Araling Panlipunan-PDF Free Download

ARALING PANLIPUNAN
25 Nov 2019 | 1.1K views | 87 downloads | 68 Pages | 2.52 MB

Share Pdf : Araling Panlipunan

Export Araling Panlipunan File to :

Download and Preview : Araling Panlipunan

Report CopyRight/DMCA Form For : Araling Panlipunan



Transcription

Talaan ng Nilalaman, IKATLONG MARKAHAN, Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol. Aralin 1 Mga Pagbabago sa Panahon ng Pananakop 4 15. Mga Pagbabago sa Uri ng Pamahalaan 6, Antas ng Mamamayan 9. Kalagayan ng mga Babae sa Lipunan 9, Mga Pagbabago sa Ekonomiya 10. Aralin 2 Mga Pagbabago sa Kultura ng mga Pilipino sa. Panahon ng Espanyol 16 30, Relihiyon 18, Buhay Pampamilya 19. Mga Laro at Pagdiriwang 20, Mga Pagkain 20, Musika Sayaw at Sining 21.
Agham at Panitikan 22, Pananamit 23, Edukasyon 24, Aralin 3 Mga Pagbabagong Pampulitika sa Panahon ng. Espanyol 31 49, Pamahalaang Sentral 33, Pamahalaang Lokal 36. Pamahalaang Panlalawigan Pambayan Panlungsod 37, Aralin 4 Pagpupunyagi ng mga Katutubong Pangkat sa. Kolonyal na Pananakop 50 62, Tangkang Pananakop sa Cordillera 53. Tangkang Pananakop sa mga Bahagi ng Mindanao 55, Anim na Yugto ng Pananakop ng mga Espanyol sa.
Pilipinas 57, Ikatlong Markahang Pagsusulit at Talaan ng Ispesipikasyon. Susi sa Pagwawasto, IKATLONG MARKAHAN, Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang. Kolonyal ng mga Espanyol, Mga Pagbabago sa Panahon ng. Maraming pagbabago ang ipinakilala ng mga Espanyol sa uri ng. pamumuhay ng mga Pilipino tulad ng pagbabagong pampulitika. panlipunan at pangkultura Krus at espada ang ginamit na sandata ng mga. Espanyol sa pananakop ng ating bansa Ginamit ang mga misyonero upang. mahimok ang maraming Pilipino sa paniniwalang Katolisismo Maliban sa. paniniwalang Katolisismo marami pa ang nabago sa pamumuhay ng mga. Pilipino na tatalakayin sa araling ito, Pamantayan sa Pagkatuto 10 days. 1 Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon. ng mga Espanyol e i pagkakaroon ng organisadong poblasyon uri. ng tahanan nagkaroon ng mga sentrong pangpamayanan at iba. pa AP5KPK IIIa 1, 1 1 Naiisa isa ang uri ng panahanan sa panahon ng Espanyol.
1 2 Natutukoy ang pagbabago sa uri ng panahanan ng mga. Pilipino sa panahon ng Espanyol, 1 3 Naipaliliwanag ang pagbabago sa uri ng panahanan ng mga. Pilipino sa panahon ng Espanyol, 2 Napaghahambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan. bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng Kolonyalismo. AP5KPK IIIb 2, 2 1 Napaghahambing ang mga tradisyunal at di tradisyunal na. papel ng babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa. panahon ng kolonyalismo, 2 2 Naipaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga. sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo, 2 3 Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapabuti ng.
katayuan ng mga babae, Paksang Aralin, Paksa Mga Pagbabago sa Panahon ng Pananakop. Kagamitan Manila paper panulat Video presentation, Sanggunian Learner s Material p. A Panimula, 1 Ipakita ang mga sumusunod na larawan sa buong klase at pag. usapan ang mga ito gamit ang mga tanong na nasa ibaba. Kunin ang mga larawan sa soft copy ng LMs at i print ang mga. larawan sa bond paper na may akmang laki upang makita ng. lahat ng mga mag aaral sa loob ng klase, a Ano ano ang mga ipinakitang larawan. b Anong materyal materyales gawa ang mga ito, c Ilarawan ang bawat panahanan.
