Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation And

2y ago
180 Views
16 Downloads
1.22 MB
30 Pages
Last View : 7d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Amalia Wilborn
Transcription

10Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 8:Disaster Rehabilitationand Recovery

Araling Panlipunan– Ikasampung BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and RecoveryUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonNicolas T. Capulong, PhD, CESO VRonilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO VLibrada M. Rubio, PhD.Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Lawrence C. dela CruzTagasuri ng Nilalaman:Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhDVirgilio L. Laggui PhDTagasuri ng Wika:Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhDRomeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhDTagasuri sa ADM:John Paul C. PajeTagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. SisonTagaguhit:Vincent D. RoblesTagalapat:Joyce O. SarazaTagapamahala:Nicolas T. Capulong PhD, CESO VLibrada M. Rubio PhDAngelica M. Burayag PhDNestor Nuesca EdDGregorio C. Quinto, Jr. EdDRainelda M. Blanco PhDAgnes R.Bernardo PhDVirgilio L. Laggui PhDInilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon IIIOffice Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)Telephone Number: (045) 598-8580 to 89E-mail Address: region3@deped.gov.phii

10Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 8:Disaster Rehabilitationand Recoveryiii

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng AlternativeDelivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Disaster Rehabilitation and Recovery.Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mgaedukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, anggurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayangitinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral samapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit angmga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mgapangangailangan at kalagayan.Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo angkahong ito sa pinakakatawan ng modyul:Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulongo estratehiyang magagamit sa paggabay samag-aaral.Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman angmag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayanat itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilangsariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin atgabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob samodyul.Para sa mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative DeliveryMode (ADM) Modyul ukol sa Disaster Rehabilitation and Recovery.Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, atmagsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo naikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mgakaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay aynakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.iv

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layuninnitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.AlaminSa bahaging ito, malalaman mo ang mgadapat mong matutuhan sa modyul.SubukinSa pagsusulit na ito, makikita natin kungano na ang kaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang lahat ngtamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.BalikanIto ay maikling pagsasanay o balik-aralupang matulungan kang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunang leksyon.TuklasinSa bahaging ito, ang bagong aralin ayipakikilala sa iyo sa maraming paraan tuladng isang kuwento, awitin, tula, pambukas nasuliranin, gawain o isang sitwasyon.SuriinSa seksyong ito, bibigyan ka ng maiklingpagtalakay sa aralin. Layunin nitongmatulungan kang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaing para samalayang pagsasanay upang mapagtibay angiyong pang-unawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwasto ang mga sagotmo sa pagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ng modyul.IsaisipNaglalaman ito ng mga katanungan opupunan ang patlang ng pangungusap otalata upang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.IsagawaIto ay naglalaman ng gawaing makatutulongsa iyo upang maisalin ang bagong kaalamano kasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.TayahinIto ay gawain na naglalayong matasa omasukat ang antas ng pagkatuto sapagkamit ng natutuhang kompetensi.v

KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigay sa iyongpanibagong gawain upang pagyamanin angiyong kaalaman o kasanayan sa natutuhangaralin.Susi sa PagwawastoNaglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahatng mga gawain sa modyul.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumangmarka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papelsa pagsagot sa mga pagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaingnapapaloob sa modyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain atsa pagwawasto ng mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nangsagutin lahat ng pagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari karin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim saiyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ngmakahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sakaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!vi

AlaminAng modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Itoay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa AralingPanlipunan Baitang 10.PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-Based DisasterRisk Reduction and Management Plan.Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng Ikaapat na Yugto ngDisaster Risk Reduction and Management Plan. Partikular ang mga nararapat gawinsa panahon ng pagbangon matapos ang mga kalamidad. Nahahati ito sa tatlongaralin: Leksyon 1 – Kahulugan ng Disaster Rehabilitation and RecoveryLeksyon 2 – Mga Polisiya ukol sa Disaster Rehabilitation and RecoveryLeksyon 3 – Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Disaster Rehabilitation andRecoveryKapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:1. naipaliliwanag ang kahulugan at mga konsepto ng Disaster Rehabilitationand Recovery;2. natatalakay ang iba’t ibang polisiya ukol sa pagsasagawa ng DisasterManagement sa Pilipinas; at3. napapahalagahan ang pagsasagawa ng Disaster Management sa bansa.Mga Tala para sa GuroKailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upangmaiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro angkonsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaingpamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric nagagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.1

SubukinPanuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.1. Ano ang tawag sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction andManagement (DRRM) Plan?A. Disaster Rehabilitation and RecoveryB. Disaster Prevention and MitigationC. Disaster PreparednessD. Disaster Response2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reductionand Management Plan?A. Tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad.B. Gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan angmasamang epekto ng mga kalamidad.C. Inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidad.D. Sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ngIkaapat na Yugto ng DRRM Plan?A. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isangkalamidad.B. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isangkomunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparatingna kalamidad.C. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.D. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mgapangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawain sa Ikaapat na Yugto ngDRRM Plan?A. Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon.B. Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente.C. Pagkukumpuni ng mga nasirang bahay.D. Pagkukulang sa suplay ng pagkain, damit at gamot.5. Bakit mahalagang mabantayan ang presyo ng mga bilihin pagkatapos ng o na hindi malulugi ang mga nagtitinda.mahirapan ang tao na makabangon mula sa kalamidad.maiwasan ang mananamantalang negosyante.mapabagsak ang presyo ng mga bilihin.2

6. Alin sa sumusunod na pandaigdigang organisasyon ang HINDI kabilang sa InterAgency Standing Committee (IASC) na nagpalabas ng Preliminary Guidance Noteukol sa pagpapalakas ng Humanitarian Response?A. Red Cross at Red Crescent MovementB. World Health OrganizationC. World BankD. United Nations7. Ano ang ibig sabihin ng NDCC?A. National Disaster Coordinating CouncilB. National Disaster Coordination CommissionC. National Disaster Coordination CompanyD. National Disaster Coordinating Corporation8. Ano ang nilalaman ng NDCC Circular No. 5-2007?A. Itinalaga nito sa pamahalaan ang lahat ng responsibilidad sa panahon ngmga kalamidad.B. Binuo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council.C. Nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng Disaster ManagementSystem sa Pilipinas.D. Pinagtibay nito na Bottom-Up Approach ang gagamitin ng pamahalaansa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa.9. Alin sa sumusunod na antas ang itinalaga bilang Cluster Leadsmamumuno sa bawat cluster sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa?I. NasyunalA.B.C.D.II. RehiyonaloIII. ProbinsyalI at IIII at IIII at IIII, II, at III10. Alin sa sumusunod ang nabuo sa bisa ng Executive Order No. 01-2007 salalawigan ng Albay?A. Ayuda Albay Coordinating Task ForceB. Albay Mabuhay Task ForceC. Lakbay Albay Task ForceD. Alalay Albay Coordinating Task Force11. Alin sa sumusunod na gawain ang HINDI kabilang sa tungkulin ng AlbayMabuhay Task Force na may layuning ipatupad ang mas komprehensibongprograma para sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ngkalamidad?A. Pagpapatag ng seguridad at suplay ng pagkain at pangunahingpangangailangan.B. Pagpapasigla ng information campaign.C. Pagpapatigil ng mga gawaing pangkabuhayan.D. Pagbuo ng iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad nasiyang mamumuno sa panahon ng panganib.3

12. Ano ang naging epekto ng pagtatag ng mga Disaster Task Force ng Albay sanaging pagharap nito sa mga nagdaang kalamidad?A. Mas marami ang namatay bunsod ng mga nagdaang kalamidad.B. Marami pa rin ang nasirang mga imprastruktura dulot ng mga kalamidad.C. Mas malala ang naging masamang epekto ng mga kalamidad.D. Maiwasan ang mas malalang epekto ng mga kalamidad sa lalawigan.13. Paano magiging matagumpay ang pagbuo ng isang DRRM Plan sa isang lugar?A.B.C.D.Pangungunahan ng pamahalaan ang lahat ng gawain sa pagbuo nito.Pangingibabawan ng mga ordinaryong mamamayan ang pagpapaplano.Manghihimasok ang mga NGO sa pagbuo ng DRRM Plan.Magtutulungan ang pamahalaan, mga NGO at mga mamamayan sapagbuo ng DRRM Plan.14. Alin sa sumusunod ang iniaatas ng DepEd Order No. 55, s. 2008?A. Pagbuo ng Disaster Risk Reduction Resource Manual para sa mgapampublikong paaralan.B. Pagtatalaga ng mga DRRM Focal Person sa mga paaralan.C. Mga panuntunan sa mga paaralan sa panahon ng kalamidad.D. Pagiging evacuation center ng mga paaralan sa panahon ng mgakalamidad.15. Paano ang mabisang pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran?A. Pagtatapon ng basura kung saan-saan kabilang na ang mga ilog at sapa.B. Patuloy na pagbuga ng usok ng mga sasakyan at pabrika.C. Pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa kalikasan.D. Pagkuha ng mga likas-yaman na sobra-sobra o higit pa sa kailangan.Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul aymadali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababanaman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihanpa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto atpagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.4

