Edukasyong Pangkatawan At Pangkalusugan

2y ago
983 Views
72 Downloads
2.97 MB
61 Pages
Last View : 7d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Adalynn Cowell
Transcription

4Edukasyong PangkatawanatPangkalusuganKagamitan ng Mag-aaralAng aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ngmga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo,at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibangnasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna atmungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinasi

Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatangari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ngahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ngkarapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at FilipinasCopyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulangpahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga mayakda ang karapatang-aring iyon.Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaadlamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindinakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mgatagapaglathala at sa mga may-akda.Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa filcols@gmail.com ang mga may-akda at tagapaglathala.Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralEdukasyong PangkatawanPunong Tagapamahala: Jenny Jalandoni BendalKonsultant: Salve A. Favila, PhDMga Tagasuri ng Nilalaman:Lordinio A.Vergara, Jo-ann G.Grecia, atRachelle U. PeneyraMga Manunulat:Grace M. Forniz , Ruby TN Jimeno , Sonny F. Menese Jr.,Teresita T. Evangelista, Genia V.Santos PhD, Julia B. Sabas,Rhodora B.Peña, at Amphy B. AmpongMga Tagasuri ng Wika: Norbert C. Lartec, PhD, Jane K. Lartec, PhD, atCrisencia G. SaludezMga Gumuhit ng Larawan: Gerardo G. Lacdao, Joselito P. Loresto, Niles S. Arguelles,Elvin Neal B. Bersamira, at Jason O. VillenaMga Naglayout: Mark Anthony E. Jalandoni at Mickey C. AcordaEdukasyong PangkalusuganPunong Tagapamahala: Marilou E Marta R. Benisano, M.A.P.A.Konsultant: Evelina M. Vicencio, PhDMga Tagasuri ng Nilalaman: Rhodora Formento, at Cristina SagumMga Manunulat: Mila C. Taño, Maria Teresita Garcia-Aguilar, Juvy B. Nitura EdDMarie Fe B. Estilloso, Mark Kenneth Camiling, Minerva David,Aidena Nuesca, Reyette Paunan, Jennifer Quinto, at Giselle RamosTagasuri ng Wika: Michael De la CernaMga Gumuhit ng Larawan: Roland Allan Nalazon at Sharlyn SanclariaMga Naglayout: Ester E. Daso, Jerby S. Mariano, at Mickey C. AcordaInilimbag sa Pilipinas ngDepartment of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor Mabini Building, DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig CityPhilippines 1600Telefax:(02) 634-1054, 634-1072E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

PambungadEdukasyong PangkatawanAng Kagamitan ng Mag-aaral na ito ng Ikaapat na Baitang ng EdukasyongPangkatawan ay nilalaan para sa inyong mga mag-aaral upang mapag aralanang asignaturang ito. Ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito ay pinauunlad upangmakatulong sa pagsasakatuparan ng kurikulum ng Ikaapat na Baitang atmakapaglaan ng sapat na competencies sa pag-aaral ng asignaturang ito. Sapamamagitan ng kagamitang ito ay tiyak na magiging panatag sa pagtugon ngmga ninanais na pamantayan o standards na siyang nakasaad sa kurikulum.Edukasyong PangkalusuganMagandang Buhay mga Bata!Ang aklat na ito ay naglalayong makapag-ambag ng mahahalagang kaalaman, kasanayan sa asignaturang Edukasyong Pangkalusugan para sa ikaapatna baitang, batay sa kasalukuyang balangkas ng kurikulum ng Kagawaranng Edukasyon na nakapaloob sa kompetensiya ng K to 12 Health CurriculumGuide ng K to 12 Enhanced Basic Education Program.Kumakatawan sa unang yunit ang wastong nutrisyon na kailangan parasa maayos na paglaki at pag-unlad. Ang pagkain ay isa sa pangunahingpinagkukunan ng sustansiya para sa katawan. Ang wasto, balanse, at ligtas napagkain ay nakatutulong upang matiyak ang wastong nutrisyon para sa atingkalusugan at matiyak ang tamang sustansiya, sukat, at kaligtasan ng pagkain.Mauunawaan din dito ang kahalagahan ng pagsuri at pagpapanatiling malinisat ligtas ang pagkain upang maiwasan ang sakit na dala ng marumi at hindiligtas na pagkain.Saklaw ng ikalawang yunit ang iba’t ibang uri ng mga karaniwang sakit,kung paano ito maiiwasan at isagawa ang mga gawaing pangkalusugan labansa mga sakit.Binigyang-diin sa ikatlong yunit ang kahalagahan ng wastong paggamitng gamot upang hindi malagay sa panganib ang ating kalusugan.Sa ikaapat na yunit matututunan ang mga gawain sa oras ng kalamidadat sakuna tulad ng lindol, bagyo, pagputok ng bulkan, at sunog na maaaringmagdulot ng malaking pinsala sa mga ari-arian at maging sa buhay ng tao.iii

