ARALING PANLIPUNAN I - DEPED-LDN

3y ago
108 Views
3 Downloads
841.42 KB
22 Pages
Last View : 3d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Samir Mcswain
Transcription

(Effective and Alternative Secondary Education)ARALING PANLIPUNAN IMODYUL 15PANANAKOP NG HAPON AT REAKSYONNG MGA PILIPINOBUREAU OF SECONDARY EDUCATIONDepartment of EducationDepEd Complex, Meralco AvenuePasig City

MODYUL 15PANANAKOP NG HAPON AT REAKSYON NG MGA PILIPINOSa Modyul 14, nailarawan ang ginawang paglusob ng mga Hapon saPilipinas at ang hirap na dinanas ng mga Pilipino upang pigilin ang kanilangpananakop. Nabigo ang mga pagtatanggol at sinakop ng mga Hapon ang buongbansa. Sa likod ng mga kahirapan at karahasang dulot ng pamamahala ng mgaHapon, nagpunyagi ang mga Pilipino upang labanan ang mga kalupitan ng mgamananakop.Sa modyul na ito, itutuloy natin ang pag-aaral ng mga kaganapan noongpanahon ng Hapon. Sisikaping sagutin ng modyul ang mga tanong na ito: ano anguri ng pamamahala ng mga Hapon at ano ang pamamaraan ng mga Pilipino upanglabanan ang kanilang karahasan? Ano ang mga ipinakitang kabayanihan ng mgaPilipino na magsisilbing halimbawa sa mga kabataan sa ngayon?May tatlong aralin sa modyul na ito:Aralin 1: Mga Motibo ng Hapon sa Pagsakop sa PilipinasAralin 2: Pamamahala at Pamamalakad ng mga HaponAralin 3: Pagkilos at Pakikilaban ng mga PilipinoPagkatapos ng mga araling iyan, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod:1. Masusuri ang mga dahilan ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas;2. Matatalakay ang mga pagbabagong naganap noong panahon ngHapones sa larangan ng pulitika, ekonomiya, panlipunan at kultura;3. Matataya ang kahalagahan ng kilusang Gerilya at ang katapangan ngmga Pilipino; at4. Mapahahalagahan ang pagsisikap ng mga Pilipino upang makamit angkalayaan at maipakita ang katapatan sa demokrasya.PANIMULANG PAGSUSULIT

Handa ka na bang suriin kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa natinsa modyul? Magsimula ka na. Itambal ang tinutukoy sa bawat bilang sa mgasalita sa kanang hanay. Isulat ang titik nito sa patlang sa kaliwa.1. Pagyakap sa kulturang Asyanoa. curfewang layunin nila2. Partido ng mamamayang nilikha ngb. gerilyamga Hapon3. Pinamunuan ito ni Dr. Jose P. Laurelc. Greater East Asia4. Bagong PamahalaanCo-Prosperity Sphere5. Pambansang Wikad. KALIBAPI6. Babasahing bawal ipalimbage. Kolaboreytor7. Wikang ipinatuturo ng mga Haponf. Kempei-tai8. Pamahalaang ang mga pinunog. Pahayagang Inglesay pinagalaw ng ibang tao9. Mga sundalong namundok atnakipaglaban sa mga Hapon10.Kilusan ng magsasaka upangmangalaga sa katahimikan ng bayanh. IkalawangRepublikai. HUKBALAHAPj. Makapilik. Jose P. Laurel11. Espiya ng Haponl. Mickey-Mouse12. Pinuno ng HUKBALAHAPm. Luis Taruc13.Nakipagtulungan sa mga Haponesn. Niponggo14.Uri ng pamahalaano. Pamahalaang15.Maraming ipinagbawal ang mga HaponesPapet16.Pamahalaang militarp. “Panahon ng17.Pangulo ng Ikalawang RepublikaKadiliman”18.Pulis militar na Haponesq. Tagalog19.Pera ng Haponr. Totalitaryan20.Pagpipigil sa kilos ng mga mamamayans. Walang kalayaant. Republika

