Reading Tips For Parents Tagalog: Babies MGA PAYO Ng . - Reading Rockets

1y ago
4 Views
1 Downloads
1.07 MB
7 Pages
Last View : 1m ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Javier Atchley
Transcription

Reading tips for parentsTagalog: BabiesMGA PAYO Ng Mga SanggolPara Sa Mga MagulanHindi kailanman masyadong maaga upang basahan ang inyong sanggol. Sa orasna ipanganak ang inyong sanggol, nagsisimula na siyang matuto. Sa pamamagitanlamang ng pakikipag-usap, pakikipag-laro, at pag-aalaga sa inyong sanggol araw-araw,natutulungan na ninyo ang inyong sanggol na magkaroon ng mga kakayahan salengguwahe na kailangan upang maging magbabasa. Sa pagbabasa sa inyong sanggol,lumilikha kayo ng hilig sa mga libro at pagbabasa mula sa simula pa lamang. Isinasaadng mga payo sa ibaba ang ilang masasayang paraan upang matulungan ninyo anginyong anak na maging masaya at may kumpiyansang magbabasa. Subukan ang bagongpayo sa bawat linggo. Tingnan kung ano ang pinakamabuti para sa inyong anak.n Yakapin ang sanggol kasama ang isang libro.Kapag niyayakap ninyo ang inyong sanggol atmagkasama kayong nakatingin sa isang libro,masisiyahan ang inyong sanggol sa pagyakap atpakikinig sa inyong boses pati na rin sa kuwento.Ang pakiramdam na ligtas siya at matiwasaykasama kayo habang nagbabasa ng libro aylumilikha sa inyong sanggol ng kumpiyansa athilig sa pagbabasa.n Hikayatin ang pagsalita, pag-ungol atn Piliin ang mga librong mabuti paran Palakpakan ang inyong sanggol!Hikayatin ang inyong sanggol na pulutin ang mgabiskwit o mga gisantes, hipuin ang mga ilong atdaliri sa paa, ituro ang mga litrato at abutin angmga laruan. Magiging mas malakas, maliksi, athanda nang maglipat ng mga pahina ang mgakalamnan sa kanyang maliliit na kamay.sa mga sanggol.Mas madaling tingnan ng mga sanggol ang mgalibrong may mga larawan na makikintad angkulay at malalaki o malakas ang pagkakasalungatng mga kulay, at tatawag ng mga ito ang kanilangpansin. Mas madaling hawakan ng mgasanggol ang mga librong gawa sa tela o malambotna plastik (para sa paliguan) o “mga librongkarton” na may matibay na karton na mga pahina.n Ilagay ang mga libro sa kayang abutin ngsanggol ang mga ito.Siguraduhin na kasing-daling abutin, hawakan,at tingnan ang mga libro na tulad ng mga laruan.Tandaan, gagawin ng sanggol sa libro kung anoang ginagawa niya sa iba pang bagay – ilagay itosa kanyang bunganga. At iyan mismo ang kanyanggagawin, kaya baka gusto ninyong maglagay ngmga nangunguyang libro sa kanyang abot-kamay.n Kausapin ang inyong sanggol – maghapon.Ilarawan ang panahon o aling mansanas angpipiliin ninyo sa groserya. Ilarawan ang mgalitrato sa isang libro o mga bagay na nakikita ninyosa paglalakad. Magtanong. Sa pakikinig, natututoang inyong anak ng mga salita, mga ideya, atkung paano gumana ang lengguwahe.paglagukgok ng inyong sanggol.Ito ay mga paraan ng pakikipag-usap ng inyongsanggol sa inyo, at mahalagang mga unang hakbangtungo sa pagsasalita. Hikayatin ang mga panggagayasa inyo. Habang mas madalas magsanay ang inyongsanggol sa paggawa ng mga tunog, mas magigingmaliwanag ang mga ito. Magpatuloy at umunga,tumahol at pumugak!n Bumuo ng pang-araw-araw na gawain.(At gawin ang pagbabasa na bahagi nito).Pinapakalma ng mga kinagawiang gawain angsanggol, at hayaang matututunan nitong hulaankung ano ang susunod na mangyayari. Mahalagaang kakayahang manghula kapag lumaki na anginyong anak at nagsasarili na siyang nagbabasa.n Kumanta, magbasa, ulitin.Basahin ang mga paboritong kuwento at kantahinang mga paboritong awitin nang paulit-ulit. Angmga nauulit na kasiyahan kasama ang mga libroay pagtitibay ng paghusay sa lengguwahe at mgapositibong damdamin tungkol sa pagbabasa.n “Basahin” ang inyong sanggol.Pansinin kung paano tumutugon ang inyongsanggol sa librong binabasa ninyo. Tumigil kunghindi nasisiyahan ang inyong sanggol sa kuwentoat subukan ang ibang libro o ibang oras.www.ColorinColorado.orgPraktikal, batay-sa-pananaliksik na impormasyon kung paano tulunganna magbasa ang mga nag-aaral ng lengguwaheng Ingles at magtagumpay!Colorin Colorado is produced by Reading Rockets, a projectof public television station WETA. The project is fundedby the U.S. Department of Education, Office of SpecialEducation Programs; the American Federation of Teachers;and the National Institute for Literacy

