PAG-BLACKLIST SA MGA TIWALING KANDIDATO: KOREA

3y ago
47 Views
2 Downloads
346.15 KB
59 Pages
Last View : 3m ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Sutton Moon
Transcription

PAG-BLACKLIST SA MGATIWALING KANDIDATO:KOREABlacklisting Corrupt Candidates: KoreaShaazka BeyerleChapter 3 from ‘Curtailing Corruption’Lynne Rienner PublishersTranslation: Xavier Roel Alvaran, June 2018

IKALAWANG BAHAGILAKAS NG BAYAN KONTRA KATIWALIAN:MGA PAGSUSURI NG KASO61

KABANATA 3PAG-BLACKLIST SA MGA TIWALING KANDIDATO: KOREA(isinalin ni Xavier Roel Alvaran)Kung umangat ang isang tao sa mataas na opisinang pampolitika, may husto nang salapiang kaniyang pamilya para sa tatlong henerasyon.1(Lumang kasabihang Koreano)Mga tiwaling politiko, mga nasirang pangako ng pagbabago, mga sikretong kasunduan, mgakomportableng relasyon na may mga espesyal na interes, at mga kalunos-lunos na pagpapasiyasa araw ng halalan – ang mga ito ay ang mga pamilyar na reklamong makikita sa mgademokrasya at pati na rin sa mga sistemang awtoritaryano kung saan kadalasang dinudumihanlamang ng mga diktador ang mga sandigan ng halalan. Ngunit ano ang maaaring gawin ng mgakaraniwang tao bukod sa silakbo ng galit, kawalan ng pakialam o pagboto sa bulok na mansanassa sisidlan nito? Noong 2000, naglunsad ang mga sibikong pinuno at mamamayang Koreano ngsarili nilang kampanya upang pigilin ang laganap, at matagal nang nakatirik na mga politikomula sa pagtakbo para sa opisina, at mapabuti ang pangkalahatang kalidad ng mga kandidato sabalota para sa ika-16 na Pambansang Kapulungan.2KontekstoNoong 1970, apat na dekada bago mamatay sa isang trahedya si Mohamed Bouazizi sa Tunisiamatapos niyang sunugin ang sarili, ginawa ni Chon T’ae-il, isang batang manggagawa sapagawaan ng tela sa Timog Korea, ang parehong aksiyon at sinapit ang katulad na tadhana.3 Sa62

bawat kaso, minarkahan ng kanilang pag-alay ng sarili ang simula ng kilusan ng demokrasyangpinamumunuan ng mga sibilyan. Mahaba at nakahahapo ang daan patungong demokrasya ngKorea. Mula 1948, dumanas ang bansa ng sunod-sunod na diktadura sa pagdaan ng mga dekada.Noong 1987, sa pamumuno ng mga grupo ng mga mag-aaral at mga unyon, kumilos ang milyonmilyong mamamayan sa simula noo’y tinawag na Demokratikong Pag-aalsa ng Mamamayan ngIka-10 ng Hunyo.4 Sa mga sumunod na taon, maraming beterano ng pakikibakang ito angnagpatuloy upang maging mga pinuno ng mga organisasyon ng lipunang sibil na nakatuon samga repormang pampolitika at pang-ekonomiya upang palitan ang luma’t tiwaling sistema,palakasin ang mga institusyong demokratiko, at pagkaisahin ang representatibong pamahalaan.Nanguna sa mga sibikong organisasyong ito ang Peoples’ Solidarity for Participatory Democracy(PSPD), Citizens’ Coalition for Economic Justice (CCEJ), Korean Federation for EnvironmentalMovements (KFEM), at Green Korea United (GKU).Tulad ng marami pang ibang bansa na bumabangon pa lamang mula sa pamumunongawtoritaryano, naging lubhang mahirap na tuldukan ang katiwalian. Ang krisis-pinansiyal ngbansa noong 1997, na sinundan ng mabigat na pagbagsak ng pananalapi, ang naglantad ngkawalan ng kompetensiya at kakulangan sa kakayahan sa paglilingkod at ang pangkalahatangkawalan ng katapatan sa mga politikal na sistema.5 “Responsibilidad ang krisis ng mgapolitikong nagpapagalaw ng mga pisi ng mga sistemang pang-ekonomiya (The crisis was theresponsibility of the politicians who were pulling the strings of the economic system),” ayon kayKim Young-rae, eksperto sa agham pampolitika.663

