Mahalaga Ang Aking Boto - California

3y ago
27 Views
2 Downloads
1.70 MB
53 Pages
Last View : 9d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Jacoby Zeller
Transcription

Mahalaga ang Aking BotoPlano ng California sa Pagboto sa ika-21 Siglomga karapatanng ibaSekretar yo ng Estado KEVIN S HELLEYwww.myvotecounts.orgHAVA: Batas para Tulungang Bumoto ang Amerika(HAVA: Help America Vote Act)

MAHALAGAPLANONGCALIFORNIAANGSAAKING BOTO :PAGBOTOSA I K A - 2 1S IGLO

MGA NILALAMANPAGSASABUOD NG TAGAPAGPAGANAP1PANIMULA3PANGKALAHATANG-TANAW6UNANG SEKSIYON: PAGSUNOD SA MGA INIAATAS NG TITULO III9IKALAWANG SEKSIYON: PAMAMAHAGI NG KABAYARAN SA MGA INIAATAS18IKATLONG SEKSIYON: EDUKASYON NG BOTANTE, PAGSASANAY NG OPISYAL SA ELEKSIYON,AT PAGSASANAY NG MANGGAGAWA SA BOTOHAN19IKAAPAT NA SEKSIYON: MGA PATNUBAY AT PROSESO NG SISTEMA NG PAGBOTO22IKALIMANG SEKSIYON: PAMAMAHALA NG PONDO NG HAVA23IKAANIM NG SEKSIYON: BADYET24IKAPITONG SEKSIYON: PAGPAPANATILI NG PAGSISIKAP28IKAWALONG SEKSIYON: MGA HANGARIN AT HAKBANG SA PAGGANAP29IKASIYAM NA SEKSIYON: MGA PAMAMARAAN SA REKLAMONG PAMPANGASIWAAN NANAKABASE SA ESTADO30IKASAMPUNG SEKSIYON: EPEKTO NG MGA KABAYARANG TITULO I31IKALABING-ISANG SEKSIYON: PAMAMAHALA NG PLANO NG ESTADO NA HAVA32IKALABINDALAWANG SEKSIYON: MGA PAGBABAGO SA PLANO NG ESTADO MULA SANAUNANG TAON NG PANANALAPI33IKALABINTATLONG SEKSIYON: KOMITE SA PAGBUO NG PLANO NG ESTADO34MGA MIYEMBRO NG KOMITE SA PLANO NG ESTADO37MGA TALANG PANDULO47