Reading tips for parentsTagalog: ToddlersMga PayoPara Sa Mga MagulangNg Mga Batang NatututoPa Lamang MaglakadAng pagiging batang natututo pa lamang maglakad ay tungkol sa AKSIYON.Hikayatin ang patuloy na paghusay sa lengguwahe at interes sa mga libro atpagbabasa sa pagpapanatili sa mga bagay na masigla at kaaya-aya. Ang mgakaranasan sa araw-araw ay puno ng mga pagkakataon upang makipag-usapat pahusayin ang mga kakakayahan sa lengguwahe. Nagsasaad ang mga payo saibaba ang ilang masasayang paraan upang matulungan ninyo ang inyong anakna maging masaya at may kumpiyensang magbabasa. Subukan ang isang bagongpayo sa bawat linggo. Tingnan kung alin ang pinakamabuti para sa inyong anak.n Huwag asahan ang inyong anak naumupo nang tahimik para sa isang libro.Kailangan ng mga bata ang GUMALAW, kayahuwag mag-alala kung i-arte nila ang mgakuwento o lumukso, maglaro, o magpagulunggulong habang binabasahan ninyo sila. Maaaringmalikot sila, ngunit sila ay nakikinig.n Bumigkas ng mga panulaan, umawit ngmga kanta, at magkamali!Huminto upang hayaan ang inyong anak natapusin ang isang parirala o paulit-ulit na awitinang koro ng kanta. Sa oras na masanay ang inyonganak sa panulaan o huwaran, sadyain ninyongmagkamali at magpahuli.n Piliin ang mga kaaya-ayang mga libro.Ang mga librong nagtatampok sa mga hayop omga makina ay nakakaganyak ng paggalaw atpagtunog. Pinananatili ng mga libro na may mganakatiklop na pahina o iba’t ibang tekstura angnagpapanatili ng abala ang mga kamay. Ang mgalibrong may detalyadong larawan o nauulit namga aytem na nakatago sa mga litrato ay mabutipara sa pagtutuklas at pagtatalakay.n Gawing maikli, simple, at madalas angpagbabasa.Madalas na mas ikli ang panahon ng atensyon ngmga bata kaysa sa mga sanggol. Maghanap ngteksto na maikli at simple. Magbasa ng kaunti,ilang beses sa isang araw.n Hikayatin ang paglalarong may angpagsabi ng pangalan, paglalarawan,at pag-uusap.kotse. Hayaang mamuno ang inyong anak atmagtanong ng maraming tanong.n Araw-araw ay isang pakikipagsapalarankapag ikaw ay isang batang natututo palamang maglakad.Piliin ang mga libro tungkol sa mga pang-araw-arawna karanasan at mga damdamin. Ituturing ng inyonganak na katulad nila ang mga karakter habang silaay nagbibihis, kumakain, namamasyal, natutulog, atnaglalaro.n Magtanong.Maglaan ng oras upang pakinggan ang mga sagot nginyong anak. Ang mga batang natututo pa lamangmaglakad ay may mga malakas na opinyon atnakakatawag-pansin na mga ideya tungkol samundo. Hikayatin ang inyong anak na sabihin sainyo kung ano ang kanyang iniisip. Makakalikhakayo ng mga kasanayan sa lengguwahe atmalalaman rin kung ano ang mabisa sa inyong anak.n Pagbigyan ang kanilang mga paborito.Basahin ang mga paboritong kuwento nangpaulit-ulit. Hanapin ang mga libro tungkol sa mgabagay na talagang gusto ng inyong anak – mgatren, mga hayop, at ang buwan. Mapapatagalng mga librong ito ang panahon ng atensyon nginyong anak at lumikha ng hilig sa pagbabasa.n Hindi nasisiyahan?Subukan ang ibang kuwento o ibang oras samaghapon. Ang pagbabasa kasama ang musmosna bata ay unang-una tungkol sa paglikha ng mgapositibong karanasan sa mga libro, at hindi angpagtatapos sa bawat librong inumpisahan ninyo.Gumawa ng zoo gamit ang lahat ng mga laruanghayop. Gumawa ng karera gamit ang mga laruangwww.ColorinColorado.orgPraktikal, batay-sa-pananaliksik na impormasyon kung paano tulunganna magbasa ang mga nag-aaral ng lengguwaheng Ingles at magtagumpay!Colorin Colorado is produced by Reading Rockets, a projectof public television station WETA. The project is fundedby the U.S. Department of Education, Office of SpecialEducation Programs; the American Federation of Teachers;and the National Institute for Literacy