ARALIN 1ANG MGA MOTIBO NG HAPON SA PAGSAKOP SA PILIPINASSa buong Asya, naunang sinakop ng mga Hapon ang Tsina at Mongolia.Bakit nabaling ang kanilang pansin sa Pilipinas? Sa araling ito, susuriin natin angmga motibo ng Hapon sa pagsakop sa ating bansa. Bakit nila sinakop angPilipinas?Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Masusuri ang mga dahilan kung bakit sinakop ng Hapon ang Pilipinas; at2. Makapagbigay ng puna sa kaugnayan ng kanilang paraan sa pananakop atang katapatan ng kanilang layunin.Gawain I: Pag-isipan Mo!Alin sa palagay mo ang mga dahilan ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas?Bakit mo napili ang mga iyan?1. Upang maging makapangyarihan sa buong mundo.2. Upang may mapaglipatan ng kanilang lumalaking populasyon.3. Upang maangkin ang likas na yaman ng bansa.4. Upang maging kolonya ang bansang Pilipinas.5. Upang makilala ang magagandang Pilipina.Ang Pananaw ng Hapon Para sa Dulong Silangang AsyaAng Pilipinas ay paunlad na nang paunlad, lalo na sa kabuhayan, nangsumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at sakupin ito ng mga Hapones.Nang mapabagsak ang Bataan at Corregidor, nagtatag ng isang pamahalaan angmga Hapon sa Maynila. Nabanggit na, sa sinundang modyul, ang paghirang nilakay Jose Vargas bilang tagapangulo ng itinatag na Komisyong Tagapagpaganapng Pilipinas.Noong mga unang buwan ng 1943, ipinahayag ngmga Hapon na naisnilang mabigkis ang lahat ng mamamayan ng Dulong Silangang Asya upangmagkaroon ng kasaganaan at kaunlaran sa bahaging ito ng daigdig. Upang

matamo ito, bubuo ang Hapon ng mga programang pang-ekonomiya upangmagkaroon ng pagkakaisa ang mga rehiyon sa Pasipiko, mula sa Burma hanggangAustralia.Pinangakuan nila ang mga Pilipino na bibigyan ng kasarinlan kung sila aytutulong sa pagbuo ng “Samasamang Kasaganaan sa Higit na Malaking SilangangAsya”. Tinawag ito sa Ingles na“Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.”Lumalabas na ang layunin nila sa pananakop ay angpaunlarin ang DulongSilangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas. Lumalabas din na isang paanyayaang pagmumungkahing sumali ang Pilipinas sa kalipunang ito. Ngunit kungsusuriin, mangyayari lamang ang sinasabing kasaganaan kung ilalagay ang mgabansa sa ilalim ng kanilang pamumuno at kapangyarihan.

Mga Tunay na Layunin sa Pananakop ng HaponBukod sa “paanyaya” ng Hapon sa Pilipinas na lumahok sa kanyangprograma, maraming salik na nagtulak sa bansang Hapon upang palawakin angkaniyang teritoryo. Una, lumalaki ang populasyon ng Hapon at kailangan ng masmalaking teritoryo. Pangalawa, lumalaki ang kanilang produksyon at kinakailangangmagkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal. Pangatlo, ang bansang Haponay naghahanap ng makukuhanan ng mga likas na yamanupang gamitin sapaggawa ng mga makabagong teknolohiya at mga kagamitang pandigma.Upang madaling matamo ang kanilang mga layunin, pinag-aralan ng mgaHapon kung paano kukumbinsihin ang mga opisyal na Pilipino. Batid ng mgaHapon ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makuha angkalayaan sa mga Espanyol at Amerikano. Batid nila na pinagpilitan ng mgaPilipinong makuha ang kalayaan upang mapasakamay nila ang pagpapatakbo ngpamahalaan. Walang ninanais ang mga Pilipino kundi angpamunuuan ang sarilinilang bansa. Dahil dito, pinangakuan nila ng kasarinlan ang mga Pilipino. Upangisulong diumano ang kasarinlang ito, nangako ang pamahalaang militar ng Haponna magtatatag ito ng isang Republika na pamumunuan ng mga Pilipino.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanMakipag-usap sa ilang matatanda sa inyong lugar (maaaring lolo o lola)na nabuhay noong panahon ng Hapon. Ipakuwento ang tungkol sa kayamanan niHen. Yamashita. Kung maaari, panoorin mo rin ang pelikula tungkol diyan. Anoang mga ebidensiya na ang mga Hapon ay may motibong pang-ekonomiya sakuwentong iyan?

