Departamento Ng Mga Serbisyo Sa Pangangalagang .

3y ago
37 Views
2 Downloads
2.10 MB
41 Pages
Last View : 15d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Aiyana Dorn
Transcription

Departamento ng mga Serbisyo sa PangangalagangPangkalusugan ng CaliforniaHandbook ng Miyembro ngMedi-Cal Dental2021

Talaan ng mga NilalamanIntroduksyon.1California Medi-Cal Dental Program .2Mga Website at Online na Sanggunian . 3Paano Kami Makakaugnayan.5Tulong sa Wika . 6Awtorisadong Kinatawan .7Paggamit ng mga Serbisyo sa Ngipin sa Ilalim ng Medi-Cal . 8Mga Benepisyo sa Ngipin ng Medi-Cal . 9Mga Tagapagbigay ng Serbisyo ng Medi-Cal Dental .10Pagkuha ng Pangangalaga ng Ngipin . 12Halaga ng mga Serbisyo sa Ngipin .16Transportasyon at mga Iba pang Serbisyo.19Pamamahala ng Kaso. 21Proseso ng Reklamo . 22Proseso ng Pagdinig ng Estado.32Mga Salitang Dental at Iba pang Kahulugan .33Ang Mga Karapatan at Responsibilidad Mo . 37Mahalaga sa Amin ang Iyong Pagkapribado .38

IntroduksyonIkinalulugod naming ibigay sa iyo ang Handbook ng Miyembro ng (Handbook) Medi-Cal Dental.Ipapaliwanag ng Handbook na ito ang iyong mga benepisyo sa ngipin, kung paano gumagana angprograma, at kung paano ka makakakuha ng pangangalaga ng ngipin.Ang kalusugan ng bibig ay isang mahalagang bahagi ng pangkabuuang kalusugan. Saklaw ngMedi-Cal Dental Program ang maraming serbisyo para mapanatiling malusog ang iyong mgangipin. Makukuha mo ang karamihan ng iyong mga benepisyo sa ngipin sa Medi-Cal kapag ikaw ay: Pupunta sa isang tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ng Medi-Cal para kumuha ng mga sakopna serbisyong kailangan mo. Regular na magpatingin sa iyong tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ng Medi-Cal, kahit nawala kang problema sa iyong mga ngipin. Sundin ang payo ng iyong tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ng Medi-Cal tungkol sapangangalaga ng ngipin (tulad ng pagsisipilyo at pagpo-floss).Mangyaring basahing mabuti ang kabuuan nitong Handbook ng Miyembro. Mayroon itongmahalagang impormasyon tungkol sa: Mga serbisyo sa ngipin na saklaw ng Medi-Cal. Paano kukuha ng pangangalaga ng ngipin. Paano kukuha ng tulong sa ibang mga wika. Ang mga karapatan at responsibilidad mo. Paano gagawa ng reklamo. Iba pang mahalagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa ngipin sa ilalim ng Medi-Cal.Gumagamit ang handbook na ito ng ilang salitang dapat mong malaman:Ikaw, Iyong, Akin,Ako, MiyembroAng taong karapat-dapat para sa mga benepisyo sa ngipin saKami, Amin, NaminTumutukoy sa Medi-Cal DentalAng iyongTagapagbigay ngSerbisyo sa NgipinAng tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ng Medi-Cal na piniliMedi-Cal o ang kanilang Awtorisadong Kinatawanmo para sa iyong pangangalaga ng ngipinMangyaring basahin ang seksyon na Mga Salitang Dental at Iba pang mga Kahulugan.Ipinaliliwanag nito ang maraming salita na may espesyal o teknikal na mga kahulugan sa ilalim ngMedi-Cal Dental.2021Departamento ng mga Serbisyo saPangangalagang PangkalusuganHandbook ng Miyembro1