Suklam na suklam na ang publiko. Habang dinaranas nila ang mga epekto ng pagbagsak ngekonomiya, ginalit sila ng serye ng mga eskandalo, na puno ng katiwalian sa iba’t ibang sektor,mga pag-abuso ng kapangyarihan at mga pribilehiyo, at suhulang kinabibilangan ng mgapolitiko, matatandang opisyal, mga banko, at mga chaebol, ang huli’y tumutukoy sa mgamalaking samahan ng mga negosyo na may malapit na ugnayan sa mga personalidad sa politikaat estado.7 Patagong nagkakamkam ng mga pondo ang kapwa partido ng administrasyon atoposisyon. Pinatumba ng mga mambabatas ang mga pagsisikap na repormahin ang mga Batas saHalalan at mapigil ang politikal na pagpopondo. Ginamit, o kung iisipi’y inabuso, nila angkanilang imyuniti para pahinain ang mga pagsisiyasat. Tila ba walang gana ang pagpapatupad ngbatas na ungkatin ang mga iregularidad sa politika.8 Nakilala ang lehislatibong sangay ng Koreabilang “di-matablang-bala (bullet-proof)” at “hungkag (brain dead)” na PambansangKapulungan.9 Kinalaunan, naging hinuha ng ilang mga sibikong pinuno na, “ang katiwalian saKorea ay lubhang seryoso na naging ito ang nangungunang balakid na humahadlang sakaunlaran ng lipunang Koreano (corruption in Korea was so serious that it was the foremostobstacle hindering the progress of Korean society).”10 Sa panahong papalapit na ang mga halalanpara sa Pambansang Kapulungan (parlamento) ng Abril 2000, nawalan na ng tiwala ang publikosa mga politiko, mga politikal na partido, at ang kabuuang politikal na sistema.11Kampanya: “Ipalit Natin sa Lumang Politika ang Lakas ng Mamamayan”12Mga pinagmulan. Naging pangunahin sa mga pagsisikap ng lipunang sibil na pagkaisahin angdemokrasya ng Korea sa mga repormang pampolitika at laban sa katiwalian. “Sinundan ngkilusang kontra-katiwalian ang mga demokratikong pagkilos ng mga nakaraang dekada (The64

anti-corruption movement succeeds the democratic movements of the past decades),” wika niGeo-sung Kim, isang beterano ng kilusang pang-demokrasya at Tagapangulo ng TransparencyInternational Korea.13Naglunsad ang PSPD, na itinatag noong 1994, ng serye ng mga sibikong inisyatiba noongdekadang iyon, mula sa Transparent Society Campaign noong 1996, upang makapagpasa ngmatibay na batas na kontra-katiwalian, hanggang sa Sunshine Project noong 1998, na isinulongna mabago ang umiiral na Freedom of Information Act, mapalakas ang paggamit nito, atmaibisto ang mga di-wastong paghawak sa badyet.14 Noong simula ng dekada ’90, nagsimulaang mga organisasyon ng lipunang sibil na manmanan ang mga maykapangyarihan, na noonguna’y para sa patas ng mga halalan at mga inisyatiba sa “pagmanman ng munisipal na kongreso(municipal congress watch).15 Noong 1999, dinala ng isang koalisyong binubuo ng 40organisasyon, kabilang ang nabanggit na PSPD, CCEJ, KFEM, at ang Korean Women’sAssociations United (KWAU), ang taktikang ito sa isang panibagong antas. Noong ika-8 ngSetyembre, inilunsad ang “Pagbubuklod ng mga Mamamayan para sa Pagmanman saInspeksiyon ng Pambansang Kapulungan ng mga Tanggapan ng Pamahalaan (Citizens’Solidarity for Monitoring the National Assembly Inspection of Government Offices)” upangmaitala ang pagdalo sa mga sesyon ng mga mambabatas, magsagawa ng ebalwasyon na kanilangpagganap sa tungkulin, at siyasatin kung ang listahan nila ng 166 na “planong reporma (reformtasks)” ay sapat na tinutugunan sa mga komite.16 Nang harangin ang mga tagamanman – mgaeksperto ng lipunang sibil na may kaugnay na karanasang propesyonal – mula sa pagdalo sa mgasesyon, idinagdag ng koalisyon ang mga demonstrasyon sa lansangan at ang mga komunikasyonsa telepono, fax, at e-mail sa mga sandata nito, na sama-samang nakakuha ng atensiyon ng media65