¡ColorínReading tips for parentscolorado!MGA TIPTagalog: Pre-Kpara sa mga magulang ng mga nasaPreschoolMagbasa nang maaga at magbasa nang madalas Ang mga naunang taon ay kritikal sapagpapaunlad ng panghabambuhay na pagmamahal sa pagbabasa. Hindi kailanmannapaka-aga na mag-umpisang magbasa sa iyong anak! Ang mga tip sa ibaba aynaghahandog ng ilang masasayang paraan na matulungan mo ang iyong anak namaging maligaya at may kumpiyansang magbabasa. Subukin ang isang bagong tipbawat linggo. Tignan kung ano ang pinakamabuting gagana sa iyong anak. Magbasa nang sabay bawat araw. Magbasa sa iyong anak bawat araw. Gawin itongmagiliw at mapagmahal na oras kapag kayongdalawa ay makapagyayapos nang malapit. Itabi sandali ang libro kung ang iyong anak aynawalan ng interes o nagkakaroon ng ligalig sapakikikinig.Bigyan ng pangalan angbawat bagay-bagay. Linangin ang bokabularyo ng iyong anak sapamamagitan ng pag-uusap tungkol sa mgainteresanteng salita at mga bagay. Halimbawa,“Tignan ang eroplanong iyon! Iyon ang mgapakpak ng eroplano. Bakit sa palagay mo aytinawag silang mga pakpak?” Basahin ito nang paulit-ulit.Sumige at basahin ang paboritong libro ng iyonganak nang maka-100 beses! Pag-usapan din angtungkol sa pagsusulat. Banggitin sa iyong anakkung papaano tayo magbasa mula sa kaliwapakanan at kung papaano pinaghiwalay angmga salita sa pamamagitan ng mga espasyo. Ituro ang nakalimbag kahit saan.Pag-usapan ang tungkol sa mga nakasulat nasalita na iyong nakikita sa mundo sa iyongpaligid. Hilingan ang iyong anak na maghanapng isang bagong salita sa bawat paglabas.Magbasa nang may kasiyahansa iyong boses.Magbasa sa iyong anak na maypagkamapagpatawa at espresyon.Gumamit ng iba’t-ibang mga boses.Artehan ito nang labis!Maging mapag-akto.Talakayin kung ano ang nangyayari sa libro, ituroang mga bagay-bagay sa pahina, at magtanong.Sabihin kung gaano kanasisiyahang magbasa.Sabihin sa iyong anak kung gaano kanasisiyahang magbasa na kasama siya. Pagusapan ang tungkol sa “oras ng pag-iistorya”bilang ang paboritong bahagi ng iyong araw.Alamin kung kailan hihinto. Papahalagahan ang iyong anak.Mangyaring maging sigurado na makipagkitasa pediyatriko ng iyong anak o guro sa lalongmadaling panahon kung ikaw ay mayroong mgaalalahanin tungkol sa pagpapaunlad ng wika,pandinig, o paningin ng iyong anak.www.ColorinColorado.orgPraktikal, impormasyong ibinase-sa-pananaliksik sa kung papaanotutulungang magbasa ang mga bata . . . at magtagumpay!