California Medi-Cal Dental ProgramIniaalok ng Medi-Cal ang libre o murang pangangalagang pangkalusugan at mga benepisyosa ngipin sa mga karapat-dapat na residente ng California. Ang pagiging kwalipikado para saMedi-Cal Dental Program ay ipinapasya ng isang opisina ng Mga Serbisyong Panlipunan ng Countyat iniuulat sa Estado ng California. Upang malaman kung karapat-dapat ka, tawagan ang lokal natanggapan ng Mga Serbisyong Panlipunan ng iyong County. Ang kumpletong listahan ng mgatanggapan ng county ay nasa website ng Departamento ng mga Serbisyo sa PangangalagangPangkalusugan dito. Hindi mo kailangang mag-aplay nang hiwalay para sa mga benepisyo sangipin.Medi-Cal Dental (Bayad-Para-sa-Serbisyo) at PinangangasiwaangPangangalaga ng Ngipin (Sacramento County at Los Angeles County)Ang Medi-Cal Dental Program ay binubuo ng dalawang sistema ng paghahatid: Medi-Cal Dental(Bayad-Para-sa-Serbisyo) at Pinangangasiwaang Pangangalaga ng Ngipin (Sacramento Countyat Los Angeles County). Ang Bayad-Para-sa-Serbisyo ay isang paraan ng Medi-Cal sa pagbayadsa mga doktor at iba pang mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Ang BayadPara-sa-Serbisyo ng Medi-Cal Dental ang programa sa karamihan sa mga county ng California. Angimpormasyon sa Handbook na ito ay para sa mga miyembro ng Bayad-Para-sa-Serbisyo ngMedi-Cal Dental.Ang Pinangangasiwaang Pangangalaga ng Ngipin (Dental Managed Care, DMC) ay isangorganisadong sistema upang matulungan kang makakuha ng de-kalidad na pangangalaga atmanatiling malusog. Kung nakatira ka sa Sacramento County magpapatala ka sa DMC. Bilangmiyembro ng DMC ay itatalaga ka sa isang tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin sa network ngiyong plano sa DMC. Kung nakatira ka sa Los Angeles County maaari mong piliing magpatala saDMC o manatili sa Medi-Cal Dental. Kung magpapatala ka sa DMC magpapadala ang plano napinili mo ng isang kard sa ngipin at impormasyon sa iyong benepisyo. Mangyaring bisitahin angwebpage ng mga Miyembro ng Pinangangasiwaang Pangangalaga ng Ngipin para sa impormasyontungkol sa DMC.Kard ng Pagkakakilanlan para sa mga Benepisyo ng Medi-CalKapag naging karapat-dapat ka para sa mga benepisyo ng Medi-Cal, magbibigay ang Estadong isang Kard ng Pagkakakilanlan para sa mga Benepisyo (Benefits Identification Card, BIC)ng Medi-Cal. Magsisilbi ang BIC bilang isang pagkakakilanlan (ID) para sa mga miyembro ngMedi-Cal. Kailangan mong ipakita ang iyong BIC sa iyong tagapagbigay ng serbisyo sa ngipinpara makatanggap ng mga serbisyo sa ngipin. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng kard ay hindigarantiya ng pagiging kwalipikado para sa mga benepisyo ng Medi-Cal.Tanging ang miyembro ng Mga Serbisyo sa mga Bata sa California (California Children’s Services)ang magkakaroon ng BIC na may 10-character na ID. Lahat ng iba pang miyembro ng Medi-Cal aymay BIC na may 14-character na ID. Kung hindi mo natanggap ang 14-character na BIC ID, tawaganang tanggapan ng Mga Serbisyong Panlipunan sa iyong County.2021Departamento ng mga Serbisyo saPangangalagang PangkalusuganHandbook ng Miyembro2

Kung hindi mo natanggap ang iyong BIC o nawala o ninakaw ito, maaari kang humiling ng isangBIC mula sa tanggapan ng mga serbisyong panlipunan sa iyong county. Kung ninakaw ang iyongBIC, kailangan mong sabihin sa iyong lokal na pulisya at tanggapan ng mga serbisyong panlipunansa iyong county. Dapat kang magbigay ng maraming impormasyon tungkol sa pagnanakawhangga't maaari. Kung bibigyan ka ng bagong kard, ang iyong lumang kard ay hindi na balido.Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lokal na tanggapan ng county dito.Sa ibaba ay mga halimbawa ng mga balidong Medi-Cal ID.Disenyo ng BIC Poppy:Disenyo ng BIC Pre-Poppy:Kard ng Pagkakakilanlan sa Medi-CalKard para sa Agarang Pangangailangan:para sa Ipinagpapalagay na PagigingKwalipikado:Mga Website at Online na SanggunianSaan ako makakahanap ng impormasyon tungkol sa Medi-Cal Dental?Makakahanap ka ng impormasyon tungkol sa iyong benepisyo sa ngipin ng Medi-Cal, mganasasaklaw na serbisyo, at marami pa sa mga website ng Smile, California at Medi-Cal Dental.Makikita mo ang website ng Smile, California sa SmileCalifornia.org. Para sa website ng Medi-CalDental, bisitahin ang dental.dhcs.ca.gov.2021Departamento ng mga Serbisyo saPangangalagang PangkalusuganHandbook ng Miyembro3