at nakalikha ng debateng pampubliko. Noong ika-20 ng Oktubre, nagtapos ang kampanya nainilalathala ang isang ulat na hinahatulan ang ranggo ng mga mambabatas batay sa husay ngkanilang pagganap sa tungkulin. Gayunpaman, hindi nagtagumpay ang inisyatiba na makakuhang kumpletong akses sa mga pagdinig ng Pambansang Kapulungan. May hindi inaasahangepekto ang ipinagpapalagay na kabiguang ito. Ayon kay Taeho Lee, beterano ng kilusang pangdemokrasya at Kahaliling Punong Kalihim ng PSPC, pinakilos nito ang sibikong espasyo.17Makalipas ang mga taong pagsisikap, naging kongklusyon ng mga sibikong organisasyon tuladng PSPD na hindi nagbago ang mga politikal na partido sa Korea at hindi kinakatawan ng mgapolitiko ang mga interes ng sambayanan.Naging isang pampublikong isyu ang mapanghamak na pag-uugali ng mga mambabatas. Nagalitang mga mamamayan sa kanilang mga pangangatwiran, mula sa mga di-mahahalagangkadahilanan mula sa kakulangan umano ng espasyo sa mga silid-pulungan hanggang sa mgaargumento na hindi walang kasanayan at pati na rin karapatan ang lipunang sibil na manmananang kanilang mga hinalal na kinatawan. Napagtanto ng PSPD na mayroong “pangangailanganpara sa mas makangyarihang aksiyon (need for more powerful action).”18 Ngunit ano?Pagkatapos niyon, noong Oktubre ng 1999, sa oras ng isang pangunahing debate sa telebisyon naitinatampok ang mga kasapi ng Pambansang Kapulungan at si Lee, dineklara niyang ang mgamamamayan ay may karapatan hindi lamang sa pagmamanman sa mga mambabatas, kundi maykarapatan din silang talunin ang mga ito sa mga halalan. Pagkatapos ng programa, nalaman mulasa isang botohan ng mga manonood na higit sa 80 bahagdan ang sumasang-ayon sa kaniya. Saaraw na iyon, naipunla ang binhi para sa Citizens Alliance for the General Elections 2000(CAGE).66

Nang magtatapos na ang taong 1999, lumikha ang 15 organisasyong sibiko ng isang task forceupang tingnan ang posibilidad ng kampanya mula sa ibaba upang isakatuparan ang bagongideyang ito, ang inisyatibang pag-blacklist (paggawa ng talaang-itim). Nagsilbing tagapamagitanng grupo ang PSPD. Nagsimula ang ideya ng pag-blacklist mula sa nabanggit na TransparentSociety Campaign, na gumawa ng listahan ng mga mayhawak ng kapangyarihan sa estado – angmga mambabatas, ministro at kahaliling ministro – na nasasangkot sa malawakang eskandalo sakatiwalian na ginulantang ang bansa.19Estratehikong pagsusuri. Sa simula, ulat ni Lee, estratehikong sinuri ng task force ang buongsitwasyon. Nakumpleto ang pag-aanalisa noong ika-18 ng Disyembre. Sinuri ng mga kasapi angkanilang mga potensiyal na kalakasan at kahinaan. Nahinuha nila na sa pangkalahatan, ang isangkalakasan nila ay ang pagkakaroon ng suporta ng karaniwang publiko, samantalang ang kanilangpangunahing kahinaan naman ay wala silang network na nasasaklaw ang buong bansa andkinakailangan nilang agad na lumikha ng isa. Tumukoy din sila ng dalawang pangunahingbalakid. Una, habang ang kampanya na mag-blacklist at talunin ang mga tiwaling politiko aylalabag sa Artikulo 87 ng Batas sa Halalan, kinakailangan nilang maging handa para sa mgakahihinatnan at malampasan ang mga agam-agam sa bahagi ng mga sibikong grupo at mgamamamayan na makisangkot.20 Upang tugunan ang hamong ito, nagpasiya silang sistematikongtimbangin ang mga pananaw ng publiko at ang kanilang pagpayag na gumawa ng aksiyon. Kaya,noong simula ng Enero ng 2000, isang siyasat ng representatibong grupo ng 500 katao mula sabuong bansa ang ginawa. Binigyan ang mga tagasagot ng tatlong pangunahing tanong, nainilagom ni Lee sa sumusunod:67

