ARALING PANLIPUNAN I - Weebly

3y ago
130 Views
4 Downloads
713.18 KB
35 Pages
Last View : 12d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Harley Spears
Transcription

(Effective and Alternative Secondary Education)ARALING PANLIPUNAN IMODYUL 1KASAYSAYAN: ALAMIN NATINBUREAU OF SECONDARY EDUCATIONDepartment of EducationDepEd Complex, Meralco AvenuePasig City

MODYUL 1ANG KASAYSAYAN: ALAMIN NATINKumusta ka, kaibigan? Ikaw ay nasa ikalawang antas na ng iyong pagaaral. Mga bagong kasaysayan, kaalaman at kakayahan ang inihanda para sayugtong ito ng iyong pag-aaral.Ang lahat ng bansa sa daigdig ay nagsisikap na maituro ang sarilingkasaysayan sa bawat mamamayan. Bakit kaya? Sa modyul na ito, tutuklasinnatin ang kasagutan sa tanong na iyan.Tutuklasin natin ang kahalagahan ng kasaysayan.May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:Aralin 1: Mga Kwentong May SaysayAralin 2: Kaugnayan ng mga Disiplinang Agham Panlipunan saKasaysayanAralin 3: Kaugnayan ng Kasaysayan sa LipunanPagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa moang mga sumusunod:1. Makapagbibigay ng sariling kahulugan ng kasaysayan;2. Maiuugnay ang kasaysayan sa iba pang disiplinang panlipunan;at3. Maiuugnay ang kahulugan ng kasaysayan sa lipunan.Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihandapara sa iyo.1

PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat tanong opangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.1. Ang kasaysayan ay hango sa salitang Griyego na HISTORIA. Ito aynangangahulugan ng:A. Paglalarawan sa katangiang pisikal ng isang lugar ayon sa anyong lupaat tubigB. Pagsisikap ng tao na matugunan ang pangangailangan batay sa sapatna mapagkukunanC. Pagtalakay sa pulitika na bahagi ng pagtatatag sa sariling pamahalaanD. Pananaliksik sa mga di nakasulat at nakasulat na tumutukoy samahahalagang pangyayari2. Ano ang katangian ng Soberanya bilang isa sa mga elemento ng Estado?A. Paraan ng estado upang matugunan ang pangangailangan ng mgamamamayanB. Tirahan at nasasakupan ng isang estado kung saan kinukuha ang mgalikas na kayamananC. Tumutukoy sa pangkahalatang bilang ng mga tao na naninirahan saisang lugarD. Pagkakaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang mga tao sapamamagitan ng batas at patakaran3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na Batayang Primarya bilangmatibay na ebidensya sa pagsulat ng kasaysayan?A. Batayang aklat sa pag-aaralB. Buto ng sinaunang tao at mga “artifacts”C. Opinyon at kuru-kuro sa radyo at telebisyonD. Paskil sa paaralan tulad ng sa bulletin board4. Ang “Oral Tradition” ay isa sa mga batayan sa pagsulat ng kasaysayan, itoay tumutukoy sa:A. Paggaya ng mga kagamitan mula sa original na ebidensyaB. Pagkukwento ng mga alamat, epiko, kwentong bayan, mitolohiya at awitC. Pagpapamana ng mga kagamitan at ari-arianD. Pagsusuot ng mga katutubong kasuotan sa isang pook at okasyon5. Paano mo maipakikita ang kahalagahan ng kasaysayan sa lipunangiyong kinabibilangan sa kasalukuyan?A. Pagbuo ng samahan na aalam sa ating nakaraan upang lalong mapabutiang ating kinabukasanB. Pagkalap ng impormasyon mula sa telebisyon, radyo at mga pahayagan2

