MGA PERSPEKTIBA SA MTB-MLE GAMIT ANG VSR

3y ago
87 Views
6 Downloads
5.76 MB
81 Pages
Last View : 2d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Joanna Keil
Transcription

MGA PERSPEKTIBA SA MTB-MLE GAMIT ANG VSR:KALAKASAN AT KAANGKUPANBenjamin M. Mendillo Jr, PhDPuno, Sangay ng SalinTanggapan ng Pangulo ng PilipinasKomisyon sa Wikang Filipino

BALANGKAS NG PANAYAM Panimula Ang Probisyong Pangwika ng Filipinas na ipinatutupad ng KWF Kaangkupan sa Filipinas ng MTB-MLE Mga Proyekto ng KWF sa MTB-MLE Pagsaalang-alang sa Elemento ng Pagsasalin kaugnay sa MTB-MLE Pagpapalakas ng MTB-MLE Gámit ang adhika ng Virtual Sentro Rizal Resulta ng kolaborasyon ng KWF at CFO sa MTB-MLE proyektongVSR Kongklusyon

Panimula Matagal nang umiiral ang MTB-MLE sakonteksto ng pagtuturo sa Filipinas.Hindi na ito bago sa mga Filipino kunghindipagsasapormallámangatpagsasabatas sa mga panimulang gawainng pagtuturo gamit ang Inang Wika.

Ano ang MTB-MLE? Ito ang natural o likás na prosesong pagtuturo ng wika at ito ayisang linguistic phenomenon.

Ayon sa teorya (1983) ng languageacquisition,Stephen Krashen“Ang natural processphenomenon na mayelementong subconscious aymas epektibo at masnauunawaan ng mga batakompara sa itinuturo sa kaniladahil maláy na sila rito. “

Panimula Kung ang guro ay gumagamit din ng Inang Wika,nagiging ganap ang pagkatuto ng mga mag-aaralna maalam sa Inang Wika. Nawawala ang takotng mga bata sa isang talakayan na magbahagidahil pamilyar sila sa lengguwahe o sa wikangginagamit nila sa kanilang pamayanan. Kaya sahuli, nagkakaroon ng isang kaaya-ayangtalakayan at diskurso ang mga mag-aaral dahilnaisasadiwa nila ang paksa.

Mahigpit ang ugnayan ng MTB-MLE saestruktura ng Wikang Pambansa sapagkatito ang tunguhin ng MTB-MLE—angpagpapalakas ng kaalaman sa unang wikaupang maigayak ang mag-aaral sa nibelpambansa—ang wikang Filipino.

Nakasaad sa Gabay ng Mamamayan oCitizen’s Charter ang ubod ng simulainnitóng paunlarin at palaganapin angFilipino bilang wikang pambansa, habangisinasaalang-alang ang mga katutubongwika sa Filipinas.

Ayon kay Tagapangulo at Pambansang Alagad ng SiningVirgilio S. Almario, “Naniniwala ang KWF sa kakayahan ng pambansang wika parapagbuklurin ang mga tao. Naniniwala ang KWF na ang Filipino aymakatutulong para maipundar ang makabuluhang kapayapaan.Naniniwala rin ang KWF na ang Filipino ay makapagpapabilis ngekonomikong kaunlaran nang may pagtutuon sa panlipunangkatarungan at pagkakapantay-pantay. Naniniwala pa ang KWF naang wikang Filipino ay isang epektibong paraan upang hikayatinang mga mamamayan na makilahok sa pambansang pagkilos naganap na magpipinid sa mga pinto ng katiwalian at kabulukan.Sapagkat ang Filipino ang wikang pambansa, asahan ninyo na angwikang ito ay hindi mananatiling nasa dulong priyoridad ngpamahalaan.”

“Wikang Filipino,Wika ng Dangal at Kaunlaran”

Itaguyod ang patuloy na pag-unlad atpaggamit ng Filipino bílang WikangPambansa hábang pinapangalagaan ang mgawikang katutubo ng Filipinas tungo sapagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaranng sambayanang Filipino.

Nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, atmagtaguyod ng mga pananaliksik para sapagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ngFilipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas. AngBatas Republika Blg. 7104 ay batas na lumikha saKomisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mgakapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain,naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pangmga layunin:

Paghahanda at paglalaan ng mgakinakailangang pamamaraan kung hindiman kasangkapan para sa lahat ngakademikong institusyon at siyangmagpapalakas sa pagtuturo ng Filipino.