PAGSASABUOD NG TAGAPAGPAGANAPSetyembre 2003Ang Demokrasya sa Amerika ay nasa krus na daan. Ang pagtitiwalang botante sa proseso ng pagboto ay nasira ng karanasan sa Florida noongNobyembre 2000. Ang paglahok sa Pangkalahatang Eleksiyon ngNobyembre 2002 sa buong bansa ay tinantiyang 39.9 na porsiyentolamang.1 (Tingnan ang mga talang pandulo) Maraming mamamayan ngayonna nakadarama ng kawalan ng kaugnayan sa proseso ng pagboto.Bilang tugon sa mga krisis sa tiwala at paglahok ng botante, ipinasang Kongreso at pinirmahan ng Presidente ang Batas ng 2002 Para Tulunganang Amerika na Bumoto ("HAVA") noong Oktubre 2002. Ang pederal nabatas na ito ay maraming hiniram sa mga hakbang ng California upangibalik ang tiwala ng botante at bigyang-daan ang paglahok, kabilang angpagsasamoderno ng kagamitan sa pagboto. Ang California ay nanguna sapagsisikap na ito sa pamamagitan ng Shelley-Hertzberg na Batas sa Bonong 2002 Para sa Pagsasamoderno ng Pagboto, Panukala 41, pinagtibay ngmga botante noong Marso 2002.Ang California, gayunman, ay may sariling krisis sa paghalal, gaya ngpinatutunayan ng nakakagulat sa babang pagboto ng 36 na porsiyentolamang ng ating mga karapat-dapat na mamamayan sa mga botohan nitongnakaraang Nobyembre. Bilang Sekretaryo ng Estado, wala akong priyoridadna mas mataas pa sa pagbabalik ng tiwala ng botante sa integridad ngproseso ng pagboto at pagtataas ng paglahok ng mga may-kaalamangbotante. Upang isulong ang mga layuning ito, humirang ako ng 24 namiyembrong Komite sa Pagpapayo, binubuo ng magkakaiba, kumakatawansa mga taga-California, upang tulungan ako sa paggawa ng plano para sapagboto sa ika-21 Siglo.Ang Komite ay nagsagawa ng limang pampublikong pagdinig - sa LosAngeles, San Diego, San Francisco, Fresno at Sacramento. Narinig naminang higit sa 250 taga-California na nagbahagi ng kanilang mga ideya tungkolsa kung paaano gagawin ang proseso ng pagboto na mas madali at masligtas at kung paano pinakamahusay na maipatutupad ang mga probisyonng HAVA sa ating estado na walang-katulad ang sukat at binubuo ng ibaibang tao.Noong ika-17 ng Hunyo, 2003, inihanda ko para sa pagsisiyasat atkomentaryo ng publiko ang aking Preliminaryong Plano, naglathala ngpaunawa tungkol dito. Pagkaraan, nagpalabas ako ng pabalita nahumihiling ng pagsisiyasat at komentaryo, naglagay ng isang kopya ngPreliminaryong Plano sa Ingles at Espanyol sa aking opisyal na website atnagpadala ng mga kopya sa mga interesadong indibidwal at organisasyon.Ang Preliminaryong Plano ay namalaging ipinapakita sa publiko hanggangika-17 ng Hulyo, 2003. Tumanggap ako ng 53 nakasulat na komentaryotungkol sa Preliminaryong Plano.Ang testimonya at kontribusyon ng publiko mula sa mga miyembro ngKomite sa Pagpapayo ay malaki ang naitulong sa paggawa ng akingPreliminaryong Plano. Sa paghahanda ng Pangwakas na Plano, maingatkong