C. Pagpaplano para sa maayos na kapaligiran at malusog na lipunan parasa lahatD. Pagsangguni sa pamahalaan ng mga serbisyong kailangan sa inyonglugar6. Kung nais mong malaman ang relasyon ng kasaysayan at iba pang mgadisiplina ng Agham Panlipunan, ano ang pinakamainam mong gawin?A. Pagbabasa ng pahayagan ukol sa mga proyekto ng iyong simbahan namaaari mong salihanB. Pagkuha ng mga opinyon mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaanC. Pag-aaral sa pinagmulan at pag-unlad ng tao na nakaimpluwensya sakanyang pagkilos tulad ng kulturaD. Pag-alam sa programa ng pamahalaan na nakatutulong sa pag-unlad ngkabuhayan lalo na ng mahihirap7.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagpapamalas ngrelasyon ng Kasaysayan sa iba pang disiplina ng Agham Panlipunan?A. Sa Kasaysayan ay naiuugnay ang Sikolohiya na tumutukoy sa katangianng indibidwal at sa uri ng kabihasnang kinabibilangan ng tao.B. Sa Kasaysayan ay naiuugnay ang Sosyolohiya tungkol sa pag-aaral ngkasalukuyang lipunan, mga suliranin at pagbabago dito.C. Sa Kasaysayan ay natatalakay ang Agham Pampulitika ukol sa mga uriat proseso ng pamahalaan, at paggawa at pagpapatupad ng batas.D. Sa Kasaysayan ay natatalakay ang pag-unlad ng Siyensya upangmakatulong sa mga may sakit.8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa relasyon ngKasaysayan sa iba pang displinang panlipunan?A. Ang Kasaysayan ay bahagi ng dugtong-dugtong na kaalaman sa pagaaral ng Agham Pampulitka, Antropolohiya, Ekonomiks, Heograpiya,Sikolohiya at SosyolohiyaB. Ang Kasaysayan ay naglalarawan ng mga adhikain, simulain atrebolusyon ng mga lider sa iba’t ibang panahonC. Ang kasaysayan ay nakakatulong sa kabuhayan sa pamamagitan ngturismo na nagpapatanyag sa ating bansaD. Ang kasaysayan ay nagpapayaman at nakakatulong sa pagsulong ngkultura tulad ng mga tradisyon at kaugalian sa isang lugar9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pinakamahalagang bungang pag aaral ng kasaysayan?A. Nakikilala ang mga pinuno at ang kanilang mahalagang naiambag parasa bayanB. Nahuhubog ang pagmamahal sa bayan tungo sa pagkakaisa at pagunlad ng bayan3

C. Nalilinang ang ating kasanayan sa pagbibigay ng mga pahayag ukol saisang pangyayariD. Napapalawak ang ating kaalaman tungkol sa mga tao, lugar atpangyayari sa ating bansa.10. Alin sa mga sumusunod na pagpapahalaga ang pinakaangkop sa pag-aaralng Kasaysayan?A. Maipagmalaki ang lahing Pilipino sa mga banyagang nagtutungo saating bayanB. Maipakita ang pagmamahal sa bayan at pagkilala sa mga dakilang taosa ating kasaysayanC. Maipamalas ang pagtataguyod at pagbili sa mga produktong gawangPilipinoD. Maitanghal ang iba’t ibang likhang-sining tulad ng sayaw at musika mulasa ibang bansaII. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang una at ikalawang pangungusap.Isulat sa patlang ang titik:A, Kung ang parehong pangungusap ay TAMAB, Kung ang parehong pangungusap ay MALIC, Kung ang unang pangungusap ay TAMA, at ang ikalawang pangungusapay MALID, Kung ang unang pangungusap ay MALI, at ang ikalawang pangungusapay TAMA11. Ang Agham Pampulitika ay pag–aaral tungkol sa pagtatatag atpagsasabatasng mga patakaran ng gobyerno. Ayon sa Saligang-Batas, isang mahalagang elemento ang simbahan sapagbuo ng Estado.Sagot: Ang Antropolohiya ay pag-aaral na may kaugnayan sa sosyo-kultural,arkeolohikal, biolohikal, at wika. Sa Antropolohiya, ang paggamit ng “fossils at artifacts” ay matibay nabatayan sa pagsulat ng Kasaysayan.Sagot:13. Ang topograpiya kabilang ang klima at panahon, ay mga importantengpaksa sa Sikolohiya. Ayon sa mga eksperto ng Sikolohiya, may mga tao na magkapareho o“identical” ang katangiang pisikal.Sagot:4