Pagsasanay at pagtuturo sa tumpak napaggamit ng Filipino sa lahat ahensiya,kawanihan, instrumentalidad, at ibangsangay ng pamahalaan;

Pagbibigay ng kapangyarihan sa mgakalahok at espesyalista sa wika at iba nggilsapagpapayabong ng Filipino at iba pangwika sa Filipinas.

Sinisikap na hikayatin ang sambayanang Filipinona tumulong sa patuloy na modernisasyon ngwikang Filipino. Nakatadhana sa artikulo 14,seksiyon 6, serye ng 1987 ang batayang legal sabatas pangwika na ipinatutupad sa bansa nanagsasabing,

Nakatadhana sa artikulo 14, seksiyon 6, serye ng 1987 ang batayanglegal sa batas pangwika na ipinatutupad sa bansa na nagsasabing, “Ang wikang pambansa ng Filipinas ay Filipino.Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin atpagyamanin pa salig sa umiiiral na mga wika ng Filipinas atsa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas atsang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upangibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipinobilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

Isinasaad din sa naturang probisyon angpagiging malinaw sa mga tiyak na probisyon saseksiyon pito (7) na isinasaad na sa mga layuningpangkomunikasyon at pagtuturo, ang opisyal namga wika ng Filipinas ay Filipino at hangggangwalang itinatadhana ang batas ay Ingles.

Ito rin ay sinusugan ng Batas Republika 7104,seksiyon 14 (f) na nagsasabing,“Lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ngpagsasaling-wika na gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo;Magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino atsa iba pang mga wika ng Filipinas ng mahahalagang akdanghistorikal at tradisyong kultural ng mga grupongetnolingguwistiko, mga batas, resolusyon, at iba pang mga aktanglehislatibo, mga kalatas tagapagpaganap, mga pahayag napampatakaran ng pamahalaan, at mga dokumentong opisyal, mgateksbuk, materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina, at mgadayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan saedukasyon at para sa iba pang mga layunin.”

Sa ganito rin naukit ang probisyon ng Philippine BilingualEducation Policy na pinagtibay ng National Board ofEducation na tinuran ng Kagawaran ng Edukasyon sapatakarang pangwikang pinairal nito. Sa DECS Order no. 25 noong 1974, na pinamagatangImplementing Guidelines for the Policy of BilingualEducation in the Philippines, binigyang-pagtatangi ang mgaasignatura sa midyum ng pagtuturo. Gayumpaman, mayroonding pagdidiin sa hiwalay na paggamit ng wika. Malinaw dinsa patakarang ito na ang mga rehiyonal na wika aygagamiting pantulong na wika sa antas isa (1), hanggangdalawa (2).

Kung susuriin ang probisyon saitaas, makikita na ang DECS Orderno. 25, ay nakabatay sa Pilipino nabinago nang 1987 Konstitusyon saFilipino.

Ibig sabihin, nakasálig pa rin ang paggamit ng Pilipino(hindi Filipino) bilang midyum ng pagtuturo sa: Agham Panlipunan Musika Sining Edukasyong Pangkatawan Ingles sa mga agham

Malaki na ang pinagkaiba ng 'P' sa 'F' bilang tatak ngisang letrang maka-MTB-MLE sapagkat ito aynapagkaitang mamalagi sa kulturang Filipino. Samadaling salita, kailangang nasusuri din ng DECSOrder ang mahalagang pagpapalit na ito sapagkatang kabuuan ay hindi sumasalamin sa kahulugan ngsalitang 'Pilipino' kaiba sa 'Filipino' na binigyangkahulugan ng Konstitusyon.

Sa madaling salita, kung nagpalit ang Konstitusyonsa pananaw nitong P sa F, dapat ay binabalangkasdin ang kaisipan nito alinsunod sa kahulugangtinuturan ng F sa salitang Filipino na malayo sa P ngPilipino noong 1959.

Umaalinsunod ang modernisadong alpabeto o angortograpiyang pambansa sa pinaiiral ng Komisyon saWikang Filipino sa pagpapanatili sa orihinal na anyong mga katawagan na pinalitan sa panahon ngBalarilang Pilipino.