1) Lehitimo ba para sa lipunang sibil (mga organisasyong sibil at mamamayan) na tasahin,alisin ang kalipikasyon, at hangaring matalo ang mga kandidato para sa PambansangKapulungan? (Resulta: 79.8 bahagdan ang sang-ayon)212) Kahit na iligal ang mga gawaing ito sa ilalim ng Artikulo 87 ng Batas sa Halalan,susuportahan mo ba ang kampanyang ito ng paggapi? (Resulta: 71.8 bahagdan angnagsabi na susuportahan nila ang pagkilos, kahit iligal pa ito).223) Iniisip mo bang dapat na palitan ang batas na ito? (Resulta: 65.1 bahagdan ang nagsabingang mga restriksiyong nakapaloob sa batas ay dapat baguhin dahil may karapatan angmga mamamayan na magsagawa ng isang talaang-itim.)23Gayundin, nakuha ng siyasat ang mga pananaw ng mga tao tungkol sa kriteryo para sa talaangitim. Natanto ng task force na: nais ng mga tao ang kampanya ng pag-blacklist; nais nila ngpagbabago sa Batas sa Halalan; at kung hindi posible ito, nais nila ng panlipunang pagsuway atdi-marahas na direktang kilos. Pinatibay ng siyasat ang ideya ni Lee na napukaw noong debate satelebisyon. “Ang mga botante ay ang paraan para magkaroon ng karapatan (Voters are the meansto have rights),” pagninilay niya. Bukod dito, binigyan ng siyasat ang mga sibikong pinuno ngkinakailangang bala upang mabilis na mahimok ang mga organisasyon ng lipunang sibil, mgaorganisasyong pribado, at mga grupo ng mamamayan na sumali sa alyansa. Ikahuli, tinulunganng siyasat ang mga tagaplano ng CAGE na lapitan ang mga sibikong organisasyon, na hindikumportable sa paglabag ng Batas sa Halalan, ng may kasamang pagtitiyak na suportado angmalawakang panlipunang pagsuway ng mga karaniwang tao.68

Ang naging ikalawang hadlang ay nang ang mga maykapangyarihan ay walang dudangaakusahan sila ng politikal na pagkapartisano, upang pahinain ang kampanya. Upang salungatinang mga gayong pag-atake, nagpasiya ang mga sibikong pinuno ng isang polisiya sa katapatan.Sa praktika, ito ay kinabibilangan ng: paglathala ng mga kriteryo sa talaang-itim; pagbatay ngmga pagsusuri sa mga bukas sa publikong impormasyon, at pagpakita ng mga ito sa website ngCAGE; pagsama sa mga mamamayan sa mga deliberasyon, at pagiging patas sa paglalagay satalaang-itim, na hindi tinitingnan ang katagalan, kapangyarihan at kaanib na partido ng politiko.Mga layon, estratehiya, bisyon, at planong aksiyon. Nang may nalalabi na lamang na humigit satatlong buwan bago ang mga halalan, agad na kumilos ang task force para gawin ang plano ngkampanya. Tumukoy sila ng tatlong layon: baguhin ang Artikulo 87 ng Batas sa Halalan;pahusayin ang kalidad at integridad ng mga kandidatong tumatakbo sa mga halalan sa Abril; atalisin ang mga “tiwali at walang kakayahang politiko (corrupt and incapable politicians)” mulasa Pambansang Kapulungan.24 Kinabibilangan ang kabuuang estratehiya ng “kampanya ng mgabotante sa pag-alis sa nominasyon at pag-alis sa halalan (de-nomination and de-electioncampaign by voters)”, sa madaling sabi, ang sikaping pigilin ang mga tiwaling politiko namaging nominado at talunin ang mga napili pa ring maging kandidato.25Sa pangkalahatan, may dalawang bahagi ang kanilang bisyon. Una, hinangad nilang baguhin:ang mga pagpapahalaga ng politikal na establisimyento; mga tiwaling gawi ng mga politikal napartido; at paglabag sa tungkuling-bayan ng mga hinalal na kinatawan. Ikalawa, nais nilangmagtamo ng tunay na demokrasyang may pakikilahok sa Korea, bilang nasusulat sa Artikulo 1ng Saligang-Batas, na sinasabing: “Ang Republika ng Korea ay isang demokratikong republika.69