14. Sa Ekonomiks ay pinag-aaralan ang pagkakaiba ng produkto, serbisyo,mamimili at prodyuser. Ang pagluwas (export) at pag-angkat (import) ang tanging batayan sapagsulong ng ekonomiya ng bansa.Sagot:15. Ang pag-aaral ng anyong pisikal ng kalawakan gaya ng “Solar System” aykaraniwang batayan ng pag-aaral sa Heograpiya. Ang dalawang pangunahing bahagi ng Heograpiya ay Heograpiyang Pisikalat Heograpiyang Pantao.Sagot:16. Ang barangay ang tanging institusyon sa lipunan na kumakatawan sa mgatao ayon sa Sosyolohiya. Sa lipunan ay mahalaga ang elemento ng “Cooperation at Competition”upang mapabuti ang kapakanan ng bawat isa.Sagot:17. Ang Agham Panlipunan ay magkakaugnay na kaisipan na ating pinagaaralan kaya ito ay tinatawag ding “multi-disciplinary”. Napapadali at nakatutulong sa pagkilos at pag- iisip ng tao ang pag-aaralng bawat disiplina ng Agham Panlipunan.Sagot:18. Ang mga probisyon sa Saligang-Batas ng 1987 ay gabay sa paggawa ngiba pang batas sa ating bansa. Isang institusyon ang pamahalaan na nagpapairal ng mga batas atpatakaran para sa kabutihan ng mamamayan.Sagot:19. Ang lakas paggawa, entreprenyur, teknolohiya, kapital at pamahalaan aymahalaga sa produksyon at pag-unlad ng ekonomiya. Patunay na maunlad ang ating bansa kung mabilis nating nakukunsumoang ating mga likas na yaman tulad ng kagubatan.Sagot:20. Tumutukoy sa kultura ng tao at sa lokasyon ng tao sa iba’t ibang lugar angHeograpiyang Pisikal o “Physical Geography” Ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig ay ginagamit ng mga taoupang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.Sagot:5

Nasagot mo ba nang madali ang pagsusulit na ito?Huwag kang mag-alala kung mababa ang nakuha mong iskor. Itoay isa lamang Panimulang Pagsusulit. Simula pa lamang iyan ng atingmasayang pag-aaral tungkol sa Kasaysayan. Ang mahalaga ay magingmatiyaga ka sa iyong pag-aaral.Unti-unti mong matututunan ang bawat paksa at mga gawainginihanda para sa iyo. Kaya’t magsimula na tayo!ARALIN 1MGA KWENTONG MAY SAYSAYAng araling ito ay tungkol sa kahulugan ng Kasaysayan. Sasagutin natinang tanong na ito: Bakit mahalagang malaman natin ang iba’t ibang kwento mulasa nakalipas?Pagkatapos mong gawin ang mga inihandang pagsasanay sa aralin,inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Makapagpapahayag ng sariling kahulugan ng Kasaysayan;2. Maibibigay ang pagkakaiba ng batayang primarya atbatayang sekondarya sa pag-aaral ng Kasaysayan; at3. Makapagbibigay ng mga kasanayang kailangan sa pag-aaral ngKasaysayan.6

Gawain 1: Pag-isipan Mo!Ano ang mga salitang naiisip mo kapag naririnig ang salitang ito? Isulatang iyong mga sagot at naiisip na salita sa mga kahon.KASAYSAYANAno ang Kasaysayan?Nasagutan mo ba ang mga kahon? Upang malaman mo kung maykaugnayan sa kaysaysayan ang iyong mga isinulat sa mga kahon, basahin mongmabuti ang mga susunod na talata.Ang Kasaysayan ay isa sa pinakamatandang sangay ng pag-aaral saAgham Panlipunan. Si Herodutus ang kinikilalang “Ama ng Kasaysayan.” Siya aykilala sa pagsulat ng mga nakaraang pangyayari. Sa pagsulat ng kasaysayangumamit siya ng masusing pag-aaral, pananaliksik at mga ebidensyang susuportasa kanyang mga kwento.Kaya’t kung susuriin, ang kasaysayan ay isangsistematikong pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari upang maunawaan angating kasalukuyan at mapaghandaan ang ating hinaharap.7