¡ColorínReading tips for parentscolorado!MGA TIPTagalog: Kpara sa mga magulang ng mga nasaKindergartenlPaglaruan ang mga titik, mga salita, at mga tunog! Ang pagsasaya sa wika ay tutulongsa iyong anak na matutunang malamatan ang kodigo ng pagbabasa. Ang mga tip saibaba ay naghahandog ng ilang masasayang paraan na matulungan mo ang iyonganak na maging maligaya at may kumpiyansang magbabasa. Subukin ang isangbagong tip bawat linggo. Tignan kung ano ang pinakamabuting gagana sa iyong anak. Makipag-usap sa iyong anak. Hilingan ang iyong anak na pag-usapan angtungkol sa kanyang araw sa paaralan. Himukinsiya na ipaliwanag ang bagay na kanilang ginawa,o ang laro na kanyang nilaro sa oras ng rises. Magsalita ng mga hangal nanakabubuhol ng dila.Ipagamit sa iyong anak ang daliri upang bakasinang titik habang sinasabi ang tunog ng titik.Gawin ito sa papel, sa buhangin, o sa isangplato ng asukal. Basahin ito at esperyensiyahin ito. Ikonekta kung ano ang binabasa ng iyong anak sakung ano ang nangyari sa buhay. Kung nagbabasang libro tungkol sa mga hayop, iugnay ito saiyong huling pagpunta sa zoo. Gamitin ang pangalan ng iyong anak.Ituro ang kaugnayan sa pagitan ng mga titik atmga tunog. Sabihing, “Ken, ang salitang kendi aynag-uumpisa sa parehong tunog gaya ng iyongpangalan. Ken, kendi. At kapuwa sila nag-uumpisasa parehong titik, K.” Maglaro ng mga papet.Maglaro ng mga larong wika na may mga papet.Ipasabi sa papet na, “Ang pangalan ko ay Mario.Gusto ko ang mga salitang tumutugma sa akingpangalan. Ang baryo ba ay tumutugma sa Mario?”Ang bola ba ay tumutugma sa Mario?”Isulat ito.Maghanda ng mga papel at lapis para magamit ngiyong anak sa pagsusulat. Magkasamang gumagawa,sumulat ng isa o dalawang pangungusap tungkolsa ilang bagay na espesyal. Himukin siya nagamitin ang mga titik at mga tunog na kanyangpinag-aaralan sa paaralan.Umawit ng mga kanta, magbasa ng mgatumutugmang libro, at magsalita ng mgahangal na nakabubuhol ng dila. Ang mga ito aymakatutulong sa mga bata na maging sensitibosa mga tunog sa mga salita. Bakasin at sabihin ang mga titik.Maglaro ng mga larong tunog.Sanaying ipagsama ang mga tunog sa mgasalita. Tanungin “Mahuhulaan mo ba kunganong salita ito? a - s - o” Mas tagalan angbawat tunog kaysa sa normal. Basahin ito nang paulit-ulit.Sumige at basahin ang paboritong libro ngiyong anak nang maka-100 beses! Habang ikaway nagbabasa, tumigil at tanungin ang iyonganak tungkol sa ano ang nangyayari sa libro. Pag-usapan ang tungkol sa mgatitik at mga tunog.Tulungan ang iyong anak na matutunan ang mgapangalan ng mga titik at ang nagagawang tunogng mga titik. Gawin ito na isang laro! “Ako’ynag-iisip ng isang titik at ito ay nakagagawa ngtunog na mmmmmm.”www.ColorinColorado.orgPraktikal, impormasyong ibinase-sa-pananaliksik sa kung papaanotutulungang magbasa ang mga bata . . . at magtagumpay!