Ang soberenya ng Republika ng Korea ay nananahan sa mamamayan, at ang lahat ng awtoridadng estado ay nagmumula sa taumbayan (The Republic of Korea is a democratic republic. Thesovereignty of the Republic of Korea resides in the people, and all state authority emanates fromthe people).”26 Sa ibang salita, “kailangan nating baguhin ang sistema at ang kamalayan ngpubliko (we need to change the system and public consciousness),” pagdidiin ni Geo-sungKim.27Gumawa ang task force ng plano ng kampanya na nakasentro sa nakapagtatakdang paraan – angpag-blacklist ng mga di-karapat-dapat na kandidato – kung saan umiikot ang isang pangkat ngmga di-marahas na taktika.28 Ang mga sentral na elemento ay:1. Pagbuo ng isang koalisyon2. Pagtukoy ng mga kriteryo sa pag-blacklist3. Paghati ng sibikong inisyatibo sa dalawang yugto: Nakchon (Tanggalin sa nominasyon) – tapat na pagsusuri ng mga potensiyal na mganominadong kandidato ng partido unang talaang-itim ng mga di-karapat-dapat napolitikong maaaring maghangad na mapabilang sa nominasyon puwersa ng lakasng bayan sa mga politikal na partidong hindi isama ang mga ito sa nominasyon lakas ng bayan sa mga partido na tanggalin sa nominasyon o, sa madaling sabi,bawiin ang mga pangalang iyon mula sa mga listahan ng partido kahit pa nominadona; Naksun (Talunin) – ilathala ang ikalawang talaang-itim ng mga di-karapat-dapat nakandidato pagpapakilos ng mamamayan upang talunin ang mga kandidatong ito sabotohan sa parlyamentaryo sa ika-14 ng Abril.70

“A” ay para sa alyansa. Sa pagitan ng Disyembre ng 1999 at unang bahagi ng Enero ng 2000,lumapit ang task force sa malaking bilang ng mga nasyonal at lokal na sibikong network, mgaorganisasyon pribado, mga grupo ng lipunang sibil, mga edukasyonal, propesyonal, atrelihiyosong organisasyon (Budista, Protestante, at Katoliko), mga grupo ng mga mag-aaral atkabataan, mga kultural na grup, mga asosasyong pangkomunidad at mga grupo ngmamamayan.29 Kinabilangan ito ng samu’t saring grupo tulad ng mga pamilya ng mgabilanggong politikal hanggang sa buong kapisanan ng YMCA at YWCA, at kinalauna’y pati angnetwork ng mga artista at asosasyon ng mga kartunista. “Iminungkahi namin sa kanila na sumalisa kampanya at ipinakita namin ang resulta ng siyasat at ang plano ng kampanya (We proposedto them to join the campaign and presented the poll results and campaign plan),” ani Lee.Tinukoy ng mga kasapi ng task force ang posibilidad ng pagkakabilanggo at pagmumulta buhatng paglabag sa Batas sa Halalan, at hiniling sa mga puno ng mga sumasaling organisasyon nalumagda ng pagkilalang tinatanggap nila ang mga panganib na ito. Upang mapanatili angmaliwanag na tuon at palaguin ang alyansa, napagdesisyunang bibigyan ng tuon ang katiwalian.“Kailangan naming tumukoy ng isang isyu na sasang-ayunan ng bawat isa at ang katiwalian ayisang bagay na galit ang lahat,” paliwanag ni Lee. Noong ika-12 ng Enero ng 2000, sa gitna ngmagarbong seremonya sa Seoul Press Center, inilunsad ng 470 organisasyon ang CitizensAlliance for the General Election 2000 (CAGE).30 Nagpresinta ang alyansa ng isang “Sibil naManipesto para sa Repormang Pampolitika (Civil Manifesto for Political Reform).” Idineklaranitong:71

.ang politika sa Korea ay nananatili pa rin sa panahon ng nakaraang dantaon kung kailaninilalatag ng lipunan at ng tao ang kanilang daan patungo sa bagong dantaon at pati na rinsa bagong milenyo. Ang katiwalian sa politika ang pinakamasahol na balakid nahumahadlang sa pag-usbong ng reporma sa lipunang Koreano na hindi na nararapat napahintulutan pa (.politics in Korea still remains in the time of the past century when thesociety and the people therein prepare their way into a new century as well as a newmillennium. Political corruption in general is the worst obstacle hindering the progressof reform in Korean society that must no longer be tolerated).”31Nagdulot ang mismong pagkalikha ng CAGE ng malakas na tinig sa politikal ng establisyimento.Sa sumunod na araw, naging ulo ng balita ng isang pangunahing pahayagan, ang Dongo Ilbo, ay,“Nanginginig ang mga Politikal na Partido: Paano kung nasa listahan ako (Political Parties areTrembling: What if I am on the List)?”32 Sa sandaling tumakbo na ang kampanya, lumago angkoalisyon sa kahanga-hangang laki – 1104 sibikong network at grupo.33 “Naging mas malaki itokaysa sa inaasahan namin (It became bigger than we expected),” saad ni Lee.“B” ay para sa pag-blacklist. Sentral sa kampanya ay ang maliwanag na paraan ng pag-blacklist,kung saan tinutukoy kung ang mga tiwaling politiko ay di-karapat-dapat na tumakbo para saposisyon, habang ang pagpapakilos ng mamamayan at mga di-marahas na kilos ay pinalalakasang loob ng mga botante upang talunin ang mga kandidato sa mga halalan. Kapansin-pansingpagsisikap ang ginawa upang mabuo ang mga kriteryo. Batay sa mga impormasyong mula sasiyasat na ginawa noong Enero ng 2000 at mga diskusyon kasama ang mga mamamayan, angTask Force ay nagsulat ng borador ng mga pangkat ng kriteryo, na sinuring muli at ginawang72