Ilan pang katutubong salita na kakikitahan ng mga walong bagong hiram natitik na nakasaad sa Ortograpiyang t) ipuipo(Ibaloy) sapot ng gagamba(Teduray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan(Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo(Tausug) halaman(Tausug, Mëranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mgaMuslim(Tausug) masamang ugali(Ivatan) ganda(Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang pananggalang saulan at init ng araw(Ibaloy) digma(Ibanag) bulalakaw(Itawit) buwan(Itawit) kambing(Ibanag) silangan

Kung tutuusin, sa lahat ng aking nabanggit, hindi natalaga kailangan ang sangkaterbang batas o patakarangpangwika upang sabihin na kailangang nasa Filipinoang paraan ng pagtuturo o ang mga metodolohiya, lápit,estratehiya, dulóg, at pagpapayaman ng kakayahan.Dapat ay intrinsic, inherent, o likas sa ating kamalayan osensibilidad na gamitin ang natatanging tatak ng atingpagiging Filipino.

Kaangkupan sa Filipinas ng MTB-MLE

Isang mapanghawang hakbang ang MTB-MLEupang masagip ang mga wikang nasa dulo nglipunan na kung tutuusin ay bahagi ng gulugod ngating wika, lalo na sa pagpapatibay ngOrtograpiyang Pambansa na makikitahan ng mgaletra na awtentikong katutubo at sumasalamin sayaman ng ating lahi.

Sa legal na pagtingin, naaayon din sabatas ang pagpapalakas ng MTBMLE sa Filipinas. Sa dami ng mgawika sa Filipinas, sa kasalukuyan aynaitalang isandaan at tatlumpu(130), hindi maikakailang ang InangWika ay isinasaalang-alang sapagkatpundamental sa pagtamo ng wikaang pagpapalakas sa unang wikanang walang interbensiyon nganumang wika.Sa 130 naitalang wika, mayroon tayong walong (8)pangunahing wika sa Filipinas:

nensewaraytagalogmasinop modernong maayosortograpiya

Sa mga wikang ito nakikita ang malakingsaklaw sa paggamit ng mga katutubong wikana babalangkas sa wikang pambansa—Filipino.

May malaking sagka sa konsepto ng MTB-MLE lalo sausapin ng pagpapalaganap sa pagtuturo ng InangWika—panustos sa kampanya. Sapagkat multikulturalang ating bansa, kailangan ng sapat na pondo para sa mgasanggunian at mga ilalahok sa nilalaman, transisyon mulasa Inang Wika papuntang opisyal na wika. Matutugunannaman ang mga suliraning ito sa pamamagitan ngpagkakaroon ng political will na maisakatuparan angmithiing mapabuti ang kalagayang pangwika ng magaaral kasabay ang preserbasyon ng mga katutubong wika.

Mga Proyekto ng KWF sa MTB-MLE

Hindi lamang sa antas ng edukasyon angkopang MTB-MLE, ito rin ay makabuluhan sa mgaahensiya ng pamahalaan upang mas higit nakumintal sa publiko ang mga pangunahingimpormasyon gamit ang Filipino. Narito ang mga permanenteng programa ngKWF sa serbisyo ng pagsasalin:

1. Pagtugon sa mga pangangailanganpamahalaan sa serbisyo ng pagsasalin.ng

2. Patuluyang pagsasanaykaalaman sa pagsasalin.sabatayang

3. Pagsasagawa ng mga forum at mga palihanpara sa mga guro sa iba’t ibang disiplina.

4. Pagsasalin sa mga akdang klasiko/panitikanat teknikal na mga teksto.

PANGUNAHING SERBISYO

5. Pagtitipon ng mga tagasalin, guro, at interesadongindibidwal sa direktoryo ng mga tagasalin.PIE GRAPH NG REGISTRY NG TAGASALIN1%1%7%National Capital Region (NCR )Rehiyon I6%Cordilliera Administrative Region (CAR)Rehiyon II5%36%Rehiyon IIIRehiyon IV-A6%Rehiyon IV-BRehiyon V3%Rehiyon VI3%Rehiyon VIIRehiyon VIII7%Rehiyon IX3%1%5%5%8%3%3%Rehiyon XRehiyon XIRehiyon XIIRehiyon XIIIRehiyon XIV

Pagsaalang-alang sa Elemento ngPagsasalin kaugnay sa MTB-MLE

Pinakaesensiyal na bahagi ng VSR angpaglalapat ng salin sa Inang Wika mulangFilipino at/o Ingles. Ito ay sa katotohananghango sa Ingles ang mga sangguniang aklatlalo sa mga teknikal na lárang o asignaturaat kinakailangan itong isalin upang magingkapaki-pakinabang sa mga guro at magaaral.