¡ColorínReading tips for parentscolorado!MGA TIPTagalog: 1st gradepara sa mga magulang ng mga nasaUnang BaitangBigyan ang iyong anak ng maraming oportunidad na magbasa nang malakas. Pukawinang loob ng iyong batang magbabasa na magsanay bawat araw! Ang mga tip sa ibabaay naghahandog ng ilang masasayang paraan na matulungan mo ang iyong anak namaging maligaya at may kumpiyansang magbabasa. Subukin ang isang bagong tipbawat linggo. Tignan kung ano ang pinakamabuting gagana sa iyong anak. Huwag umalis ng tahanan nang wala ito.Magdala ng libro o magasin anumang oras nakailangang maghintay ang iyong anak, gaya ngsa opisina ng duktor Palaging subuking handasa pagbabasa! Ipabigkas sa iyong anak ang mga salita habangpinapalitan mo ito mula apat sa patpat sa sapat;mula sapat sa sako sa sabon, at mula sa sabon sa sipon. Ang minsan ay hindi sapat.Babasahin ko sa iyo, babasahinmo sa akin.Himukin ang iyong anak na muling-basahin angmga paboritong libro at mga tula. Ang mulingpagbabasa ay makatutulong sa mga bata nabumasa nang higit na mabilis at may kaiksaktuhan.Magpalitang magbasa nang malakas sa orasng pagtulog. Ang mga bata ay nasisiyahan saespesyal na oras na ito na kasama ang kanilangmga magulang.Magsaliksik nang mas malalimsa istorya. Tanungin ang iyong anak tungkol sa istorya nakababasa mo pa lamang. Magsabi ng bagay gayang, “Bakit sa palagay mo nagawa ni Clifford iyon?” Pumili ng mga libro na nasa tamang antas.Tulungan ang iyong anak na pumili ng mga librona hindi masyadong mahirap. Ang layon aymabigyan ang iyong anak ng maraming mgamatagumpay na karanasan sa pagbabasa.Makipag-usap, makipag-usap,makipag-usap!Makipag-usap sa iyong anak bawat araw tungkolsa paaralan at mga bagay-bagay na nangyayari sapaligid ng bahay. Budburan ng ilang mga interesanteng salita sa kombersasyon, at linangin sa mgasalita na inyong napag-usapan noong nakaraan.Maging matiyaga.Kapag ang iyong anak ay sinusubukang bumigkasng di-pamilyar na salita, bigyan siya ng oras nagawin ito. Paalalahanan ang iyong anak na tumingin nang mabuti sa unang titik o mga titik ng salita.Marahang iwasto ang iyong batangmagbabasa.Kapag nagkamali ang iyong anak, marahang ituroang mga titik na kanyang nakaligtaan o di-wastongnabasa. Maraming mga nag-uumpisang magbabasaay di-mapipigilang manghula sa isang salita naibinase sa unang titik nito.Pangasiwaan ang telebisyon.Mahirap para sa pagbabasa na makipagkumpitensiya sa TV at mga larong bideo. Himukin angpagbabasa bilang isang aktibidad sa libreng-oras. Maglaro ng mga larong salita. Magsulat, magsulat, magsulat!Hilingan ang iyong anak na tulungan kang isulatang listahan ng groseri, pabatid ng pasasalamatsa Lola, o magtago ng tala ng espesyal na mgabagay-bagay na nangyari sa tahanan. Kapagsumusulat, himukin ang iyong anak na gamitinang mga tularan ng titik at tunog na kanyangnatutunan sa paaralan.www.ColorinColorado.orgPraktikal, impormasyong ibinase-sa-pananaliksik sa kung papaanotutulungang magbasa ang mga bata . . . at magtagumpay!