Maaari ba akong makahanap ng tagapagbigay ng serbisyo sa ngipinonline?Oo. Madali kang makakahanap ng isang tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin online sa anumangoras. I-click ang pindutan ng Maghanap ng Dentista sa homepage ng SmileCalifornia.org. O,direktang pumunta sa page na Maghanap ng Dentista at mag-click sa anumang link. Ang mgapagpipilian ay: Paghahanap sa Direktoryo ng Tagapagbigay ng Serbisyo – Ipasok ang iyong impormasyonupang matingnan ang listahan ng mga tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin. Mga Klinika ng Ngipin na Nagsisilbi sa mga Miyembro ng Medi-Cal – Mga listahan ng mgaklinika ng ngipin ayon sa county at lungsod. Piliin ang iyong county o lungsod upangmakahanap ng klinika ng ngipin na malapit sa iyo. Mga Rehistradong Hygienist ng Ngipin sa Alternatibong Panunungkulan (Registered DentalHygienists in Alternative Practice, RDHAP) – Mga listahan ng mga RDHAP ayon sa county atlungsod. Mag-click sa iyong county o lungsod upang makahanap ng RDHAP na malapit sa iyo. Maghanap ng InsureKidsNow – Ibang paraan ng paghahanap ng mga tagapagbigay ngserbisyo sa ngipin.Mangyaring tandaan: Hindi ginagarantiyahan ng mga resulta ng paghahanap na tatanggap angtagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ng Medi-Cal ng mga bagong pasyente ng Medi-Cal sa oras natatawagan mo sila.Mayroon bang mga online na sanggunian na magagamit sa ibang mgawika?Oo. Ang website na Smile, California ay mababasa sa Ingles at Espanyol (SonrieCalifornia.org). Angwebsite ng Medi-Cal Dental ay mababasa sa Ingles. Kung nagsasalita ka ng ibang wika, mangyaringbisitahin ang landing page ng Smile, California. Mababasa ang landing page na ito sa 15 mga wika.Ang landing page na Smile, California ay may mga karaniwang itinatanong at impormasyon ngmiyembro. Mayroon din itong materyales na pang-wika na maaaring kapaki-pakinabang sa iyo.Anong impormasyon ang nasa website ng Smile, California?Ang website ng Smile, California ay madaling gamitin at may mga nakakatulong na impormasyonat mga sanggunian, kabilang ang: Maghanap ng Dentista Mga Video Mga Saklaw na Serbisyo Brosyur at mga Polyeto Impormasyon ng Pagbisita para sa Ngipin Mga Librong may Larawan na Tinatawagna “Fotonovelas” Impormasyon sa PangangalagangPangkalusugan ng Bibig Tulong sa Pagsasalin Mga Bulletin ng Miyembro Masasayang Aktibidad para sa mga Bata Handbook ng Miyembro Iskedyul ng mga Kaganapan2021Departamento ng mga Serbisyo saPangangalagang PangkalusuganHandbook ng Miyembro4