Totoong bahagyang wala pang panimulangtalakay sa teknikal na antas isa hanggangtatlo subalit ang basikong panimula angkrusyal na hakbang sa pormatibongpaghubog sa mag-aaral. Halimbawa,madaling maunawaan ang pagbilang kunggagamit ng mga sangguniang isinalin nasubok nang ginagamit sa paghubog ngkasanayan.

Gayumpaman, isang hamon sa mga guro angpagbabalangkas ng kagamitang panturobuhat sa awtentikong materyales upangmaging kasiya-siya at makabuluhan ang mgapansilid na talakayan.

Ganito dapat hinaharap ang suliranin sapagsasalin, kapag ang batayan ay malayo sapinaghahalawan, ang dapat gawin ng gurongtagasalin o bumabalangkas ng aralin ayibatay ito sa kultural na sensibilidad naumiiral sa kaniyang rehiyon tulad ng mgatradisyon, kultura, at mga kamálayán nanagpapanatili sa identidad ng isang lipi.

Ang pagsaalang-alang sa mga kultural nayaman ay nakabaon sa salita na likas sa isangkultura. Ang pagpapalakas nito aypagtitiyak na hindi ito mawawala sa mapang mga wika ng Filipinas. Tulad ngdalawang wika (2), ang Aeta Sorsogon saBicol at ang Ata Pudtol sa Abra na tuluyannang naglaho.

Ang preserbasyon ng kultura ay simbigatng pangangalaga sa wika,ang kamatayan ng wikaay paglibing sa kultura.

Pagpapalakas ng MTB-MLE gamit angadhika ng Virtual Sentro Rizal

Samahigpitnapakikipag-ugnayanngsaCommission on Filipinos Overseaspamamagitan ni Usec. Mary Grace Tironana gawing napapanahon at makatuturan angmga leksiyon sa bawat modyul na nakasulat saIngles, sinikap na maisalin sa pinakamabisa atpinakakomunikatibong paglalarawan ang mgamodyul sa wikang Filipino.

Sa ganitong pamamaraan, mas natitiyak natin namaliban sa global edge natin na marunong atmatatas sa Ingles, mapananatili rin natin ang diwa,kamalayan, kahusayan sa pag-unawa ng mgakonseptong esensiyal, at naaayon sa kultural nakamalayan ng mga mag-aaral sa lahing kanilangpinagmulan. Parang isang pananariwa, pagbabaliksa kanilang mga guni-guni sa yaman ng atingpanitikan, kultura, at wika.

Nang ako ay maanyayahan ni Usec. Tirona saisang pulong upang isagawa ang pagsasalin naproyekto, malinaw na ibinahagi ng kalihim naito ang missing link upang maging ganap angproyekto.

Ibig sabihin, kahit tapos na ang proyekto ng VSR ayiniisip ni Usec. Tirona na ang pinakamahalagangelemento o sangkap ay ang pagsasalin nito saFilipino. Sa ganoong kaisipan, naisip ko na hindilamang pala ito simpleng serbisyo ng pagsasalinkundi isa palang pagpapamana sa larang ngedukasyon at higit sa lahat sa mga tagapagtaguyodng wika sa Philippine Overseas Schools.

Sa madaling sabi, hindi nakontento ang CFO nahayaan na lamang itong nakalimbag sa Ingles,bagkus tiniyak at pinagsikapan na ito ay dapatmailimbag sa Wikang Pambansa upang matalasa kasaysayan ng panahon na ang Inang Wika aypinagyayaman hindi lamang sa Filipinas kundilalo na sa mga paaralang nasa ibayong dagat.

Resulta ng kolaborasyon ng KWF at CFOsa MTB-MLE proyektong VSR

JOSE RIZAL

INGLES

BICOLANO

MËRANAW

ILOCANO

SEBWANO

ESPAÑOL

FILIPINO

MGA LARO AT LARUANNG PILIPINAS

INGLES

BICOLANO

MËRANAW

ILOCANO

SEBWANO

ESPAÑOL

FILIPINO

Kongklusyon

Ngayong naisalin na sa Filipino ang VSR, masasabi kongnailipat na ang talino at pamanang pangwika upang mabuoang yaman ng VSR sapagkat ang kaibuturan nito aynaisasalin sa kamalayan, sensibilidad, at katalinuhan gamitang wikang Filipino. Mababanaag ang kultura natin hindilamang sa maririkit na tanawin ng bansa, mga kaugalian atpamahiin, sayaw, at panitikan kundi sa mga salitangnaglalarawan sa ating kasarinlan at mayabong na kultura.