TALAAN NG MGA NILALAMANEdukasyong PangkalusuganYUNIT IKAHALAGAHAN NG PAGBABASA NG FOOD LABELAralin 1Sustansiyang Sukat at Sapat.233Aralin 2Suriin ang Pagkain, Bago Kainin.241Aralin 3Basahin Bago Kainin at Inumin.246Aralin 4Ating Alamin at Unawain.251Aralin 5Pagkain Tiyaking Tama atLigtas Bago Kainin.257Aralin 6Pagkain ay Suriin Upang Hindi Sakitin.264Talaan ng mga Salita.419vi

EdukasyongPangkalusugan225

YUNIT IEDUKASYONG PANGKALUSUGAN227

YUNIT IPAGKAING LIGTAS AT TAMAPamantayang PangnilalamanNauunawaan ng mgamag-aaral ang kahalagahan ngpagbabasa ng food labels sapagpili ng mas masustansiyaat mas ligtas na pagkain,nauunawaan ang kahalagahanng pagsunod sa mgapamantayan sa pagpapanatiling malinis at ligtas na pagkain,at nauunawaan ang katangianat pag-iwas sa mga sakitna nakukuha sa marumingpagkain.Pamantayang PagganapNauunawaan ng mgamag-aaral ang kahalagahanng pagbabasa at pagsusuring food labels sa pagpiling mas masustansiya atmas ligtas na pagkain, atnagsasagawa ng pangaraw-araw at angkop nagawi upang makaiwas samga sakit na nakukuha samaruming pagkain.Batayang Kasanayana. Natutukoy ang mga impormasyong nakikita sa food labelb. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagbabasa ng mga foodlabels sa pagpili at pagbili ng mga pagkainc. Nabibigyang-pakahulugan ang mga impormasyong nakikitasa food labeld. Nasusuri ang halagang pangnutrisyon ng dalawa o higit pangproduktong pagkain sa pamamagitan ng paghahambing ngmga impormasyon sa food labele. Nakapaglalarawan ng mga paraan upang mapanatiling malinisat ligtas ang pagkainf. Natatalakay ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis atligtas napagkain upang makaiwas sa sakitg. Natutukoy ang mga karaniwang sakit na nakukuha samaruming pagkainh. Nakapaglalarawan ng mga pangkalahatang palantandaan osintomas ng mga sakit na nakukuha sa maruming pagkain228

I. Maramihang PagpiliPanuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot saiyong papel.1. Ano ang tawag sa mga impormasyong makikita sa pakete ngpagkain?A. Food WebB. Food LabelsC. Food GroupsD. Nutrition Facts2. Alin ang HINDI makikita sa pakete ng pagkain?A. Date MarkingsB. Nutrition FactsC. Ways of preparingD. Warning Statement3. Bakit mahalagang basahin ang impormasyon sa food labels?A. Upang malaman ang lasa.B. Upang malaman natin kung kailan ito ginawa.C. Upang malaman ang tamang oras kung kailan kakainin.D. Upang malaman kung kailan masisira, ginawa at mganutrisyong makukuha rito.4. Bakit mahalagang itago ang tirang pagkain pagkatapos kainin?A. Upang maging masarapB. Upang maging malamig.C. Upang kainin sa susunod na arawD. Upang hindi masira at magapangan ng insekto.5. Aling sakit ang makukuha sa maruming pagkain?A. CholeraB. DiabetesC. High bloodD. Asthma229