Anong impormasyon ang nasa website ng Medi-Cal Dental?Ang website ng Medi-Cal Dental ay may mahalagang impormasyon tungkol sa Medi-Cal DentalProgram, kabilang ang: Paano mag-aplay para sa Medi-Cal Mga Madalas na Itinatanong Impormasyon para sa Pakikipag-ugnayan Iba pang Impormasyon Mga Sanggunian para sa Ngipin Tulong Maghanap ng Dentista Mga Publikasyon Mga FormMakakahanap ka rin ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa Medi-Cal Dental at mga toll-free nanumero ng telepono para sa Sentro ng Serbisyo sa Telepono.Paano Kami MakakaugnayanSentro ng Serbisyo sa TeleponoNakahandang tumulong sa iyo ang mga operator ng Sentro ng Serbisyo sa Telepono (TelephoneService Center, TSC) Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng 8:00 a.m. at 5:00 p.m. Sarado angTSC sa mga pista opisyal ng Estado. Kung mayroon kang anumang mga katanungan na hindinasagot sa Handbook na ito, hinihikayat ka namin na tingnan ang SmileCalifornia.org atdental.dhcs.ca.gov. Kung mayroon ka pa ring mga katanungan o kailangan mo ng tulong sapagkoordina ng iyong pangangalaga, mangyaring tawagan kami nang toll-free sa:Sentro ng Serbisyo sa Telepono ng Medi-Cal Dental:1-800-322-6384, Para sa tulong sa wika, pindutin ang 11Teletext Typewriter (TTY):1-800-735-2922Anong impormasyon ang maaari kong makuha mula sa Sentro ngSerbisyo sa Telepono?Kapag tatawag ka sa Sentro ng Serbisyo sa Telepono (TSC), ikokonekta ka sa automated callsystem ng miyembro. Pipili ka mula sa menu ng mga opsyon. Mangyaring hawakan ang iyong Kardng Pagkakakilanlan para sa mga Benepisyo, Numero ng Social Security, at isang masusulatan. Sapanahon ng pagtawag, maaari kang makakuha ng tulong sa: Paghahanap ng tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ng Medi-Cal (mga referral ng provider). Pagtatakda, pagpapalit ng iskedyul, o pagkansela ng appointment sa klinikal na screening. Impormasyon tungkol sa hindi inaprubahan o binagong mga serbisyo (Kahilingan para saAwtorisasyon sa Paggamot). Mga reklamo at apela. Paano maghain ng Pagdinig ng Estado.2021Departamento ng mga Serbisyo saPangangalagang PangkalusuganHandbook ng Miyembro5

Mga Pangkalahatang tanong tungkol sa Medi-Cal Dental:» Mga serbisyo sa ngipin na saklaw ng Medi-Cal,» Paghain ng isang Makatarungang Pagdinig,» Paghiling ng iyong mga talaan sa ngipin, at» Pag-uulat ng pandaraya sa Medi-Cal. Pagkakaroon ng mga serbisyo sa interpretasyon.Maaari ka ring makipag-usap sa mga kinatawan ng TSC. Tutulungan ka nila sa anumangimpormasyon na hindi mo nakuha sa pamamagitan ng automated call system. Matutulungan kang TSC sa koordinasyon ng pangangalaga kung mayroon kang higit sa isang tagapagbigay ngserbisyo sa ngipin o mga espesyal na pangangailangan sa pangangalaga ng kalusugan.Tulong sa WikaPaano kung nagsasalita ako sa wikang bukod sa Ingles?Bilang isang kasapi ng Medi-Cal, mayroon kang karapatan sa isang interpreter nang walang bayad.Kapag tumawag ka sa Sentro ng Serbisyo sa Telepono (TSC), sundin ang mga ididikta para satulong sa mga wikang ito: Ingles, pindutin ang 1 Koreano, pindutin ang 7 Espanyol, pindutin ang 2 Cantonese, pindutin ang 8 Mandarin, pindutin ang 3 Arabe, pindutin ang 9 Vietnamese, pindutin ang 4 Armenian, pindutin ang 10 Ruso, pindutin ang 5 Para sa isang wika na hindi nakalista,pindutin ang 11 Farsi, pindutin ang 6Maaari ka ring humingi ng tulong sa wika kapag tumawag ka sa TSC. Maaaring sagutin ng isanginterpreter ang iyong mga katanungan at: Ipaliwanag kung ano ang sinabi sa iyo ng iyong tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin sa iyongpagbisita. Ipaliwanag ang iyong plano ng pangangalaga. Makipag-usap sa tauhan sa opisina ng dentista.Matutulungan ka rin ng mga kinatawan ng TSC para maghanap ng tagapagbigay ng serbisyosa ngipin ng Medi-Cal na nakapagsasalita sa iyong wika o na may tauhan sa opisina nanakapagsasalita ng iyong wika.2021Departamento ng mga Serbisyo saPangangalagang PangkalusuganHandbook ng Miyembro6