Aralin1Ika-apat na Yugto ng DRRM Plan:Disaster Rehabilitation and RecoveryMatapos maisagawa ang una hanggang ikatlong yugto ng Disaster RiskReduction and Management Plan, mahalagang malaman na hindi nagtatapos sapagtugon lamang sa mga pangangailangan ng mga mamamayan matapos ang isangkalamidad. Kinakailangang tuluyang makabangon ang mga mamamayan upanglubusan silang makabalik sa normal nilang mga buhay.BalikanNatutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa Ikatlong Yugto ng DisasterRisk Reduction Management (DRRM) Plan na Disaster Response. Upang mapagtibayang natutuhan mo ukol rito, isulat sa tsart ang mga angkop na konsepto o sitwasyonna nasa kahon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.Needs AssessmentDamage AssessmentLoss Assessment— pagguho ng gusali— pagkawala ng pasok sa eskwela— pagkain at tubig— maayos na tirahan— pagbagsak ng tulay— pagtigil ng daloy ng trapiko— mabisang gamot— pagkawasak ng mga taniman— pagkamatay ng mga alagang hayop5

TuklasinPanuto: Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanongmatapos nito. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang ministration/disaster-preparedness/Pamprosesong Tanong:1. Ano ang nilalaman ng artikulo?2. Paano tinutulungan ng gobyerno at ng iba pang sektor ng lipunan ang mganasasalanta ng mga kalamidad?3. Ano ang konsepto ng Rehabilitation and Recovery sa Disaster Managementayon sa artikulong nabasa?6

SuriinIKAAPAT NA YUGTO: DISASTER REHABILITATION AND RECOVERYAng ikaapat na yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan aynakatuon sa rehabilitation at recovery ng mga taong nasalanta ng kalamidad. Angsalitang rehabilitation ay nangangahulugang pagpapanumbalik ng mga nasirangbagay sa dati nitong anyo o gamit. Ang recovery naman ay tumutukoy sa konseptong pagbawi o paggaling mula sa isang bagay/pangyayari. Ang dalawang salitang itoay ang esensya ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan. Layunin ng yugtong ito angmanumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isangnasalantang komunidad. Nakatuon ito sa mga hakbang at gawain sa pagsasaayosng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo,ilan sa halimbawa ng mga gawain sa yugtong ito ang sumusunod: pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon; paniniguro sa suplay ng tubig at kuryente; pagkukumpuni ng mga nasirang kabahayan; paninigurong sapat ang suplay ng pagkain, damit, at gamot; pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin; at pagkakaloob ng psychosocial services.7

Noong 2006, nagpalabas ng Preliminary Guidance Note ang Inter-AgencyStanding Committee (IASC). Ang komiteng ito ay binubuo ng iba’t ibang NonGovernmental Organizations (NGOs), Red Cross at Red Crescent Movement,International Organization for Migration (IOM), World Bank at mga ahensya ngUnited Nations. Ang Guidance Note na ito ay tungkol sa pagpapakilala ng ClusterApproach na naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunansa pagtugon sa mga epekto ng mga kalamidad. Sa approach na ito, mas magigingmalawak ang mabubuong plano at istratehiya sa pagtugon sa pangangailangan ngmga mamamayan upang makabangon sa masamang dulot ng mga kalamidad. Sapamamagitan din ng approach na ito ay mas magagamit din ng mahusay ang mgapinagkukunang yaman ng isang komunidad sa panahon matapos ang kalamidad.Ang Cluster Approach ang ginamit na batayan ng National DisasterCoordinating Council (NDCC) sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mgasakuna, kalamidad, at hazard sa Pilipinas. Ipinalabas nila noong ika-10 ng Mayo,2007 ang NDCC Circular No. 5-2007. Ito ay isang direktibo na nagpapatatag saCluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster Management System sa Pilipinas kungsaan ay magtatalaga ng pinuno ng bawat cluster (Cluster Leads) para sa tatlongantas: nasyunal, rehiyunal, at probinsiyal (tingnan ang pigura sa susunod Cluster Approach sa Disaster Management System sa PilipinasSa sistemang ito, mayroong namumuno para sa bawat antas ng pamahalaanna mayroong kinalaman sa Disaster Management. Magsisimula ito sa pamahalaangnasyunal. Mayroong mga mamumuno sa antas ng rehiyon at mayroon din para sabawat lalawigan. Sa ganitong paraan ay mas mapapadali ang pagtugon sa mgakalamidad sa iba’t ibang antas.8