¡ColorínReading tips for parentscolorado!MGA TIPTagalog: 2nd gradepara sa mga magulang ng mga nasaIkalawang BaitangMaghanap ng mga paraan upang magbasa, magsulat, at magkuwento ng mgaistorya na kasama ang iyong anak. Palaging purihin ang iyong batang magbabasaat nag-uumpisang magsusulat ng istorya! Ang mga tip sa ibaba ay naghahandog ngilang masasayang paraan na matulungan mo ang iyong anak na maging maligaya atmay kumpiyansang magbabasa. Subukin ang isang bagong tip bawat linggo. Tignankung ano ang pinakamabuting gagana sa iyong anak. Magkuwento ng mga istorya ng pamilya. Ibig makinig ng mga bata ng mga istorya tungkolsa kanilang pamilya. Pag-usapan ang tungkol saisang kakatwang bagay na nangyari noong ikaway bata pa. Lumikha ng isang kahon ngkasangkapan sa pagsusulat.Punan ang kahon ng mga materyales na pangdrowing at pangsulat. Humanap ng mga oportunidad para makapagsulat ang iyong anak, gaya nglistahan ng bibilhin, mga pabatid ng pasasalamat,o mga kard na pangkaarawan. Itupi sa kalahati ang mga piraso ng papel atisteypol ang mga ito upang makagawa ng libro.Hilingan ang iyong anak na magsulat ng mgapangungusap sa bawat pahina at idagdag angsarili niyang mga pagsasalarawan. Maging #1 tagahanga ng iyong anak. Gumamit ng isang listahan ngpagsusulat.Palikhain ang iyong anak ng isang listahan ngpagsusulat na mayroong mga paala-ala gaya ng,“Ang lahat ba ng aking mga pangungusap aynag-umpisa sa malaking titik? Oo/Hindi.”Mag-imbita ng isang may-akda sa klase.Hilingan ang may-akda na magsalita sa klaseng iyong anak tungkol sa proseso ng pagsusulat.Kadalasan ang mga kabataan ay nag-iisip nasila ay hindi gaanong ismarte kung hindi silamakapagsusulat ng isang perpektong istoryasa unang pagsubok.Ituro ang kaugnayan sa pagitan ngmga salita.Ipaliwanag kung papaano ang mga maykaugnayan na salita ay mayroong katulad namga pagbaybay at mga kahulugan. Ipakita kungpapaano ang salita tulad ng batang-bata, halimbawa, ay umuugnay sa isang salita tulad ng bata.Isang beses pa na mayroong damdamin.Kapag ang iyong anak ay bumigkas ng dipamilyar na salita, muling ipabasa sa kanya angpangungusap. Madalas sobrang abala ang mgabata sa pag-iisip ng isang salita na kanilangnakalimutan ang kahulugan ng kanilang nabasa.Gawing laging handa angpagkukuwento.Magpalitang magdagdag sa istorya na ginawaninyong dalawa habang nakasakay sa kotse o bus.Subuking gawing masaya o nakakatakot ang istorya.Hilingan ang iyong anak na basahin nang malakaskung ano ang kanyang isinulat para sa paaralan.Maging isang masigasig na tagapakining. Magkasamang lumikha ng isang libro. Madali, madali.Gumamit ng mga bagong salita na natutunanng iyong anak sa masiglang plaskard o mgapagsasanay sa kompyuter. Minsan ang mga itoay tumutulong sa mga bata na awtomatikongmakilala at mabasa ang mga salita, lalo na yaongmadalas na ginagamit.www.ColorinColorado.orgPraktikal, impormasyong ibinase-sa-pananaliksik sa kung papaanotutulungang magbasa ang mga bata . . . at magtagumpay!