d Sa kasalukuyan may mga panahanan pa bang ganito ang. pagkakagawa, e Paano ninyo ilalarawan ang mga tahanan sa kasalukuyan. f Kung kayo ang papipiliin aling panahanan ang nais ninyong. tirhan panahanan noon o sa kasalukuyan Bakit, 3 Iugnay ito sa aralin. Mahalaga na malaman natin ang mga pangyayaring, nagbago sa panahanan ng ating mga ninuno at ang naging. pagbabago nito sa pananakop ng mga Espanyol Ito ang ating. pag aaralan sa araw na ito, B Paglinang, 1 Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga sumusunod na tanong. a Ano ang ibig sabihin ng panahanan, b Ano ano ang mga uri ng panahanan ng ating mga ninuno.
c Paano nagbago ang pamumuhay ng mga Pilipino sa, pagbabago ng panahanang dulot ng kolonyalismong. d Ano ang epekto ng pagbabagong ito sa pamumuhay ng. mga sinaunang Pilipino, 2 Pakinggan ang mga sagot ng mga mag aaral Tanggapin ang lahat. ng mga sagot nila, 3 Talakayin ang aralin gamit ang sumusunod na teksto. A Mga Pagbabago sa Uri ng Panahanan, Napagsama sama ang mga katutubong Pilipino sa mga pueblo dahil. sa pagkakaroon ng reduccion o ang sapilitang paglilipat ng mga Pilipino. sa iisang lugar mula sa malalayong pamayanan Ang panahanan ng. ating mga ninuno na dati rati y sa mga tabing ilog lamang ay napalitan. ito sa pagdating ng mga Espanyol, Nagkaroon ng pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa.
pagdating ng mga Espanyol nagkaroon ng pagbabago sa lokasyon. may mga bahay para sa mga nakaririwasang Pilipino at karaniwang. Pilipino Sa ating bansa ay maraming mga lumang bahay Ang unang. bahay ang bahay kubo o nipa hut sa ingles ay ang bahay ng mga. Pilipino kung saan ang kanyang arkitektura ay iniangkop sa mainit na. kapaligiran at klima ng Pilipinas upang matamo ang ginhawa ng tumitira. dito Ang mga materyales na gagamitin dito ay nasa palagid lamang ng. mga katutubong Pilipino, Mahalaga ang bahay, kubo ayon kay Dr Zeus. Salazar dahil sa pinakalat ng, kolonyalismo na nosyon ng. kahit munti akala natin, maliliit ang mga bahay kubo. Ngunit tulad ng Langgal at, Torogan sa Maguindanao. malalaki ito at ilang pamilya, ang maaaring tumira Maaari itong tawaging Bahay Austronesyano ang.
kultural na gamit na tugon sa tropikal na klima sa karagatang Pasipiko. Langgal Torogan, Ang Torogan ay ang tawag sa bahay ng mga Maranao ng nakatira sa Rehiyon ng. Lanao sa Mindanao Ang mga nagmamay ari ng bahay na kagaya nito ay na nabibilang sa mataas na. antas ng lipunan Ito ang nagsisilbing tahanan para sa datu kasama ang kanyang mga asawa at mga. anak Sa isang pamayanan ipinagbabawal magkaroon ng bahay na mas malaki pa kaysa sa torogan ng. datu sapagkat ito ay nagpapakita ng estado karangyaan at kayamanan. Ang torogan ay bahay na tinitirahan ng datu Ang bahay na ito ay walang mga kwarto at ito ay. tamang tamang tirahan para sa pamilya ng datu sa kanyang mga asawa at mga anak Ang bintana ng. torogan ay gawa sa mga piraso ng kahoy na nakakabit sa kahoy na panel at dinesenyuhan ng okir Ito. ay nakalagay sa harapan ng bahay Ang lutuan ay kalahating metrong mas mababa sa bahay at. ginagamit upang lugar ng kainan at lutuan Ang torogan ay nilalagyan ng madaming dekorasyon May. disenyong diongal sa bubong sa sahig at bintana ay okir naman ang disenyon Mayroon ring mga. malong na nakasabit gamit ang mga tali ito ay upang magkaroon ng harang sa isang partikular na. teritoryo Ang bahay ay ginawa upang sumunod sa galaw ng lindol dalawampu t limang poste ng. mamalaking puno ang sumusuporta sa bahay bagaman hindi ito nakabaon sa lupa Minsan gumagamit. ng mga wooden pegs para mas maging matibay ang istruktura. Ang torogan ay hindi lamang ginagamit para