isinaalang-alang ang testimonya ng publiko at ang kontribusyon mulasa mga miyembro ng Komite sa Pagpapayo at isinaalang-alang ko ang mgakaragdagang komentaryo ng publiko at ng Komite sa Pagpapayo bilangtugon sa aking Preliminaryong Plano. Ang Pangwakas na Plano aynagpapakita ng kontribusyon at mga komentaryong ito.Ang "Mahalaga ang Aking Boto" ay isang masaklaw na mapa upangibalik ang tiwala ng botante, isang pangangailangan para sa mas mataas napaglahok. Ang "Mahalaga ang Aking Boto" ay nagdedetalye kung paanoipatutupad ng California ang HAVA bilang bahagi ng ating patuloy na hamonupang gawin ang ating proseso ng pagboto na mas pantay, mas madalinggamitin at mas ligtas. Ang bawat karapat-dapat na mamamayan ay dapatmakapagsabi ng "Mahalaga ang Aking Boto" at alam na ito ay totoo. Angaking plano ay nananawagan para sa: Pagsasamoderno ng kagamitan sa pagboto. Ang mga makina sapagboto na punch card (binubutasang kard) ay papalitan. Pagiging madaling puntahan ng lahat ng lugar na botohan para samga indibidwal na may mga kapansanan o nangangailangan ngtulong sa wika. Ang bawat lugar na botohan ay magkakaroon ng kahitisang kagamitan sa pagboto na touch screen (pagsagi sa tabing). Pagpapahusay ng proseso ng pansamantalang boto ng California.Malalaman ng mga bumoto ng pansamantalang balota kung angkanilang mga boto ay ibinilang. Pagpapabuti ng impormasyong ibinigay sa mga botante.Makakatanggap ang mga botante ng mas maraming impormasyon sakanilang mga lugar na botohan at sa iba pang lugar. Pagpapabuti ng pambuong-estadong tipunan ng impormasyon ngpagpaparehistro ng botante. Pagpapalawak ng mga pagsisikap ng California upang ipagbigayalam sa mga karapat-dapat na mamamayan ang tungkol saproseso ng pagboto. Mas malaking pagsisikap ang gagawin upangmaabot ang mga karapat-dapat na mamamayan, kabilang ang mgakabataan, tungkol sa pagboto. Pagtataas ng edukasyon at pagsasanay ng mga opisyal sa mgaeleksiyon at mga manggagawa sa botohan. Ang mga opisyal sa mgaeleksiyon, kabilang ang mga manggagawa sa botohan, ay tatanggapng higit na edukasyon at pagsasanay. Pagpapabuti ng pamamaraan sa reklamo ng California. Angkasalukuyang pamamaraan sa reklamo ng California tungkol mgapaglabag umano sa batas sa mga eleksiyon ay gagawing pormal atmas madaling gamitin.Ang pagpopondo sa plano ay batay sa mga pondong inawtorisa ng HAVAat Panukala 41. Sa panahong ito, ang eksaktong gastos sa pagpapatupad ayimposibleng matiyak. Sa mga pagkakaiba ay kabilang ang halaga ng peranginilaan ng Kongreso sa mga susunod na taon at sa mga paraan ngpagpapatupad na ipinasiyang pinakamabisang paggasta. Lahat ng paggastaay napapailalim sa mahihigpit na pamamaraan ng pederal na pagsusuri.Determinado akong gawin ang "Mahalaga ang Aking Boto" napraseng naglalarawan ng pinakabuod ng pagboto sa California.KEVIN SHELLEYSekretaryo ng Estado1

