gumagamit ng sistema (systems approach);paghihikayat ng patuloy na pagpapabuti;pagsasagawa ng mga desisyong batay sa ebidensiya; atpakikilahok sa mga nagtutulungang pagsososyo.Ang bawat pamantayan ay binubuo ng parehong mga pangunahing sangkap.Mga Karapatan para sa mga TaoIto ay isang bagong sangkap ng Mga Pambansang Pamantayan ( NationalStandards). Binibigyang-diin nito ang mga karapatang pang-indibidwal naitinataguyod o sinusuportahan ng bawat pamantayan. Pinapatibay nito ang mgaprinsipyo ng Karapatang Pantao na sumasakop sa lahat ng mga pamantayan.Mga Kahihinatnan para sa mga TaoIto ay isang bagong sangkap ng Mga Pambansang Pamantayan (NationalStandards). Inilalarawan nito kung ano ang dapat maranasan ng isang indibidwalna gumagamit ng mga serbisyo o suporta sa may kapansanan sa pamamagitanng epektibong pagtamo ng bawat partikular na pamantayan.Mga Pamantayan para sa SerbisyoAng mga Pamantayan para sa serbisyo ay nagbibigay ng panimulang pahayag ngmga kahilinging sangkot para sa mga serbisyo upang matamo ang bawatpamantayan.Mga Tagapagpahiwatig ng Gawi (Indicators of Practice)Ang mga Tagapagpahiwatig ng gawi ay nagbibigay ng patnubay sa mga aktibidadat mga paraan sa pagtrabaho na dapat nailagay upang suportahan angpamantayan. Nilalarawan nito kung anong mga serbisyo ang kinakailangan upangmakamit ang bawat pamantayan at kung ano ang maaasahan ng mga indibidwal,pamilya at tagapag-alaga. Ang Evidence Guide ng Mga PambansangPamantayan para sa mga Serbisyo sa Kapansanan (National Standards forDisability Services) ay kinabibilangan ng mga halimbawa ng katibayan namaaaring gami

, “Ang layunin ng mga pamamaraang nakasentro sa tao ay upang ilabis nang husto, hangga't makatwirang maaari, ang kapasidad ng mga taong may kapansanan na kontrolin ang kanilang buhay.” Sinisiguro ng mga pamamaraang nakasentro sa tao na ang indibidwal ay nasa sentro ng pagdidisenyo, pagpaplano, paghahatid at pagrerepaso ng serbisyo.

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

Gumuhit ng katulad ng nasa larawan sa iyong notebook at isulat ang mga karapatan sa loob ng mga bilog. Karapatan ng Bansang Malaya . PAGSANAYAN MO . 5 May iba't-ibang karapatang tinamo ang bansang Pilipinas nang ito'y naging ganap na malaya. Nagkaroon ng kaguluhan sa bansa. Maraming kabataan na ipinatawag

mga tao ang aplikasyon sa pagmimina dahil nagtulungan ang lokal na komunidad, ang mga NGO, ang munisipyo, at mga akademikong institusyon. Nag-imbita sila ng mga researcher sa pagsagawa ng pag-aaral tungkol sa benipisyong makukuha sa pagprotekta ng mga watershed para mapagtibay ang pagkontra sa pagpasok ng pagmimina.

ng mga kopya ng kredito at mga pagkakakilanlan at mahalagang mga dokumento, tulad ng mga polisa ng seguro at mga rekord/ kasulatan na nauukol sa pananalapi. Mga kasangkapan. Bukod sa liyabe-de-tubo at gasuklay na liyabe (para sa pagsara ng balbula ng gas at tubig), dapat mayroon ka ring pansindi, mga istak ng posporo na nasa lalagyang hindi

na impormasyon ng magulang at mag-aaral, mga obserbasyon ng guro, medikal o sikolohikal na mga pagtatasa, mga data sa espesyal na edukasyon at medikal na impormasyon ay ilan lang sa mga halimbawa. Ang 504 na pangkat ay dapat magkolekta ng data na sumasagot sa dalawang tanong na ito: 1.

literary techniques, such as the writer’s handling of plot, setting, and character. Today the concept of literary interpretation frequently includes questions about social issues as well.Both kinds of questions are included in the chart that begins at the bottom of the page. Often you will find yourself writing about both technique and social issues. For example, Margaret Peel, a student who .