¡ColorínReading tips for parentscolorado!MGA TIPTagalog: 3rd gradepara sa mga magulang ng mga nasaIkatlong BaitangBasahin ito, pag-usapan ito, at pag-isipan ito! Humanap ng mga paraan para linanginng iyong anak ang pang-unawa, ang pinaka-layunin ng nag-aaral kung papaanomagbasa. Ang mga tip sa ibaba ay naghahandog ng ilang masasayang paraan namatulungan mo ang iyong anak na maging maligaya at may kumpiyansangmagbabasa. Subukin ang isang bagong tip bawat linggo. Tignan kung ano angpinakamabuting gagana sa iyong anak. Gawing espesyal ang mga libro.Gawing espesyal na bagay ang pagbabasa. Dalhinang iyong mga anak sa aklatan, tulungan silangkumuha ng sarili nilang kard ng aklatan, magbasakasama sila, at bilhan sila ng mga libro bilangmga regalo. Magkaroon ng paboritong lugar parasa mga libro sa inyong tahanan o, mas mabuti,maglagay ng mga libro kahit saan. Ipilit ang diksiyonaryo.Pag-usapan kung ano ang iyongnakikita at ginagawa.Pag-usapan ang araw-araw na mga aktibidadupang linangin ang kaalaman ng iyong anak,kung saan ay napakahalaga sa katantuan ngpakikinig at pagbabasa. Patuloy na magsalita,halimbawa, habang magkasamang nagluluto,bumibisita sa kung saang bago, o pagkataposmanood ng palabas sa TV.Iba’t ibang mga hagod para sa iba’tibang mga tao.Magbasa ng iba’t-ibang uri ng mga libro upangilantad ang iyong anak sa iba’t-ibang uri ngpagsusulat. Ang ilang mga bata, lalo na ang mgalalaki, ay gugustuhin ang hindi-kakathang isip namga libro.Hayaang makita ka ng iyong anak na ikaw aygumamit ng diksiyonaryo. Sabihing, “Hmm, hindiako sigurado kung ano ang kahulugan ng salitana iyan. Sa palagay ko ay hahanapin ko ito.” Ang mga unang balangkasay di-maayos.Himukin ang iyong anak kapag nagsusulat.Paalalahanan siya na ang pagsusulat aykinakailangan ng ilan-ilang mga hakbang.Walang sinuman ang nakagagawa nito nangperpekto sa unang pagkakataon.Pagbasahin sila ng isa pa.Humanap ng mga paraan na himukin ang iyonganak na dumampot ng isa pang libro. Ipakilalasiya sa isang serye gaya ng The Boxcar Childreno Harry Potter o sa ikalawang libro ng isangpaboritong may-akda, o tanungin ang katiwalang aklatan para sa mga karagdagang mungkahi. Turuan ang iyong anak ng ilang“mga salamangka sa isip”Ipakita sa iyong anak kung papaano laguminang istorya sa ilang mga pangungusap o kungpapaano gumawa ng mga hula tungkol sa kungano ang maaaring mangyari sa susunod. Angparehong istratehiya ay tutulong sa bata namatanto at makaalaala. “Nandiyan na ba tayo?”Gamitin ang oras na ginugugol sa loob ng kotseo bus para sa larong salita. Pag-usapan angtungkol sa papaano nangahulugan na ang bagaay isang bahagi ng katawan na tinatawag na dingpulmon gaya din ng mga panggatong o ulingna nakasindi. Ilang ibang mga katunog angmaiisip ng iyong anak? Kapag ang mga bata aynapaka-pamilyar sa kahulugan ng isang salita, silaay hindi gaanong mahirapan sa pagbabasa nito.www.ColorinColorado.orgPraktikal, impormasyong ibinase-sa-pananaliksik sa kung papaanotutulungang magbasa ang mga bata . . . at magtagumpay!