tirahan ng datu at nang kaniyang pamilya may iba pa. itong gamit ang tahanang ito ay ginagamit din sa tuwing may mga kaganapang pang lipunan at. pangrelihiyon kagaya ng kasalan dito rin minsan binuburol ang patay mga konperensya at kahit. pagdidisiyson sa mga kriminal Minsan ginagamit din itong bahay para sa mga bisita ng lugar. Mula sa isang bahay kubo itinuro ng mga Espanyol sa mga katutubo. ang paggawa ng bahay na bato o tisa Ibinahagi rin nila ang antillean na. istilo ng paggawa ng bahay Ang ibabang bahagi ng mga antillean na. tahanan ay yari sa bato samantalang yari naman sa kahoy ang itaas. Mayroon itong malalaking bintanang gawa sa capiz Kapag sarado ang. bintana mayroon itong ventanilla o maliit na bintana sa ibaba na. binubuksan tuwing gabi Gayunpaman mayayaman lamang ang. nakapagpapagawa ng ganitong uri ng bahay Masdan ang larawan sa ibaba. halimbawa ng mga bahay na bato ng syudad San Fernando. Hizon Singian House This bahay na bato was declared a The ancestral home of Fernando Ocampo Hizon This. heritage house by the National Historical Institute in renowned architect help rebuilt the church after the war He. January 2003 Currently owned by the heirs of the late was one of the founders of the UST school of Architecture. businessman and civic leader Gerry H Rodriguez the house and Fine Arts. was built in 1870 by the couple Don Anacleto Hizon. gobernadorcillo of San Fernando from 1877 1879 and 1886. 1887 and Victoria Singian de Miranda y de Ocampo, Nanatiling bahay kubo ang tirahan ng nakararaming katutubo. Nagkaroon lamang ng kaunting dagdag gaya ng balkonahe o azotea at. banggera Ang balkonahe ay isang bahagi sa harap ng kubo kung saan. karaniwang sama samang pinagpapahingahan ng mag anak Lagayan. naman ng pinggan palayok at iba pang kagamitan ang banggera na. matatagpuan sa gawing likuran ng bahay, banggera balkonahe o azotea. Karamihan sa mga katutubong Pilipino ang nanatili ang kanilang. payak na tahanan Karaniwang yari sa kahoy at pawid pa rin ang kanilang. bahay na may isang silid na kanilang kinakainan at tinutulugan May batalan. din ito na kanilang pinagpapaliguan at pinaghuhugasan sa mga kagamitan. Ang silong ng bahay ay ginagawang kulungan ng mga hayop at taguan ng. Iba iba man ang istilo ng mga tahanan noon mayroong isang bahagi. ang bahay na hindi mawawala ang altar Dito nakapatong ang mga. rebulto ng mga santo Dito lumuluhod ang magpapamilya tuwing. magdarasal ng rosaryo ng orasyon gabi gabi, B Antas ng Mamamayan. Bago pa man dumating ang mga Espanyol mayroon nang antas o. katayuan sa lipunan ang mga mamamayan maharlika timawa at alipin. Nagkaroon ng bagong pagpapangkat sa lipunang Pilipino sa panahon ng. 1 Peninsulares mga Espanyol na isinilang sa Espanya at naninirahan sa. Pilipinas dahil sa ibinigay sa kanilang katungkulan sa pamahalaan o. simbahan Itinuturing na pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa. bagong pagpapangkat pangkat, 2 Insulares mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas.
3 Mestizo mga mamamayang mayroong magkahalong lahi o mga. hindi purong Pilipino Ito ang pinakamataas na antas na maaaring. maabot ng isang Pilipino, 4 Principalia mga katutubong Pilipino na binigyan ng kapangyarihan o. posisyon sa lokal na pamahalaan, 5 Inquillino mga taong pinili upang mamahala o mangasiwa ng mga. lupa ng mga mamamayan at mga prayle o pari, 6 Indio mga katutubong Pilipino pinakamababang antas. C Kalagayan ng mga Babae sa Lipunan, Sa panahong bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa. mayroong kapangyarihan ang mga kababaihan sa lipunan Minsan sila. ay nagiging babaylan katalonan o kaya naman ay prinsesa Ang dating. mataas na katayuang ito sa lipunan ay higit pang tumaas sa ilalim ng. pamahalaang kolonyal Ang mga kababaihan ay nirerespeto ng lahat ng. kalalakihan Sila ay malayang nakakalahok sa mga gawain sa. pangangalakal, Ang mga babaeng walang asawa ay lubos ding iniingatan.