Adhika rin ng proyektong ito na maging sagisag ang wikangFilipino ng diwang maugnayin (inclusive) hinggil sapangangalaga ng mga wika at kulturang katutubosamantalang pinauunlad ang Wikang Pambansa bílangmodelo ng pagpapaunlad at pagkakaisa. Gayundin, magiginginstrumento o kagamitang panturo ito na nagpapalakassa armonisasyon ng mga ortograpiya ng 19 na sariling wika(mother tongues) sa programang MTB-MLE ng DepEd.

Matatanaw na sa hinaharap ang inobatibo at bisyonaryongadhika ng Virtual Sentro Rizal na masinop ang yaman ngating wika at kultura sa isang sisidlang magpapanatili sakamalayan, kaakuhan, at kaibuturan ng lahing Filipino.Bisyonaryo ang proyektong ito sapagkat napagtatagpo nitoang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap gamit angdigital media na lubos na magpapadali sa pagbabalik-tanawsa mayamang pamanang naghihintay sa mga kabataangFilipino.

Ang paghahawan ng mga sagabal at agam-agam sapagtuturo sa MTB-MLE ay mapaparam sapamamagitan ng kagamitang ito na lalo pang pagiibayuhin ng KWF na laging magiging bukas sapakikipagtulungan sa CFO sa mga adhika athangarin nitong paunlarin ang Visual Sentro Rizal salahat ng wika ng Filipinas.

Ang VSR sa kabuoan ay pamunó o tulay namagtatawid sa yaman ng impormasyongnakasalin sa kani-kanilang wikang katutuboupang punán ang kamang-mangan at lalongmaitanim ang pagmamahal sa sariling bayan.#

SALAMATSA INYONG PAKIKINIG!MGA PERSPEKTIBA SA MTB-MLE GAMIT ANG VSR:KALAKASAN AT KAANGKUPAN

lalo sa usapin ng pagpapalaganap sa pagtuturo ng Inang Wika—panustos sa kampanya. Sapagkat multikultural ang ating bansa, kailangan ng sapat na pondo para sa mga sanggunian at mga ilalahok sa nilalaman, transisyon mula sa Inang Wika papuntang opisyal na wika. Matutugunan naman ang mga suliraning ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng political will

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

paraan ang mga tawag sa telepono, mga e-mail, mga hindi pormal na ulat ng progreso, mga pulong ng magulang at guro, mga komperensiyang pinamumunuan ang mag-aaral at mga newsletter ng paaralan. Ano ang dapat kong gawin kung nag-aalala ako tungkol sa pagganap ng anak ko sa

ng mga kopya ng kredito at mga pagkakakilanlan at mahalagang mga dokumento, tulad ng mga polisa ng seguro at mga rekord/ kasulatan na nauukol sa pananalapi. Mga kasangkapan. Bukod sa liyabe-de-tubo at gasuklay na liyabe (para sa pagsara ng balbula ng gas at tubig), dapat mayroon ka ring pansindi, mga istak ng posporo na nasa lalagyang hindi

2.Upang maalagaan ang mga bata, ang mga kindergarten ay tiyak na may ginagampanang mahalagang tungkulin, ngunit kailanman ay hindi nito mapapalitan ang edukasyong pampamilya. Nais naming gamitin ang pagkakataong ito upang mabigyang-pansin ng mga magulang ang mga mensahe at ang mga kakayahan upang maka-angkop sa kanilang mga anak.

mga guro kagandahang asal puno ng tahanan. Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Ninuno Di pormal Walang propesyunal na Sistema na mga guro Mga Asignatura Walang mga gusaling pampaaraalan oras Walang takdang Mga magulang at iba pang nakatatanda ang pagbasa pagsulat pagbilang pananampalataya May mga kasanayang itinuturo lamang sa mga lalaki at .

IELTS Academic Writing Task 2 Activity – teacher’s notes Description An activity to introduce Academic Writing task 2, involving task analysis, idea generation, essay planning and language activation. Students are then asked to write an essay and to analyse two sample scripts. Time required: 130 minutes (90–100 minutes for procedure 1-12. Follow up text analysis another 30–40 mins .