PANIMULAAng California ay inilalarawan sa mga mga katangiangnangunguna, una sa mga estado sa populasyon, enerhiyangpangkabuhayan at mayamang pagkakaiba-iba sa kultura, etniko atwika. Sa maraming henerasyon ito ay magneto, umaakit ng mgaabenturista, nagbabakasakali at mga mapangarapin sa lahat ng dakong mundo na pumunta sa mga lambak nito, mga bundok at baybaydagat sa paghahanap ng mas mabuting buhay para sa kanila at parasa kanilang mga anak. At para sa marami, ang salawikain ng estado,Eureka - "Natagpuan ko ito" - ay nagsasabi ng lahat. Tunay, natagpuanng marami at patuloy na natatagpuan ng marami na ang California aylupa ng pagkakataon.Ang sistema ng paghalal sa California ay nagpapakita ngnatatanging sukat at pagkakaiba-iba ng estado. Ito ay may populasyonng bumobotong edad na mga 21,588,461,2 nagbibigay sa California ng53 puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan at higit sa 10 porsiyentong mga puwesto sa Kolehiyong Panghalal. Ang mga pederal naeleksiyon ay isinasagawa ng 58 county ng estado sa ilalim ngpamamahala ng Sekretaryo ng Estado ng California, na naglilingkodbilang Punong Opisyal sa mga Eleksiyon.3 Ang county na maypinakamaraming tao sa California, Los Angeles, ay ang pinakamalakinghurisdiksiyon sa pagboto na may populasyon ng nasa edad parabumoto na 5,541,908, habang ang pinakamaliit na county, Alpine, aymayroon 919 lamang na taong nasa edad para bomoto.4Ang pagsasagawa ng walang-maling eleksiyon sa California aymahirap, ginagawang mapanghamon dahil sa maraming pangyayari nanagaganap sa California at mga repormang idinisenyo upang palawakinang pagkakataon sa paglahok ng mamamayan sa prosesongpampulitika. Kabilang dito ang:BILANGNG MGAPRESINTOAng California ay may mga 25,000 presinto. Ang paglalagay ng mgatauhan sa mga lugar na ito na botohan para sa mga eleksiyon sa buongestado ay nangangailangan ng higit sa 100,000 maaasahan, sanay namga manggagawa sa botohan sa mga lugar na maginhawa at madalingpuntahan. Ang pagkuha at pagsasanay ng sapat na manggagawa sabotohan, at paglalagay ng mga angkop na botohan ay patuloy nahumahamon sa mga opisyal sa mga eleksiyon ng California.MGA MATERYALSAELEKSIYONSa bawat pederal na eleksiyon sa buong estado, ang California aynagpapadala sa bawat sambahayang may nakarehistrong botante ngisang Pamplet ng Balota ng California na may impormasyon tungkol samga panukalang-batas sa balota, mga kandidato na pambuong-estado,kuwalipikadong partidong pampulitika at ibang mga bagay. Bilangkaragdagan, ang bawat botante ay tumatanggap mula sa mga lokal naopisyal sa mga eleksiyon ng isang halimbawang balota, isang lokal napamplet ng balota, at ibang impormasyon. Ang mga karagdagangmateryal sa eleksiyon ay makukuha sa mga opisyal na website saeleksiyon at sa mga lugar na botohan. Ang paghahanda at pagkakaloobng mga materyal ay mahirap at ang pagsusuri ng materyal ay maaaringmagpahirap sa ilang botante.PAGIGING MASALIMUOT NG BALOTAAng California ay kilala sa pagkakaroon ng masalimuot na balota. Angmga balota ng California ay madalas na mahaba, dahil sa maramingpanukalang-batas at mga pinaglalabanang posisyon na inihaharap samga botante, at marami ring partidong pampulitika na kuwalipikadonglumahok sa mga eleksiyon sa California. Ang pagiging masalimuot ngbalota ay may tuwirang epekto sa paglahok ng botante, ginagawangkumplikado ang mga pagsisikap na humimok ng paglahok ngmamamayan sa mga botohan.LIBU-LIBONG MAGKAKAIBANG URI NG BALOTASa isang primaryang eleksiyon na pambuong estado, ang mga opisyalsa mga eleksiyon ng California ay dapat bumuo ng higit sa 60,000magkakaibang uri ng balota. Kaya malaki ang panganib na magkaloobng di-tamang uri ng balota sa sa isang botante.HEOGRAPIYAAng California ay may ilan sa pinakaurban at pinakarural na lugar sabansa. Ang mga lugar na maraming tao tulad ng San Francisco ay ibangiba sa mga bukas na kalupaan ng County ng Modoc o ng mga gubat ngCounty ng Trinity o ng mga disyerto ng County ng San Bernandino, angpinakamalaking county batay sa heograpiya sa bansa. Ang mga prosesong eleksiyon ay nagpapakita ng heograpikong pagkakaiba-iba,hinahamon ang mga opisyal sa mga eleksiyon at mga botante.Mahalaga ang Aking Boto: Plano ng California sa Pagboto sa ika-21 Siglo 3