Para sa bilang 6, pag-aralan ang impormasyon sa kahon.6. Gamit ang guhit: Alin ang mas angkop na bilhin?A. B. C.7. Alin ang maaaring magdulot ng food borne diseases?A. Pagkaing panisB. Pagkaing malinisC. Pagkaing may takipD. Pagkaing hinuhugasan bago lutuin8. Tingnan ang mga larawan sa kahon. Alin ang nagpapakita ngtamang paghahanda ng pagkain?A.B.C.D.9. Alin ang HINDI dapat gawin upang makaiwas sa mga sakit nadulot ng maruming pagkain?A. Kumain ng naaayon sa food pyramidB. Uminom ng gatas sa umaga at sa gabiC. Kumain ng prutas at gulay araw-arawD. Kumain sa maruruming lugar.10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang gawain sa mgapinamiling prutas, gulay at karne galing sa palengke.A. Hugasan bago hiwain ang mga gulay.B. Hiwain bago hugasan ang mga gulay.C. Hugasan ang karne bago ilagay sa freezer.D. Hugasan ang mga prutas bago ito kainin.230

II. Tama o MaliBasahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Lagyan ng (T)ang mga pangungusap na totoo at lagyan naman ng (M) angpangungusap na hindi totoo.Isulat ang sagot sa patlang.1. Tiyaking malinis ang pagkain upang makaiwas sa sakit.2. Isa sa mga sintomas ng Hepatitis A ang pagkahilo.3. Ang Diarrhea ay makukuha sa malinis na pagkain.4. Ang Sodium ay maaaring pagkunan ng enerhiya sakatawan.5. Mainam na basahin ang Food Label ng isang pagkainbago ito bilhin.6. Nagdudulot ng maraming sakit ang maruming tubig atpagkain.7. Ang pagkain ng may maraming Cholesterol ay nakabubutisa katawan.8. Ang Expiration Date ay isa sa impormasyong makikitasa Food Label.9. Ang Typhoid Fever ay dulot ng salmonella na nakukuhasa kontaminadong pagkain.10. Ang malubhang pananakit ng tiyan ay maaaringmaging sanhi ng biglaang pagkamatay.III. Wastong Pagkakasunod-sunodBasahin ang pangungusap at ayusin ayon sa wastongpagkakasunod-sunod nito.Gamitin ang mga letrang A-E para sa pagtatanda.Mga tamang gawain sa paghahanda ng ulam:1. Maghugas ng kamay.2. Hugasan ang mga sangkap atkagamitan na gagamitin.3. Ilagay ang nilutong pagkain samalinis na lalagyan.4. Hiwain ang karne at iba pang mgasangkap sa pagkain.5. Lutuing mabuti ang karne.231

Ang wastong nutrisyon ay kailangan para sa maayosna paglaki at pag-unlad. Ang pagkain ay isa sa pangunahingpinagkukunan ng sustansya para sa katawan. Ang wasto, balanse,at ligtas na pagkain ay nakatutulong upang matiyak ang wastongnutrisyon para sa ating kalusugan.Sa yunit na ito ay tatalakayin ang kahalagahan ng pagbabasang food label upang matiyak ang tamang sustansiya, sukat atkaligtasan ng pagkain. Mauunawaan din dito ang kahalagahan ngpagsusuri at pagpapanatiling malinis at ligtas na pagkain upangmaiwasan ang sakit na dala ng marumi at hindi ligtas na pagkain.232

Sustansiyang Sukat at SapatBumuo ng isang grupong may limang miyembro. Magtakdang bilang isa (1) hanggang lima (5) sa bawat miyembro. Ilabas angpaboritong pagkain o inumin o ang larawan nito. Sa hudyat ng guro,isa-isang ibahagi sa grupo ang dahilan kung bakit mo ito paborito. Ano ang napansin ninyo sa mga pagkain at inuming inyongdinala? Bakit kailangang may mga nakalimbag sa pakete ng pagkain/inumin?233

Ang mga limbag sa pakete ng pagkain ay nagbibigay ng iba’tibang impormasyon tungkol sa nilalaman nito.Tinutukoy nito angpangalan ng produktongpagkain.Tinutukoy nito kung anonguri ng pagkain ang nasaloob ng pakete.Nakalimbag dito angtimbang ng nilalamanng pakete.Magbahagi!Ano ang pangalan at uri ng paborito mong pagkain?Gaano karami ang laman nito?Ano-ano ang mga sangkap nito?234