Isang halimbawa ng paggamit ng cluster approach ang ginawa ng Albay noong2007. Ipinalabas nila ang Executive Order No. 01-2007 na bumuo sa Ayuda AlbayCoordinating Task Force. Ang task force na ito ang siyang namuno sa pagtugon atrehabilitasyon ng lalawigan matapos ang bagyong Reming. Ipinalabas din nila angExecutive Order No. 02-2007 na bumuo naman sa Albay Mabuhay Task Force namay layunin na ipatupad ang mas komprehensibong programa para sa pagtugon atrehabilitasyon ng Albay sa panahon ng kalamidad. Ipinatupad dito ang pagbuo ngiba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad sa Albay. Ang mgacluster na ito ay may tungkulin na: mamuno sa kanilang nasasakupan sa panahon ng panganib; tiyakin ang seguridad at suplay ng pagkain at mga pangunahingpangangailangan; paigtingin ang mga information campaign ukol sa paghahanda sa mgakalamidad; at payabungin ang mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.Ang mga hakbang na ito ng Albay ay nagdulot ng magagandang resulta. Isangpatunay nito ang pagdedeklara ng Albay ng zero casualty noong nanalasa angBagyong Glenda taong 2014. Pinatutunayan lamang nito na kung magiging maayosang sistema ng disaster management sa isang lugar ay mababawasan, kung hindiman maiiwasan, ang masasamang epektong dulot ng mga kalamidad. Isa pa sa susing tagumpay ng Albay ang partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan: mula saPamahalaan, mga Pribadong Sektor, NGOs at ng mga ordinaryong mamamayan sapagpaplano at implementasyon ng kanilang Disaster Management Plan.Dito makikita na mahalaga na wasto ang pagsasagawa ng mga unang bahaging Disaster Management Plan. Kung naisagawa ang mga paunang pagtataya saUnang Yugto na Disaster Prevention and Mitigation, naihanda ang mga mamamayansa Ikalawang Yugto na Disaster Preparedness at kung nakatugon ba sa Ikatlong9

Yugto na Disaster Response ay paniguradong mas maayos at mas madalingmaisasagawa ang muling pagbangon ng mga nasalanta ng kalamidad sa Ikaapat naYugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery.Unang Yugto:DisasterPrevention andMitigationIkalawangYugto: DisasterPreparednessIkaapat naYugto: DisasterRehabilitationand RecoveryIkatlong Yugto:DisasterResponseAng Apat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management PlanKaya naman, bilang tugon ng Kagawaran ng Edukasyon sa adhikain ngDisaster Risk Reduction and Management ay ipinalabas nito ang DepEd Order No.55, s. 2008. Ang atas na ito ay bumuo sa Disaster Risk Reduction Resource Manualna naging batayan upang magamit ng mga pampublikong paaralan sa bansa angmga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction and management.Itinuturo na rin ang mga konseptong ito sa Araling Panlipunan at MAPEH sa JuniorHigh School at sa asignaturang Disaster Readiness and Risk Reduction sa SeniorHigh School.10

PagyamaninA. Panuto: Punan ng mga impormasyon ang Venn Diagram sa ibaba na tumutukoyng kahulugan ng Rehabilitation at Recovery. Gamit naman ang mga kahulugang itoay bubuo ka ng sarili mong pakahulugan sa konsepto ng Disaster Rehabilitation andRecovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.RehabilitationRecoveryDisaster Rehabilitation and RecoveryB. Panuto: Lagyan ng ang patlang kung ang pahayag ay wasto at naman kunghindi wasto ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.1. Ang Disaster Rehabilitation and Recovery ay ang Ikaapat na Yugto ngDisaster Risk Reduction and Management Plan.2. Ang salitang rehabilitation ay tumutukoy sa pagbangon o paggaling.3. Ang recovery ay tumutukoy sa pagpapanumbalik sa dating anyo o gamit.4. Isa sa mga gawain sa disaster rehabilitation and recovery ang pagbabantaysa presyo ng mga pangunahing bilihin.5. Kailangang masiguro na sapat ang suplay ng pagkain, damit at gamot sapanahon matapos ang isang kalamidad.6. Layunin ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan ang mapanatili ang mga nasirang kalamidad sa isang lugar.7. Kinakailangan na mapanumbalik sa normal na daloy ang buhay ng mganasalanta ng kalamidad.8. Mahalaga ang bahagi ng paaralan upang mas mapabilis ang recovery ngisang lugar.11