ang inyong anak ng mga salita, mga ideya, at kung paano gumana ang lengguwahe. n Hikayatin ang pagsalita, pag-ungol at paglagukgok ng inyong sanggol. Ito ay mga paraan ng pakikipag-usap ng inyong sanggol sa inyo, at mahalagang mga unang hakbang tungo sa pagsasalita. Hikayatin ang mga panggagaya sa inyo. Habang mas madalas magsanay ang inyong

Related Documents:

Bruksanvisning för bilstereo . Bruksanvisning for bilstereo . Instrukcja obsługi samochodowego odtwarzacza stereo . Operating Instructions for Car Stereo . 610-104 . SV . Bruksanvisning i original

10 tips och tricks för att lyckas med ert sap-projekt 20 SAPSANYTT 2/2015 De flesta projektledare känner säkert till Cobb’s paradox. Martin Cobb verkade som CIO för sekretariatet för Treasury Board of Canada 1995 då han ställde frågan

ANG TAGALOG Tagalog is an Austronesian language with about 57 million speakers in the Philippines, particularly in Manila, central and southern parts of Luzon, and also on the islands of Lubang, Marinduque, and the northern and eastern parts of Mindoro. Tagalog speakers can also be found in many other countries, including Canada, Guam,

service i Norge och Finland drivs inom ramen för ett enskilt företag (NRK. 1 och Yleisradio), fin ns det i Sverige tre: Ett för tv (Sveriges Television , SVT ), ett för radio (Sveriges Radio , SR ) och ett för utbildnings program (Sveriges Utbildningsradio, UR, vilket till följd av sin begränsade storlek inte återfinns bland de 25 största

Hotell För hotell anges de tre klasserna A/B, C och D. Det betyder att den "normala" standarden C är acceptabel men att motiven för en högre standard är starka. Ljudklass C motsvarar de tidigare normkraven för hotell, ljudklass A/B motsvarar kraven för moderna hotell med hög standard och ljudklass D kan användas vid

LÄS NOGGRANT FÖLJANDE VILLKOR FÖR APPLE DEVELOPER PROGRAM LICENCE . Apple Developer Program License Agreement Syfte Du vill använda Apple-mjukvara (enligt definitionen nedan) för att utveckla en eller flera Applikationer (enligt definitionen nedan) för Apple-märkta produkter. . Applikationer som utvecklas för iOS-produkter, Apple .

9781444106022 Complete Estonian: Teach Yourself 34.99 9781444105698 Complete Filipino (Tagalog) Audio Support: Teach Yourself 29.99 9781444105681 Complete Filipino (Tagalog) Book and CD Pack: Teach Yourself 59.99 9781444105674 Complete Filipino (Tagalog): Teach Yourself 29.99 9781444195248 Complete Finnish Audio Support: Teach Yourself (New Edition) 24.99 9781444195224 Complete .

Chinese, Japanese, Korean, Tagalog, and Vietnamese . Therefore, it is with great pleasure that the EAC presents its 2008 Glossary of Key Election Terminology [English/Tagalog and Tagalog/English] . These are neither complete definitions and translations nor exclusive rules of usage . However, the establishment of uniform election