Malalaman/Makikita rin sa pakete ang iba’t ibang uri ng mgasustansiyang makukuha sa pagkain sa pamamagitan ng pagsurisa Nutrition Facts. Ang Nutrition Facts ay isang talaan kung saannakasaad ang uri at sukat ng mga sustansiyang makukuha sapagkaing nasa loob ng pakete. Narito ang ilan sa mga bahagi nito.Ang Serving Sizeay tumutukoy samungkahing dami ngisang serving na dapatkainin.Ang Servings PerContainer namanay tumutukoy sakabuuang bilang ngservings na makukuhasa isang pakete.235

Ang calories aysukat ng enerhiyangmaaaring makuhasa isang serving ngpagkaing nasa pakete.Ang Fats ay sukat ng sustansiyang maaaring pagkunan ng enerhiya.Angsaturatedfats aymakukha samga karne,itlog, atgatas. Ito aynagpapataasng kolesterolsa dugo namaaaringmagdulot ngmasamangepekto sakatawan kungmaparami.Angunsaturatedfats ayisang uring fats namakukuhasa mgagulay atnagdudulotng mabuti saatingkatawan.Samantalang angtrans fat ay angpinakamapanganibsa katawankung kakainin.Pinapababa ngtrans fat angHigh DensityLipoprotiens (HDL)at pinapataasang Low DensityLipoprotiens (LDL).Makukuha natinito sa labis napagkain ng junkfoods, biscuit,instant noodles atpag-inom ng kape.Magdudulot ito ngmga problema sapuso.Sanggunian:Ang Cholesterol ay isang matabangsustansiya nakailangan ng ating katawanupang gumana ito. Ito ay ginagawasa atay at matatagpuan sa mgapagkaing galing sa mga hayop, gayang karne, itlog, mga produktonggatas, mantikilya, at mantika atmaayos na pagdumi .High Density Lipoproteins (HDL):Dinadala ng “mabuting”Cholesterol na ito ang mgasobrang cholesterol sa inyongdugo pabalik sa inyong atay upangmailabas ito ng inyong katawan.Low Density Lipoproteins (LDL): Ang“masamang” cholesterol na ito sainyong dugo ay dumarami sa inyongmga ugat o daluyan ng dugo.Maaari itong magdulot ng paninikipng mga ugat, nanagpapahirap sa pagdaloy ng ations.org/pdfDocs/Cholesterol Tag.pdf236

Ang sodium ay isang uri ngmineral na makukuha sa karneng hayop, itlog, gatas, asin, atvetsin.Ito ay nakatutulong sapagbalanse ng timbang ng likidosa loob ng katawan. Ngunit angmaraming sodium sa katawanay maaaring magdulot ngmataas ng presyon.Ang Protein ay tumutulongsa pagbuo at pagsasaayosng mga kalamnan (muscles)at mga selyula (cells).Ang carbohydrates aypangunahing pinagkukunanng enerhiya ng katawan.Ang dietary fiber ay isanguri na hindi natutunaw atinilalabas lang sa katawanngunit nakalilinis ng digestivesystem.Ang vitamin atminerals ay tumutulong sapagpapanatiling maayosna mga proseso sa loob ngating katawan.Ang sugar ay isang urina nagbibigay na mabilis atpanandaliang enerhiya sakatawan.Bakit kailangang alamin ang kahalagahan ng mga Nutrition Facts?237

Nutrition CheckPag-aralan ang larawan ng pagkain.Sagutin ang mga sumunod na tanong.Gawain1. Ano ang tamang sukat na dapat mong kainin?2. Ilan ang kabuuang bilang ng servings ang nakapaloob sa pakete?3. Ano ang sukat ng enerhiyang maaari mong makuha mula sapagkaing produktong nasa pakete?4. Ano-anong sustansiya ang makukuha sa pagkaing ito?5. Paano makasisigurong ligtas ang produktong nabili?238

PagguhitIguhit sa Kahon A ang pagkain o inuming iyong dinala saklase. Sagutan ang mga katanungan sa Kahon B.1. Ano ang una mongtitingnan sa paketeng pagkain/inumin naiyong bibilhin?2. Ano-anong sustansiyaang makukuha rito?3.Gaano kahalagaang pagbabasa ngNutrition Facts?239

Ulat PangkalusuganKompletuhin ang mga pangungusap na nasa scroll bilangpaglagom.1. Malalaman ang mga sustansiyang makukuha sapagkain sa pamamagitan ng.1. Malalaman ang mga sustansiyang makukuha mula sapagkain sa pamamagitan ng.2. Mahalagang malaman ang sustansiya mula saupang.2. pagkainMahalagangmalaman ang sustansiya mula sa pagkainupang 240