9. Pinapayagan ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin matapos angkalamidad.10. Kabilang sa mga gawain sa Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan angpagkakaloob ng psychiatric services sa mga nasalanta ng kalamidad.C. Panuto: Punan ng mga angkop na impormasyon ang graphic organizer sa ibabaukol sa mga polisiya na may kaugnayan sa Disaster Rehabilitation andRecovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.Preliminary GuideNote ng IASCNDCC CircularNo. 5-2007Executive OrderNo. 01-2007 ng AlbayExecutive OrderNo. 02-2007 ng AlbayDepEd OrderNo. 55, s. 2008D.Panuto: Basahin ang mga pahayag sa HANAY A at alamin ang tinutukoy nito saHANAY B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa iyong sagutang papel.HANAY AHANAY B1. NagpakilalangClusterApproachnanaglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’tibang sektor ng lipunan sa pagtugon sa mgaepektong mga kalamidad2. Isang direktibo na nagpapatatag sa ClusterApproach sa pagbuo ng mga DisasterManagement System sa Pilipinas3. Bumuo sa Ayuda Albay Coordinating TaskForce4. Bumuo sa Albay Mabuhay Task Force5. Bumuo sa Disaster Risk Reduction ResourceManual na naging batayan upang magamit ngmga pampublikong paaralan sa bansa12a. DepEd Order No. 55,s. 2008b. Executive OrderNo. 01-2007c. Executive OrderNo.02-2007d. NDCC CircularNo. 5-2007e. PreliminaryGuidance Note ngIASC

E. Panuto: Punan ang Graphic Organizer sa ibaba ng mga angkop na impormasyonukol sa kahalagahan ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan: Disaster Rehabilitationand Recovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.Kahalagahan ngDisaster Rehabilitation and RecoveryF. Panuto: Lagyan ng kung ito ay kabilang sa mga gawaing mahalaga sapagsasagawa ng Disaster Rehabilitation and Recovery.1. Pamumuno sa kanilang nasasakupan sa panahon ng panganib.2.Pagsisiguro sa ahing3. Pagpapaigting ng mga information campaign ukol sa paghahanda sa mgakalamidad; at4. Pagpapayabong sa mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.5. Paniniguro na unang nabibigyan ng tulong ang mga kamag-anak ng mgaopisyales ng komunidad.6. Pagpapabaya sa nasasakupan pagkatapos ng isang kalamidad.7. Pananamantala sa inabandonang bahay dulot ng kalamidad.8. Muling pagpapaalala sa mga nararapat gawin kung sakaling may mgakalamidad na dadating.9. Paggabay sa mga mamamayan sa kanilang pagbangon mula sa mgapinsalang dulot ng kalamidad.10. Paggamit ng pondo sa Disaster Management sa ibang gastusin.13

IsaisipPanuto: Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng tatlong pangungusap. Isulatang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.1. Bakit mahalagang maisagawa ang disaster rehabilitation and recovery sa isanglugar na nasalanta ng isang kalamidad?2. Ano ang cluster approach at bakit ito inirerekomendang ipatupad matapos angmga kalamidad?3. Ano ang maitutulong mo matapos ang isang kalamidad?IsagawaPanuto: Ngayong natutuhan mo na ang lahat ng yugto sa pagbuo ng isang DRRMPlan, ilalapat mo na ang mga ito. Gagawa ka ng isang simpleng DRRM Plan para sakomunidad kung saan ka naninirahan. Narito ang kinakailangang nilalaman nggagawing plano:1. Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigationa. Hazard Assessment - Hazard Profiling at Hazard Mappingb. Vulnerability Assessmentc. Capacity Assessmentd. Risk Assessment2. Para sa Ikalawang Yugto - Disaster Preparedness, Ikatlong Yugto - DisasterResponse at Ikaapat na Yugto - Disaster Rehabilitation and Recoverya. makipanayam sa isang opisyal ng barangay na nakatoka sa BarangayDisaster Risk Reduction and Management. Maaaring ito ay sapamamagitan ng questionnaire o di kaya’y online na pakikipanayam14