pinal ng Ehekutibong Komite ng CAGE, paliwanag ni Lee. Ang mga kriteryo, na isinalin ngPSPD sa wikang Ingles, ay ang mga:1. Corrupt activities (Mga tiwaling gawain)2. Violation of the Election Law (Paglabag sa Batas sa Halalan)3. Anti-human rights activities and destruction of democracy and constitutional order (Mgagawaing labag sa mga karapatang pantao, at ang pagsira sa demokrasya at pagkakaayosng saligang-batas)4. Insincerity in law-making and activities against the (National) Assembly and electorate(Kawalan ng katapatan sa paggawa ng batas at mga gawain laban sa (Pambansang)Kapulungan at sa mga tagaboto)5. Positions on reforming bills and policies (Mga posisyon sa mga repormang panukala atpolisiya)6. Suspect behaviors reflecting on the basic qualification for politicians (Kataka-takangkaugaliang sumasalamin sa batayang kalipikasyon para sa mga politiko)7. Failure of civ

pinamumunuan ng mga sibilyan. Mahaba at nakahahapo ang daan patungong demokrasya ng Korea. Mula 1948, dumanas ang bansa ng sunod-sunod na diktadura sa pagdaan ng mga dekada. Noong 1987, sa pamumuno ng mga grupo ng mga mag-aaral at mga unyon, kumilos ang milyon-milyong mamamayan sa simula noo’y tinawag na Demokratikong Pag-aalsa ng Mamamayan ng

Related Documents:

Metric Paral. Type: 4071. UNF/UN-2A Type: 4072. Type: 4073. Type: 4074. Type: 4075. pag 72 pag 73/74 pag 75 pag 76 pag 77 pag 78 pag 80 pag 81 pag 82 pag 83 pag 83 pag 84 pag 84 pag 39 pag 39 pag 40/41 pag 41 pag 42 pag 42 pag 43 pag 64/65 pag 70/71. B3-B4

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

FRENI BRAKES FRENI / BRAKES ASTRA pag. 258 - 263 DAF pag. 264 - 271 FIAT pag. 272 - 275 ISUZU pag. 274 - 275 IVECO pag. 276 - 331 IVECO - AUTOBUS pag. 332 - 333 MAN pag. 334 - 343 MERCEDES pag. 344 - 355 NISSAN pag. 356 - 359 RENAULT pag. 360 - 377 SCANIA pag. 378 - 383 SETRA-KASSBHORER pag. 384 - 38

pág. 2 índice programa de garantía pág. 4 cuadro de mantención pág. 8 humedad pág. 10 techumbres pág. 14 circuitos eléctricos pág. 17 instalaciones sanitarias pág. 20 instalación de gas pág. 23 pintura y papeles murales pág. 25 puertas, ventanas y quincallería pág. 29 revestimiento de pisos pág. 32 muebles de cocina, clósets y vanitorios pág. 35 .

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

PARA EL USO DE DISPOSITIVOS MÓVILES Riesgos y protección www.incibe.es. 2 Riesgos y protección. ROMNDAON PARA O D DPOO MOVILES 3. Medidas de protección 4. Qué es el BYOD pág. 06 pág. 13 3.7. pág. 12 ÍNDICE pág. 06 pág. 07 pág. 08 pág. 09 pág. 10 pág. 11 pág. 13 pág. 14 3.1. Protección antimalware y sitios web peligrosos

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

Welcome to ENG 111: Introduction to Literature and Literary Criticism. This three-credit unit course is available for students in the second semester of the first year BA English Language. The course serves as a foundation in the study of literary criticism. It exposes you to forms critical theories and concept in literary criticism. You will also