Suriin ang Pagkain, Bago Kainin!Basahin Natin“Kriiingg!” Narinig na ni Abdul ang tunog ng school bell. Hudyatna ito ng uwian ng mga mag-aaral.Dahil siya ay may natirang pera mula sa kaniyang baon, siAbdul ay nagpunta sa tindahang malapit sa kanilang bahay. Bumilisiya ng isang maliit na karton ng gatas.Nang makauwi na sa kanilang bahay, agad ininom ni Abdulang kaniyang biniling gatas. Pagkatapos ng ilang sandali, agadsumakit ang kaniyang tiyan at huli na ng maalala niyang hindi palaniya inalam kung kailan ito masisira.241

Maliban sa tatak, uri, at NutritionFacts, may iba pang impormasyongmakikita sa pakete ng pagkain o inumin.Narito ang ilan:Ang Expiration / Expiry Date aytumutukoy sa petsa kung kailanhindi mo na maaaring kainin oinumin ang produkto. Maaaringito ay sira o panis na pagkain.Ang pagkain ng sira o panis na aymapanganib sa ating kalusugan.Ang Best Before Date ay tumutukoy sa huling araw na angpagkain o inumin ay nasa pinakasariwa at pinakamagandangkalidad nito. Maaaring magsimula nang masira o mapanis angpagkain o inumin sa mga araw na lilipas matapos ang BestBefore Date.242

Pag-aralan ang pakete ng inumin.Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.Best Before:August 2, 2015Expiry Date:August 15, 2016Gawain:1. Kailan magsisimulang masira o mapanis ang inumin?2. Hanggang kailan mananatili sa pinakasariwang kalidad anginumin?3. Ano-anong sangkap sa inumin ang maaaring magdulot ngreaksiyon sa katawan?4. Bakit mahalagang malaman ang Expiry at Best Before Dates?5. Bakit mahalagang basahin ang mga babala sa pakete ngpagkain o inumin?243

PagtatalaSuriin ang mga pagkain at inuming ipinakita ng guro. Isulatsa talaan ang mga makikitang impormasyon dito. Ipaliwanag kungbakit mahalagang basahin ang mga nakatala sa talaan.Pagkain/InuminExpiryDateBest BeforeDate244Advisory/WarningStatement

Panatang PangkalusuganKompletuhin ang panata sa kahon.Ang aking panata bago kumain o uminom ngnakapaketeng pagkain ay.1.2.3.4.5.245

Basahin Bago Kainin at InuminSaan Siya Nagkamali?Namili kayo ng iyong Nanay at Tatay sa pamilihan ngtinapay at mantikilya.Nang buksan mo ang tinapay sa inyongbahay napansin mong may kulay abong nakadikit sa tinapayat ang mantikilya naman ay lusaw na. Ano kaya ang nangyari sa tinapay? Ano ang dapat tingnan bago bumili ng tinapay at mantikilya? Paano natin malalaman kung ang pagkain ay may ganitongimpormasyon?246

Suriin mo ito Directions for storage:Keep refrigerated.Sa mga piling pagkain at inumin, maaaring makakitasa pakete ng Directions For Use and Storage. Nagbibigayito ng impormasyon kung paano gamitin at itago angpagkain upang mapanatili ang magandang kalidad nito.Karaniwan itong nakikita sa likod ng pakete.Directions For Use:Shake well before serving.247

Halina’t Sagutin:Suriin ang mga pakete ng pagkain.Sagutin ang tanong sa bawat larawan.Ano ang unang dapat gawinbago ito inumin?Kung hindi pa kakainin, saan itodapat itago?Sa anong klaseng lugar dapatitago ang inuming ito?Saan dapat itago ang pagkaingito?248

Tayo’y Magpangkat!Bumuo ng grupong may 3-4 na miyembro.Miyembro 1: lider / tagapag-ulatMiyembro 2: tagapagpatahimik/tagakuhang kagamitanMiyembro 3: tagatala/kalihimMiyembro 4: tagaguhitPanuto: Ang bawat grupo ay may sampung (10) minuto lamang upangmag-usap at gumuhit. May isang (1) minuto lamang ang taga-ulat upang magbahagisa klase ng kanilang iginuhit na larawan at ang pagpapaliwanagkung paano ito kakainin o gagamitin at ang tamang paraan ngstorage. Ang napiling lider ang bubunot sa “draw lots”gumuhit ngice creammga itlogbote ng palaman(coco jam/peanutbutter)bote ng skimmedmilkprutas at gulaykarne at isda249