(makipag-ugnayan muna sa guro sa pagsasagawa nito). Alamin angginagawa ng kawani ng inyong barangay sa panahon bago, habang atpagkatapos ng kalamidad. Kinakailangan na nilalaman nito ang mgakonseptong nakapaloob sa bawat yugto.3. Rekomendasyona. matapos mong makuha ang mga impormasyon sa Unang Yugto aygumawa ka ng sarili mong rekomendasyon sa kung ano ang nararapatgawin ng inyong barangay sa panahon ng kalamidad. Gamiting gabay angmga nakuha mong impormasyon sa Ikalawa hanggang Ikaapat na Yugto.Ang lahat ng ito ay pagsasamahin mo sa isang powerpoint presentation naipapasa mo sa iyong guro. Upang magabayan ka sa pagmamarka. Tingnan angrubric sa 32Angkop at maykaugnayan angmga datos sapaksa.Maykaugnayan sapaksaMay kaugnayansa paksangunit angibang datos aydi - angkop.Walangkaugnayan atdi - angkop.2. Bilang ngdatosHigit saitinakdangbilangNakasunod saitinakdangbilangMay ilangkakulanganMaramingkakulanagn3. Kayarian ngPowerPointPresentationMay kaigaigayangkayarian,artistiko,maayos angkabuuangginawa.May kaiga igayangkayarian,maayos angkabuuangginawa.Maayos angpagkaka-typesubalit diorganisado angmga slidesDi- maayos angpagkaka-typeat diorganisado angmga slides4. PagsusumiteNakapagsumitesa itinakdangaraw.Nakapagsumite sa tamangoras.Nakapagsumitengunit huli saitinakdangaraw.Higit sa 1linggo angkahulihan.Kraytirya1. Kalidad ngdatos15Pagtatangka1

TayahinPanuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.1. Pang-ilang Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan angDisaster Rehabilitation and Recovery?A. UnaB. IkalawaC. IkatloD. Ika-apat2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Disaster Rehabilitation and Recovery?A. Tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.B. Inihahanda ang mga mamamayan sa paparating na kalamidad.C. Gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan angmasamang epekto ng mga kalamidad.D. Tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad.3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ngDisaster Rehabilitation and Recovery?A. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.B. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mgapangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.C. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isangkalamidad.D. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isangkomunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mgapaparating na kalamidad.4. Si Jacob ay miyembro ng DRRM team na tumutulong upang maging maayos angimplementasyon ng DRRM Plan. Alin sa sumusunod ang HINDI niya dapat gawinsa yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery?A. Pagkukumpuni ng mga bahay.B. Pagkukulang sa suplay ng pagkain, damit at gamot.C. Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon.D. Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente.5. Alin sa sumusunod na gawain sa Disaster Rehabilitation and Recovery angginagawa upang maiwasan ang pananamantala ng ilang mga negosyante sa ilangmamimili?A. price freeze/controlB. psychosocial servicesC. relief operationsD. financial assistance16

6. Alin sa sumusunod ang komiteng nagpalabas ng Preliminary Guidance Note ukolsa paggamit ng Cluster Approach sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mgamamamayan sa panahon ng kalamidad?A. Inter-Agency Standing CommitteeB. International Committee on Disaster ManagementC. Committee on Disaster Response and CooperationD. Inter-Governmental Committee on Disasters7. Sa acronym na NDCC, ano ang ibig sabihin ng unang letrang C?A. CouncilB. CommitteeC. CoordinatingD. Commission8. Alin sa sumusunod ang pinagtibay ng NDCC Circular No. 5-2007 sa larangan ngDisaster Management System sa PIlipinas?A. Paggamit ng top-down approa

Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng

Related Documents:

Musika – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Sukat ng Pulso Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kar

Unang Markahan – Modyul 10: Komunikasyon ng Pamilya Unang Edisyon, 2020 . ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay . Ngayon ay nasa ikalawang aralin ka ng modyul na ito. Huwag m

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaro

Unang Markahan – Modyul 2: . 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng kar

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Katapatan sa Sariling Opinyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan

2 advanced bookkeeping tutor zone 1.1 Link the elements of the accounting system on the left with their function on the right. FINANCIAL DOCUMENTS BOOKS OF PRIME ENTRY DOUBLE-ENTRY SYSTEM OF LEDGERS TRIAL BALANCE FINANCIAL STATEMENTS 1 The accounting system Summaries of accounting information