Batay sa Kasaysayan, nauunawaan natin ang pagkakaugnay ng bawatpanahon: ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Ang Kasaysayan aysumasalamin din sa mga pagbabago ng mga tao, bayan at pangyayari.Subalitdapat mong tandaan na hindi lahat ay naitatala sa aklat ng kasaysayan. Tangingang may saysay o halaga lamang ang naisusulat.Mga Batayan Ng Pag-aaral Ng KasaysayanAlam mo ba na ang pag-aaral ng kasaysayan ay may mga pangunahingbatayan?Una ay ang batayang primarya. Tungkol ito sa mga original na gamit natinatawag na “artifacts” tulad ng gamit na bato, palayok, armas, alahas, tirahan odamit. Binubuo din ito ng mga “fossils” o mga labi ng tao, hayop o halaman.Samantala, ang batayang sekundarya ay tungkol sa mga kagamitanghango o kopya mula sa mga original.Ang mga batayang aklat na gamit sapaaralan, mga kopyang larawan o ginayang pinta (replica), ay ilan sa mgahalimbawa ng batayang sekundarya.Ang Kasaysayan ay maari ring magmula sa mga “oral tradition” okasaysayang nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao mula sa nakaraan. Ang mgahalimbawa nito ay ang mga alamat, bugtong, kwentong bayan, salawikain, awit atmarami pang iba. Ikaw, may alam ka bang kwento mula sa mga lolo at lola mo okaya ay sa tatay at nanay mo na maaaring bahagi na ng ating kasaysayan?Ikwento mo naman sa iba.Totoo na maraming kwento sa ating paligid. Subalit hindi sapat na alamnatin ang sagot sa mga tanong na: Sino? Saan? Kailan? Dapat, kaya mo ringsagutin ang Bakit o Paano?Dahil kung kayang-kaya mong sagutin yan,masasabing isa kang mahusay na mag-aaral ng Kasaysayan.8

Mga Kasanayan Sa Pag-aaral Ng KasaysayanMarami kang kasanayan na malilinang sa pag-aaral ng Kasaysayan. Angmga ito ay ang mga sumusunod: kakayahang malaman ang mga katangian ng mga lider, pinuno o pangulong ating bansa at ang naging daan ng kanilang pag-angat atpagkakatanggal sa kanilang posisyon, pagsasapuso at paggalang sa mga simbulo, adhikain, batas, alituntunin atpamunuan ng bansa, pagtataguyod sa pambansang pagkakaisa, pag-unlad at pagkakaroon ngkapayapaan, pagsasabuhay ngkarapatan at responsibilidad ng bawat isa ayon saSaligang-Batas at adhikaing demokrasya, at paglinang at wastong pagpapahalaga sa yamang likas at yamang tao ngating bayan.Kung matututuhan mo ang mga kasanayang, magiging makabuluhan angpag-aaral mo ng Kasaysayan.9

Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanNgayon ay handa ka na upang gumawa ng sarili mongpagpapakahulugan sa kasaysayan. Alam kong kaya mo yan, kaya isulat mo sapatlang ang iyong naisip. Sikaping magamit ang mga salitang isinulat mo saGawain 1. Gamitin mo rin ang mga natutuhan mo sa mga nakaraang talata.Ang KASAYSAYAN ayBinabati kita sa iyong nabuong kahulugan! Ngayon ay higit na malinaw namarahil para sa iyo ang kahulugan ng KASAYSAYAN.Tandaan Mo!Ang Kasaysayan ay isa sa pinakamatandang sangay ng pagaaral sa Agham PanlipunanSi Herodutus ang itinuturing na Ama ng KasaysayanAng Kasaysayan ay sistematikong pag-aaral ng mga nakaraangpangyayari upang maunawaan ang kasalukuyan at mapaghandaan anghinaharap.Ang batayang primarya ay tungkol sa mga original na gamit tulad ng “artifacts”at “fossils”, samantalang ang Batayang Sekundarya ay gamit na hango o kopyamula sa original. Ito ay mga tulong sa pag-aaral ng kasaysayan.Ang “oral tradition” ay bahagi ng kasaysayang nagpasalin-salin sa bibig ng mgatao tulad ng alamat, bugtong, kwentong bayan, salawikain at awit.10

Gawain 3: PaglalapatMag-isip ka ng isang mahalagang kasaysayan sa iyong buhay noongikaw ay nasa elementarya. Isulat mo sa kahon ang iyong naisip.Hanggang sa kasalukuyan ba ay mahalaga pa rin sa iyo ang pangyayaringiyon? Bakit? Isulat ang iyong sagot sa kahon (oo o hindi) at ipaliwanag mo kungbakit.May maitutulong ba sa iyong pag-aaral o pamumuhay ang pangyayaringiyon? Nakatulong ba ito sa iyong pag-unlad? O naging balakid ba ito? (Mayron owala)? Pangatwiranan mo at isulat muli sa kahon ang iyong sagot.Nauunawaan mo na ba kung paano makakatulong sa pag-unlad angnakaraan? Ngayon ay buuin mo ang mga sumusunod na patlang:Makatutulong ang Kasaysayan sa pag-unlad kung:.11