“Ang HAVA ay puwede at dapat ipatupad at ipatutupad sa California bilang patuloy nahakbang para maging mas pantay ang proseso ng paghalal, mas madaling magamit, atmas ligtas para masabi ng bawat karapat-dapat na mamamayan na 'Mahalaga ang AkingBoto' at alam na totoo ito.MGA SISTEMA”NG– Sekretaryo ng Estado ng California Kevin ShelleyPAGBOTOPagdating ng ika-24 ng Disyembre, 2002, may 19 na kompanya na ang23 sistema ng pagboto ay sertipikado para gamitin sa California. Samga ito ay kabilang ang tatlong basikong kategorya ng mga sistema:Optical Scan, DRE/Touchscreen, at Punch Card. Ang isang county aymalayang gumamit ng anumang sertipikadong sistema,humahantong sa malawakang pagkakaiba-iba sa mga county atmaging sa loob ng mga county, na madalas na gumagamit ng isangsistema sa mga lugar na botohan at at ibang sistema sa pagbilang ngmga balota ng nagpapadala lamang. Ang maraming sistema ayginagawang kumplikado ang pagsasanay ng mga manggagawa sabotohan, ginagawa ang pagtuturo sa mga botante at tagapagbalita namahirap at madalas na nalilito ang mga botanteng lumipat ng county.MAAGANG PAGBOTOAng mga taga-California ay maaaring magsimulang bumoto sapamamagitan ng koreo o nang personal sa iba-ibang opisina saeleksiyon 29 araw bago ang eleksiyon. Itong maagang pagboto aynagbabawas ng takdang panahon ng paghahanda ng mga opisyal samga eleksiyon, may tuwirang epekto sa istratehiya sa kampanya atlumilikha ng mga karagdagang mapipili sa mga botante ukol sapanahon ng kanilang pagboto.MGA PARTIDONG PAMPULITIKASa kasalukuyan, ang California ay may pitong partidong pampulitikana kuwalipikadong lumahok sa mga primaryang eleksiyon. Angnakasarang primarya ng California ay nangangahulugan na ang mgabalota para sa isang partido ay dapat ihanda sa mga primaryangeleksiyon para sa mga botanteng nagparehistro sa bawat partido. Angmga botanteng tumangging sumapi sa isang partidong pampulitika aymakakapiling bumoto sa mga primaryang eleksiyon sa mgapanukalang-batas lamang at sa mga di-partidistang kandidato, ohumiling ng isang balota para lumahok sa proseso ng nominasyonpara sa partikular na partidong pampulitika.MGA PANSAMANTALANG BALOTAMula noong mga taon ng 1980, ang batas ng California aynagpapahintulot sa isang botante na ang karapatang bumoto ay hindikaagad matiyak sa isang lugar na botohan na bumoto ng isangpansamantalang balota. Sa Pangkalahatang Eleksiyon ng 2002, may200,000 pansamantalang balota na ibinoto. Tinatantiya na 60porsiyento lamang ng mga pansamantalang balota ang naibilang. Angpansamantalang pagboto ay nagpapahintulot sa pagharap sa mgapagtatalo pagkatapos ng Araw ng Eleksiyon pero ito ay nagtataas dinng pangangailangan ng karagdagang pagsasanay ng mgamanggagawa sa botohan, mas higit na edukasyon sa mga botanteukol sa proseso ng pansamantalang pagboto, at maaaring umantalasa pag-uulat ng resulta ng mga eleksiyon.PAGBOTO-SA -KOREODumarami ang mga bumoboto sa pamamagitan ng koreo sa halip napersonal na bumoto. Sa Pangkalahatang Eleksiyon ng Nobyembre2002, higit sa 27 porsiyento ng mga botante ang bumoto sapamamagitan ng koreo, kumpara sa kulang sa tatlong porsiyento ngmga botante noong 1962. Ang isang bagong batas5 nanagpapahintulot sa mga botante na maging "permanentengbotanteng nagpapadala lamang" ay nangangahulugan na dumaramiang mga botante na permanenteng bumoboto mula sa bahay. Angpagboto sa pamamagitan ng koreo ay nagsusulong ng takdangpanahon para sa mga opisyal sa mga eleksiyon upang maghandapara sa isang eleksiyon, madalas na nangangailangan ng sistema ngpagbilang ng boto na iba sa ginagamit sa mga personal na pagboto,at kung minsan ay nag-aantala sa pagpapahayag ng resulta ng mgaeleksiyon dahil maraming balota na ibinoto sa pamamagitan ng koreoay binibilang pagkaraan ng araw ng eleksiyon. Ang mga isyung ito aynakakaapekto sa mga botante sa ibang bansa at militar na, sa ilalimng batas ng California, ay karapat-dapat sa espesyal na katayuan ngnagpapadala lamang at puwedeng humiling ng balota 60 araw bagoang eleksiyon.PAGKAKAIBA -IBANGWIKAUpang matiyak na ang lahat ng mamamayan ay makakalahok sa prosesong eleksiyon at alinsunod sa Pederal na batas, ang mga materyal saeleksiyon ay ginagawa at ang binibigkas na tulong ay ipinagkakaloob saiba-ibang wika. Halimbawa, ang County ng Los Angeles ay nagkakaloobng mga balota, halimbawang balota, at ibang mga materyal, gayon dinng binibigkas na tulong sa pitong wika: Ingles, Intsik, Hapon, Koreano,Espanyol, Tagalog at Biyetnames. May mga hurisdiksiyon, bilang tugonsa lokal na pangangailangan, na nagkakaloob ng nakasulat at binibigkasna tulong sa ibang mga wika. Ito ay nagdaragdag sa mga hamon ngpagsasagawa ng walang-maling eleksiyon.4 Mahalaga ang Aking Boto: Plano ng California sa Pagboto sa ika-21 Siglo