Kinakailangan nilang magkaroon ng kasama o tagabantay sa tuwing sila. ay aalis ng tahanan o sa pagdalo sa mga pagtitipon Hindi sila basta. maaaring makihalubilo sa mga kalalakihan, Ang mga kababaihan ay hindi maaaring makapag aral sa mga. unibersidad at makakuha ng kursong abogasya medisina at iba pa Sila. naman ay binigyan ng pagkakataong makapag aral sa mga kolehiyo at. beateriong eksklusibo lamang para sa kababaihan Ang kolehiyo ay. regular na paaralan para sa mga kababaihan Sa mga beaterio naman. ay sinasanay sila sa pagluluto pananahi at pagbuburda upang maging. mabuting ina at asawa Pinag aralan din nila rito ang Doctrina Christiana. musika at ang kagandahang asal Ang kababaihan namang walang. balak mag asawa ay kadalasang binibigyan ng pagkakataong. magmadre at ialay ang kanilang buhay at panahon sa Diyos. Ang kababaihan sa ating lipunan noong bago dumating ang mga. Espanyol ay talagang naiiba sa kababaihan sa Asya na itinuturing na. alipin o mababa ang antas sa lipunan Ito ang isang malaking bagay na. hinahangaan at maaaring ipagmalaki sa ating kultura. D Mga Pagbabago sa Ekonomiya, Gumamit ng iba t ibang paraan ang Espanya sa pagpapatakbo ng. ekonomiya ng Pilipinas Ang ekonomiya ay ang sistema ng paglikha. pamamahagi paggamit at pangangasiwa ng yaman kalakal at. serbisyo ng bansa, 1 Merkantilismo, Masidhi ang pagnanais ng mga Europeong bansa noong ika 16. hanggang ika 18 siglo na mapayabong ang kanilang ekonomiya. Bunga nito ginamit ng mga makapangyarihang bansa ang sistemang. merkantilismo, Sa ilalim nito pinalakas ng isang bansa ang kanyang. ekonomiya sa pamamagitan ng pagpaparami ng pagluwas ng. produkto kaysa pag angkat Hindi maaaring magkaroon ng industriya. sa mga kolonyang sakop ng isang bansa Ang mga produkto ng mga. kolonya ay ipinadadala nang hilaw sa sumakop na bansa kung saan. ito pinauunlad at ginagawang industriya, Ito ang sistemang umiral sa Pilipinas Ginamit ng Espanya ang.
mga natural na produkto ng bansa upang lumakas ang ekonomiya. nito Isa sa mga halimbawa ng mga produktong ito ay ang tabako. 2 Kalakalang Galyon, Naging sentro ng kalakalan ng Tsina at Mexico ang mga. daungan sa Pilipinas Pangunahing kalakalan na kinasangkutan ng. Pilipinas ay ang Kalakalang Galyon Ito ay ang paraan ng. pangangalakal ng mga Tsino at Mehikano sa pamamagitan ng. paglalakbay gamit ang galyon o sasakyang pandigma, Walang masyadong produktong katutubo ang isinali sa. kalakalan Ang tanging partisipasyon lamang ng mga Pilipino sa. kalakalang galyon ay magsilbing polista o kaya y sundalo. 3 Monopolyo, Nang maging gobernador heneral si Jose Basco noong 1778. nagpasimula siya ng mga programang pang ekonomiya upang. mapaunlad ang Pilipinas Isa rito ang monopolyo sa mga produkto. ARALING PANLIPUNAN Grade 5 Ikatlong Markahan Kagamitan ng Mag aaral at Gabay sa Pagtuturo 2016 Page 2 Talaan ng Nilalaman IKATLONG MARKAHAN Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol Aralin 1 Mga Pagbabago sa Panahon ng Pananakop 4 15 Mga Pagbabago sa Uri ng Pamahalaan 6 Antas ng Mamamayan 9 Kalagayan ng mga Babae sa Lipunan 9 Mga Pagbabago sa Ekonomiya 10 Aralin 2 Mga