ARALIN 2KAHULUGAN AT KAUGNAYAN NG MGADISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN SA KASAYSAYANAng araling ito ay tungkol sa kaugnayan ng Kasaysayan sa iba’t ibangdisiplina ng Agham Panlipunan tulad ng: Agham Pampulitika, Antropolohiya,Ekonomiks, Heograpiya, Sikolohiya, at Sosyolohiya.Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1.Makapagbibigay ng kahulugan at halimbawa ng mga disiplina ng AghamPanlipunan ; at2.Maipaliliwanag ang mga katangian at kaugnayan ng Kasaysayan sa iba’tibang disiplina ng Agham Panlipunan.Gawain 1: Pag-isipan Mo!May iba’t ibang disiplina ang Agham Panlipunan. Ito ay ang mgasumusunod: Agham Pampulitika Antropholohiya Ekonomiks Heograpiya Kasaysayan Sikolohiya Sosyolohiya12

Makikita sa kahon ang mga salitang may kaugnayan sa bawat disiplina ngAgham Panlipunan. Pumili ng tigatlong (3) salita o konsepto na napapaloob bawatdisiplina. Isulat ang mga ito sa tamang hanay sa ibaba.aral ng mga bayaniarkeolohikalatityudbatayang primarya at sekondaryaestadoheograpiyang pantaoheograpiyang pisikalinstitusyon at mga samahanklima at panahonlipunanmahahalagang ibopagbabago ng g-batassosyo-kulturalsupply at demand ng produktokakapusan at pangangailangang agutan mo ba ang pagsasanay? Huwag kang malungkot kung hindi monailista sa tamang kahon. Ang mga susunod na paliwanag ang makakatulong upangmaunawaan mo nang mas malalim ang paksa natin. Handa ka na ba?13

Ang Mga Disiplina Ng Agham PanlipunanAng Kasaysayan (History) ay nakaugnay saiba’t ibang disiplina ng AghamPanlipunan. Ano-ano ang mga ito? Isa-isahin natin: Agham Pampulitika nomiks(Economics),Heograpiya(Geography), Sikolohiya (Psychology) at Sosyolohiya (Sociology).Pag-aralan natin ang bawat isa. Ang Agham Pampulitika (Political Science) aytungkol sa pag-aaral ng mga konsepto at prinsipyo tungkol sa pamamahala ng isanglipunan na may tiyak na teritoryo. Mahalaga ang Agham Panlipunan dahil sa mgasumusunod:a. Ito ay tumitiyak sa mga karapatan at responsibilidad ng mga mamamayan.b. Nagbibigay ito ng kaalaman sa mga batas na umiiral sa Estadoc. Nakatutulong ito sa mga mamamayan upang makibahagi sa simulain ngpamahalaan tulad ng demokrasya.Sa Agham Pampulitika din natin inaalam ang mga elemento ng Estado: ang mgatao o kabuuang populasyon sa Estado; teritoryo o ang kalupaang saklaw, angkalawakan sa itaas, at pati na ang mga katubigang itinakda ayon sa mga batas atkasunduang pandaigdig. Bukod dito, mahalagang elemento rin ng estado angpamahalaan o organisasyong institusyon na nagpapatupad ng mga batas at alituntuninsa pamamahala at tumitiyak sa kabutihan ng mga tao. Ang soberenya naman ay angelemento ng kapangyarihan ng estado na ipatupad ang mga batas at alitutunin para salahat.Pinag-aaralan din sa Agham Pampulitika ang mga itinadhana sa Saligang-Batas.Mahalagang malaman ang Saligang-Batas dahil ito ang pangunahing batayan ng mgabatas ng isang bansa.Ang Antropolohiya naman ay tungkol pag-aaral ng simula, pag-unlad atkatangian ng tao. Maaring uriin sa apat ang mga sangay ng Antropolohiya. Ang Sosyokultural na sangay ang tumatalakay sa pag-unlad ng tao sa pamamagitan ngpananaliksik pangkasaysayan. Ang Arkeolohikal na sangay ay tungkol sa sistematikongpaghuhukay at pag-aaral ng mga nagawa o naganap sa mga sinaunang tao. Ang Pangbiolohikal na sangay ang nakatuon sa pagsusuri ng mga katangiang pisikal at pagunlad ng tao batay sa mga “fossils”. Ang Pag-aaral ng Wika ay tungkol sa pag-aaral ng14