Tandaan Mo!Pangunahing layunin ng mga Hapon sa kanilang pananakopang pag-isahin ang mga bansa sa dulong silangang Asyapara sa kaunlarang pang-ekonomiya ng rehiyon.Dagdag na layunin ng Hapon ang mapalawak ang kanilang sakop nateritoryo upang may mapaglagyan nglumalakinilangpopulasyon,magkaroon ng pamilihan ng kanilang kalakal at gamitin ang ating likas nayaman sa paglikha ng mga kagamitang panteknolohiya at pandigma.Pinangakuan ng Hapon ang mga Pilipino ng pagsasarili upang mahikayat nasumunod sa kanilang mga patakaran.Gawain 3: PaglalapatIpagpalagay mo na nabuhay ka noong panahon ng Hapon. Bataysa mga nabasa mo sa modyul at aralin, maituturing mo bang tapato hindi ang layunin ng mga Hapon sa pagbibigay ng kasarinlan sa mga Pilipino?Talaga kayang gagawin nila ito? Pangatwiranan mo.ARALIN 2PAMAMAHALA AT PAMAMALAKAD NG MGA HAPONMaikli lamang ang panahon ng pananakop ng mga Hapon. Subalit angpanahong iyon ay nakatimo din sa isipan ng ating mga kababayan. Ilan sa mga isyuat usaping binubuksang muli ngayon ay ang isyu ng “comfort women” o pangaabuso sa mga kababaihan. Isa lamang iyan sa mga naranasan ng mga Pilipino sakamay ng mga Hapon.Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansinang pamamahala atpamamalakad ng mga Hapon, ang mga pagbabagong nais nilang ipatupad, atang mga karahasang hinding hindi malilimutan ng mga Pilipinong nabuhaynoong panahong iyon. Talaga nga kayang pagkakalooban nila ng kalayaan angmga Pilipino noon?

Pagkatapos mong pag-aralan ang nilalaman ng modyul na ito, ikaw ayinaasahang:1. Makapagbibigay ng pananaw hinggil sauri ng pamamahala ng mgaHapon;2. Makatutukoy ng mga pagbabagong pampulitika, pang-ekonomiya atpanlipunan; at3. Makapagbibigay ng reaksyon sa kalagayan ng pamumuhay ng mgaPilipino sa ilalim ng pamahalaang ito.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Gumawa ng maikling kuwento tungkol sa larawan. Ano ang nais naipahiwatig sa larawang ito?