Kasama ng mga hamon, gayunman, ang mga pagkakataon. AngCalifornia ay nangunguna sa pagreporma sa sistema ng paghalal. Angtotoo, marami sa mga probisyon sa pederal na Batas ng 2002 ParaTulungan ang Amerika na Bumoto - HAVA6 -ay batas na, regulasyon opamamaraan sa California. Halimbawa: Ang California ay nagtadhana ng pagpaparehistro sapamamagitan ng koreo noong 1975 at pagboto sa koreo kunghihilingin noong 1978; Ang California ay nagtadhana ng permanenteng pagboto ngnagpapadala lamang noong 2000; Ang mga taga-California ay nagpatibay ng Panukala 41 noongPrimaryang Eleksiyon ng 2002, idinisenyo upang bahagingpondohan ang pagpapalit ng tinustusan nang punch card na mgamakina sa pagboto sa California; Ang California ay may pambuong-estadong tipunan ngimpormasyon ng pagpaparehistro ng botante, tinatawag naCalvoter; Ang California ay nagpapahintulot na itama o palitan ang mgabalota bago iboto; Ang mga pansamantalang balota ay ginagamit sa California mulapa noong mga taong 1980; Ang pambuong-estadong pamamaraan sa reklamo sa paggawang mga paratang tungkol sa mga paglabag sa mga batas saeleksiyon ay naitatag na, kabilang ang walang-bayad na numerong telepono, 1-800-345-VOTE, para sa pagreklamo; Ang malawakang pagsisikap ay ginagawa upang bigyang-daanang mga mamamayan mula sa mga komunidad na maykapansanan at minoryang wika.Gayunman, marami pang dapat gawin, gaya ng inihantad ngbilang ng mga bumotong taong nasa edad ng pagboto na kulang sa 37porsiyento sa pinakahuling eleksiyon sa buong estado noongNobyembre 2002. Ang pagpapabalik ng tiwala sa integridad ng sistemang paghalal ay mahalaga para ibalik natin ang mga botante sa mgabotohan. Kung wastong maipatutupad, ang HAVA ay puwedeng magingbatong panulok ng mga pagsisikap ng California upang muling iugnayang mga mamamayan sa proseso ng paghalal. Sa kabilang banda,gaya ng sinabi ng isang prominenteng komentarista sa isangpampublikong pagdinig kamakailan tungkol sa reporma sa eleksiyon,hindi natin dapat hayaan ang HAVA na maging Batas Para Saktan angPagboto ng Amerika.Tunay, ang HAVA ay puwede at dapat ipatupad at ipatutupad saCalifornia bilang patuloy na hakbang upang gawing mas pantay angproseso ng paghalal, mas madaling magamit, at mas ligtas paramasabi ng bawat karapat-dapat na mamamayan na "Mahalaga angAking Boto" at alam na ito ay totoo.Kung wastong ipatutupad, ang HAVA ay puwedeng magsulong ngmga pagsisikap na repormahin ang paraan ng mga eleksiyongginagawa sa California at dalhin tayo na isang hakbang na mas malapitsa araw na: Bawat karapat-dapat na mamamayan, kabilang ang maykapansanang pisikal at limitado ang kasanayan o hindikomportable sa wikang Ingles, ay makakaboto nang pribado, ligtasat independiyente sa mga botohan, sa bahay, sa mga bilihan atibang mga pampublikong lugar sa o bago ang Araw ng Eleksiyon; Bawat opisyal sa eleksiyon at manggagawa sa botohan ay lubosna sinanay at dedikado sa pagtiyak na ang bawat karapat-dapatna mamamayan ay tinatrato nang may paggalang, at makakabotonang madali at ligtas; Bawat karapat-dapat na botante ay tumatanggap ng nakasulat atbinibigkas na impormasyon tungkol sa mga kandidato,panukalang-batas at ang proseso ng pagboto ay nasa payak,tumpak na katawagan at sa mga wikang maiintindihan nila; Ang mga botante ay sinasabihan ng kanilang mga karapatan bagoang pagboto, kapag bumoboto sila at pagkatapos nilang bumoto; Ang pagpaparehistro ng botante ay magagawa on-line; Ang mga makina ng pagboto ay madaling gamitin at walangmaling nakukuha at naiuulat ang layunin ng botante; Ang mga batang botante ay kalahok sa proseso ng paghalal bilangmga botante, manggagawa sa botohan, at interesadongmamamayan, na may edukasyon tungkol sa proseso ng pagbotomula sa murang edad; Sinumang karapat-dapat na botante ay puwedeng bumoto ngisang angkop na inayos na balota sa alinmang presinto saanmansa estado o ibang angkop na hurisdiksiyon sa Araw ng Eleksiyon; Ang mga botante nasa ibang bansa at militar ay puwedengbumoto nang maginhawa at ligtas saanman sila naroroon; Walang karapat-dapat na ma