May tao bang makapagsasalin para sa akin kapag nakikipag-usap akosa tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ng Medi-Cal sa telepono?Oo. Kung kailangan mo ng interpreter o tulong sa mga serbisyo sa wika, tawagan ang Sentrong Serbisyo sa Telepono. Para sa tulong sa wika, pindutin ang 11. Matutulungan ka nila sa isanginterpreter.May tao bang makapagsasalin para sa akin sa opisina ng dentista ngMedi-Cal?Oo. Kung ang iyong tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ay hindi nakapagsasalita ng iyong wika,may karapatan ka para sa isang interpreter ng wika o sign language interpreter nang walang bayad.Maaari kang tumawag sa Sentro ng Serbisyo sa Telepono (TSC) para sa tulong. Para sa tulong sawika, pindutin ang 11 upang humiling ng isang interpreter. Maaaring ipaliwanag ng interpreter angmga termino para sa ngipin. Kasama rito ang sinabi sa iyo sa iyong pagbisita, pagtalakay sa iyongplano ng pangangalaga, o pakikipag-usap sa tauhan sa opisina ng dentista.Kung kailangan mo ng isang tao na magsasalin para sa iyo habang nasa opisina ng dentista, ikawo ang tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin ay maaaring tumawag sa TSC. Ikokonekta ka ng TSCsa isang tagapagsalin na nagsasalita ng iyong wika. Mananatili sa telepono ang tagapagsalin sapanahon ng iyong appointment hangga’t kailangan mo. Hindi dadalo ang mga tagapagsalin sa mgaappointment ngunit tutulungan ka nila sa pamamagitan ng telepono. Ang mga interpreter ay hindimaaaring maiiskedyul nang maaga.Awtorisadong KinatawanAno ang Awtorisadong Kinatawan?Ang Awtorisadong Kinatawan ay isang tao na maaari mong pangalanan at bigyan ng access saiyong impormasyon sa ngipin. Ang Awtorisadong Kinatawan ay maaaring mga miyembro ngpamilya, kaibigan, samahan, o sinumang pipiliin mo. Halimbawa, baka gusto mong tulungan ka ngiyong asawa o anak na nasa hustong gulang sa mga katanungan tungkol sa billing, pag-book ngmga appointment, o upang magkaroon ng kamalayan sa iyong katayuan sa kalusugan.Simula sa Hulyo 1, 2020, kung gusto mong payagan ang ibang tao bukod sa iyong sarili natumawag sa Medi-Cal at magkaroon ng access sa iyong impormasyon sa ngipin, kailangan mosilang pangalanan bilang iyong Awtorisadong Kinatawan. Hindi mo kailangang magkaroon ng Awtorisadong Kinatawan. Kung pinangalanan mo ang isang tao bilang iyong Awtorisadong Kinatawan, hindi kailangangnasa telepono ka kapag tumawag sila para sa iyo. Kung gusto mo na ibang tao bukod sa iyo ang makipag-ugnayan sa amin tungkol sa iyongimpormasyon sa ngipin, ang taong iyon ay dapat na mapangalanan bilang isang AwtorisadongKinatawan.2021Departamento ng mga Serbisyo saPangangalagang PangkalusuganHandbook ng Miyembro7