Pagtatatag ng Ikalawang RepublikaPagkatapos itatag ang Komisyong Tagapagapaganap ng Pilipinas, sapamumuno ni Jose Vargas, ipinag-utos ng mga Hapon ang paglikha ng pitongkagawaran na ang bawa’t isa ay may kalihim na Pilipino.Ngunit sa bawatkagawaran ay may isang Hapon na nagmamatyag at nagsasabi sa mga kalihimkung ano ang gagawin.Nang dakong 1943, nilikha ng mga Hapon ang Panimulang Lupon saPagsasarili ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino at inatasan itong maghanda ngisang saligang-batas bilang paghahanda sa republikang kanilang ipagkakaloob.Bago nangyari ito, pinawalang-bisa ng mga Hapon ang mga partidong pulitikongnaitatag noong panahon ng Komonwelt. Bilang kapalit nito, inutusan nila ang mgaPilipinong lumikha ng isang Kapisanan sa Paglilingkod ng Bagong Pilipinas oKALIBAPI. Inutusan itong sumulat at pagtibayin ang isang saligang-batas para sapagtatatag ng bagong Republika ng Pilipinas. Naghalal ang KALIBAPI ng mgakaanib ng Pambansang Asembleya at noong ika-23 ng Setyembre, 1943, sa pangunang pagtitipon ng Asembleya ay nahalal na Pangulo ng Republikang tinatangkilikng Hapon si Jose P. Laurel.Noong ika-14 ng Oktubre,1943 ay pinasinayaan ang Ikalawang Republika ngPilipinas na lalong kilala sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng Hapon. Angpambansang awit at watawat ng Pilipinas na dati ay ipinagbawal ay ipinaawit atiwinagayway. Nang araw ding iyon, pinilit ng mga Hapon si Jose P. Laurel napirmahan ang isang kasunduang militar kung saan ang Pilipinas ay nangangako ngkatapatan sa bansang Hapon. Ngunit bagama’t pumirma si Pangulong Laurel, ito aywalang saysay sapagkat nanatiling matapat sa mga Amerikano ang mga Pilipino athinihintay lamang ang kanilang pagbabalik.Pagbabagong PampulitikaSa ilalim ng Republika, lahat ng mga nanungkulan sa pamahalaangpambansa at lokal ay pawang Pilipino, ngunit hindi maaaring tumutol sa bawatnaisin ng mga opisyal na sundalong Hapon na nakatalaga at nagmamatyag sabawat kilos nila. Liga militar na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan. Ang

saligang-batas ay nasunod sa porma at istruktura lamang ng pamahalaan subalitang mga batas at utos ay galing sa Hapon. Maging si Pangulong Laurel aywalang kapangyarihan.Inalis ang halalan at ipinagbawal ang pagsasalita laban sa pamahalaan.Walang pribilehiyo ang mga mamamayan sa pagsasalita laban sa mga opisyal atkinakailangang yumuko at magbigay galang sa mga opisyal na Hapones. Ang mgakaso na Pilipino lamang ang nasangkot ay nililitis sa hukuman ngunit ang mgaHapon ay nililitis ng hukumang militar ng Hapon. Dahilan dito, kalimitan aynapapawalang-sala ang mga nasasakdal na Hapones.Nagtayo ng maraming instalasyong militar at mga garison sa iba’t ibanggusali sa kapuluan ang mga Hapon. Bawat napaghihinalaang kumikilos laban sakanila ay ikinukulong at pinarurusahan ng iba’t ibang karumal-dumal na paraan.Mga Pagbabagong PangkabuhayanAng salaping ginamit noong panahon ng Hapon ay ang kanilang yen, natinatawag ng mga Pilipinong “mickey mouse money.” Malalaking papel at maliitang balyu at isinisilid na lamang sa bayong sapagkat wala namang ganoongmabibili sa mga palengke. Ito ay sa dahilang ang mga Hapon ang namahala samga lupain, industriya, transportasyon at kabuhayan ng Pilipinas. Ang mgapagkain, bigas at alagang hayop ay sinamsam ng mga sundalong Hapon.Nabuhay ang mga tao sa lamang dagat, lamang lupa at mga halaman. Maramiang nagkasakit ng beri-beri dahil sa kakulangan ng mga protina at bitamina sakatawan. Ang mga maysakit ay namamatay na lamang sapagkat kulang angmga ospital at serbisyong panggagamot.Mga Pagbabagong PanlipunanTunay na pasista ang mga Hapon. Walang kalayaan at pribilehiyo ang mgaPilipino. Bawal ang pagpapalimbag ng babasahing Ingles at ipinaturo sa mgapaaralang bayan ang Niponggo, ang wika ng Hapon. Walang laya sa paggalaw atpagkilos ang mga tao, maging sa pagbibiyahe. May curfew sa mga lansangan. Angpaglabas sa mga tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang mgalumabag ay ikinukulong o binabaril.