iba’t ibang lenggwahe ng tao upang malaman ang lawak at pagbabago ngpakikipagtalastasan ng mga tao sa bawat isa.Ang Ekonomiks ay ang pag-aaral tungkol sa produksyon, distribusyon, atpagpapalitan ng kalakal at pagkonsumo. Sinusuri dito ang batas ng suplay at demandat ipinaliliwanag kung paanong ang walang katapusang pangangailangan ng tao aymatutugunan kahit may kakapusan tayo sa mga yamang natural. Pinag-aaralan din saEkonomiks ang mga batayan sa pag-unlad ng isang bansa ayon sa kalagayang pangekonomiya, gaya ng pambansang kita (GNP), empleyo, pagsugpo sa kahirapan atpagpapatatag ng mga patakarang pananalapi.Isa pang mahalagang sangay ng Agham Panlipunan ay ang Heograpiya. Sa pagaaral na ito nalalaman natin ang katangiang pisikal ng daigdig. Natatalakay din angpagkilos ng tao ayon sa katangian ng kanyang paligid. Mauunawaan natin angpakikibagay sa panahon, klima, lokasyon at kahalagahan ng mga likas na yaman.May dalawang sangay ang heograpiya: Ang Heograpiyang Pisikal aynaglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubigsa daigdig. Ang heograpiyang pantao naman ay tungkol sa pagkilala sa katangian ngtao batay sa kanilang kultura at iba’t ibang gawain.May mahahalagang kaalamang natatamo tayo sa pag-aaral ng heograpiya.Natututuhan natin ang: (1) pagkakaiba o katangian ng mga lugar, (2) pag-uugnayan sapagitan ng mga tao at kanilang paligid na ginagalawan, at (3) pagsusuri sa iba’t ibanggawain ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig.Ang Sikolohiya ang sangay ng Agham Panlipunan na nakatuon sa pag-aaral ngpagkilos o paggalaw ng tao. Pinag-aaralan dito ang pamamaraan ng pakikipag-ugnayanng tao sa ibang tao o pangkat. Kabilang sa pag-aaral ang personalidad o katauhan,kakanyahan, at katangian ng indibidwal. Ang pangalawa ay ang motibo o mga layunin ohangarin ng indibidwal o pangkat. Pangatlo ay ang atityud o ang kakayahan ng tao namatutuhan ang pagtitimbang sa tama at mali. Pang-apat, ang pangkat sa lipunan at angpagkilos ng tao batay sa mga impluwensya o impresyon ng mga pangkat nakinabibilangan ng tao. Dapat natin tandaan na bagama’t may mga taong pareho angpisikal na kaanyuan, magkakaiba-iba naman sila sa aspetong sikolohikal, gaya ngpersonalidad at atityud.15

Sosyolohiya ang sangay ng pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng tao sa m

Batay sa Kasaysayan, nauunawaan natin ang pagkakaugnay ng bawat panahon: ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Ang Kasaysayan ay sumasalamin din sa mga pagbabago ng mga tao, bayan at pangyayari. Subalit dapat mong tandaan na hindi lahat ay naitatala sa aklat ng kasaysayan. Tanging ang may saysay o halaga lamang ang naisusulat.

Related Documents:

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba

2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng

Texts of Wow Rosh Hashana II 5780 - Congregation Shearith Israel, Atlanta Georgia Wow ׳ג ׳א:׳א תישארב (א) ׃ץרֶָֽאָּהָּ תאֵֵ֥וְּ םִימִַׁ֖שַָּה תאֵֵ֥ םיקִִ֑לֹאֱ ארָָּ֣ Îָּ תישִִׁ֖ארֵ Îְּ(ב) חַורְָּ֣ו ם

Araling Panlipunan Grade 10 . Alternative Delivery Mode . Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung .

Araling Panlipunan. Ikalawang Markahan- Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa . II . Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pagaaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa - kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay .

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Interaksiyon ng Demand at Supply Z est for P rogress Z eal of P artnership 9 Name of Learner: _ Grade & Section: _ Name of School: _ Alamin Ang pinakatiyak na layunin ng modyul na ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa interaksiyon ng demand at supply. Mula sa mga inihandang gawain at .