Maaari mong payagan ang isang Awtorisadong Kinatawan na mag-access sa ilan o sa lahatng iyong impormasyon sa ngipin. Maaari mong pangalanan, alisin, o baguhin ang isangAwtorisadong Kinatawan sa anumang oras. Maaari kang magkaroon ng isa o higit pang Mga Awtorisadong Kinatawan. Ang mgaAwtorisadong Kinatawan ay maaaring mga kamag-anak, kaibigan, o samahan na tumutulongsa iyong pangangalaga. Hindi nito binabago kung paano kami makikipag-usap sa iyo o sa iyong tagapagbigay ngserbisyo.Paano ako magtatalaga ng Awtorisadong Kinatawan?Gamitin ang Form ng Awtorisadong Kinatawan upang magtalaga ng isang AwtorisadongKinatawan. Dapat mong ganap na punan at lagdaan ang form, at ipadala ito sa:Medi-Cal Dental ProgramAttn: Information Security/Privacy OfficeP.O. Box 15539 Sacramento, CA 95852-1539Paano kung gusto kong may tumulong sa akin sa isang tawag saSentro ng Serbisyo sa Telepono ngunit ayaw ko silang magingAwtorisadong Kinatawan ko?Kung gusto mong may tumulong sa iyo, ngunit hindi mo gustong idagdag sila bilang AwtorisadongKinatawan mo, maaari mo pa ring tawagan ang Sentro ng Serbisyo sa Telepono (TSC) nangkasama sila sa telepono upang matulungan ka sa iyong mga katanungan. Para sa tulong sa wika,pindutin ang 11. Kakailanganin mong ibigay sa TSC ang pasalitang pahintulot upang payagan angtaong iyon na tulungan ka sa panahon ng tawag.Paggamit ng mga Serbisyo sa Ngipin saIlalim ng Medi-CalPaano ko malalaman kung makakakuha ako ng mga serbisyo sangipin?Karamihan sa mga tao na nagiging karapat-dapat para sa Medi-Cal ay karapat-dapat din namakakuha ng mga serbisyo sa ngipin. Hindi mo kailangang mag-aplay nang hiwalay para makakuhang mga serbisyo sa ngipin. Kakailanganin mong ibigay ang iyong Kard ng Pagkakakilanlan para samga Benepisyo ng Medi-Cal sa iyong tagapagbigay ng serbisyo sa ngipin para makatanggap ngmga serbisyo sa ngipin. Upang malaman kung karapat-dapat ka para sa mga benepisyo sa ngipinng Medi-Cal, mangyaring tawagan ang lokal na tanggapan ng mga Serbisyong Panlipunan ng iyongCounty. Maaari kang makahanap ng kumpletong listahan ng mga tanggapan ng county sa website

Mangyaring basahin ang seksyon na “Mga Salitang sa Ngipin at Iba pang mga Kahulugan”. Ipinaliliwanag nito ang maraming salita na may espesyal o teknikal na mga kahulugan sa ilalim ng Medi‑Cal Dental. Paano Kami Makakaugnayan : Telephone Service Center : Nakahandang tumulong sa iyo ang mga operator ng Telephone Service Center (TSC) Lunes

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

paraan ang mga tawag sa telepono, mga e-mail, mga hindi pormal na ulat ng progreso, mga pulong ng magulang at guro, mga komperensiyang pinamumunuan ang mag-aaral at mga newsletter ng paaralan. Ano ang dapat kong gawin kung nag-aalala ako tungkol sa pagganap ng anak ko sa

ng mga kopya ng kredito at mga pagkakakilanlan at mahalagang mga dokumento, tulad ng mga polisa ng seguro at mga rekord/ kasulatan na nauukol sa pananalapi. Mga kasangkapan. Bukod sa liyabe-de-tubo at gasuklay na liyabe (para sa pagsara ng balbula ng gas at tubig), dapat mayroon ka ring pansindi, mga istak ng posporo na nasa lalagyang hindi

tinatawag na mga 'espesyal' na serbisyo sa pangkaisipang kalusugan. Ang mga espesyal na serbisyo ay ibinibigay sa pamamagitan ng Los Angeles County "Mental Health Plan (Plano sa Pangkaisipang Kalusugan)" o (MHP), na hiwalay sa iyong regular na doktor. Ang Los Angeles County MHP ay pinamamahalaan sa ilalim ng mga patakaran na itinakda ng Estado ng

kaisipang kalusugan. Ang mga espesyal na serbisyo ay ibinibigay sa pamamagitan ng Los Angeles County "Mental Health Plan (Pla-no sa Pangkaisipang Kalusugan)" o (MHP), na hiwalay sa iyong regular na doktor. Ang Los Angeles County MHP ay pinamamaha-laan sa ilalim ng mga patakaran na itinakda ng Estado ng California at ng pederal na pamahalaan.

27 Science Zoology Dr. O. P. Sharma Amrita Mallick Full Time 18/2009 11.06.2009 Evaluation of Genotxic Effects & Changes in Protein Profile in Muscle Tissue of Freshwater Fish Channa Punctatus Exposed to Herbicides Page 3 of 10. Sl. No. Faculty Department Name of the supervisor Name of the Ph.D. Scholar with Aadhar Number/Photo ID Mode of Ph.D. (Full Time/Part-Time) Registration Number Date of .