Sinikap din naman ni Pangulong Laurel na maging makabuluhanangRepublika ngunit lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay. Ang mgaHapones ay hindi naging matapat sa kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan angbansa. Ang mga mamamayan ay inalisan ng maraming karapatan.Maraming kababaihan ang nilapastangan at ginawang libangan ng mgaHapon. Ang mga kalalakihang napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sakanilang mga pamilya, at ikinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan hanggangsa mamatay. Lumikha ang mga Hapon ng hukbo ng makapili, mga espiyangnatatakpan ng bayong ang mukha. Dinadala ang mga makapili sa mga lugar namay mga pinaghihinalaang gerilya o kalaban ng Hapon. Suot ang kanilang bayong,ituturo ang mga pinaghihinalaan at darakpin ito ng mga Hapon. Kapag hindinakatakas mula sa garison, ang mga napaghinalaan ay maaaring hindi namakakabalik ng buhay sa kanilang pamilya dahil sa pagpapahirap gamit ang iba’tibang malupit na paraan.Ang pagmamalupit sa mga Pilipino ay nagpatuloy. Ang panahong ito aytinawag na “Panahon ng Kadiliman” dahil walang seguridad at katiyakan ang buhayng mga mamamayan sa araw-araw. Sila ay nagtatago pag may dumarating na mgaHapon o dili kaya’y nagsisinungaling upang hindi maparusahan. Ang masakit dito,natuto ang ibang ipagkanulo ang kanilang kababayan upang humaba ang sarilingbuhay.

Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Ngayong nabasa mo na ang uri ng pamamahala ng mgaHapon, lagyan ng ekis ( ) ang naglalarawan sa uri ng pamahalaan na itinatag ngmga Hapones sa Pilipinas.1. Pasismo6.Kontrolado ng mga Hapones2. Pinamahalaan ng mga Pilipino7. Totalitaryanismo3. Demokratiko8. Kinatatakutan4. Mapayapa9. Marahas5.Makatarungan10. Pamahalaang papet“puppet government”B. Magtanong sa iyong lolo o lola at ipakuwento ang ilang karahasan na naranasano nakita nila noong panahon ng hapon.Tandaan Mo!Itinatag ng mga Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinassa ilalim ng pamumuno ni Jose P. Laurel upang diumano’ybigyan ng bagong pamahalaan at kasarinlan ang mga Pilipino.Ngunit kabaligtaran ang nangyari sapagkat ang mga militar naHapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan at ang Pangulo ay walangkapangyarihan.Sa panahong ito, maraming nilabag na pantaong karapatan.Ang kabuhayan ng mga Pilipino ay hindi umunlad, bagkus nagdulot ngmaraming maraming kasawian sa buhay ng mga Pilipino ang pamamahala ngmga Hapon.Gawain 3: PaglalapatMarami tayong mga kbabayan ngayon na nagtatrabaho atnagnanais na makapunta sa Japan. Sa palagay mo ba ay naghilomnaang sugat ng digmaan? Nanaisin mo ba rin bang magsilbi sa mgaHapon sa kanilang bansa pagkatapos mong malaman ang kasaysayan? Ipaliwanagang sagot.