Related Books

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III Pangalawang Markahan Layunin Naituturo sa mapang pisikal ng bansa ang kinaroroonan ng mga pangkat entnolingwistiko at etniko ng bansa Natatalakay ang impluwensiya ng heograpiya sa pagkakapangkat pangkat ng mga Pilipino ayon sa wika sining paniniwala at kultura

ARALING PANLIPUNAN I

ARALING PANLIPUNAN I

nabatid natin na isa sa mga sangay ng pag aaral ng Agham Panlipunan ay Heograpiya Nabatid din natin na may malaking kaugnayan ang heograpiya sa ang Kasaysayan Sa modyul na ito sisikapin nating unawain ang kahalagahan ng pisikal na katangian o heograpiya ng ating bansa May tatlong araling inihanda para sa iyo

Araling Panlipunan Grade 5

Araling Panlipunan Grade 5

1 Araling Panlipunan Grade 5 Patnubay ng Guro YUNIT II PAMUNUANG KOLONYAL NG ESPANYA th Ika 16 hanggang 17th siglo Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro Konsultant Virgilio L Laggui

Araling Panlipunan Grade 5 bulacandeped com

Araling Panlipunan Grade 5 bulacandeped com

K TO 12 ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol IKATLONG MARKAHAN Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag unawa sa mga pagbabago sa lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya nito sa kasalukuyang panahon Pamantayan sa

ARALING PANLIPUNAN III lrmds depedldn com

ARALING PANLIPUNAN III lrmds depedldn com

13 Sasakyang pandagat na ginamit ng mga Kastila na naglalaman ng mga malalaking bulyon ng mga yamang kanilang nakuha sa mga lugar na kanilang sinakop a Galyon b Caravel c Armada d Steam Ship 14 Pagsisimula ng pagbabago sa pamamaraan ng pangangalakal pagkakaroon ng mga pamilihang laglagan ng mga produkto at paggamit ng pera sa pamilihan a

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga opisyal sa pamahalaang barangay Pangatlong Araw Day 3 Pamamaraan A 1 Pagbabalik aral Anu ano ang kapangyarihan at tungkulin ng mga namumuno sa bayan Paano nila ito magagampanan 2 Pagganyak Tingnan ulit ang larawan ng mga namumuno o opisyal ng bayan Ano ang masasabi ninyo sa kanila

ARALING PANLIPUNAN I lrmds depedldn com

ARALING PANLIPUNAN I lrmds depedldn com

simbolo ng pagbabalik ng demokrasya sa ating bansa Mga katagang tunay na nakapagpabagsak ng diktadurya ni Pangulong Marcos at nakapagpalaya sa mga Pilipino sa tanikala ng batas militar Mga katagang nagpasigla sa mga Pilipino upang muling itaguyod ang isang Republikang malaya makatao at makaDiyos

ARALING PANLIPUNAN eedncr files wordpress com

ARALING PANLIPUNAN eedncr files wordpress com

ARALING PANLIPUNAN Grade 1 daigdig at ang batayang Grade 5 Naipamamalas ang pag unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa pagkabuo ng

SUBJECT ARALING PANLIPUNAN 6 YEAR LEVEL GRADE 6

SUBJECT ARALING PANLIPUNAN 6 YEAR LEVEL GRADE 6

Hispano Filipino AP6MPK Ic 5 Talakayan aklat kwaderno lapis propaganda patnugot parokya kilusan proyekto programa Gawaing Upuan Pag usapan Natin p 47 HULYO 5 2018 ARALIN 3 2 MGA NAGAWA NG KILUSANG PROPAGANDA SA PAGKAMIT NG KALAYAAN p 42 46 KILUSANG PROPAGANDA p 48 MGA DAHILAN NG PAGKABIGO NG KILUSANG PROPAGANDA 6 Naipaliliwanag ang ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN GRADE 1 Ikaapat

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN GRADE 1 Ikaapat

ARALING PANLIPUNAN GRADE 2 Ikaapat na Markahan Kahalagahan ng mga Paglilingkod sa Komunidad Mga Taong Tumutugon sa Ating mga Pangangailangan Mga Programang Pangkalusugan Pang edukasyon Pangkabuhayan at Pangkapayapaan Mga Karapatan at Tungkulin sa Sarili Pamilya at Komunidad

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN GRADE 1 Ikalawang

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN GRADE 1 Ikalawang

Mga Programang Pampamahalaan noong Panahon ng Komonwelt Mga Suliraning Panlipunan at Pangkabuhayan Ang Motibo at Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas Mga Patakarang Pang ekonomiya sa Panahon ng Hapones Pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga Hapones Quirino Highway corner P dela Cruz Street Novaliches Quezon City Telefax 417 3105 email address rcbn

ARALING PANLIPUNAN I DEPED LDN

ARALING PANLIPUNAN I DEPED LDN

pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal at pag aanyaya sa mga dayuhang kapitalista gaya ng mga Amerikano na magtayo ng kanilang negosyo dito sa bansa Maka Amerikano si Roxas Ito ay naging malinaw sa mga Pilipino noong inihayag niya sa kanyang talumpati na dapat sumunod ang mga mamamayan sa Estados Unidos at sa adhikain nito