Ulat PangkalusuganGamit ang mga guhit bumuo ng isang paglalagom tungkol satama at wastong paggamit at pagtabi ng pagkain at inumin.Directions forstorage:Keep refrigerated\250

Ating Alamin at UnawainTukuyin Natin Gamit ang guhit, sagutin ang mga tanong. Paano nagagamit ang mga sumusunod na bahagi ng katawanpara sa pag-unawa ng food labels?matataingailongdilakamay Ano-ano ang maaaring mangyari sa inyo kung hindi binabasaang mga food labels?251

Wow Mali!May mga panganib na dulot ang hindi wastong pagbabasangmga food labels. Maaaring makapagpalubha ng sakit dahil samaling paggamit nito na makaaapekto sa ating pang-araw-araw nagawain.a. Pagsakitng tiyan /pagsusuka /pagk

man, kasanayan sa asignaturang Edukasyong Pangkalusugan para sa ikaapat na baitang, batay sa kasalukuyang balangkas ng kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon na nakapaloob sa kompetensiya ng K to 12 Health Curriculum Guide ng K to 12 Enhanced Basic Education Program. Kumakatawan sa

Related Documents:

Balik-tanaw sa mga Sangkap ng : Physical Fitness (Cardiovascular : Endurance, Muscular Strength, Muscular Endurance, Flexibility, at : Body Composition) Sa nakaraang dalawang yunit, nakilala ninyo ang Filipino : Activ

nakasaad sa ilalim ng makabagong kurikulum, ang K to 12 Currriculum. Layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman at pagpapahalaga sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng pangangatawan. Sa paghahanda ng mga aralin na nakapaloob sa exemplar na ito, isinasaalang-alang ang mga sumusunod na pangunahing kaisipan:

Kasaysayan at Sibika IV – VI and Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. . Batayang Pagpapahalaga: Pagkamasinop, Pagkamaparaan Bilang ng Araw ng Pagt atalakay: 2 araw Layunin: . ang mga bayad sa ibat -ibang napagkukunan o sangkap ng produksiyon at ang tubo.

IV. Sabungerong Indio, Dayuhang Manonood: Mga Panlipunang Pananaw at Kaisipan sa Pagsasabong . maaaring magsilbing hikayat at hamon para makilahok sa produksiyon ng kaalaman na mahalaga sa nagbabagong mga konteksto ng edukasyon, kultura, at lipunang Filipino. Pagbati sa lahat ng mga nag-ambag sa paglalathala ng Talas Journal 2017.

na entrepreneur sa pamayanan, bansa, at sa ibang bansa EPP4IE-0b-3 FL-EP pp. 171-174. 1.4 natatalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo EPP4IE-0b-4 MISOSA-VI Mga Gawain at Kapakinabangan. 2. Ligtas at responsableng gamit ng ICT ng mga di naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng computer, Internet, at email sa ligtas at responsableng

2.Upang maalagaan ang mga bata, ang mga kindergarten ay tiyak na may ginagampanang mahalagang tungkulin, ngunit kailanman ay hindi nito mapapalitan ang edukasyong pampamilya. Nais naming gamitin ang pagkakataong ito upang mabigyang-pansin ng mga magulang ang mga mensahe at ang mga kakayahan upang maka-angkop sa kanilang mga anak.

PAGTUTURO NG FILIPINO SALIG SA 21ST CENTURY SKILLS G. Alvin Ringgo C. Reyes Tagapangulo, Kagawaran ng Edukasyong Pangguro Unibersidad ng Santo Tomas . Mga Layunin 1. Makilala ang kalikasan at mga katangian ng mga mag-aaral sa kasalukuyan 2. Maunawaan ang mga kasanayan ng ika-

This standard employs the principles of API 650; however, storage tank owner/operators, based on consideration of specific construction and operating details, may apply this standard to any steel tank constructed in accordance with a tank specification. This standard is intended for use by organizations that maintain or have access to engineering and inspection personnel technically trained .