ARALIN 3PAGKILOS AT PAKIKILABAN NG MGA PILIPINO LABAN SA HAPONBagamat nasakop ang buong kapuluan at nagsisuko ang mga heneral naAmerikano, napag-alaman mo sa naunang modyul na para sa mga Pilipino, dapatituloy and laban. Hindi ba’t isa iyang kapuri-puri ng katangian ng ating mgakababayan? Sa araling ito, malalaman mo kung paano itinuloy ng mga Pilipino angkanilang paglaban sa mga Hapon kahit na malakas ang puwersa ng mga ito.Inaasahang pagkatapos ng aralin ay magagawa no ang mga sumusunod:1. Matatalakay ang mga layunin at pamamaraan ng mga kilusang nabuo noongpanahon ng Hapon;2. Matutukoy ang magigiting na Pilipinong nagpakilos at nagbigay-buhay samga pakikipaglaban sa Hapon; at3. Mapahahalagahan ang naging bunga ng pakikipaglaban ng iba’t ibangkilusan ng mga Pilipino laban sa mga Hapon.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na tanong na maykaugnayan sa araling ito. Sagutan ng oo o hindi.1. Ang mga gerilya ba ay mga dating sundalo na lumaban sa mga Hapones?2. Ang mga sundalong Pilipino ba ang nakapagpasuko sa mga Hapones?3. Higit na naging malupit ba sa mga Hapones ang mga HUK kaysa sa mgagerilya?4. Nagpatuloy ba sa paglaban ang mga Pilipino kahit nasakop na ng mgaHapones ang Pilipinas?5. Ang mga HUK ba ay dating mga sundalo ng Hukbong Sandatahan ngPilipinas?

Ang Kilusang GerilyaNang bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Haponesnoong Mayo 6,1942 ay hindi pa rin natapos ang labanan ng mga Pilipino atHapones. Ang mga sundalong Pilipino, sa halip na sumuko, ay namundok atipinagpatuloy ang pakikipagpaglaban nang palihim. Nagpangkat-pangkat sila nakung tawagin ay gerilya at mula sa mga bulubundukin at mga ilang na lugar,nagsagawa ng mga pabigla-biglang pagsalakay. Ang kanilang layunin: lusubin angmga garison, patayin ang mga sundalo at opisyal na Hapon, palayain ang mganakakulong, at salakayin ang mga istasyong militar upang sirain ang mgakagamitan at manguha ng mga bala at armas na gagamitin sa paglaban sa mgahapon.Sa kalaunan ay lumaki ang bilang ng mga gerilya at ito ay dahil sa pagiibayo ng kalupitan ng mga Hapon. Nagsama-sama ang mga maliliit na pangkatmula sa iba’t ibang panig ng bansa. Naragdagan ang dami ng mga puwersanggerilya nang sumapi ang mga sibilyan sa mga lungsod at bayan-bayan kasama naang ibang opisyal ng mga pamahalaang bayan na nagkukunwang tumutulong samga Hapon. Namundok din ang mga sibilyan at karaniwang mamamayang hindi namakatiis sa pagpapahirap ng mga Hapon. Kasama rin ang maraming kababaihangnaging biktima ng karahasan ng mga dayuhan.Maraming pangkat ng mga gerilya ang nabuosa iba’t ibang dako ngPilipinas. Ang ilan sa mga lider ng mga gerilya ay militar, samantalang ang iba’ysibilyan. Si Tomas Confesor ang sibilyang lider ng Panay, samantalang si KoronelMacario Peralta naman ang lider militar. Sa Leyte ay si Koronel Ruperto Kangleon.Sa Mindanao ay sina Tomas Cabili at Salipada Pendatun. Sa Luzon, napabantogsina Wenceslao Q. Vinzons at Marcos V. Agustin (Marking). Bukod dito, may mgaAmerikano ring naging kasapi at kasamang namundok at lumaban.Sapagkat lumalaki ang kilusan at nagiging mapanganib para sa mga Haponang mga gerilya, naging lalong malupit at mahigpit ang mga Hapon. Maramingdinakip kahit walang sala. Kumuha ng maraming sibilyan na ginawang makapili atbawat mapaghinalaan ay ikinukulong sa Puwersa Santiago sa Maynila at sa iba’tibang garisong itinayo. Subalit lalo lamang dumami ang nagsisapi sa kilusan.Habang tinatakot ang bayan, lalo namang tumindi ang kanilang galit.