sa kung paaano gagawin ang proseso ng pagboto na mas madali at mas ligtas at kung paano pinakamahusay na maipatutupad ang mga probisyon ng HAVA sa ating estado na walang-katulad ang sukat at binubuo ng iba-ibang tao. Noong ika-17 ng Hunyo, 2003, inihanda ko para sa pagsisiyasat at komentaryo ng publiko ang aking Preliminaryong Plano, naglathala ng

Related Documents:

Ang Harvestime International Institute curriculum ay nakatuon kung ano ang itinuro Ni Jesus upang ihanda ang mga lalaki at babae para maabot ang mundo ng Ebanghelyo. Ang isa sa dakilang katotohanan na Kanyang ipinahayag ay ang Dios ay nangungusap sa tao: Ako ang mabuting pastor: at nakikilala ko ang sariling akin, at ang

Ang mga Paglalakbay ni Juan Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda) Ang Unang Unggoy Ang Alamat ng Palay Ang Pinagmulan ng Lamok Kung Paano Yumaman si Jackyo Ang Anting-anting ni Manuelito Ang Gamugamo at Ang Liwanag Kung Bakit Gusto ng Bagobo ang Pusa Mga Kuw e

4. Isang tao ang may kapangyarihan na kung tawagin ay reyna, emperador, hari, sultan at ang bansa ay tinatawag na kaharian. 5. Mahalaga ang pamantayang mayorya at iginagalang ang bansa ng minorya. 6. Ang kapangyarihan ay nanggaling sa masa. 7. Ang namumuno ay maaaring manggaling sa anumang antas ng lipunan. 8.

9! Ang paggawa ng “Ikaw ang Aking Bayani” Ang aklat na ito ay isang proyektong binuo ng Sangguniang

Panatang Makabayan ng 1955 Sa ‘Panatang Makabayan’ ng 1955, panunumpa natin sa watawat ng Pilipinas noon ang ganito, Panatang makabayan Iniibig ko ang Pilipinas, Ito ang aking lupang sinilangan. Ito ang tahanan ng aking lahi. Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulun

kasapi ng pamilya ay may kanya-kanyang gampanin, kaya't ang bawat isa ay mahalaga. Pangunahing Tanong: Bakit mahalaga ang bawat kasapi ng pamilya? Ika-21 Siglong Kasanayan: Epektibong napauunlad, naipatutupad, at naibabahagi ang mga bagong ideya sa iba. Mga Kagamitan: Puzzle Ikalawang Markahan, Baitang 1, Karagdagang Aralin 2 5

pangahas na ito; kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng dakilang katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban, ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban. “Kayong lahat ay magkak

Operation Guide for the Mercedes-Benz GLA/CLA This is a basic operation guide for those who are driving the Mercedes-Benz GLA/CLA vehicle for the first time. Please read this guide before you leave the rental office if you are not familiar with operation. For more information about the vehicle, please read the instruction manual. Basic Operations to Note Before Driving the Vehicle Starting .