Naging isang mahalagang puwersa ang kilusang gerilya sa pagdudulot ngmalaking sakit ng ulo sa mga Hapon at sa hindi pagiging matatag ng Republikangkanilang itinayo. Organisado ang kilusan. May mga kumander at mga ranggo angmga kasapi. May ugnayan sa isa’t isa at may mga sikretong sinyales na hindimaiintindihan ng mga Hapong kalaban. Habang walang puwersang dumaratingmula sa Estados Unidos, naipakita ng mga Pilipino na kaya nilang ituloy ang laban,isang katangiang kanila nang napatunayan sa mga nakaraang pakikihamok sa mganaunang mananakop.Ang HUKBALAHAPAng mga magsasakang labis na naghirap sa panahong ito ay nagbuklodupang bumuo ng isang kilusang may katulad na simulain sa mga gerilya. Higit salahat, ang mga magsasaka ang lubhang nakadama ng pagmamalupit ng mgaHapon. Ang kanilang mga sakahan ay pinagiinteresan ng mga opisyal na Hapon.Ang mga bigas na kanilang inaani ay kinukumpiska. Maging ang mga hayop at ibapang tanim na kanilang pinaghirapan ay nagsilbing pagkain at lakas ng mgaHapones habang ang kanilang mga pamilya ay namamatay sa gutom. Sila rin angkadalasang pinaghihinalaang kasapi ng kilusang gerilya. Ang mga kababaihan samga lalawigan at mga bukirin ay naging biktima ng maraming kalupitan sa kamayng mga sundalong Hapon.Sa pamumuno nina Luis Taruc, Jesus Lava, at Jose Banal, naitatag angHukbo ng Baya

Mapahahalagahan ang pagsisikap ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan at maipakita ang katapatan sa demokrasya. . ngunit hindi maaaring tumutol sa bawat naisin ng mga opisyal na sundalong Hapon na nakatalaga at nagmamatyag sa . bigas at alagang hayop ay sinamsam ng mga sundalong Hapon. Nabuhay ang mga tao sa lamang dagat, lamang lupa at .

Related Documents:

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

ISBN 978-621-421-072-5 (PDF) Jointly published by: Department of Education (DepEd) DepEd Complex. Meralco Ave., Pasig City 1800, Philippines Contact: action@deped.gov.ph. website: https://www.deped.gov.ph United Nations Children's Fund (UNICEF) Philippines Country Office 14th Floor, North Tower, Rockwell Business Center Sheridan

by NEAP to provide professional development to teachers and/or school leaders within DepEd under DO No. 001, s. 2020. b. DepEd Service Providers (DSP) are DepEd Central Office bureaus, services or units, DepEd Regional Offices or DepEd Schools Division Offices that have been awarded formal, fixed-term

Grade 7 Deped Araling Panlipunan Teachers Guide.pdf chevrolet tracker 2015 manual, richard wagner morde mythen mittelalter opernfuhrer 3, the routledge companion to l andscape studies thompson ian howard peter wa

ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City . 2 MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nakatuon ang modyul na ito sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang .

ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 8 PAGSIBOL NG KAMALAYANG PILIPINO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City . 1 MODYUL 8 PAGSIBOL NG KAMALAYANG PILIPINO Ang Pilipino ay likas na mapagtiis at mapagbigay kung kaya’t ang mga pagmamalabis at pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang karapatan ay tiniis .

K TO 12 ARALING PANLIPUNAN *Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor – version as of January 31, 2012 5 MGA TEMA Grade 1 Grade 7 A. Tao, Kapaligiran at Lipunan B. Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa D. Karapatan, Pan